Share

Time Leap to Meet You
Time Leap to Meet You
Author: Gwen

Prologue:

"Hala Finneas gagi may kamukha ka!" Kakapasok ko palang sa classroom nang biglang kinalabit agad ako ni Trisha.

Halos nasa buong klase namin pinagkagulohan ako dahil lang na kamukha ko "daw" talaga yung bagong transferee.

"May mga tao naman talagang magkamukha." Sabi ko nalang.

"Ay oo nga, feeling ko mas maganda yun eh." Pinandilitan ko nang mata si Kristoff nang sinabi nya yun. Natawa nalang sya sa ginawa ko. "Hoy atleast sinabi kong maganda ka rin, pero mas maganda talaga yun." 

Di ko alam kung magpapasalamat nalang ba ako or ma-offend.

"Pero seryoso Finneas, para nga kayong kambal. Pero may kakaiba sa aura nya na diko ma-explain kung ano." Lumapit si Josephine sa akin sabay sama sa akin sa pag-upo. Magkatabi kasi kami.

"Ano ba year nun? Na-curious tuloy ako." 

"Ka-batch lang natin dai, kaso nasa last section." Sagot naman ni Josephine. "May assignment ka? Pakopya!"

Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ang notebook ko para pakopyahin si Josephine. "Kamusta si Auntie?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo okay na rin. Salamat daw pala sa binigay nyong pagkain ng Mama mo."

"Walang anuman, no." Palihim kong tinitignan ang mukha nyang halatang pagod na pagod. Makikita mo talaga ang mga eyebags nya. Nagpa-part time kasi si Jose tapos minsan umaabot pa nang alas dose sa gabi ang trabaho nya. Tapos may sakit pa si Auntie Philia.

Napatingin sya sa akin. "Laki talagang pasalamat ko at ikaw ang naging kaibigan ko. Thank you, Fin."

"Ano ka ba. Parang ano 'to." Natatawang saad ko nalang.

Napabalik ang mga kaklase namin sa mga upuang nila nang pumasok na si Sir Marco. Napaayos kami lahat ng upo.

"Good morning, class." 

"Good morning, Sir." Tumayo kami lahat at sabay na binanggit ang mga katagang iyon at bumalik na rin sa pagkakaupo.

Nakita kong inilibot ni Sir Marco ang paningin nya at nang napadako ang tingin nya sa akin, "Ms. Ganiana, kaano-ano mo si Ms. Neasle Honston? Yung bagong lipat na estudyante?"

"Oo nga, Sir. Magkamukhang-kamukha talaga sila eh." Pagsasang-ayon ng isa naming kaklase.

"Hindi ko po alam, Sir. At di rin ako familiar sa pangalan nya." Saad ko nalang. Nacu-curious na talaga ako sa mukha ng transferee. Pati si Sir napatanong. 

"Oh, okay." Inayos nya ang librong hawak nya at nagpatuloy. "Our lesson for today is..."

Naka-focus lang ako sa lesson ni Sir. Kailangan ko rin talagang makinig, lalo na kapag si Sir Marco magle-lesson kasi may pa-surprise quiz kasi minsan si Sir.

Habang nakikinig, may namamalayan akong tao na parang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa pintuan sa labas kasi nandun ang presensya ng taong nakatingin. Pero pagtingin ko sa pintuan, wala naman. Weird.

"Wowers, talino mo talaga Finneas." Compliment sa akin ni Daisy pagkatapos ng pangalawang subject. "Saan ba napupulot ang utak na ganyan? Bulok kasi na utak napulot ko eh." Pagbibiro nya.

"Baliw." I said.

Pagkatapos, inaya nya akong sabay kaming kakain sa canteen. 

Pero saktong papalabas palang namin sa classroom namin, may humarang sa pintuan.

"Can I talk to you?" Parang nanlaki ang mata ko sa taong nakaharap ko. I n-never expected this..

Napa-scan ang mata ko sa kabuuan nya. Mula ulo hanggang paa. She's just the better version of me!

"Ako?" I asked. 

But she was just looking at me without emotions.

"Oo, you."

"Ah, o-ofcourse." Tumingin ako kay Daisy to asked for her permission. Tumango nalang sya. 

"Dun tayo sa rooftop. There's something I wanted you to know." Nagsimula na syang lumakad kaya sinundan ko nalang sya.

Gusto ko sanang magtanong kaso parang seryoso sya. 

Kilala nya ba ako? Bakit magkamukha kami? May ibang anak si Papa?! Or si Mama?! But no..  Honston daw sya, sabi ni Sir kanina. She's Neasle Honston.

Ewan. Nagugulohan ako.

"So, anong meron? Magkadugo ba tayo?" Nang makarating kami sa rooftop, tinanong ko kaagad sya. Bakit kailangang ipa-rooftop pa? Siguro isa itong sekreto kaya bawal malaman ng iba.

Galing sa pagkatalikod, hinarap nya ako. Tumingin sya sa akin, isang napakalalim na tingin. Siguro mga isang minuto din yun, at ako naman bilang isang nagugulohan, nakatingin din sa kanya na may tanong sa mukha.

"I am you from the future and I wanted you to change your future."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status