Share

Chapter 6

NANG narating ng bus ang lungsod ng Kalibo huminto ang sasakyan upang mag-stop over at magpapalit ng spare tire dahil sa na flat tires ang bus na sinasakyan nila Calyx at Margaux patungong Iloilo.

“Ang gusto manaog puwede makapanaog kay mailis pa sang goma. Kung sino ang gustong bumaba, Puwedeng bumaba muna dahil magpapalit ng spare tire.” Saad ng konduktor ng bus.

Inunat ni Calyx ang kanyang mga braso dahil sa pakiramdam niya ay namamanhid na ang kanyang braso, pati na rin ang kanyang likod at puwet. Sa kahaba-haba at tinagal ba naman ng biyahe nila. Hindi sinasadya na nasagi niya ang balikat ni Margaux na nakaidlip na pala ang dalaga. Nagmulat ito ng mga mata, ‘tsaka tumingin ito sa kanya na nakakunot-noo.

“Hindi mo ba talaga ako titigilan?” Sikmat nito na lalong siniksik ang katawan sa tabi ng bintana.

Ngumiti siya sa dalagang nayayamot. “Let’s go,” aniya sa halip na pansinin ang pang-aangil ni Margaux.

Hindi sumagot si Margaux bagkus pinukol lamang siya nito ng masamang tingin. Ngunit hindi naman nagpasindak si Calyx sa dalaga.

“We need to eat. I guess parehas lang tayo hindi nakapag-almusal kanina. Anong oras na? Ang breakfast sana ay nagiging lunch na.”

“Hindi ako nagugutom,” sagot ni Margaux pero sa totoo lang kanina pa nakaramdam ng gutom. Isang tasang hot chocolate lang ang iniinom niya bago siya pumunta ng NAIA para sa flight niya papunta dito sa probinsya.

“Remember we have a deal. Kaya sisingilin na kita ngayon na.” Tumayo si Calyx mula sa inuupuan nitong upuan ng bus.

Kumuha ng pera si Margaux mula sa wallet niya, pagkatapos inabot niya ang pera sa binata. “Here, take this.”

“Ano 'yan?” Nakakunot-noo na tanong ni Calyx habang palipat-lipat ang tingin nito sa mukha ni Margaux at sa kamay nitong may hawak na pera.

“Pera,” maikling sagot ni Margaux.

“Yeah. I know but for what?” Naguguluhan tanong ni Calyx.

“‘Di ba nga sinisingil mo ako sa deal natin na ililibre kita? So ito na.”

“Sweety, I don't need your money. Okay, sasama ka o hindi? Or else bubuhatin na lang kita.” May nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Calyx. “Sige ka nangangagat pa naman ako kapag nagugutom na ako.”

“Im not hungry. Go ahead, kumain ka mag-isa” naiinis na sabe ni Margaux, wala talaga siyang kabalak-balak sumama sa bakulaw na ‘to. Subalit hindi nakikiayon ang mga alaga niya sa kanyang tiyan. Ayon nagrereklamo na ang mga ito na sobra niya na raw ginugutom.

Tumawa ng mahina si Calyx. “I heared that sounds.”Walang babala na muling hinawakan sa kamay si Margaux at hinatak pababa sa bus. Nang sa ganun makapaghanap sila ng puwede nilang makakainan. Lihim siyang napangiti ng hindi nagreklamo si Margaux at sumunod na lamang sa kanya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ng dalaga habang sila ay naglalakad na sa sementadong daan.

Medyo may kalayuan na rin ang nilalakaran nila ng magsalita si Margaux. “Mamaya maiwanan pa tayo ng bus.”

“Don't worry, medyo matagal pa aalis ang bus papalitan pa iyon ng spare tire.” Wika ni Calyx na palinga-linga sa paligid para makahanap ng puwedeng makainan. Kanina pa sila naglalakad ngunit wala silang nakikitang restaurant o matinong kainan. Pulos tindahan ng mga grocery ang nadadaanan nila.

“There,” sabay turo ni Margaux, doon sa noodles house na may malaking pangalan ang nakasulat sa labas ng kainan.

“Okay lang ba sa’yo na noodles lang ang kakainin natin?” Tanong ni Calyx, habang nakatanaw roon sa tinuro ni Margaux na noodles house.

