Share

Chapter Four

"Hoy Finneas! Na ano ka?" medyo napabalikwas ako nang tinawag ako ni Kristoff. Hindi ko namalayan na napatunganga pala akong nakatingin sa kanya.

Napatampal ako sa noo ko para mabalik ako sa huwisyo. Hindi ko na talaga mapigilan na obserbahan at pagmasdan ang mga lalaking nakakasalamuha ko.

Kasalanan 'to ng Mr.Right- Mr.Right na yun eh! Kahit sino nalang talaga ang pinag-iisipan kong maaaring si Mr. Wrong o ang aking magiging Mr. Right. Pati yung mga taong dumadaan lang hindi nakaligtas eh! Kagaya sa mga love story, diba may estranghero nalang silang makilala bigla tapos di nila inaakalang ang tao pala na yun ay ang ka-forever nila.

Ewan ko nalang!

Hindi pa naman ako handa sa mga ganyan eh. Ni minsan ay hindi pa talaga pumasok sa isip ko ang "mag-jowa".

Pero I wonder, saan kaya kami nagkakilala ni Mr. Wrong? Anong meron sa kanya at bakit sya ang nakatuloyan ko?

Sumasakit na naman ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko. Pero diko talaga maiwasan. Future ko nakasalalay dito. Ayaw kong magkatotoo yung sinasabi ni Neasle sa future na ako.

"Nawe-weirdohan na talaga ako sa iyo. Simula pa nung mga nakaraang araw palang." Nakakunot-noong saad ni Kristoff sa akin. Masyado ba talaga akong halata?

"Talaga ba?" Inosenteng tanong ko.

"Talagang-talaga! Bigla ka nalang napapatitig sa akin," Sabi nito. "Crush mo na ba ako, Fin? Sorry pare, I dont do classmates." Sabay pailing-iling pa na parang dismayado.

"I dont do classmates ka dyan." Saad ko na natatawa. " Sadyang may iniisip lang ako." Pahabol ko pa.

"Mabuti na't nagkalinawan." Napaayos sya ng upo pagkatapos nyang sabihin yun. Napabuntong-hininga pa sya nang nakaayos na sya ng upo na para bang he felt relieved na hindi tama ang iniisip nya na iniisip ko. Grabe ha! Bat parang nakaka-offend?!

"Feeling! Di rin ako pumapatol sa classmates no!" I exclaimed. Hindi ko rin kaya makita ang sarili ko sa kanya!

Kristoff's not bad though. Gwapo naman ito at minsan naman may sense kausap (minsan lang). Medyo may utak din naman (maka-"naman" naman ako hahaha!). Kung sa klase lang, hindi naman sya yung nag-e-excel sa klase pero di mo rin matatawag na mahina.

He's a great guy too. Pero maprangkang tao. Sasabihin nya talaga yung mga mali mo, kung ano ang nasa utak nya, straighforward kumbaga. He's not the type na lagyan pa ng mga mabulaklak na mga salita ang sasabihin nya para lang na hindi ka masaktan sa maririnig mo sa kanya. 'Masaktan kung masaktan! Minsan kailangan mo nang isang tao na mag-i-specify ng mga mali mo, unfortunately, isa ako sa mga taong yun.'  Naalala kong saad nya. May paninindigan din talaga tong lalaking to eh. But most of the time, maloko sya at makulit. Hindi mo talagang inaakala na may ganyan syang motto sa buhay.

"Pero siguro kung hindi lang tayo magkaklase, baka may pag-asa na magustohan kita.." saad nya habang parang nag-iisip. Ini-imagine nya ata na hindi kami magkaklase.

Okay lang naman na magjowa ng kaklase eh. Pero magclassmates na kasi kami since grade 7 hanggang ngayon na senior high na kami.

"..kasi alam mo yun, maganda ka naman, matalino at mabait. You're a likeable person, Fin."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Dahil dun ay parang may sumigaw sa puso ko na: Alert! Alert!

Tumingin lang ako sa kanya ng normal, kunwari hindi ko binibigyan ng malisya ang sinabi nya.

