Share

CHAPTER 4

JANE

Nakatulog na ako sa sopa habang bukas ang t.v at paggising ko wala pa rin si Zach. Alas dose na ng madaling araw, lumamig na ng husto ang pagkain na niluto ko para sa kanya.

Napagpasyahan ko na ipasok na lang sa ref ang mga pagkain, matapos ko mailagay ang lahat narinig ko ang ugong ng kotse natuwa ako dahil kilala ko ang tunog na 'yon.

Nagmamadali na nagpunta ako sa harap ng pinto upang salubungin siya, ngunit pagbukas ng pinto. Nalanghap ko agad ang amoy ng alak sa kanya, matalim ang matang tiningnan niya ako.

"Nariyan ka na pala, ayo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Bakit gising ka pa? Umalis ka sa daraanan ko," mahinang sabi niya.

Pero hindi ako umalis tiningnan ko lang siya, nagulat na lang ako nang hawiin niya ako kaya napaatras ang mga paa ko.

"Z-Zach, h-huwag mo naman na ako saktan. Hanggang kailan mo ba ako gaganituhin? Tao rin ako at nasasaktan sa ginagawa mo." naiiyak na lakas loob ko na sabi pero nginisahan lang ako nito at dahan-dahan na lumapit sa akin.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Naisip mo ba 'yan noong gumawa ka ng kalokohan mo? Naisip mo ba ang mararamdaman ko at mararamdaman ni Selena, ha!?" sigaw nito sa mukha ko.

Mabilis na nag-uunahan na pumatak ang luha ko dahil pakiramdam ko sinampal ako ng paulit-ulit ng katotohanan na ako ang may gawa.

Naramdaman ko na lang ang pagbangga ni Zach sa balikat ko at nilagpasan na ako.

"Ano ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako? Sabihin mo at gagawin ko." tanong ko kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang ayaw tumigil.

Huminto naman siya sa paglalakad at inayos ang suot nito na jacket at narinig ko ang paghugot niya ng hininga.

"Kung gusto mo na mapatawad kita, maghiwalay na tayo at kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin... Pakiusap kalimutan mo na." Sabay talikod niya at mabilis na umakyat sa itaas.

Pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sinabi ni, Zach. Mas lalong nagsikip ang dibdib sa sobrang sakit na sinabi niya.

Ganon lang 'yon? Kalimutan ko ang damdamin ko para sa'yo, Zach? Sana kung gano'n lang 'yun kadali sana noon ko pa ginawa. Pero hindi, dahil mahal na minahal kita.

---------

Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak, hindi na ako kumain nandito lang ako sa kuwarto namin sana. Hindi ko alam kung anong oras na pero nakita ko sa bintana na maliwanag na sa labas.

Habang tulala ako at kung anu-ano ang naiisip ko, narinig ko ang cellphone ko may nag-message sa messenger ko. Dahan-dahan na kinuha ko ito at tiningnan kung sino si Michelle at Sarah, ang dalawang kaibigan ko.

[Michelle] - Hey, come one. Gala tayo at punta tayo sa new restobar na pinatayo ng tito ni, Sarah.

[Sarah] - Friend, gala rin tara na G! Shot puno agad!

Napangiti ako kahit paano sakabila ng lungkot na nararamdaman ko. Simula ng ikasal ako hindi ko na sila nakasama o nakita muli. Mabuti si Michelle dinalaw ako kahapon.

Mayamaya'y magre-reply sana ako ng mag-video call si Michelle, bigla akong napatayo at naghanap ng pulbos para matakpan ang maga kong mukha. Nagpahid rin ako ng manipis na lipstick dahil maputla ang labi ko. Hinanda ko ang sarili ko at ina-accept ang video call.

"Wow ganda naman this girl!"

Puri agad sa akin ni Sarah, ngumiti lang ako at kahit naglagay ako sa mukha ko hindi pa rin maitatago ang pamamaga ng mata ko.

"Tara na shot puno agad!" Malakas na sabi ni Michelle.

"Oo nga, come on Jane! Huwag kang magmukmok diyan tara na!" Pamimilit ni Sarah.

Nag-isip naman ako saglit kung sasama ba ako, pero naisip ko bakit hindi? Ginagawa ni Zach ang gusto niya. Bakit hindi ko rin gawin ang gusto ko? Isa pa kailangan ko 'to ngayon para saglit na makalimot at makapag-isip.

