Share

05

Chapter 5

"I-ikaw?" we both exclaimed.

"O-oh, you both already know each other..." Mommy said in a low voice.

"Umm, not much, nakabanggaan ko lang siya sa To the Max, noong mga time na may laro sa school." paliwanag ko, at inayos ang salamin ko.

"I can't believe this, what a small world." he said in a low voice and even displayed a smirk.

"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang lamesa," saad ni Manang Kristy at kinuha ang mga plato sa lalaki. "Pwede na po kayong maupo."

Pumunta na kami sa dining room, katapat ko si Mommy, habang katabi naman niya ang lalaki, at katabi ko naman si Lia na kanina pa nakangiti.

"Ate," kinalabit niya ako at binulungan.

"This was the first time Mommy and Daddy eat with us, I'm so happy!" she whispered.

"Yeah, I know right!" we both laughed, Mommy was just staring at us.

"What's the matter my darlings? Is there something funny?" she said, her eyes were sparkling, lalo na't nakikita ko ang buong mukha niya dahil sa liwanag galing sa chandelier.

Pareho naman kaming napailing ni Lia, nag-apir pa kami bago sabihin ni Daddy na magdasal.

"So, Alva, this is Logan Rhys Estrada, he was my co-artist's son." paliwanag ni Mommy para lang mapatigil ako sa pagkain.

"N-nice to... Meet you, uh, Logan?" I asked, dalawa kasi ang pangalan niya.

"Rhys." he answered and smiled. His eyes was pitch black, having this undercut style, and his skin was fair, not fair enough like mine. He even has this beauty mark on his nose, para lang magmukha siyang artistahin sa itsura niya.

"Okay... Uh, Rhys." sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Kuya Rhys looks like Prince Charming." bati ni Lia sa kaniya, para lang ngumiti siya at lumabas ang dimples niya sa kaliwang bahagi.

"Do I?" he asked Lia, and even do the thumbs-up to her.

Napathumbs-up din si Lia, kaya nabalot ng tawanan ang hapunan namin. Lia also asks our parents kung kailan sila aalis, sinabi nilang bukas ng umaga para lang mapasimangot si Lia.

"Can you play with me?" she asked.

"Sweetie, I'm sorry, Mommy and Daddy's exhausted about our work, we need to rest. Maybe, next time Arcelia." Mommy smiled.

I saw Lia how she handle her tears, gustong-gusto niya talagang makasama ang mga magulang namin. I can't help myself but to be sad for her, siguro ay nagsasawa na rin siyang kalaro ako at si ate Arianne.

"Uh, Lia—"

"I can play with you, lagi kang dadalawin ni kuya Rhys, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Rhys sa kaniya para lang mapatingin ako.

"What a wonderful idea!"

Mommy said, at napapalakpak pa.

"Umm, siguro po kuya, 'wag pong palagi, kuya Joaquin always visits me, he always play with me." paliwanag ni Lia habang patango-tango pa.

"Wow, Joaquin's always present here." sabi ni Daddy para lang mapangiti ako.

"Yes Daddy! He always play with me with my dolls, he even gave me some Red Velvet cupcakes!" Lia giggled, Daddy smiled.

"Is he you boyfriend, dear?" tanong ni Mommy para lang mamula ako dahil sa iniisip ko.

"H-he's only my friend Mom." saad ko at nakipag-apir kay Lia.

Pagkatapos namin kumain ay pinatulog ko muna si Lia, sila Mommy at Daddy ay nasa baba lang habang kausap si Manang Kristy. Sinabi rin sa akin ni Mommy na mag-usap muna kami ni Rhys.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni sa akin habang paakyat sa hagdan.

"Rooftop." sagot ko at naunang maglakad.

"I can't believe that you are the daughter of the famous personality, Shanaia Villareal." he said in a low voice, napatawa pa siya pagkatapos noon.

"Yes, I hope so." sagot ko.