Nababaliw na ata ako! Pati sarili kong kaibigan binibigyan ko ng malisya! Dahil talaga 'to sa Mr. Right ni Neasle eh!

"P-Pero?" Hala ba't ka nautal Fin?!

Napansin ata ni Kristoff ang pag-utal kaya natawa sya.

"Yiee naganahan sya sa sinabi ko. Hahaha!" Panunukso nya pa.

"Ahe! Ano ba!" Nanginit tuloy ang pisngi ko dahil sa tukso nya. Nakakahiya yun!

Mas lalo syang natawa sa reaksyon ko.  "Chill kalang kasi pare." Saad nya nang makabawi. "Kasi diba, ang tagal na nating magkaklase. Nakita na natin ang kadugyotan nang isa't-isa, mga araw ng oral na di tayo nakasagot at napahiya sa klase."

"Sa madaling salita, nakita na natin ang embarrassing moments ng bawat isa." Pagpapatuloy ko sa sinabi nya. Napatango-tango lang sya sa sinabi ko.

Iyan din ang dahilan kung bakit hindi ko sya makita na sobra pa sa kaibigan. Pati rin ang ibang mga kaklase na lalaki namin. Siguro noon, nung mga grade 7 and grade 8 palang kami ay nagka-crush si ano kay ano, pero nung nagtagal na, wala na. Minsan nga ay napapareklamo kami kasi wala kaming nakikitang bagong mukha sa klase namin tuwing unang araw ng school year.

"Alam mo, hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit magkaparehas kayo ng mukha ni Neasle eh." Pag-iiba nya sa topic. Chismoso rin talaga to eh!

Kanina pa kami nag-uusap dito. Nasa harapan ko kasi sya nakaupo, at dahil nga ay dadaldalin nya ako ay pinaharap nya ang upuan nya sa akin. Para maayos ang pakikipag-usap namin. Si Jose kasi nasa grupo nilang Daisy ngayon, paniguradong nakiki-chismis.

Hindi kasi pumasok si Ma'am Lilia kaya may bakanteng oras kami.

"Pati ako napapa-isip." Saad ko nalang.

"Tinanong mo ba Papa o Mama mo tungkol sa kanya?"

"Ha? Bakit naman?" Painosenteng tanong ko, kunwari wala akong kaide-ideyang tinanong nya iyan sa akin.

"Imposible talaga na hindi nyo sya kaano-ano." Sabi nya pa. "Magkamukhang-magkamukha talaga kayo."

"Ewan ko lang talaga Kris. May mga bagay nga sigurong hindi masasagot ng sensya."

"Sensya ampota."

•••

Nakatingin lang ako sa listahan na ibinigay ni Neasle sa akin habang naglalakad kami pauwi.

Ang dahilan kung bakit sabay kaming pupunta sa bahay ay dahil hihintayin nya ako na makapagbihis at pupunta kaming dalawa sa mall. Ngayon kasi ang nakatakdang-araw na mamimili sya. Sabi ko naman sa kanya na pwede naman na hindi nya na ako samahan kaso ang sagot nya lang sa sinabi ko ay nakalimutan nya na rin daw ang daan papuntang bahay.

"Alam mo na, maraming nagbago sa future." Saad nya sa akin.

Hindi naman sya magpapakita sa mga magulang ko (o namin), hindi rin kasi nila alam na nandito ang future na ako, which is Neasle. Tanging kami lang talaga dalawa ang nakakaalam sa mga bagay na ito.

"Ang dami naman nito." Reklamo ko sa kanya habang binabasa pa rin ang mga nilagay nya sa listahan. Listahan ito kung anong klase na lalaki dapat si Mr. Right!

"Kung ayaw mong magkandeleche-leche ang buhay mo sa future, sundin mo yan." Panenermon nya. Napanguso tuloy ako.

Ang dami talaga nito eh!

"Syempre, dapat unang-una mong hahanapin sa lalaki is gwapo!" Saad nya.

"Kita ko nga sa listahan na ginawa mo." Napabuntong-hininga pa ako. "Unang-una pa sa listahan oh." Dagdag ko pa sabay turo sa number 1 sa listahan.

