Share

08

[Chapter 8]

"Should I go to Harison's house?" I ask Joaquin, he nodded.

"Yes, he's your friend, kailangan mo rin siyang kamustahin. Maybe, he need some person to talk to, lalo na't narinig mo naman yung sinabi ni Asher 'di ba? Naging matamlayin siya. He do have a problem." sabi sa akin ni Joaquin, papalabas na kami ng campus at ihahatid niya ako kina Harison.

I just nodded, napahawak ako ng mahigpit sa bag ko, I should settle some things with him.

On the road, ang iniisip ko lang ay kung ano ang sasabihin ko kay Harison, binabagabag ako ng konsensya ko dahil sa sinabi ko sa kaniya, at dahil sa hindi pagsunod niya. We were silent along the road, hinawakan lang ni Joaquin ang kamay ko.

Nakatingin lang ako sa bintana, hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila. The feeling is kind of weird, it was kind of cold here, kahit sa loob ng kotse ay nararamdaman ko ang malamig na aura ng mansyon nila.

"Maybe... Next time? I'm not ready for it." I said, napatingin ako kay Joaquin, he just smiled at me.

"Maybe, it could be worst if you insist to talk to him, baka mas lalo lang kayong magkagulo, kailangan na kitang ihatid sa bahay niyo." sabi niya sa akin, at pinaandar na ulit ang kotse papunta naman sa bahay namin.

Habang nasa daan, hindi ko malimutan si Harison, is he mad at me? Bigla akong nakonsensya ng hindi ko sinunod ang sinabi niya. I should decide for myself, walang ibang tao na dapat magsabi sa akin ng ginagawa ko, I feel that Joaquin holds my hand and squeezed it a little bit, napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"And all will be alright in time..." he sings, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng malaman ang lyrics na iyon.

"Ben and Ben?" I asked. "Sila ba ang paborito mong banda?"

"Actually yes... I love the messages on their songs, makakarelate ka talaga." he chuckled. "Paborito mo rin ba sila?" tanong niya sa akin, I nodded.

"I really love their songs, especially, Araw-araw." I said, at napatawa ng marahan dahil nakita ko siyang napangiti rin.

Sa buong byahe, puro Ben and Ben lang ang pinag-usapan namin, he even played it on his car, at nagsing-along lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay.

Napatigil ako sa pagkanta ng makita ko ang kotse ng mga magulang ko, it is a BMW, at nakita ko ang katabing kotse na pagmamay-ari ni Rhys, isa itong Ford. I saw Joaquin staring at me, binabasa niya ang nasa mukha ko.

"What's the matter, love?" tanong niya, at napatingin din siya sa labas ng bintana.

"My parents' home," I said. "Nandiyan sila ngayon kasama si Rhys." dugtong ko pa at inayos ang gamit ko.

"Do you want me to—"

"Yes, sumama ka sa'kin," ani ko pa, "I will introduced you to them... As my boyfriend this time." sagot ko para lang manlaki ang mata niya.

Mabilis siyang bumaba ng kotse, para lang pagbuksan ako sa kabilang pinto, he even holds my books, at naunang maglakad papasok sa gate namin. Bigla pa akong natawa ng hawakan ko ang kamay niya at nanlalamig ito.

"Joaquin, I'm 19 already, hindi tayo 15 years old na magpapakilala sa mga magulang natin, at tututulan nila kasi mga bata pa tayo." sabi ko, at mas lalo kong hinawakan ng mas mahigpit ang kamay niya, nauna pa akong maglakad sa amin.

Inayos ko ang salamin ko, at sa pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nagtatawanan sila Mommy at Daddy, pati na rin si Rhys, katabi niya si Manang Kristy sa oras na ito. Bigla silang natahimik ng bigla kaming pumasok, Rhys smiled at me, gulat namang nakatingin sila Mommy at Daddy, habang si Manang Kristy naman ay hindi maawat sa pagngiti.

"Good... Afternoon po." sabi ni Joaquin at ngumiti sa kanilang lahat.

"Good afternoon, Salvador," Daddy said, ngumiti siya kay Joaquin. "Have a seat, my boy." paanyaya niya sa kaniya.

"Alva, maupo ka." sabi naman ni Mommy, dinig ko sa boses niya ang bahagyang pagkadismaya, dahil ng pumasok kami ay magkahawak kami ng kamay ni Joaquin.

"I should get going na po..." paalam ni Rhys, tumingin pa siya sa relo niya at ngumiti sa akin ng bahagya.