Nakarating kami sa rooftop, the air was strong enough to swing my hair, tumingin ako kay Rhys at nakita kong isinasayaw din ng hangin ang kakaunting buhok niya.

"Wow, the place was more beautiful up here," puri niya, at humawak sa railings, napaupo lang ako sa upuan.

"Ang gandang pagmasdan ng langit dito." dugtong pa niya at sumandal sa railings.

"Why do my mother brought you here?" tanong ko sa kaniya at pumangalumbaba.

"Oh, actually, sinabi ng tatay ko na ipakilala raw ako ng Mommy mo sa'yo." sagot niya sa akin at inayos ang buhok niya. Ang suot niyang denim jacket at nakadagdag sa maganda niyang porma. With those white shirt, denim pants, and white sneakers, it was simple, pero sa kaniya ay talagang maporma.

"For what?"

"I don't know, saka, gusto ko rin namang umalis sa bahay." sagot niya sa akin at tumingala.

"Why?"

"Why? Because... It was the same picture that I always see, ako lang ang mag-isa palagi." ani pa niya para lang tumayo ako at tumabi sa kaniya.

"You see, my father's work is like your mother's, pareho silang mga artista." paliwanag niya para lang makaramdam ako sa kaniya ng awa.

"When I turned 7, my father was busy with his projects, wala na akong nanay, dahil namatay siya noong ipinanganak niya ako, umuuwi naman siya, pero, he doesn't have time to be with me... Partida, iisang anak na lang ako ha," he chuckled.

"But, there are some maids who's willing to play with me back then, parang sila na ang tumayong pamilya ko simula noon, dahil busy lagi si Daddy sa mga on-screen things niya. And, that's how my life goes, eat, sleep, pasok sa school, games, repeat." pareho kaming natawa sa sinabi niya. "If you're gonna ask me about the maids that I play with, they already resigned, at ang naiwan na lang sa akin ay sina ate Cherry at Manang Belinda, through ups and downs, nandiyan sila palagi para sa'kin." dagdag pa niya at ngumiti sa akin.

"We do have the same situation here, Rhys," I said, at tumingin na rin sa langit kung saan hitik ito ngayon sa mga bituin.

"Our parents don't have time for us," simula ko, at yumuko.

"I remembered, huling bati nila sa akin ng personal noong birthday ko, noong nag-7th ako, at ayon, wala ng sumunod. It was a sad 8th birthday, years passed, laging gan'on, hanggang sa dumating si Lia," sabi ko at napangiti.

"It was a total heaven noong dumating si Lia, hindi ko naramdaman na mag-isa ako dahil sa kaniya, kahit malayo ang agwat namin sa isa't isa, hindi nagkakalayo ang mga pinag-uusapan namin... She doesn't experienced playing with my parents, having time with them, pero ako naranasan ko, noong hindi pa gaanong sikat so Mommy, so, ate Arianne and I was there for her, even Manang Kristy if I'm away for school, always. Even Joaquin when we are in Highschool."

"Woah, ang sakit naman n'on para sa inyo, lalo na't dalawa kayo," biro niya at humawak sa dibdib niya, "Pero nice, kasi nagagawa mo 'yong tungkulin mo bilang ate." napatawa na lang din ako.

"Hindi naman, nakakaya naman namin ang mga ganoong bagay, 7 years na kaming magkasama, hindi na namin alintana ang ganoon, pero si Lia, mas importante pa rin sa kaniya ang makasama ang mga magulang namin, kahit hindi na ako, basta, si Lia na lang." sagot ko pa at tumingin sa mga ilaw sa garden.

"Wow, what a self-less ate." sabi pa niya at tumingin na rin sa direksyon na tinitignan ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo para mairaos ang isang araw ng mag-isa?" tanong ko sa kaniya at napatawa ng marahan.

