Share

Chapter 4

NAGISING si Almary na masakit ang kanyang katawan at ulo. Napabalikwas ng bangon ang dalaga nang may napagtanto ito.

"N-Nasa kwarto ako?" gulat na bulalas niya. 

"Ibig bang sabihin panaginip lang ang lahat?" malungkot na aniya. Ang inaasahan niya kasi magigising siya sa ibang kama, hindi pamilyar na kwarto at katabi niya ang gwapong lalaking kalandian niya pero nasa kwarto siya. Wala ang lalaki, may damit siya pero masakit nga lang ulo at katawan niya.

Napahawak siya sa kanyang bibig. "OH MY! OH MY!" tili niya. 

"Paano k-kung ni-rape ako ng maligno sa panaginip ko? Kaya't masakit katawan ko? Dahil kung talagang nakainom ako kagabi at may kasama akong lalaki nasaan na siya?" natarantang bulalas niya.

"HOY BRUHA, TUMIGIL KA NGA!" malakas ang boses na sabi ng kaibigan niyang si Ren. Nakasuot ito ng dress at sabog ang buhok at mukhang kakagising lang.

"Bakit ganiyan mukha mo?" gulat na tanong niya.

Humikab ang kaibigan niya. "Gaga! Nakalimutan mo bang nag-bar tayo kagabi? Tignan mo nga iyang sarili mo suot mo pa rin iyong dress na pinasuot namin ni Princess sa iyo."

"So, totoo ng bar tayo kagabi?" nanlalaki mga matang tanong niya.

Kumunot-noo ni Ren. "Loka! Oo naman bakit ano ba akala mo? Ay, speaking of bar, ang gwapo ng lalaking kasayaw mo kagabi 'a, siya ba naghatid sa iyo?"

Napaupo siya sa kama. "So, totoo nga iyong mga nangyari kagabi? Hindi ako nanaginip lang? Hindi maligno ang kumuha sa puri ko kundi gwapong tao?"

Nanlaki mga mata ni Ren. "WHAT F!! BUMIGAY KA??? NAGPADILIG KANG MAHAROT KA—"

Mabilis na bumaba siya sa may kama niya at tinakpan ang bibig ni Ren.

"Shh, huwag ka maingay, hindi naman kasi ako sure kung may nangyari ba sa amin o wala," mahinang aniya.

Kinagat ni Ren ang kamay niya kaya't napadaing siya at naalis ang kamay niya bibig nito ng umatras siya. 

"Loka-loka! Bakit hindi mo alam? Don't tell me nakatulog ka?" nakapameywang na tanong ni Ren sa kanya.

Ngumiwi siya. "Baka nga, pero pinagtataka ko 'e paano ako nakarating dito? Kung hinatid niya man ako paano niya nalaman address ko at paano siya nakapasok?"

"Oo nga ano?" sang-ayon din ni Ren sa kanyang sinabi.

Napahawak si Ren bigla sa bibig nito. "Hala! Paano kung stalker mo pala iyon? Kaya't alam niya saan ka nakatira–"

Binatukan niya ito. "Loka! Kung stalker ko nga siya edi sana hindi niya ako iniuwi at dinala niya na lang ako sa lugar na masosolo niya ako, hindi iyong ganito, isa pa ang gwapo niya naman para maging stalker ko lang."

Nagkibit balikat si Ren. "Sabagay pero grabe ka, sister! Hindi ko akalaing makakabingwit kaagad ng lalaki at ang gwapo pa at oh! Ang ganda ng katawan, nakuha mo ba ang pangalan o numero niya?"

Natigilan siya dahil hindi niya nakuha ang numero ng lalaki at nakalimutan niya din kung naitanong ba niya ang pangalan nito o hindi.

"Hoy, natulala ka? Siguro inaalala mo iyong pinagkagagawa ninyo kagabi ano?" buska ni Ren sa kanya.

"H-Hindi 'a, iniisip ko lang kung na itanong ko ba ang pangalan niya o hindi, pero wala akong maalala," aniya at hinilamos sa mukha ang mga kamay.