"Oh, thank you Rhys... see you next time." sabi ni Mommy at ngumiti kay Rhys, sinamahan naman siya ni Manang Kristy palabas ng pinto.

Ng makaalis sila, at ng sumara na ang pinto, huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Katabi ko si Mommy, habang nasa tabi ko si Daddy, at nasa kabilang upuan si Joaquin.

"Mom... Dad—""

Good afternoon po, Tita and Tito... U-umm, I just wanted to say po na... Can I court your daughter po? Can I be your daughter's suitor? I know we are young, at wala pa po akong mapapatunayan dahil nag-aaral pa po ako, but, I can guarantee po na hinding-hindi ko po sasaktan ang anak niyo. Alam ko po ang mararamdaman ng isang ama kapag sinaktan ang anak niyang babae... At hinding-hindi ko po gagawin iyon." he smiled at them, but a nervous smile.

"Why do you want to court my daughter? Son of Sherman Salvador? There are many pretty girls out there... Hindi ko sinasabing pangit si Alva, ang gusto ko lang sabihin, ano ang nakita mo sa anak ko na wala sa kanila?" tanong ni Daddy, nakita kong nanginginig ang kamay ni Joaquin, Daddy's voice is full of authority.

Tumingin ako kay Mommy, at nakita ko na nakatingin lang siya kay Joaquin, at blangko ang ekspresyon.

"You're daughter is a wonderful Alora Valine... She make things, ordinary into extraordinary. She have care for other people... Inuuna niya ang ibang tao bago ang sarili niya, she's selfless. She unique already in her own way... and that's my answer on your question, Sir." sagot ni Joaquin at ngumiti ng buong giliw sa amin.

Nakita kong tumango-tango si Daddy, at si Mommy ay ganoon pa rin ang itsura.

"And... to be honest, your daughter is not just pretty... She's amazingly beautiful inside and out." dugtong pa niya para lang mapatawa si Daddy ng bahagya, ganoon na rin ang ginawa ko.

"Wow, kahit maikli ang sinagot mo, malaman naman, there's a meaning behind it, and I loved how you described my daughter... Even though that we are not there everyday by her side, Manang Kristy was the one who raised her properly. She's been my Alora Valine, all this time." sabi ni Daddy, hinawakan ni Daddy ang kamay ko at piniga ng marahan.

His mustache is full of authorization, and his attire, pero nagawa pa niyang magjoke sa aming lahat, naririnig ko namang napapatawa si Mommy, pero madalas lang siyang nakayuko at nakatitig kay Joaquin, parang binabasa niya ang bawat features nito.

"So? What year are you in?" tanong ni Mommy, natigil bigla ang usapan nila Daddy at Joaquin.

"Uh... 3rd year college po."

"Course?" tanong pa ni Mommy, pero nakaramdam na kaagad ako ng tensyon sa boses niya.

"Engineering po. Civil Engineering." sagot ni Joaquin at ngumiti.

"Fair well, siguraduhin mong makakapasa ka sa board exam... Para hindi sayang ang pagpayag ko sa'yo para sa anak ko." sagot niya at hinawakan ang balikat ko ng mahigpit. I saw Joaquin's even nervous nung sabihin iyon ni Mommy sa kaniya.

"Y-yes po... You can count on me, Tita." sagot niya at ngumiti na lang para matanggal ang kaba na nararamdaman niya.

We let Daddy and Joaquin have some conversation, dahil bigla akong inaya ni Mommy sa kwarto nila ni Daddy, dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Pumasok kami, at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Close the door." she said, napalunok na lang ako at sinunod ang utos niya.

I saw her sat down on a chair, that belongs to her vanity dresser, nakatayo lang ako malapit sa pintuan at nakita ko siyang napahawak sa sentido niya.

"It should be an arranged marriage in the first place..." she whispered, but loud enough for me to hear it.

"You should be with Rhys by now... Did he court you?" she said, mas lalo akong nagulat ng tanungin niya ako ng ganoon. Tumayo siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Dapat kayo ni Rhys... I should talk to Evan about this, bakit hindi ka niligawan ni Rhys?" tanong pa niya, para lang magulo ang isip ko ng tuluyan at kumalas sa mga kamay niya.

"M-mom... I-i don't know, what you're—"

"Dapat kayo ni Rhys! Understood?! You should be with another celebrity's son! Para masecure ko ang future mo!" she shouted, para lang magulat ako.