"E 'di, playing volleyball, computer games, minsan pumupunta ako sa isang charity para makipaglaro at tumulong sa mga bata, kapag rest day ko, at kapag busy si Daddy sa mga tapings niya." paliwanag niya at inayos muli ang buhok niya.

"Mahilig ka sa bata?" tanong ko.

"Yup, 'di ba nga, unico hijo ako? Parang, gusto ko ng mas nakababatang kapatid." sagot niya at natawa, ang ganda ng mga ngipin niya.

"Bakit hindi ka humingi sa Daddy mo?" biro ko at inayos ang salamin ko.

"One great true love niya si Mommy, kaya kahit wala na siya, e', si Mommy pa rin ang mamahalin niya, maraming ipinapartner-up kay Daddy noong nawala si Mommy, kaso, ayaw niya talaga. Hindi ko nga alam bakit hindi pa sila nagkaroon ng kambal, para may kasama naman akong lumaki." biro pa niya para lang matawa kami pareho.

Napaiwas ako ng tingin ng marealize kong matagal pala akong nakatingin sa kaniya. Nakakahawa naman talaga ang ngiti niya at tawa.

"Woah, nasa Baguio ba ako dahil sa mga ilaw na 'to?" sabi niya sabay turo sa mga ilaw na nasa garden.

"Medyo." sagot ko at natawa.

"Sinong nag-plano niyan? Ang ganda." puri pa niya at itinuro pa ang ibang ilaw.

"It was my father's gift for me, dahil palagi akong nawawala, imagine, sa sarili kong bahay nawawala ako, I was a dumb kid back then." biro ko para lang marinig ko siyang matawa ng marahan.

"So, the white lights indicates your way back home?"

"Yes, you're good ha," sagot ko at ngumiti. "It was Engineer Salvador who built this beautiful place of lights." dagdag ko pa.

"Is that. Sherman Salvador?" tanong pa niya.

"Yes, and um, about Joaquin, it's his father." paliwanag ko pa. Nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa gulat.

"Woah, I want to meet him." sabi ni Rhys at napaupo na sa upuan. "Alva, right?" dugtong pa niya para lang mapatango ako.

"Pareho pala tayo ng sitwasyon," he chuckled. "So, Alva, can we be friends? I already memorize the summary of your life." he smiled, lumabas na naman ang dimples niya.

Inilahad niya ang kamay niya, napantango naman ako at napangiti, bago tanggapin ang kamay niya.

"Friends."

"Alva, punta ka sa clubroom?" tanong ni Ice sa akin, dinaanan niya lang ako sa classroom ko.

"Uh, yeah, maybe later." sagot ko at ngumiti sa kaniya.

"Oh siya, photog, kitakits na lang!" ani niya sabay saludo sa akin.

Inaayos ko lang ang gamit ko, ng makarinig ako ng mga sigawan at tilian sa labas ng classroom, ang iba kong kaklase ay nakikichismis din. Napailing na lang ako dahil siguro, ay may isang binata na naman ang manliligaw at may dalang flowers para sa babae.

"Hoy Alva! Malandi ka ng taon, hinahanap ka ni kuyang pogi!" sigaw ni Tasha para lang mapalingon ako sa gulat. Narinig ko naman ang iba kong kaklase na nagtawanan dahil sa biro niya.

Nakita ko si Rhys na may dalang bouquet, pero iba't iba ang kulay ng bulaklak doon. Nakacasual attire lang siya, at talagang agaw pansin ang itsura niya. Wala naman akong nagawa kundi lumapit na lang sa kaniya, at mas lalo pang nagsigawan ang mga tao sa labas para lang mahiya ako.

"A-anong... Ginagawa mo, r-rito?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"I'm just visiting my friend." sagot niya at ngumiti sa akin.

"Friend pero may pa-flowers!" sigaw ibang babae rito sa hallway para lang mapatawa si Rhys at mamula naman ako sa hiya.

