Share

Uncle Cenon's Obsession
Uncle Cenon's Obsession
Author: Binibining_mary24

Chapter 1

NAPATITIG si Almary sa inaabot sa kanya ni Ren na dress. Binili nila iyon kanina sa mall, gusto kasi niyang mag-night out silang tatlo. Birthday niya kasi bukas at kailangan niyang umuwi pero bago iyan, gusto niya muna maranasan ang mag-night out bago siya bumalik sa probinsya.

"Hoy bruha! Natulala ka diyan?"

Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Ren. Humaba ang nguso nito at inigalaw nito ang hawak nitong hanger kung nasaan ang kulay pula na tube dress na sa tingin niya ay hangga gitnang hita niya lang haba. Gusto iyong ipasuot sa kanya ni Ren, hindi niya maiwasang mapangiwi para kasi siyang mga babaeng nagtratrabaho sa club kung isusuot niya iyon. 

"Seryoso kang kailangan ko talagang suotin iyan?" nakangiwing tanong niya.

"Oo, day! Ano ba ini-expect mong ipasuot ko sa iyo? Palda na hangang talampakan mo ang haba? Naku oy, Almary, kung talagang gusto mong pumunta sa bar, huwag ka maging maarte oy! Pagtatawanan ka ng mga tao dun kapag ganiyan ka," humahaba ang ngusong giit ni Ren at hinawakan ang kamay niya at ilagay dun ang dress.

Napakamot siya sa kanyang pisngi. "Ano magagawa ko 'e, ngayon ko lang naisipang subukan ang mga bagay na ito. Alam mo naman na condo at eskwelahan lang ako lagi."

Napailing si Princess. "Bakit naman kasi napakabait mo 'e. Iyan tuloy nagiging bobo ka sa mga bagay na ito.

"Oo nga! Sa tagal nating magkaibigan at magkasama sa iisang condo, ngayon mo lang naisipang sumama sa amin? Ano nakain mo at lumalabas ka na ngayon sa comfort zone mo, Maria Clara-este Almary?" seryosong giit ni Ren at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

Inalis niya ang mga kamay ni Ren sa magkabilang balikat niya at inilagay ang hawak na hanger sa may kama niya. Oo nasa loob sila sa kanyang silid. Humarap siya sa dalawa na ngayon ay nakatunganga sa kanya at nakakrus ang mga braso sa mga dibdib.

"So?" nakataas ang kilay na wika ni Ren.

Bumuntonghininga siya. "Napagtanto ko kasi na mag-20 na ako bukas pero parang wala man lang akong karanasan sa mga bagay na dapat maranasan ko bilang teenager. Gaya ng pag-night out, flirting and drinking alcohol with friends, ganun kaya ako ngayon nagdesisyon na mag-step out sa comfort zone ko."

Nagulat siya nang bigla na lamang tumili si Princess tapos niyogyug naman siya ni Ren.

"Mabuti naman at na-realize mo iyan habang bata ka pa! Akala ko magiging matandang dalaga ka na lang, day!" giit ni Ren habang niyogyug siya.

Alinlangang ngumiti siya. "Oo nga 'e pero atin-atin lang ito 'a. Alam ninyo naman si Mommy at Daddy. Ayaw ng mga iyon na mag-bar ako o makikipagharutan sa lalaki."

Mabilis na tumango-tango ang dalawa na halos mabale ang mga leeg ng mga ito.

"Sureness, sister! Kami bahala sa iyo, ipaparanas namin sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa naranasan at nakita," nakangising giit ni Princess at hinaplos ang buhok niya.

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa ngisi ng kaibigan para kasing may hindi magandang binabalak.

"Tama! Kami bahala sa iyo, day! Birthday gift na din namin ito sa iyo ni Princess," nakangiting dagdag ni Ren.

"Yeah, malay mo ngayong gabi ka pa makaranas ng dilig," natatawang sabi ni Princess.

"Loka! Grabe ka naman dilig agad, hindi ba pwedeng halik muna?" tawang-tawa sabi naman ni Ren at nag-apir ang dalawa.

"Day, maligo ka na at isuot mo ito, okay?" baling mamaya ni Ren sa kanya.

Napatango-tango lang siya. Kailangan niyang lakasan loob niya kung gusto talaga niyang pasukin ang ganitong mundo kahit ngayong gabi lang. Gusto niya rin maging careless and wild. 

ILANG sandali pa ay nakatingin na si Almary sa repleksyon niya sa salamin. Nakakurba heart ang disenyo ng dress sa harap habang backless ang likuran. Tama nga ang kanyang tantiya hanggang gitnang hita niya ang haba nun. Hapit na hapit pa sa kanya kaya't litaw na litaw ang kanyang mala coke na katawan. Although slim siya, may kurba pa din katawan niya dahil maliit bewang niya, may kalakihan ang balakang niya at gayon din ang dibdib niya na ngayon ay litaw na litaw ang cleavage sa suot niya.

"Oh my! Champion ang datingan mo, day! Sinasabi ko na nga bagay sa iyo 'e!" medyo may kataasan ang boses na komento ni Ren na kakapasok lang sa kwarto niya. 

Bihis na bihis na rin ang babae. Tulad niya ay nakasuot din ito ng maikling dress, kulay itim nga lang at iba ang disenyo. 

"Parang ma-t-tomboy ako sa sobrang seksi at ganda mo, ante!" tili naman ni Princess at minasdan siya mula ulo hanggang paa. 

Natawa siya sa kabaliwan ng dalawa. "Asus inu-uto ninyo pa talaga ako ano?"