Napasandal na lang ako sa pintuan, nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya, kung kanina ay galit ito, ngayon ay mas naging malumanay na. Napahawak na naman siya sa sentido niya, at huminga ng malalim.

"Look, Alva... Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan mo, gusto kong isecure ang future mo—"

"D-do you think... Na hindi ko kayang mabuhay sa sarili kong, mga paa?" I asked. "Should I rely on my husband in the future?"

"N-no—"

"You're already a celebrity, your rich already, your husband a millionare... Sa tingin mo ba, hindi ko kayang gawin ang isa sa mga iyon?" tears started to form. "I don't think its for me, Mommy..." sagot ko, sabay pahid sa mga luha na pasimpleng kumawala.

"No, Alva—"

"Mommy!" someone shouted from the outside of the room, biglang bumukas ang pinto at tinamaan pa ng doorknob ang likod ko.

"Oh my gosh! I'm so sorry ate! Did I hurt you?" she asked, napahimas naman ako sa likod ko, at wala akong nagawa kundi ngumiti na lang.

"N-no, a little maybe." I said, at napatawa ngg marahan.

"Mommy, Can you play with me? Daddy said you're going tomorrow, please?" nanlaki ang mga mata ko ng tanungin niya iyon.

"Arcelia, not now darling, Mommy's tired, maybe some time." sagot niya, para lang bumagsak ang ngii sa labi ni Lia.

"Come on, Lia, ate Alva's playing with you, with ate Arianne, should we play by the garden? Ilabas mo ang dollhouse mo." I smiled, ngumiti naman siya ng bahagya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay." she answered, ng makalabas siya ng kwarto ni Mommy ay kaagad kong isinara ang pinto, tumingin ako kay Mommy na nakahawak sa sentido niya ngayon.

"Y-you should rest, may lakad pa kayo bukas." ani ko ng hindi tumitingin sa kaniya, sabay labas sa pinto at dahan-dahan iyong isinara.

I cannot believe she can do such thing to Lia, for turning her down. Minsan na nga lang manghingi ng oras ang kapatid ko, hindi pa napagbibigyan. I'm mad about our parents, hindi nila pinahahalagahan ang mga taong may pakialam sa kanila.

I go to Lia's room, para tulungan siya mag-ayos ng mga laruan niya pababa ng hagdan. I saw her with her gloomy eyes, ng katukin ko ng bahagya ang pinto, ay biglang nag-iba ang mukha niya. I pity Arcelia.

"Should we play now?" she asked, dala-dala ang basket ng mga laruan niya.

"Yeah, the playground's ready." I smiled.

"How long will I wait ate?" she asked from out of the blue.

"How long, will I wait for them to play with me? Gusto ko lang naman na magkaroon sila ng oras sa akin, mahirap bang ibigay 'yon?" mas lalo akong nagulat ng bigla niyang sabihin iyon.

"You know ate, we should play, baka masayang ang oras natin, you and ate Arianne are already here, and you are the best playmates." she said, sabay bitbit sa basket niya, she handed over her dollhouse, napatawa ako ng taas noo siyang magmartsa palabas ng kwarto niya.

I cannot help myself but to laugh, and being shocked at the same time. Wow, that's the Lia I wanted to see.

A simple day at the university, sadyang normal na araw lang. I was taking down notes, ng biglang sumigaw ang kaklase ko.

"Villareal! Syota mo nandito!" sabi ni Marvin, bigla namang nagtawanam at naghiyawan ang iba kong kaklase.

"Achuchu! Akala ko ba bestfriend for life lang?" biro ng isa pa, mas lalong nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Hoy! 'Wag kayong maingay! May klase sa kabilang room! Kapag tayo nabatas na naman!" suway ng president namin, humina ang tawanan, kaya tumayo na ako at pumunta sa pinto.

"Pst! Alora! Kayo na ba?" tanong ni Julie, umiling lang ako at ngumiti saka lumabas ng room, at isinara ng dahan-dahan ang pinto.

"What?" I asked in a low tone, saka ngumiti sa kaniya. Nakangiti siyang bumungad sa akin, I smell his manly scent, at maayos na nakasuklay ang buhok niya.

"Nothing, gusto lang kitang makita." sabi niya, para lang mahampas ko siya ng marahan sa braso.

"You're so silly, bumalik ka na sa classroom mo, major subject namin ngayon." ani ko sa kaniya at napatawa ng marahan.

"See you in lunch, sunduin kita." dugtong pa niya, napatango lang ako sa sinabi niya.