He tsked, "It's normal you guys." ani niya saka napatawa, iniabot naman niya sa akin ang bulaklak at pumamulsa.

"Thanks..." ninenerbyos kong sagot sa kaniya.

"Alva!" sigaw ng kung sino, biglang humawi ang daan at nakita ko si Joaquin na papalapit sa akin. Nakita ko pang tumingin siya kay Rhys at inusisa ang itsura nito. He displayed his blank face, at pumamulsa lang.

"Alva, want to grab some lunch?" tanong niya sa akin, at akmang kukunin na sana ang kamay ko ng makita niya ang bulaklak.

"Uh, maybe next time, Joaquin... I have some company." sagot ko at napayuko.

"Woah, so, you're Joaquin Salvador?" tanong ni Rhys at ipinakita niya ang isang ngiting nakakaloko.

"And so?" mataray na sagot ni Joaquin.

Agad kong hinawakan sa braso si Rhys, dahil nararamdaman ko kaagad ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kabisado ko ang mukha ni Joaquin, ibig sabihin ay hindi na niya kaagad nagugustuhan si Rhys.

"Uh, tara na Rhys, m-mamaya na lang Joaquin." sagot ko at binitbit na paalis si Rhys, sumulyap ako kay Joaquin at pailing naman itong umalis sa kumpol ng mga tao.

"Nice meeting you pre!" sigaw ni Rhys at tumawa.

Samu't-saring mga usap-usapan ang naririnig ko sa hallway, ng marealize kong matagal na pala akong nakahawak sa braso ni Rhys, ay kaagad ko itong binitawan. He didn't even bother me to say na tanggalin ko ang kamay ko sa braso niya!

"'Di ba, 'yan si Logan Rhys? 'Yong player ng Westwood?"

"Anak ng isang artista 'yan ah!"

"'Yong tatay niya ay si Evan Estrada? 'di ba?"

Narinig ko namang napapatawa ng marahan si Rhys, he even combed his hair with his fingers. Binasa pa niya ang ibaba niyang labi saka binati ang ibang taong nakakasalubong niya.

Nakarating na kami sa cafeteria at hindi pa rin matapos ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin.

"What do you want, Alva?" tanong niya sa akin.

"Uh," dahil sa sobrang taranta ko ay isa lang ang nasabi ko dahil nakita ko ito sa counter. "I-isang strawberry cheesecake, a-ako na lang ang magbabayad." sagot ko.

"No, ako na." ani pa niya at tumayo na.

Hindi ko na siya mapigilan dahil mabilis siyang pumunta sa counter at kinuha ang order namin. Dala ko pa rin ang bulaklak, ibinaba ko muna ito sa ibang upuan, iginala ko ang mata ko at nakita ko sina Joaquin at Asher na magkasama, alam ko ay okay na kami ni Harison dahil sa ginawa sa akin ni Joaquin, pero, hindi ko siya nakitang sumabay sa dalawa.

"Here's your cheesecake, darling." ani ni Rhys ng mapaupo siya sa tabi ko.

"T-thank you." sagot ko at tumingin sa gawi nila Joaquin. Nakita ko pang nakatingin siya sa akin at nag-iwas lang bigla.

"Wow, solid pagkain dito sa Richwell ha," ani niya at sumubo ng kinakain niyang giniling. "Sa Westwood, paulit-ulit lang ang ulam." dugtong pa niya.

"Gusto kasi ng may-ari ng school, iba't-iba dapat ang putahe, para raw hindi kaagad magsawa ang estudyante." paliwanag ko at sumubo ng binili niyang cheesecake.

"Wow, mahal kayo ng may-ari ng school ah, sana all anak ni Lord." biro niya para lang mapatawa ako ng marahan.

"Wow, bakit? Ano bang issue mo sa school mo?" tanong ko at kinain ang strawberry na toppings nito.

"Wala naman, dapat pala ay dito na ako sa Richwell nag-aral, para naman kasama kita palagi." ani niya para lang mapatingin ako sa mukha niya.