"Sige sasama ako." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nilang dalawa.

Masayang humiyaw sila at nakangiti lang ako, siguro kailangan ko rin lumabas at sumagap ng hangin.

------

Habang na sa harap ako ng malaking salamin, titig na titig ako sa isuot kong fitted na black dress. Malambot ang tela nito, bumakat ang makurba ko na bewang at balakang. Pinarisan ko ito ng isang four inches na kulay silver na may halong black. Parang nagbalik sa dati na ganito ako manamit, kailan pa ba ang huling araw na nagsuot ako ng ganito? Hindi ko na ata tanda.

Napabuntong hininga ako at hinanda ko na ang sarili ko sa pag-alis, walang Zach akong nakita paglabas ko ng silid ganun rin sa ibang parte ng sulok ng bahay namin.

Napakagandang bahay pero walang kabuhay-buhay...

------

Pagdating sa tagpuan namin sabay-sabay na pumasok kami sa loob, hindi ganun karami ang mga tao dito. Malinis at talagang maganda sa loob, halatang bagong gawa pa talaga. Masarap rin tumambay dahil may banda sa unahan na kumakanta ng chill lang na kanta.

"Maganda ba?" Nakangiting tanong ni, Sarah.

Tumango at lumibot naman ang mata ko at napansin ko ang isang grupo ng mga lalaki na nagkakatuwaan bukod sa isa na seryoso lang habang may hawak na baso na may alak na laman.

"Gusto mo kumanta? Come on, para mailabas mo ang lahat ng nararamdaman mo diyan sa puso mo." Seryosong sabi ni Michelle, alam kasi nila na mahilig akong kumanta.

"Mamaya na lang siguro kapag nalasing ako magagawa ko 'yan, kaso hindi naman ako magpapakalasing baka magalit si, Zach." sabi ko pero natigilan ako at napaisip.

Ang tanong magagalit kaya siya kung magpakalasing ako? Baka nga wala siyang pakialam sa akin. Na-miss ko na 'yung dating Zach na laging may baon na sermon sa akin sa tuwing nagkikita kami.

"Huwag ka ng mag-isip pa diyan, nandito tayo para magsaya." Tapik sa akin ni Sarah.

Tumango at muling gumala ang mata ko sa paligid, nagtama ang mata namin nitong lalaki na napansin ko kanina at bigla akong nailang. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa mga kasama ko.

Naging masaya at nalibang ako habang magkasama kaming tatlo, ang tagal na rin simula ng magkasama kami ng ganito. Maraming pagkain at alak ang narito, natuto lang ako uminom dahil sa kanilang dalawa at nagustuhan ko naman 'yon pero hindi ko kayang tumagal. Pero ewan ko ba ngayon parang pakiramdam ko hindi ako nalalasing.

Hanggang sa kumanta na ako dahil biglang lumakas ang loob ko, ang kantang pinili ko ay yung bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Matapos kong sabihin kung ano ang kakantahin ko, naghiyawan ang dalawang kasama ko. Seryosong tiningnan ko ang mic at nakahanda na ako sa kanta.

Waiting for your love by Stevie B

How can I explain

The sorrow and my pain

I believe that you and I should be

Together once again

Sa umpisa pa lang ng kanta dama ko na ang sakit at pinigilan ko ito, may narinig akong mga pumalakpak. Hindi ko na tiningnan.

Every night I pray

That you'll come back to me

But the tears keep falling down my face

When you're not around

But not no more

Gone away

All I do is wait for you

Each and every day

Pumatak na ng kusa ang luha ko pero agad na pinunasan ko 'yon at pilit na ngumit pag-angat ng mukha ko. Nakataas ang mga kamay ng dalawa kong kaibigan ko na ibig sabihin ituloy ko lang.

But not no more

Gone away

All I do is wait for you

Each and every day

Oh I'm waiting for your love

I'm wondering where you are

Are you with another guy

Are you showing him the world

Oh I'm waiting for your love

I want to see your smile

Brighten up my day

Yes I'm waiting for your love

Yes I'm waiting for your love

Matapos kong kumanta ay para akong nakahinga kahit paano, marami ang pumalakpak sa akin kabilang yung grupo ng mga lalaki. Muli kaming uminom, masayang nagtatawanan at nagkukwentuhan kaming tatlo sa mga nakaraan at mga kalokohan namin noon. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status