Sinundan ko lang siya hanggang sa lumiko na siya papunta sa department ng Engineering, napapangiti ako dahil mas ginusto pa niyang makita ako. How silly you are, Salvador.

Ng buksan ko ang pinto ay napaatras akong bigla ng bumagsak sa harapan ko ang iba kong kaklase. They're eavesdropping about me and Joaquin's conversation, this silly people, I laughed minimally, dahil nakakatawa ang itsura nila.

"Oh my god! Are you hurt?!" tanong ko sa iba kong kaklase, na nadaganan na at parang hindi na humihinga. Tinulungan ko pa silang tumayo, saka inayos ang salamin ko.

"Ayan! Mga chismoso't chismosa kasi e'!" sigaw ni Marvin para lang maghagalpakan na naman sila sa pagtawa.

"Wala ka kasing lovelife!" bwelta naman ni Julie, para lang mapa "Oh" ang iba kong kaklase.

Napatawa ako sa asaran nilang dalawa.

"Hahaha! Aruruy!"

"Tangina bagsak!"

"Lugi si Marvin!"

Samu't saring mga salita ang lumalabas sa bibig nila, ng makatayo silang lahat ay maayos kong isinara ang pinto, saka napaupo ulit sa upuan ko.

"Tignan mo Julie! Kapag niligawan kita riyan, magkakaroon na ako ng lovelife!" sagot naman ni Marvin para mas lalong magwala ang mga kaklase ko, lalo na ang kalalakihan.

"Type mo ba si Julie?" tanong ko sa kaniya, biglang namula ang pisngi niya, at bumagsak ang ngiti.

"Yuck! Si Adajar?! Joke lang 'yon! Kahit siya na lang ang babae sa mundo, hinding-hindi ko papatusin 'yan!" sigaw ni Marvin.

"Ako rin naman! Magaling ka lang magsalita sa harap ng maraming tao, pero hindi ka magaling sa paghawak ng relasyon! Kaya ka iniiwan e'!" sigaw pabalik ni Julie, at sa kasamaang palad, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang professor ng kabilang room.

"Anong kaguluhan ito?!" sigaw niya, para lang umayos ang mga kaklase ko, at nagsitahimikan.

These guys, kaya nabubuo ang college life ko.

After kaming masermunan, dumating na ang totoo naming teacher at mukhang hindi naman siya nagulat sa gulo namin, ng makaalis ang isang professor, isinara niya ang pinto at tinanong kung ano ang nangyayari, ng sabihin namin iyon, ay napatawa siya at mas lalo pa niyang ginatungan.

Hindi na kami nagklase at nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga lovelife ng kaklase ko, ang yayabang. Hindi namin maiwasang hindi mapatawa sa isa't isa, dahil sa mga bagay na nagawa nila para iwan sila. It's kind of painful though, but it's funny at the same time. Hanggang sa oras na lang ng lunch namin.

I tell Joaquin about what happened to us, at hindi ako nagkamali, napatawa rin siya!

"That's the best kind of blockmates you have." he said, napatawa naman ako ng bahagya.

"Tinatanong nga nila kung tayo na raw ba, sabi ko, 'hindi'. Why? I want a lowkey relationship, ayoko ng lahat ng tao alam na may relasyon tayo." inunahan ko na siya dahil magtatanong siya kung bakit ayaw kong ipaalam sa iba.

"That's a good idea Alva." he said.

"But wait, something's coming up on my mind," ani ko at napahawak sa baba ko. "What if... What if kung may kaschoolmate tayo na nakakita?!" sabi ko sa mahinang tono, napahilamos na lang ako sa mukha ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Joaquin ang ulo ko, tinanggal niya ang mga kamay ko sa mukha at bigla akong nginitian.

"Alva, you're so cute." he smiled.

I feel my cheeks heated, kahit may relasyon na kami ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at naunang maglakad.

"Hey, hindi mo kailangan mahiya, kung kikiligin ka, e 'di kiligin ka." pang-aasar pa niya para lang mapatigil ako sa paglalakad. Bigla naman niya akong inakbayan at inakay papuntang food court.

We saw Asher, walking with his other classmates, kung si Joaquin ay Civil, si Asher naman ay Industrial, dahil iyon ang naipasa niya noong nagtake kami ng entrance exam.

"Boss Joaquin!" sigaw ni Asher sabay tawa ng malakas.