"W-what?"

"Joke lang! Alva naman! Gusto ko lang ang mga kusinera rito, dahil iba-iba lagi ang ulam, sa Westwood, kapag nakita ko ang isang ulam nang Monday, sunod-sunod na 'yan hanggang Biyernes, ewan ko ba, hindi sila bumili ng recipe book." biro pa niya para lang mapatawa ako at mapatakip sa bunganga ko. Hinampas ko ng marahan ang braso niya dahil sa sinabi niya.

"Oh bakit? Totoo naman ah!" tawa niya pabalik.

Rhys even waited for me after the afternoon classes, nakaupo lang siya sa bench na nasa ilalim ng Narra tree, he even bought some ice cream for us, nakakahiya nga dahil ilang oras siyang naghihintay dito, ipinatawag pa ako sa clubroom.

"Sorry, pinatawag lang ako." sabi ko at inayos ang salamin ko.

"It's okay, it doesn't matter," sabi niya at ngumiti sa akin, sumilay na naman ang dimples niya. "I'm willing to wait." sagot niya para lang mapatingin ako sa kaniya.

"It's weekdays, may pasok, wala kang pasok?" tanong ko at nag-iwas ng tingin.

"Rest day, may rest day ang bawat course sa Westwood." sagot niya sa akin at hinawi na naman ang buhok niya.

"What's your course?"

"Tourism."

Tumango-tango naman ako sa sagot niya, nag-aya na rin siyang umuwi kami at ihahatid niya ako sa bahay namin. Noong una ay ayokong sumama, pero ng maalala ko ay wala pala si Harison, ay sumabay na ako.

Sa pag-uwi ko ay tahimik lang kami, walang nag-iimikan sa aming dalawa hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay namin.

"Uh, thank you Rhys." ani ko at bumaba na sa kotse niya.

"Anytime, Alva, anytime." sagot niya, ng maisara ko ang pinto ay pinatakbo na niya ang sasakyan.

Naisip ko kaagad ang pagtanggi ko kay Joaquin, mabilis akong pumunta sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko. Nakita ko pa si Lia na nagsusulat, siguro ay ginagawa niya ang homework niya, dahil nagbibilang siya sa mga daliri niya.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kinuha ang cellphone ko, tumayo ako sa tapat ng pintuan ng balkonahe at dina-ial ang number ni Joaquin. Hindi ito sumasagot, kaya itinext ko na lang siya.

Me: Joaquin, can we talk?

Pagkasend pa lang ay napahiga ako kaagad sa higaan, kahit hindi ko pa hinuhubad ang ID ko dahil sa kaba. Siguro ay galit siya sa akin ngayon, dahil hindi ko siya sinamahan mag-lunch kanina, at may kasama pa akong iba. Tumunog bigla ang cellphone ko at mabilis kong tinignan iyon.

Joaquin: Yo, what's up?

Kaagad kong tinawagan ang number niya, at salamat, sumagot siya.

"Joaquin, I can explain." I said, at bumuntong-hininga.

[Alva, it's okay, pwede ka namang tumanggi sa'kin.] he said.

"Uh, napagsabihan lang ako ni Mommy dahil kay Rhys, he's not anyone who is so important, sadyang sinamahan ko lang siya kanina dahil syempre, ako naman talaga pinuntahan niya." paliwanag ko pa at hinubad ang ID ko.

[Okay, so, it was all your Mom's? At tiga Westwood pa talaga, I wonder how he enters the guards. And, for your parents, akala ko ba ay hindi na sila umuuwi?] tanong pa niya.

"I know, pero kagabi, nandito si Lia, and guess what? Lia was so happy!" ani ko at napangiti. "Dinala ni Mommy si Rhys dito kagabi dahil sabi raw ng Daddy niya na ipakilala siya sa akin, at wala naman akong choice. It's a yes or yes situation!" paliwanag ko at natawa ng marahan.