Ngumiti si Margaux. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na ngumiti ito na bukal sa loob ng dalaga. “Oo naman kumakain ako ng kahit ano. Atsaka no choice na tayo.” Nagpatiuna na siyang lumakad patungo roon.

Sumunod naman si Calyx sa dalaga na malalaki ang hakbang ng mga paa nito. Mukhang paunti-unti na nababawasan ang katarayan ng dalaga. Kaya naman gustong-gusto niyang asarin ito lalo’t asar talo na ito sa kanya. Mas lalong naging singkit ang dating singkit na mga mata nito.

Nasa loob na sila ng Noodles house ay magiliw silang sinalubong ng waiter. Atsaka ginaya sa bakanteng mesa at upuan na pang dalawahan lamang ang puwede nakaupo. Mabuti na lang ‘di gaano matao sa lugar.

Maya maya bumalik ang waiter hawak nito ang menu list. Nang nakalapit na sa kanila ay kaagad nito binigay iyon. Inabot naman iyon ni Calyx mula rito.

Matapos pasadahan ni Calyx at Margaux ang menu ay nag-order na sila ng tag-isang serve ng noodles with soap, toasted bread with garlic.

Habang kumakain hindi nagpapansinan sina Margaux at Calyx. Si Calyx nanatiling nakayuko at ang baseball cap na suot niya ay medyo nakatakip pa rin sa mukha niya. Tanging sun glasses lang ang tinanggal ng binata.

Si Margaux naman manaka-nakang nakatingin sa paligid habang kumakain. Akma niyang tatanggalin ang sombrero na suot ng binata. Nang mapansin niya na eyeglasses lang ang tinanggal na suot nito.

“Don't,” sambot ni Calyx sa mahinang boses sabay hawak sa palad niya. “O baka gusto mong tumakbo na kasama ako, dahil hindi rin kita pakakawalan.”

Gusto tuloy ni Margaux sabunutan ang sarili ng maalala na hindi pala pwede lumantad si Calyx sa pampubliko lalo’t nag-iisa lang ito.

“Pwede ba bitawan mo na ang kamay ko. Nasanay ka na lang na basta-basta nanghahawak atsaka hindi pa tayo tapos sa kinakain natin. At kung puwede lang bilisan na natin, mamaya maiwanan na pala tayo ng bus.” Mahabang litanya ni Margaux upang pagtakpan ang naramdaman.

Pakiramdam niya kasi tila may boltahe-bolataheng kuryente na bumalatay sa buong katawan niya habang hinahawakan ni Calyx ang kanyang kamay. Aaminin niya man sa sarili o hindi. Matinding atraksyon ang nararamdaman niya para sa binata. Pero pinagwalang walang bahala niya na lamang.

Napaka-guwapo ni Calyx lalo at magaganda ang mga mata nito na tila nangungusap sa tuwing tinitigan siya nito. Matangos din ang ilong nito at mapupulang mga labi, idagdag pa ang adam apples nito na taas baba sa tuwing nagsasalita ito. Kaya naman hindi nakapagtataka kung maraming babae ang nagkakagusto rito. Higit sa lahat laging laman ito ng humor na maraming babae. Inshort tinaguriang playboy.

“Mamaya mainlove ka na niyan sa akin,” nakangiting sabi ni Calyx.

Shit! Napansin ng bakulaw na ‘to ang pagtitig ko sa kanya. Aniya sa sarili.

“Asa ka pa!” Kibit balikat na sabi ni Margaux, binaling sa ibang direksyon ang tingin niya. Nahagip ng kanyang mata ang umuukupa sa lamesa na ‘di kalayuan sa lamesa rin inuukupa nila ni Calyx.

“Oh,...” Naputol ang sasabihin sana ni Calyx ng napansin na nakatingin si Margaux roon sa pamilya na masaya na nag-uusap ang mga ito habang kumakain. Hindi rin nakaligtas sa paningin ng binata ang ilang butil ng mga luha na nagsilandasan sa pisnge ng dalaga.

“Are you crying?” May pag-alala na tanong ni Calyx.

Sasagot pa sana si Margaux ng marinig niya ang tili ng isa sa mga dalagitang nakaupo sa katapat na mesa nilang inuukupa.

