Share

CHAPTER 3

JANE

Matapos kong magligpit dito sa kusina dahil mamaya pa darating ang mga kasambahay na kinuha ni papa dahil siya na mismo ang nangulit sa akin na kumuha na, dahil ayaw niya raw na mahirapan ako. Gusto ko kasi ako ang magsilbi sa asawa ko, dahil baka kapag ginawa ko 'yun lumambot ang puso niya pero walang nangyari.

Kahit pa lumaki ako sa marangyang buhay 'ay hindi ako katulad ng iba na walang alam sa mga gawaing bahay, dahil ang mama ko mismo ang nagturo sa akin. Lumabas ako at balak kong magtungo sa swimming pool dala ang kape na tinimpla ko.

Natigilan ako sa paglalakad dahil nakita ko si Selena na pababa ng hagdan, nakasuot ito ng roba at mukhang maliligo.

"Masaya ba ang maging, Mrs. Galvin?" Nakangiting sabi niya sa akin na alam ko naman na may kasamang pang-iinsulto yon.

"Puwede ko kayong kasahun dahil legal na mag-asawa kami ni, Zach." matapang na sagot ko pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko 'yun magagawa dahil oras na gawin ko 'yun malalaman ng lahat. Lalo na ang ama ko, hindi ko alam kung ano gagawin niya oras na malaman niya ang malaking kasinungalingang ginawa ko.

"Just do it,  dahil ganyan kakapal ang mukha mo at nagawa mo pang manakot sa akin? Bakit sino ba ang may dahilan kung bakit ito nangyari ha? Dahil 'yan sa kalandian mo!" galit na sagot nito.

Hindi ako nakaimik dahil tama naman siya, ano ba talaga ang laban ko dito? Dahil una palang talo na ako dahil sa kalasanan na ginawa ko. Pero hindi ko matangap na sabihan niya akong malandi, nagpipigil ang kamay ko dahil ayokong magkaroon ng gulo.

"Alam mo ba na hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang pamimikot mo sa mapapangasawa ko? Malandi ka kasi! Maladi ka!" singhal nito sa pagmumukha ko.

Halos tumabingi ang mukha ko nang sampalin ako ng malakas ni Selena. Gumalaw ang kamay ko at sinampal ko rin siya pero mabilis na nakailag siya kaya nahagip lang ang gilid ng piangi niya ng kamay ko.

"Talagang gaganti ka pa? Bakit tinatamaan ka? Dapat lang dahil totoo naman. Mabuti nakakatulog ka pa? At tandaan mo, asawa ka lang niya sa papel at hindi ka niya mahal. Ako ang mahal niya, darating ang oras na mababawi ko siya sa'yo!" Sabay talikod niya sa akin at muling umakyat sa itaas.

Pakiramdam ko nablangko na ang isipan ko, at ang kamay ko na nalanta na parang gulay. Dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko, pero lalaban ako.

Hindi naman ako papayag na agawin mo pa siya sa akin, na sa akin na siya. Pero paano kung mawala talaga siya ng tuluyan sa akin?

--------

Tahimik ako habang nasa pool at todo ang pigil ko sa luha ko, simula na tumira kami dito ni Zach, lihim na umiiyak ako sa tuwing dinadala niya si Selena dito, dahil sabi ni Zach noon. Kung gusto kong magtagal kami kailangan ko hayaan kung ano ang gusto niyang gawin.

Yun nga ang ginawa ko kahit pa mukha na akong tanga dito sa loob ng bahay. Hindi ako umaalis dito, gusto kong ipakita kay Zach na nakahanda akong maghintay.

"Hindi ka pa ba susuko?"

Naalala ko ang katagang sinabi na yan ni Zach, isang beses na magkaharap kaming dalawa habang nagluluto ako ng pagkain nila habang tahimik na umiiyak.

Napabuntong hininga ako at hinigop ang kape, kahit marami ng sakit akong nararamdaman magtitiis ako para sa lalaking mahal ko. Kahit pa napakababa na ang magiging tingin ng iba sa akin.

Inubos ko na ang kape at dinala sa kusina, paglabas ko nakita si Selena at Zach na magkahawak kamay papunta sa pinto. Aalis sila na parang wala lang.