[Baka arranged marriage 'yan ha!] paalala niya para lang manlaki ang mga mata ko.

"What?! No way! I'm 19! Hindi pa ako pwedeng magpakasal! And if ever na gagawin 'yon nila Mommy, aalis talaga ako rito, isasama ko si Lia!" tawa ko sa kaniya.

[I'm just kidding! Sasama ka ba sa'kin kung gagawin mo 'yon?] he asked. Napatulala na lang ako noong marealize ang sinabi niya, and then, nagsalita pa ulit siya.

[Lia's face was kind of priceless kung siguro ay nakita ko 'yon.] sabi niya at narinig kong napatawa siya ng mahina.

"Rhys said, nice meeting you raw." biro ko sa kaniya.

[What? No way,] sabi niya at narinig kong medyo nairita siya. [Sana ay hindi ko na nakita ang mukha niya kanina.]

"Hey! So rude! Hindi dapat ganiyan sa mga taong kakikilala mo pa lang!" suway ko sa kaniya. "Uh, Joaquin, I'm sorry about last time, kung hindi ako maayos na nakapagpaalam sa'yo." ani ko pa.

[It's okay Alva, it doesn't matter to me, ngayong araw lang naman.] He chuckled.

"Promise, bukas, sabay-sabay na tayo nila Asher maglalunch." sagot ko sa kaniya.

[I will wait for you.] sagot niya pabalik sa akin para lang mag-isip ako ng kung ano-ano.

Ibinaba na niya ang tawag para lang mapangiti ako at mapatili sa kilig.

"I will wait for you..." paulit-ulit kong salita sa sarili ko. Is there something behind it? No, Alva, naga-assume ka na naman! Masakit iyon!

Every Wednesday, pumupunta si Rhys sa school dahil rest day naman daw niya iyon. Bukod sa flowers, ang dala niya minsan ay mga chocolates, o kaya minsan ay mga inumin. Lagi na lang nagtitilian ang mga babae sa hallway, palaging ganito tuwing Wednesday, ewan ko ba kung bakit hindi pa rin kami narereport sa admin. Minsan ay inaaya pa rin ako ni Joaquin na kumain kahit alam niyang kasama ko si Rhys, pero tumatanggi ako.

"Alva..." Joaquin said.

"Umm, maybe tomorrow, kasama ko si Rhys, sorry." saad ko at hinatak na si Rhys.

"Yeah bro, sa akin muna si Alva." sagot ni Rhys sa kaniya.

He tsked, "Whatever." at sabay alis.

Palaging ganito, laging ganiyan ang ugali ni Joaquin kay Rhys, hindi naman mahirap na tanggapin na kaibigan ko rin si Rhys, napailing na lang ako ng mapagtanto na nagiging salbahe si Joaquin sa harap ni Rhys, at hindi ko nagugustuhan iyon.

Minsan ay pinipilosopo niya si Rhys, para lang magtama ang tingin nila, at magkaroon ng tensyon sa pagitan nila. Ayaw kong nagkakaroon ng gulo sa harapan ko, kaya ako na mismo ang naglalayo kay Rhys, at iniilingan lang ang ugali ni Joaquin.

Nakatulala lang ako ng bigla na lang magsalita si Rhys, busy pa rin ako sa paghahalo ng shake ko.

"Nagsuggest ako sa school cafeteria na iba-iba sana ang lutuin nilang ulam para hindi na rin magsawa ang ibang estudyante," panimula niya, nakatingin lang ako sa kaniya. "At, pumayag naman sila kahit papaano." ani pa niya at humigop sa straw ng shake niya.