"'Wag kang maingay!" suway ni Joaquin dahil pinagtitinginan siya ng ibang estudyante. Natawa na lang din kami pareho.

Nagpaalam si Asher sa mga kaklase niya at sumama sa lamesa namin, nagpresinta si Joaquin na siya na lang ang bibili ng pagkain namin.

"Joaquin, libre mo 'ko." paawa ni Asher, napangiti lang si Joaquin at pailing-iling pa.

"Okay." mabilis na sagot ni Joaquin.

Umalis na si Joaquin, at naiwan kami ni Asher sa lamesa. Iginagala ko lang ang mata ko ng bigla akong kalabitin ni Asher, saka ngumiti.

"Kayo ah... May nalalaman ako..." bulong niya at mapang-asar pa ang tono.

"W-what?" kinakabahan kong tanong, sabi ko pa naman ay ayaw ko ng may nakakaalam sa relasyon namin.

"Haha, kabado naman. Joke lang, lagi naman kayong ganiyan ni Joaquin, sabi pa nga ng ibang tao kung totoo na raw ba na may relasyon kayo, at ako ang tinatanong nila, sabi ko naman, wala." paliwanag niya, napatawa naman ako ng marahan.

"O-okay... Since highschool naman ganiyan na kami, hehe." ngiting aso ko, nahihiya na talaga ako para kay Asher, kahit kaibigan namin siya ay mas minabuti kong hindi na ipaalam sa kaniya.

"Wala ba kayong balak na maging kayo?" inosente niyang tanong sa akin.

Tinitigan niya lang ako, napatulala naman ako sa mukha, he's like a Greek God you know.

"Uh..." ani ko sabay ayos ng salamin ko. "N-nasa sa kaniya naman 'yon, k-kung liligawan niya ako." sagot ko at yumuko.

Tumango-tango naman siya, at umayos bigla ng upo.

"Alam mo, Alva... May babae rin akong nagugustuhan, kaso sadyang mabait lang ako kaya nagpaparaya ako," he laughed a bit, but with sadness. "Masama pala 'yon kapag sobra-sobra kang nagpaparaya." sagot pa niya at pumangalumbaba sa harapan ko.

"Kailan kaya ako pipiliin?" tawa niya ng marahan.

Bigla kaming binalot pareho ng katahimikan. I feel some sadness noong sinabi ni Asher iyon. Napaiwas din ako ng tingin pero, ng tignan ko siya ay bigla siyang bumuntong-hininga.

"Asher..."

"Hmm?"

"Siguro... Waiting for the right person is the answer. Siguro, hindi mo pa siya nakikilala, kaya sa tingin mo ay walang pumipili sa'yo. And trust me, if you ever met the woman of your life, it would be worth it. At sigurado akong mamahalin ka niya ng lubusan. College pa lang tayo, makakapagtrabaho pa tayo... Makakakita ka pa ng ibang babae riyan na malay mo, bigla na lang magpatibok ng puso mo." mahabang litana ko sa kaniya, he smiled, but it's full of sadness again.

"What if, alam ko na sa sarili ko na siya na? Pero sadyang hindi lang kami para sa isa't isa? Anong gagawin ko?" tanong niya para lang magulat ako.

Inayos ko ang salamin ko dahil isa iyong malalim na tanong. It could be vice versa, you already met him or her, pero hindi kayo para sa isa't isa. Meron din namang hindi kayo nagkita, pero kayo pala, it must be hard for Asher, because of the girl he loved the most.

"Who's the girl?" I asked, para kahit papaano ay gumaan ang atmosphere sa pagitan namin ni Asher.

Ngumiti muna siya bago magsalita. "Traits na lang, bawal name." tawa niya ng marahan.

"Okay, you go." I said.

"She's pretty, very pretty. Lagi siyang tumutulong sa ibang tao. Hindi niya hinahayaang may maiwan. I swear... She is worth it to love." sagot niya sa akin habang tumatango-tango pa. "Gwapo naman ako, bakit kaya hindi ako pinipili? Matalino naman ako—"

"Kapag nakapasa ka na sa battery exam, pipiliin ka na ng babaeng gusto mo dahil magiging Engineer ang boyfriend niya." sagot bigla ni Joaquin para magulat kaming dalawa.

"Oh, kailan?" tanong ko at kinuha ang pagkain namin.

"Maybe, at the end of the year? It depends." sagot pabalik sa akin ni Joaquin.

"Matinding reviewhan 'to," sagot ni Asher. "At magrereview ako ng matindi." dagdag pa niya at sumubo na ng pagkain.