"Loka! Hindi ka namin inuuto, masakit mang aminin pero ikaw ang champion sa gabing ito, walang-wala kami sa kaseksihan at kagandahan mo, although wala ka pang make up, niyan ha? Ano pa kaya kung lagyan pa kita ng light make up? Baka talagang pang Miss U ka na ngayon, ante!" humahaba ang ngusong giit ni Ren at lumapit sa kanya at hinila siya paupo sa may chair sa harap ng kanyang vanity mirror.

"Wala akong make up set," nakangiwing aniya. Wala talaga kasi hindi naman siya mahilig sa mga ganun, pakiramdam kasi niya bumibigat ang kanyang mukha kapag naglalagay siya ng make up kaya't pulbo at liptint lang 'e sapat na.

Kung gugustuhin niya afford na afford namah niya kaso sadyang hindi niya lang hiling ang maglagay ng kolorete sa mukha niya. 

"Huwag ka mag-alala, day. Mayroon akong dala kasi alam ko na naman na wala ka talagang gamit dito. Ewan ko ba sa iyo, kung iisipin afford mo kahit pinakamahal pang make up set dahil ang laki ng Allowance na pinapadala ng Mommy at Daddy mo everymonth pero mas pinili mo bumili ng mga sets na libro," giit ni Ren at umirap ito sa hangin.

"Eh, mas gusto ko ang libro kaysa pampaganda 'e, ano magagawa ko? Pero hayaan mo ngayon susubukan ko na," nakangiting aniya.

"Mabuti at naisipan mong sumubok para kang hindi babae kung magpapatuloy ka sa ugaling mong iyan," seryosong sabi ni Princess nakaupo ngayon sa kanyang kama.

Bago pa man bumuka ang labi niya ay bigla na lamang tumili ng napakalakas si Ren kaya't napatayo siya at napatingin sa kaibigan na tumatalon-talon sabay turo sa may sahig. Natawa siya ng mahina nang makita niya ang butiki na dali-daling pumasok sa likod ng kanyang kabinet. 

"Bakit may butiki rito sa kwarto mo?" kabadong tanong ni Ren.

Nagkibit balikat siya. "Aba'y ewan ko."

"Hindi ka ba natatakot sa butiki, Al?" tanong naman ni Princess sa kanya.

Tumingin siya sa dalawa. "Hindi ako takot sa butiki, mas takot ako sa tt," direktang sagot niya.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng dalawa na para bang hindi makapaniwalang naisabi niya iyon.

"Diyosko po! Ikaw ba talaga iyan, Al?" gulat na bulalas ni Princess.

"Oo nga! Saan mo natutunan ang salitang iyan?"

Natawa siya. "Hindi naman kasi po ako ignorante tulad ng iniisip ninyo. Wala man akong karanasan, may knowledge naman ako."

"Knowledge about sa tt?" natatawang tanong ni Ren.

"Oo, since elementary tinuturo iyan sa school, sa science hindi ba't may ganiyan at nanood din ako ng mga rated x na flims no, akala ninyo hindi? Kaya't alam ko itsura ng tt at ang kakayahan niyan," seryosong sabi niya.

"Well good to know na, aware ka sa bagay na iyan. l assume na may ideya ka na din sa ginawa ng mga babae at lalaki sa bar?" Si Princess na umayos ng upo.

"Oo naman, isa nga iyon sa rason bakit ko gusto sumama sa inyo sa may bar kasi edad kong 19, hindi ko man lang narasan magkanobyo. Hindi ko man lang narasan ang mayakap at mahalikan ng isang lalaki–"

"Paano ba naman kasi, ineng, nakapa-ilap mo. Kung manliligaw lang pag-uusap, marami ka nun kaso lang mapili ka, kaya't ano ka ngayon nganga!" natatawang sabi ni Princess.

"Taas kasi ng standard mo, day, natural na wala ka talagang magiging boyfriend kasi there's no perfect guy in this world hindi gaya ng nasa librong binabasa mo," seryosong giit ni Ren at sumenyas itong pumikit siya na kaagad naman niyang sinunod. May ini-spray ito sa mukha niya, nang matapos na ay minulat niya mga mata niya.

"Aba'y dapat lang na mataas standard ko sa lalaki ko no. Ang arte nga nating mga babae sa mga damit o make up na bibilhin natin sa mall o online shop, sa lalaki pa kayang maari maging mister at ama ng magiging anak natin," seryosong katwiran niya.

"May point naman pero, day. Kapag sobrang arte mo naman, tatanda ka talaga mag-isa," nakangiwing sabi ni Princess.

Bumuntonghininga siya. "Kaya nga ako ngayon sasama sa inyo kasi binabaan ko na. Susubukan ko makipagharutan ngayong gabi, any tips?"

Napapikit siya ng mariin ng biglang tumili si Ren ng malakas at napatigil ito sa paglagay ng counceler sa kanyang mukha.

"ACKK!! Mabuti-mabuti, day. Mamaya kami magtuturo sa iyo kung paano sa ngayon ay pukos muna tayo sa pagpapaganda sa iyo!" excited na sabi ni Ren.

"Oo nga, magiging modern Cinderella ka ngayong gabi! At kaming dalawa ang magiging fairy Godmother mo!" parang ewan na singit naman ni Princess at tumayo pa sabay luhod sa harap niya at pinasuot sa kanya ang 4 inches na heels na kulay pula din. 

Hindi niya maiwasang mapangiti. Sabik na din siyang malaman at makita ang sariling nag-e-enjoy kasama ang prince charming na makikita niya ngayong gabi sa bar. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Andrea
Do you have a English version
goodnovel comment avatar
Kayla Solo
why could you do this in English
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status