He's talkative, I mean it. Pero, sa mga Wednesday na nagdaan, I use to get comfortable with him. Minsan pa nga ay hinihintay ko siya sa tapat ng pintuan namin, sinabi ko na rin kina Joaquin at Asher na hindi ako sasabay sa kanila tuwing Wednesday, at naliwanagan naman si Joaquin noong ipinaliwanag ko iyon dahil kasabay ko si Rhys. Nagiging sanay na ako sa pagiging madaldal niya, minsan pa nga ay hindi rin ako maawat sa pagtawa dahil sa mga joke niya.

"Naalala ko sa Biology, nagdissect kami ng palaka, inilagay nila dati 'yong buhay na palaka sa bag ng teacher ko, pagkatapos noon, nakita na lang namin may 75 na kami sa grade noong highschool ako." paliwanag niya para lang mapangiwi ako.

"That's bad!" bwelta ko at hinampas ng marahan ang braso niya.

Minsan ay isinasama ako ni Rhys sa isang charity kung saan ito ang sinusuportahan ng Daddy niya, nakakatuwa dahil kahit papaano, kahit wala silang magulang, ang mga bata rito, ay masaya pa rin sila. Minsan ay mga madre ang nag-aalaga sa kanila. Lia and I should be thankful for having parents, pero hindi ganoon kasaya katulad nila.

Minsan naman ay bumibisita siya sa bahay, sumasakto naman dahil hindi minsan bumibisita si Joaquin. Lia was kind of comfortable with him, nakikipagtawanan at biruan na rin siya. Rhys was an angel, a beautiful and loving angel.

"Alva, nabalitaan ko kina Joaquin that there were some Westwood guy who always, visits you?" tanong kaagad ni Harison ng mailagay na ang order namin, nasa To the Max kami ngayon dahil uwian na.

"Uh, yeah, he's a friend." sagot ko sa kaniya at nagsimula ng kumain.

"A friend?" pang-aakusa pa niya sa akin.

"Yes, my mother introduce him to me, wala namang bago, at walang ibang meaning 'yon, besides we both have the same situation." paliwanag ko pa at inayos ang salamin ko.

"For what, Valine?" kapag tinanong na niya ako gamit ang second name ko, ibig sabihin lang ay may gusto siyang malaman.

"Nothing! I'm just stating the truth behind it!" dipensa ko pa para lang tumaas ang kilay niya.

"A friend?" Joaquin tsked, napatingin ako sa kaniya at nag-iwas naman siya.

"Mamaya may agenda na sa likod niyan Alva, patay tayo riyan!" biro ni Asher sa akin at kumain naman na siya, binato ko lang siya ng tissue.

"Wala ah, and if ever na may balak si Mommy, hindi ako papayag!" matapang kong sagot, nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko, nalaman ko kaagad ang amoy ng pabango niya at mabilis akong lumingon sa gilid ko.

"Hi, Rhys Estrada, nice to meet you all." ani niya at sumilay sa mukha niya ang isang mapanlokong ngiti.

"Evan Estrada's son?! Alva? Why didn't you told me?" tanong ni Harison sa akin at nakipagkamay siya kay Rhys.

I rolled my eyes, paano ay hindi niya kasi ako pinatatapos kanina. Narinig ko namang nabilaukan si Asher at mabilis siyang sinaklolohan ni Joaquin.

"Sabi ko kasi dahan-dahan lang." suway sa kaniya ni Joaquin, tumingin siya sa akin at umiling.

"Gago, nagulat lang ako, anak na naman ng artista!" puri ni Asher at nakipagkamay na rin kay Rhys.

Nakita kong inilahad ni Rhys ang kamay niya kay Joaquin, tinitigan lang iyon ni Joaquin, at sa sandaling oras ay tinanggap niya ito.

"JC Salvador, Alva's bestfriend." sabi ni Joaquin para lang mapatingin ako sa kaniya.

"So, Salvador, how was your day?" tanong ni Rhys at pumangalumbaba pa, hindi na ako makakain dahil iniisip ko na lang na baka bigla silang magsuntukan.

