Share

CHAPTER 5

JANE

Hinatid ako ni Sarah at Michelle, gamit ang kotse ko. Ininwan nila ang mga kotse nila.  Ayokong pang-umuwi, dahil gusto ko pag-uwi ko 'yung tipong hihiga na lang ako sa kama at makakatulog na agad.

"I'm sorry, alam ko naman hindi ka pa sana'y uminom ng marami." Wika ni Michelle.

"S-sige na, okey lang. Umuwi na kayo kasi papasok na ako sa loob." sagot ko lang at tumango lang sila.

"Good night, matulog ka na agad message ka namin mamaya." paalam ni Michelle at Sarah.

Sumenyas naman ako sa mga guard na isara na ang gate, halos hindi ko na gaano makita ang daan dahil nahihilo na ako talaga. Pero kahit paano nakakalakad pa ako, inaayos ko ang lakad ko upang makarating ako sa pinto, pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Zach na galing sa kitchen.

Tiningnan niya ako pero hindi ko siya pinansin, akala ko tatanungin niya ako kung saan ako galing pero balewala lang itong umakyat sa itaaas. Naiiyak na nagpunta ako sa sopa upang doon na lamang matulog dahil pakiramdam ko hindi ko na kayang umakyat pa. Dahil baka mamaya mahulog pa ako kapag pinilit ko.

--------

Naalipungatan ako at biglang napatayo dahil nakaramdam ako na kailangan kong gumamit ng cr. Napansin ko na umaga na dahil medyo maliwanag na sa labas.

Matapos ko mag-cr nagpunta ako sa kitchen upang magtimpla ng kape, pero nakita ko si Zach at napansin ko ang envelope sa table.

Tahimik na naglakad ako at kumuha ng tasa at dahan-dahan ang pagkilos ko, nakikiramdam ako sa kaniya dahil hindi niya manlang ako sinulyapan o kinakausap.

"Basahin mo 'yan at pirmahan mo na lang, kukunin ko na lang ulit sa'yo."

Napakunot naman ang noo ko nang tingnan ko ang inaabot nitong envelope. Ayoko man kuhanin dahil pakiramdam ko kinakabahan ako sa mababasa ko kung ano man ang na sa loob nito.

"Sa-sandali, para saan ba 'to?" Kinakabahan na tanong ko at lumakas ang tibok ng puso ko.

Hindi siya sumagot sa akin dahil busy siya sa hawak niyang cellphone, naisip ko na baka si Selena ang kausap niya. Ayaw ko man tingnan pero ginawa ko, nilaksan ko ang loob ko. Sinilip ko sa loob at kahit hindi ko pa lubos na nakikita ng buo ang papel sa loob, alam ko na. Annulment paper

"Z-Zach, kailangan ba talagang gawin natin 'to?" Naiiyak na tanong ko pero pilit na pinipigilan ko na huwag bumagsak ang mga luha ko.

"Kailangan ko pa ba na sagutin 'yan, Jane?" nakaangat ang kilay na sagot niya.

"P-pero.." nanginginig ang boses ko.

"Hindi ka naman masaya, tama? At gano'n rin naman ako. Hndi ka buntis, wala ng dahilan para patagalin pa natin 'to dahil mukhang wala ka naman balak na maghiwalay tayo. Ako na ang gagawa ng paraan at para rin mapadali ang lahat."

"A-Ayoko, mahal kita Zach, please." mahinang sambit ko habang nag-uumpisa ng tumulo ang luha ko sa envelope na hawak ko.

"Pinahihirapan mo lang sarili mo lalo na ako, matalino ka, pero dito sa ginagawa mo hindi mo ginagamit ang utak mo. Hanggang kailan ko ba ipapaunawa sa'yo na hindi kita maaaring mahalin? Gusto mo ba na mas lalong masaktan?"

Malakas na sabi ni Zach sa akin na mas lalong bumuhos ang luha ko, naramdaman ko na ang pagtaas baba  ng balikat ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"H-handa ako'ng m-masaktan, Zach. Nandito ka na sa akin at gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako." sagot ko na sa garalgal na tono.

"Puwede ba, Jane. Pakawala na natin ang isa't isa, wala akong pananagutan sa'yo. Ikaw ang nagtali sa akin dito at may sarili akong kaligayahan." galit pang muling sabi niya at tumalikod na ito, nagsimula ng maglakad palabas.

Nakita ko na huminto siya at naiiling at nagpatuloy sa paglalakad.

Yumuko ako sa lamesa at dito ko binuhos ang luha konag-iiyak nang husto. Dahil kanina ko pinipigilan ang sobrang emosyon. Kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin, ayos lang. Sinabi ko naman, Duke. Hangga't mahal kita dito ako sa'yo at hindi ko pipirmahan ang annul

ment na 'to.

--------

Maghapon ulit nagmukmok sa loob ng kuwarto at nag-iisip ng mga dapat kong gawin. Hanggang sa may kumakatok sa pinto, nagulat ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. At isa pa hindi naman siguro si Zach ang kumakatok.

Dahan-dahan ako'ng bumaba ng kama at lumapit sa pintuan, nagulat naman ako dahil ang mama pala ni, Zach. Nahihiyang napayuko ako dahil sa itsura ko dahil maga ang mata ko sa kakaiyak.

"Bumaba ka at hihintayin kita," seryosong sabi nito sa akin.