Lingid sa kaalaman nila Calyx at Margaux, kanina pa silang manaka-nakang tinitingnan ng isa sa mga grupo ng kabataan at ng masigurado nitong si Calyx Raider. Hindi na napigilan nito ang sariling huwag tumili.

“OMG, si Calyx Raider!” Sa malakas na tili ng dalagita. Nanatili pa rin itong nakatayo. Tila hindi alam kung ano ang gagawin nito.

Nakaagaw pansin naman iyon sa iba pang kumakain sa loob ng nasabing kainan. Ang iba naman ay tumayo at nagsilapitan sa kinaroroonan nila Calyx at Margaux.

“Patay na,” nakangiwing sambit ni Calyx, tumigil na sa kakasubo sa noodles na kinakain.

Walang ano-ano hinawakan niya sa kamay si Margaux. “Lets go.” Aniya malalaking hakbang ng kanyang mga paa. Nagpatianod naman si Margaux.

“Wait, yung bayad sa kinain natin.” Ani Margaux na saglit itong huminto.

Dumukot ng pera si Calyx mula sa bulsa ng pantalon na suot niya. Pagkatapos niyon ay binigay sa waiter na nadadaanan nila. “Keep the change.” Aniya sa waiter.

Tuluyan na silang nakalabas mula sa loob ng noodles house,ngunit nakasunod pa rin ang mga tao sa kanila lalo na iyong grupo ng mga teenagers.

“Takbo,” wika ni Calyx nang tuluyan na silang nakalabas mula roon sa loob ng noodles house. Mas lalong hinawakan niya ng mahigpit sa kamay si Margaux.

“Oh, my God! It’s really him.”

“Calyx, pa autograph!”

“Calyx, pa picture naman!”

“Calyx, pa kiss!”

Sigaw ng mga iyon lalo’t ang mga grupo ng mga teenagers na nakasunod sa kanila Calyx at Margaux.

Huminto si Margaux sa kakatakbo ng wala ng sumusunod sa kanila.

“You know what, hindi nakakatuwa!” Sabi ni Margaux na hinahabol ang sariling hininga. “Ayoko na nga makasama ka Calyx Raider!” Naiinis na wika ni Margaux.

“Whoa… Sa wakas nakilala mo na rin ako.” Nakangising saad ni Calyx.

“Where is the bus?” Tanong ni Margaux ng mapansin wala na roon sa parking lot ang bus na sinakyan nila kanina.

Nagkibit ng isang balikat si Calyx. “Well obviously, umalis na.” Nakangising saad ng binata.

“What?! I told you, maiiwan tayo.”Halos magpapadyak sa inis na sambit ni Margaux. Kulang na lang maglumpasay sa sementong kinatatayuan niya. Malalaki ang mga hakbang ng kanyang mga paa na walang lingod likod paalis sa lugar.

“Wait,”pigil ni Calyx. “Where are you going?” Medyo may kalakasan tanong ni Calyx.

Tumigil naman si Margaux sa paglalakad, atsaka lumingon doon sa binata. “Alangan tumanganga na lang ako diyan at maghintay ng ten years bago makasakay uli.”

“Sorry," Hinging paumanhin ng binata. "okay. Is not my intention na maiwan tayo Ng bus.” Nakataas pa ang mga kamay ni Calyx, animo 'y sumusuko.

Sumimangot si Margaux na humarap sa lalaki.”Hindi nga pero naiwan na tayo ng bus,” Naiinis turan niya.

Napakamot si Calyx sa sariling batok niya. “I'm sorry,hindi ko naman sinasadya.”

“Mapapatawad lang kita kung hindi ako male-late sa appointment ko.”

Ngumiti si Calyx. “Don't worry Babe.” Kinuha nito ang cellphone nakalagay sa bulsa ng pantalon na suot nito. May tinawagan ito kung sino man poncio pilato. Saglit lang at may kausap na si Calyx. Hindi rin tumagal ang pakikipag-usap nito sa tawagan.

Maya maya ay may kulay blue na kotse na huminto sa ‘di kalayuan sa kinatatayuan nila Calyx at Margaux. Umibis mula sa loob ng kotse ang driver niyon. Lumapit doon si Calyx. Pagkatapos ay may inabot itong susi sa binata. Atsaka umalis din agad iyong driver.