"It's fine, pero noong dumating ka, hindi na, now tell me, how about yours?" tanong pabalik ni Joaquin.

"Woah, that's insane, I'm sorry," ani pa niya at natawa ng marahan, napatingin ako kay Joaquin dahil sa mga galit niyang mata.

"About that question, I'm fine also." dugtong pa niya.

"So why are you here? Loser?" tanong ni Joaquin para lang mapayuko ako.

Rhys chuckled, binasa pa niya ang pang-ibaba niyang labi at sumilay na naman sa labi niya ang isang ngiting mapang-asar. "Sorry kung hindi ka nakikipag-usap sa mga katulad ko, Salvador, but I'm here for miss Alva, right?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako kay Rhys at itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. "Bro, wala akong balak makipagbuno, chill." sagot pa niya at tumawa ng marahan.

Ngumiti lang si Joaquin na punong-puno ng sarkasmo, ayoko ng pakikitungo niya kay Rhys. Hindi ibig sabihin na kakikilala pa lang niya ay yayabangan na niya. Napatikhim ako para lang bumagsak ang ngiti ni Joaquin, kinuha ko ang gamit ko at nauna ng lumabas. Hindi ko na naubos pa ang pagkain ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Even in the past days, palaging ganoon ang attitude niya towards Rhys, can he be more friendly this time? Parang hindi na mangyayari iyon.

Rhys is just a friend, wala namang malisya roon! Lumabas ako ng kainan ng may humawak sa braso ko, si Joaquin.

"Hey, Alva—"

"Joaquin, hindi mo naman kailangan na ganoon ang pakikitungo mo, how many times do I have to say that Rhys is just a friend! Anong bang hindi mo maintindihan?!" medyo tumaas ang boses ko para lang magulat siya.

"Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip mo para ganiyan ang ipakita mong ugali sa harapan niya, akala mo ba pag-aangas ang sinasabi niya kapag tinatanong ka?! Tinatanong ka lang niya kasi gusto ka niyang maging kaibigan!" dugtong ko pa para lang mapahinga ako ng malalim.

"He boastful about himself, hindi mo ba nakikita 'yon?"

"Pero sa'yo nakikita ko!" sigaw ko sa kaniya, hindi ako nagdalawang-isip na pag-isipan ang pagsigaw sa kaniya.

"I'm s-sorry..."

"Joaquin, hindi na tayo highschool para magyabang pa, para kang bata sa ginagawa mo! Nagtitimpi na ako sa ugali mo!" dugtong ko pa para lang mapahawak ako sa sintido ko.

Tumingin ako kay Joaquin at nakita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya, biglang nanlambot ang ekspresyon ko dahil alam ko sa sarili kong masakit sa damdamin ang mga sinabi ko.

"J-joaquin..."

"Alva, kung iyan ang mga bagay na nabubuo sa isipan mo, fine, ako na ang mayabang." sagot niya sa akin, hahawakan ko sana ang kamay niya ng bigla niya itong iniwas sa akin, naririnig ko ang malalim niyang sunod-sunod na paghinga. Mas lalo akong siniklaban ng galit ng marealize ang mga sinasabi niya.

"F-fine! Kung magagalit ka sa'kin, magalit ka lang! Wala akong pakialam!" sigaw ko sa kaniya pabalik para lang tumigil siya sa paglalakad.

"As you wish, Alora Valine." sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit parang gumuho ang puso ko ng sabihan niya ako ng ganoon. Hindi ko alam kung ako pa ba ang sarili ko, o si Joaquin pa rin ba ang kinakausap ko. It hurts dahil hinayaan niya lang ako ngayon, sa mga sinabi ko tungkol sa kaniya. Hindi siya ganito, hindi niya hinahayaang magalit ako sa kaniya, pero ngayon, parang wala na rin siyang pakialam.

This is all my fault.

"Ito ang gusto mo 'di ba? Fine. I'm mad at you Alora Valine."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status