"Hey, Asher... Slow down. Baka mabulunan ka." suway ko dahil tuloy-tuloy siya sa pagkain.

"Haha! Salamat Alva!" sagot niya habang punong-puno ng kanin ang bibig niya.

Pinag-usapan lang namin yung tungkol sa battery exam nilang dalawa, third year college na kami. Kinuwento rin nila ang mangyayari sa kanila kapag hindi sila nakapasa.

"Kapag 'di ako nakapasa, e 'di babye Engineering na!" tawa ng malakas ni Asher para lang magtinginan na naman ang ibang estudyante sa kaniya.

"Parang nasa palengke, 'wag kang maingay Asher!" suway ko pa at napatawa. "Kapag hindi ka nakapasa, anong kukunin mo?" tanong ko sa kaniya.

"Siguro..." humawak siya sa baba niya at nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Mag-asawa." sagot niya.

Binato ko naman siya ng binilot na tissue, napatawa siya sa sarili niyang joke, kahit si Joaquin ay tumawa rin.

"Puro naman kalokohan." sagot ni Joaquin habang pailing-iling pa.

"Oo nga! Hindi na ako mag-aaral kung hindi ako makakapasa ng battery exam! Mag-aasawa na lang ako!" dugtong pa niya at mas tumawa ng malakas.

Kahit kailan ay puro kalokohan talaga itong si Asher, hindi nabubuo ang araw namin ng hindi niya kami napapatawa nila Harison.

Napatigil ako sa pagngiti ng makita kong blangko ang katabing upuan ni Asher. We used to be seated in front of each other, ilang araw na rin siyang hindi pumapasok, gusto ko siyang kamustahin pero laging sinasabi ni Joaquin na bigyan ng oras si Harison. And that's true, kailangan ko siyang bigyan ng oras para makapag-isip.

"Hey, Alva... Is there a problem?" tanong ni Joaquin ng bigla niya akong kalabitin. "Napatulala ka na lang bigla."

"U-uh... Nothing. May s-sumagi lang sa isip ko." ngiti ko ng bahagya sa kanilang dalawa.

"Tol, baka may sumasapi na riyan ah, takot pa naman ako sa mga ganiyan." biro na naman ni Asher para matawa ako ng bahagya.

We finished off our lunch, tumunog na rin ang bell, indicating that we need to go back to our respective classrooms. Naunang bumalik sa amin si Asher, dahil mauuna ang building ng Engineering bago ang building namin.

So, kaming dalawa na lang ni Joaquin ang magkasamang naglalakad sa hallway, papunta naman sa building namin.

"Alva, may gusto akong sabihin." ani niya at tumigil sa paglalakad.

Inayos ko muna ang salamin ko bago magsalita. "Yes? Anong... Sasabihin mo?" ani ko at lumapit sa kaniya.

"Pwede ka bang sumama sa'kin sa concert ng Ben and Ben?" tanong niya.

Napanganga ako sa sinabi niya, this would be the first time na aattend ako ng isang concert. Hindi ko alam ang sasabihin ko. It was kind of romantic, lalo na't kinakanta namin ang masterpiece ng banda. This is my first time, at kasama ko pa ang first boyfriend ko.

"U-uh... Yeah, cool. Sasama ako. Kailan ba?" sagot ko at ngumiti sa kaniya. Hindi ko pa maiwasang hindi mahiya sa harapan niya! I'm his girlfriend!

He approach me, at mabilisan niya akong hinalikan sa labi! Oh my gosh!

Hinampas ko siya ng marahan sa braso, at lumingon-lingon dahil baka may nakakita sa amin.

"Chillax, patay ang CCTV dito sa hallway, walang makakakita sa'tin—"

"Stealer!" biro ko at tumakbo palayo sa kaniya, habang nakatakip ang mukha dahil siguro ay pulang-pula ang mukha ko sa hiya.

"Mahal kita!" sigaw niya pa, para lang bilisan ko ang takbo ko dahil baka magsilabasan ang mga estudyante, pero natawa ako sa ideyang iyon, mas lalong nakakahiya! Kailangan kong humanap ng tataguan!

Nang lumingon ako ay nakita ko pa siyang naglalakad patalikod, at nagflying-kiss pa! Saka siya tumakbo ng mabilis papunta sa classroom niya. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa ginagawa niya, sana walang nakakita!

Joaquin Castriel Salvador, the man I've loved the most.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status