Kailan ko kaya mararanasan na hawakan mo rin ako sa kamay?

Piping bulong ko sa isipan ko habang nakatanaw sa dalawa na tuluyan ng nawala sa paningin ko.

-------

Hapon na at wala pa rin ang asawa ko, hindi ko alam kung saan sila nagpunta ni Selena, dahil linggo naman ngayon at wala siyang pasok sa opisina. Binigyan siya ni papa ng puwesto sa kompanya, balang araw siya ang gagawing CEO doon. Pero parang hindi masaya si Zach, dati yun ang pangarap niya at hawakan ang isang malaking kompanya.

Alam ko na maghapon silang magkasama dahil hindi namann siya magpupunta sa bahay nila na hindi ako kasama. Naiiyak ako kapag naiisip ko na magkasama sila kahit na alam ko naman na simula noon pa lang wala na ako'ng karapatan 'kay Zach. Ang tanging karapatan ko na lang sa kaniya 'ay legal na asawa niya ako kahit na anong mangyari.

"Ma'am, may bisita po kayo."

Napatayo ako mula dito sa sopa bigla dahil nakita kong kasama ni manong guard si Michelle ang matalik kong kaibigan. Bigla akong napapunas sa gilid ng mata ko dahil nakatingin sa akin si, Michelle.

"Chelle, ikaw pala. Bakit hindi ka nag-message na pupunta ka pala?" sabi ko at pa-simpy na tumingin ako sa ibang direksyon.

Alam niya ang buong pangyayari dahil minsan ko ng nakuwento sa kanya. Dahil siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.

"Ayos ka lang ba?"

Natigilan naman ako sa pag-upo ko ng maayos ng magsalita si Michelle.

"Ha? Yes, naman.  Ayos lang ako. Akala ko galit ka sa akin kasi hindi ka nagpunta ng kasal namin ni, Zach." sagot ko lang.

"Oo, pero naunawaan naman kita bandang huli. At nandito ako bilang bestfriend mo na kapag kailangan mo ng makakausap sabihin mo lang." nakangiting sabi nito.

Ngumiti mo na ako sa kaniya. "Maupo muna tayo dito, alam mo ako nga ang nahihiya dahil sa ginawa kong kagagahan." sabi ko at pilit ang ngiti.

"Alam ko na hindi maganda pagsasama niyo, Zach. Dahil... Minsan ko ng nakita si Zach at Selena na magkasama." malungkot na kuwento ni Michelle, kilala rin kasi niya si Selena dahil tinuro ko yun one sa kanyan noong may pinuntahan kaming party at nandoon si Zach kasama si, Selena.

Natahimik na lang ako dahil nakita na pala ni Michelle. Pilit na ngitian ko siya at tumayo ako dahil balak kong kumuha ng makakain namin kahit paano.

"Mahal mo ba talaga siya?" Natigilan ako sa paghakbang.

Tumango ako kahit hindi ko nililingon si Michelle, naramdaman ko na ang pag-init ng dalawang sulok ng mata ko.

"Ok, lang yan. Sige umiyak ka, mahirap 'yung pinigilan mo 'yan dahil masakit 'yan sa dibdib. Kung sakaling hindi mo na kaya, bumitaw ka na ayokong mukha kang kawawa para sa paghihintay ng pagmamahal ni, Zach."

Mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko ng yakapin ako ni Michelle, dahil pakiramdam ko nagkaroon ako ng karamay sa totoong nangyayari sa buhay ko ngayon.

"A-ayoko siyang sukuan, Michelle. Hangga't m-mahal ko siya dito lang ako sa kaniya." nauutal na sambit ko dahil sa nagsisikip ang dibdib ko dahil sa pag-iyak.

"Ok, naiintindihan kita. Ganito, tutulungan kita pero ipangako mo sa akin na hindi mo sasagarin ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto. Dahil ako ang masasaktan para sa'yo bilang kaibigan mo."

Mahabang paliwanag ni Michelle at naunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin. Pagkaalis niya naiwan na akong muli dito sa napakalaking bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status