"Aray! Bakit kasi hindi mo maalala? Sayang naman, paano mo hahanapin si pogi?"

Tumingin siya sa kaibigan. "Ewan ko," malungkot na aniya.

"Sa susunod kasi habang matino pa isip mo, tanungin mo na kaagad ang lalaki dahil mga ganung klaseng lalaki, hindi dapat pinapakawalan, dapat sa kanila tinatali sa kama–este sa bewang para hindi na mahuli ng iba," pilyang hirit naman bigla ni Princess na nakatayo sa may pintuan niya.

"Topak, sis! Ang hina kasi nito," natatawang ani ni Ren.

Inirapan niya ang dalawa. "Aba'y malay ko naman sa mga ganiyang teknik 'e ngayon nga lang ako natuto lumandi. Siya pa nga lang lalaki na nilandi ko–"

"Hala? Totoo, nilandi mo, sis? Akala namin siya lumandi sa iyo?" 

Nahihiyang yumuko siya at tinampal ang kanyang matabil na dila. Bakit kasi sinabi niya pa ang bagay na iyon?

"Hoy, bruha, sumagot ka kung ayaw mong ibuko ka namin kina Tito at tita," giit ni Ren.

"Hoy, wala namang ganyanan," mabilis na saway niya.

"Sabibin muna kasi para namang hindi mo kami kaibigan 'a," ani ni Princess at nameywang sa kanyang harapan.

Bumuntonghininga siya. "Sige na, sasabihin ko na, ang kulit ninyo talagang dalawa!"

Tumawa lang ang dalawang bruha, napailing na lamang siya.

"Oo inaamin ko na nilandi ko siya, nagulat nga ako sa sarili ko 'e nagawa ko ang bagay na iyon. Ang naalala ko lang 'e noong nasa dance floor kami pero noong lumabas kami—"

Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla na lamang may nag-flash na scenario sa kanyang utak. Kasama niya ang lalaki sa loob ng sasakyan, wala na siyang suot na dress bra, tanging panty na lamang ang natira habang nakandong siya sa lalaki. Napapikit siya ng mariin at pilit na inaalis iyon sa isipan niya lalo na nang mag-flash sa utak niyang naghahalikan sila ng lalaki at mamaya pa ay umungol na siya habang nasa lagusan niya ang mga kamay nito.

"Holy shit!" mura niya at umiling-iling sabay hawak sa kanyang ulo.

"Oh! No, did l just–oh my!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya nang mapagtanto niya ang mga pinagkagawa niya kagabi kasama ang estrangherong lalaki sa kotse nito.

"Oh, ano nangyari sa iyo? Bakit parang namumutla ka ata at parang hihimatayin ka na?" nagtatakang tanong ni Ren.

"Oo nga, masama ba pakiramdam mo?"

Umiling-iling siya at parang gusto na niyang umiyak pero pinigilan niya lang ang sarili. Ang tapang-tapang niya kagabi, marahil dahil sa alak at sa bugso ng damdamin ngayong hindi na siya lasing at maayos na ang pag-iisip niya 'e napagtanto niyang maling-mali ginawa niya.

"Hoy, lukaret! Napano ka?" nag-alala nang tanong ni Ren nang mapansin marahil nitong hindi siya mapakali.

"Oo nga, kinakabahan na kami sa iyo 'a, para kang buntis na malapit na manganak–"

"Oh, shit! P-Paano kung mabuntis ako?" Naibulalas niya bigla.

"Ano? Paano ka naman mabubuntis–oh my! So, nagpadilig ka nga? Naaalala mo na ba nangyari kagabi?"

"Medyo, pero hindi ako sigurado. Bumalik na sa akin iyong mga esksenang naghalikan kami sa loob ng kotse niya and h–he touch me."

Natahimik ang dalawa at nagkatinginan ito, pumikit siya ng mariin at hintay ang sermon ng mga ito pero napamulat siya nang….

"Where did he touch you?" tanong ni Ren nakinagulat niya pero bumuka din naman ang mga labi niya para sumagot.

"He touched my breast and my…" Imbis na sabihin ay tinuro niya ang kanyang pechay.

