Share

Chapter 19

"LECHE ka!" naiinis na bulalas ko. Sabi ko na nananadya lang ito eh. Paano na naman ako nito? Wala na akong ibang paraan.

"Are you swearing at me, Ms. Magbilao?" tanong niya na akala mo walang alam kung bakit nagkakaganito ako.

"Oo!" Naiinis na kinuha ko mula sa bag ang company ID ko na pinagawa niya. "O, sa 'yo na 'to! Ayaw ko na. Hindi na ako papasok bukas. I quit!"

Ibinato ko iyon sa kaniya saka ako nag-walk out. Pamartsa akong naglakad palayo. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng fire exit, hinubad ko ang suot kong heels. Sinadya kong ipakita iyon sa kaniya para konsensyahin siya. Kung may konsensya man siya. Padabog ko ring isinalya pasara ang pinto. Unti-unti nang dumadaloy ang luha ko habang binabagtas pababa ang bawat baitang ng hagdan.

Tototohanin ko na talaga ang sinabi kong quit! Hindi na magbabago ang isip ko. Mula ngayong mga oras na 'to, iwawaksi ko na siya sa isipan ko. Hindi na ako papadala sa mga tingin niya. Hindi na ako magpapa-hypnotized! Kakalimutan ko na ang nangya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status