Napapaisip na nagpunta ako sa banyo upang maghilamos, nagpulbos rin ako upang matakpan kahit paano ang maga kong mata. Pagbaba ko naiilang na lumapit ako sa biyenan ko dahil ngayon lang ulit kami nagkaharap matapos ang kasal.

"Kamusta naman kayo? Hindi pa ata kayo nagkakaanak?"

Tanong agad nito pagkaupo ko sa kabilang upuan na katapat niya. Hindi naman ako agad makasagot dahil sa hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o magdadahilan.

"A-aa... Ok naman po kami, saka hindi pa po kami handang magkaanak." sagot ko na medyo kinakabahan dahil sa seryoso lang mukha nito.

"Hindi na ako magtatanong pa dahil alam ko naman kung ano ang totoo, pero ito lang gusto kong itanong kaya ako nagpunta rito." wika nito at seryosong nakatingin sa akin at naguguluhan ako sa sinabi niyanh alam niya ang totoo.

"Ha? A-ano po 'yun?" Kuryos na tanong ko.

"Gaano mo kakilala si Selena?" Tanong nito at tuwid na tumingin sa akin.

Natigilan naman ako sa tanong ng biyenan ko at ang tagal bago ako nakasagot. "Hindi ko po siya masiyadong kilala pero nakasama ko na siya minsan." Totoong sagot ko, may naalala naman ako tungkol kay Selena pero hindi na ko na sinabi pa.

Natahimik naman ang mama ni Zach na parang may malalim na iniisip.

"Bakit niyo nga ho pala naitanong?" Lakas loob na tanong ko.

"Ang sabi ni Zach, tatlong taon niya ng nobya si Selena, tama ba?" muling tanong nito.

Napatango na lang ako at naguguluhan talaga ako kung bakit naitanong niya ito. Marahil gusto niya lang malaman ang iba pang impormasyon sa sana'y magiging manugang niya pero hindi nangyari dahil sa ginawa ko.

"Bueno, ako'y aalis na. Huwag na huwag mong bibitawan ang asawa mo at gawin mo ang lahat para mahalin ka niya, at isa pa bigyan mo ako ng apo." sabi pa nito at tumayo na.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ng biyenan ko, hatid tanaw ko na lang siya hanggang sa makalabas na ito.

Napaupo na napapangiti ako sa tuwa dahil sa sinabi ng mama ni, Zach. Ibig sabihin gusto niya ako para sa anak niya? Isip ko habang nangingiti sa upuan dahil kahit paano nabuhayan ako ng loob. Akala ko galit siya sa akin dahil simula ng ikasal kami ni Zach, tahimik lang ang mama niya.

"Bakit nagpunta ang mama ni Zach dito?"

Nagulat naman ako at napatayo dahil sa biglang pasok ni Selena, hindi pa nagtatagal na nakaalis ang mama ni, Zach. Nakapameywang ito sa harap ko.

"Bakit nandito ka? Bakit gusto mo malaman kung bakit nagpunta dito ang mama ng asawa ko?" malakas ang loob na sabi ko at talagang diniinan ko ang salitang asawa ko.

"I don't care! Sagutin mo ang tinatanong ko, baka akala mo porke dinalaw ka ng mama ni, Zach. 'ay buto na siya sa'yo. Huwag ka ngang mangarap ng gising, Jane!" mapang-asar na sabi nito.

"Sandali, ano ba ang problema mo? At isa pa alam mo, Selena. Ganyan ba talaga ang ugali mo? Eskandalosa kapag wala si, Zach?." naiiling na turan ko sa kaniya at naglakad na ako upang balewalain siya dahil kapag nariyan si Zach, para siyang hindi makabasag pinggan.

Nagulat ako ng hatakin nito ang braso ko pabalik sa harap niya.

"Huwag mo ako'ng tatalikuran!Kinakausap pa kita!" sigaw nito at duro nito sa mukha ko.

Tinabig ko naman ang daliri niya na kinagulat niya. "Huwag mo ako'ng dinuduro dahil wala kang karapatan, kung tutuusin puwede kitang ipadamot sa mga guard dito para palabasin. Pero hindi ako ganun na tao." mariin na sagot ko sa kanya at napataas ang kilay niya.

"Ang kapal mo talaga noh? Saan mo ba nakukuha yang kakapalan ng pagmumukha mo, Jane? Halata naman na ikaw lang ang nasasaktan sa kagagahan at kalandian na ginawa mo!" nakangising sabi nito.

Hindi na ako sumagot dahil ayoko ng humaba pa dahil magkakasakitan lang kaming dalawa. Muli akong naglakad at nilagpasan siya.

"Huwag na huwag mong aakitin si Zach! Dahil ako ang makakalaban mo at isa pa nga pala, nabasa mo na ang envelope na binigay sa'yo ni, Zach? Pakipiramahan na lang ah?" natatawang pang-aasar niya sa akin.

Napakuyom naman ako sa kamao ko at mabilis na naglakad paakyat sa kuwarto.

Manigas ka Selena hindi ko 'yon pipirmahan, ngayon pa nakita ko kung ano ang tunay mo na ugali. Ibang klase ka pala kapag wala si, Zach? Hindi ka nararapat sa kanya.

Gagawin ko ang lahat para makalimutan ka ni Zach at ipapakita ko sa kaniya na hindi mali ang pagpapakasal namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status