"Ano ginawa mo? Noong hinawakan niya ang cocomelon at pechay mo?"

"Umungol ako," wala sa sariling sagot niya.

"Sa sarap o dahil nag-protesta ka?"

Natahimik siya. "Pareho…"

Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Napapikit siya at napatakip ng kanyang tenga ng sabay na tumili ang dalawa niyang kaibigan.

"Malandi ka! Naunahan mo pa talaga kami, nagpabinyag ka na," giit ni Ren at niyugyog siya.

"Oo nga! Loka ka, akala ko pa naman 'e tatanda kang dalaga at mabubulok 'yang flower mo," hirit din ni Princess.

"Ibig bang sabihin niyan birhen pa pala kayong dalawa?" gulat na bulalas niya.

Binatukan siya ng dalawa kaya't napadaing siya.

"Aray ko naman!" d***g niya at sinamaan ng tingin ang dalawa.

"Loka-loka ka kasi! Paano mo naman naisip na hindi na kami birhen?" nakataas kilay na asik ni Ren sa kanya.

Ngumuso siya. "Eh, kasi mahilig kayo sa night out at marami kayong lalaki. Moderno kayong mag-isip kaya't ini-assume ko na hindi na kayo birhen–"

"Baliw ka talaga! Pero totoo bang hindi ka na birhen?"

"Ewan ko, iyong naaalala ko lang 'e hinawakan niya ako sa aking magkabilang cocomelon at pinasok niya ang daliri sa aking petchay tapos naghalikan kami pero wala naman akong maalalang may ginawa pa siya maliban dun," nakayukong paliwanag niya.

"Pero masakit ba pechay mo? O katawan mo?"

Pinakaramdaman niya ang kanyang katawan, masakit nga katawan niya pero hindi ang pechay niya.

"Masakit katawan ko at ulo pero hindi ang pechay ko–"

"Ay baka naman kasi masyadong maliit iyong kay kuya pogi kaya't hindi naunat ng todo ang lagusan mo," nakangiwing hirit ni Princess.

"Baka nga, sayang naman kung ganun," pailing-iling pang sabi naman ni Irene.

"O baka naman wala talagang nangyari sa amin kundi iyon lang, he just kiss me, touch my breast and my private part but he did not penetrate me," aniya naman.

"Isang tao lang makakasagot niyan at iyon ay ang poging kalandian mo pero hindi mo naman numero niya o pangalan niya paano mo siya ngayon mahahanap at makausap?" wika ni Ren at umupo sa kama.

Laglag balikat na napatulala siya. Bakit kasi hindi niya maalala ang pangalan ng lalaki o naitanong niya nga ba ang pangalan nito? Sayang hindi na niya ito makikita pa, gusto pa naman din niya mas makilala pa ang gwapong binata na bumihag sa atensyon at puso niya.  

"Hala! Flight pala natin ngayong araw pauwi sa iloilo! Hindi ba't birthday mo bukas??" biglang bulalas ni Princess.

Sa narinig ay nataranta siya. "Oo nga pala! Shit, nawala sa isip ko!" aniya.

"Naka-impake na ba kayo?" natarantang tanong niya.

Sabay na tumango ang dalawa. Nakahinga naman siya ng maluwag. 

"Mabuti, tapos na din ako 'e, so, magbibihis na lang tayo at pumunta na sa airport, mabuti na iyong maaga tayo kaysa sa ma-late tayo at hindi natin maabutan ang flight paniguradong patay ako sa magulang ko kapag nangyari iyon."

"Hahaha, sinabi mo pa," natatawang sang-ayon ni Ren.

"Advance happy birthday, sister!" bati naman ni Princess.

Ngitian lang niya ang kaibigan at marahan siyang tumango. Sumulyap siya sa may malaking bintana sa gilid niya kung saan tanaw na tanaw niya ang kalangitan. 

"Lord, kung may ibibigay kayong regalo sa akin sa birthday ko, sana po 'e siya na lang. Sana po 'e makita ko muli siya at makilala," mataimtim na dasal niya habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status