Lumingon si Calyx sa kinaroroonan niya. Atsaka sumenyas ito na ang ibig sabihin ay lumapit siya roon.

“Let's go,” sabi ni Calyx. Umikot ito sa kabilang pintuan ng kotse upang pagbuksan siya.

“Thanks,” aniya ng nakaupo na siya sa passenger set na katabi rin ng driver's set.

“You're most welcome my Princess.” Lumingon pa ito sa kanya. Na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi.

“Kaninong kotse ‘to?” Hindi maiwasan tanong ni Margaux.

“Sa kaibigan ko, nagkataon lang na malapit siya rito kaya hiniram ko muna ang sasakyan niya.” Paliwanag ni Calyx.

Oy girl, totoo bang kasama mo ngayon si Calyx Raider? Text messages ni Janice. Nang tingnan ni Margaux ang message ng kaibigan.

Yes. Maikling reply ni Margaux.

Kuhaan mo naman ng picture, please. Pakipasa agad sa we chat. Pakiusap ni Janice.

Wait, then I’ll send you. Reply uli ni Margaux.

“So, why are you crying?” Untag ni Calyx patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Pero maya maya sinusulyapan ang dalaga.

“Huh?” Napatingin siya sa lalaking katabi sa upuan.

“Ang sabi ko, bakit ka umiiyak kanina nang nasa sa restaurant pa tayo.” Tanong uli ni Calyx.

“I remembered my parents.” Saad ni Margaux na tumingin doon sa labas ng bintana.

“Why? What happened to your parent's?” Curious na tanong ni Calyx. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang lungkot na rumehistro sa mukha ni Margaux.

“It was a rainy night ng mabangga ang kotse sinasakyan ng mga magulang ko. Parehas silang dead on the spot.” Medyo pumiyok pa ang boses ni Margaux. “I was ten years old.”

“Im sorry.” Hinging paumanhin ni Calyx.

Ngumiti si Margaux subalit hindi iyon abot sa kanyang mga mata. “Okay lang, atsaka matagal na nangyari yun pero hindi ko lang maiiwasan na malungkot kapag naalala ko ang parents ko.”

“Anyway, saan kita ihahatid?” Tanong ni Calyx ng nasa bayan na Sila ng Passi.

“Rheannas Tower.” Maikling sagot ni Margaux. Pasimple niyang kinukuhaan ng picture si Calyx. Subalit magalaw naman ito kaya naman hindi siya makakuha ng magandang picture.

“What about the one night stands?” Nakakalokong tanong ni Calyx, kumindat pa ito.

“Manyak. Ganyan ka na ba ka manyak?” Salubong ang mga kilay sabi ni Margaux. “FYI lang hindi kita type.”

“Ows! So, why did you taking a stolen shot?” Nakangising tanong ni Calyx.

“Taking your picture? Asa ka pa! In your dreams.”

“Really?Gave me your phone.” Sabay lahad ni Calyx ng palad niya.

Nag-alangan naman si Margaux na ibigay ang cellphone niya kay Calyx. Dahil sigurado siya kapag binigay niya ay mabubuko siya nito.

“Aminin mo na, gusto mo rin ako. I like you.” Anito kumindat pa. His teasing her.

“Lakas talaga ng hangin. Grabe!” Sabi ni Margaux.

Humahalakhak naman si Calyx. “Gave me your phone.”

Wala ng magawa si Margaux kung di ibigay na lamang ang cellphone sa binata. Tudo ngiti naman ito ng ipakita pa sa kanya ang mga pictures na tabingi ang pagkakuha niya ng mga stolen shots niya.

Si Calyx na rin mismo ang kumuha ng sariling selfie. Pagkatapos muling ibinalik ang cellphone ni Margaux.

“Sana sinabi mo na gusto mo pala ako kuhaan ng pictures. Nagpapakahirap ka pa sa pagkuha ng stolen shot ko. Atsaka kung sakaling mami-miss mo ako at magbago ang isip mo na gusto mong ituloy ang one night stand. Call me Babe. And I’ll be there.” Mahabang litanya ni Calyx. Nilagay niya na rin kasi sa phone book ng cellphone ang sariling number niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status