Sinulyapan nya ito saglit tsaka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Mas importante lang talaga dyan ay mabait, gwapo, at madiskarte. Importante talaga ang gwapo para magpatuloy-tuloy ang magandang lahi natin no!"

Hindi ko talaga maisip na ako itong taong to. Masyado syang hyper, minsan rin seryoso at nagmamaldita. Sure ba talagang malaki ang pinagbago ko sa future? Huhuhu.

"Familiar ka kay Lucas?" I asked. Kailangan kong magtanong para mabigyan nya man lang ako ng hint. Wala talaga syang balak na sabihin sa akin eh. At kung hindi nya man ako sasagotin, itatanong ko pa rin sa kanya kung may nafa-familiar sya sa mga lalaking nakakasalamuha ko, ibi-base ko nalang sa facial expression nya ang sagot.

"Lucas..?" Napaisip sya.

Base sa facial expression nya ay inaalala nya palang si Lucas.

May part tuloy sa akin na parang nadismaya kasi hindi pala si Lucas makakatuloyan ko sa future.

"Kristoff?" Hindi ko na hinintay ang sagot nya, halata naman kasing wala kaming something ni Lucas sa future. Syempre kung si Lucas yung Mr. Wrong, dapat mangiyak-ngiyak na sya ngayon (diba diba??? Kapag maalala mo yung lalaking sanhi sa lahat ng sakit mo ay dapat maiiyak ka! Pero hindi sya naiyak eh).

Ini-expect ko nga kung si Lucas ba talaga si Mr. Wrong ay mapapatahimik si Neasle, mamumutla at maninigas sa tinatayuan, pagkatapos ay unti-unting tutulo ang luha nya tapos mauutal sya kapag babanggitin ang pangalan ni Lucas.

'L-L-Lucas?' pero di nangyari. Akala ko may drama nang mangyayari pero wala.

"Si Kristoff? Safe si Kristoff girl." Sagot nya sa tanong ko. Deritsahan na sagot, sure na walang kinalaman si Kristoff sa mangyayari sa future ko.

"Oh, okay. Mabuti at chill lang kay Kristoff. Nautal pa ako kanina---"

"Iyan din ang dahilan bakit ayaw kong sabihin sa iyo yung makakatuloyan mo eh." She cut me off. "Alam ko kasing ino-obserbahan mo na ang mga tao sa paligid mo. At alam ko ring nako-conscious ka na sa kanila..."

"..Lalong-lalo na kapag sinabi ko sa iyo kung sino makakatuloyan mo in the future."

"Paano kung magkita kami? O baka nagkita na kami? Kasalanan mo talaga. Masasayang pa pinaghirapan mo, diba?" Tanong ko pa. Hindi ko din gets tong babaeng to eh. May mas mabilis na paraan tapos hindi pa yun ang gusto nyang i-take.

"Just like what I've said before, I know better. At diba sabi ko rin na 'dapat hindi kayo magkatuloyan', hindi ko naman sinabi na 'hindi dapat kayo magkita'." she said. At mas lalo tuloy akong nagulohan.  Diba mas better nalang na di nalang magkita?

Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako. Humarap din ako sa kanya. Magtatanong na sana ako ulit kaso napatigil nang makita ko ang emosyon sa mga mata nya.

Oo nga pala, she was the one who suffered from all of this. Kahit na sya ay ako, magkaiba ang pinagdaanan namin.

Tinikom ko nalang ang bibig ko. Dahil sa sobrang kuryosidad ko at pag-alala sa magiging takbo ng hinaharap ko, muntik ko nang makalimutan ang nararamdaman ni Neasle. Muntik ko nang makalimutan na may pinagdadaanan sya kaya sya bumalik sa panahong ito.

I was too busy minding my present self that I almost forgot about my future self. Bumalik nga pala sya para sa aming dalawa, hindi para sa akin lang.

"I'm sorry---" nagulat ako nang bigla nya akong niyakap.

"No, I'm sorry," pagpapatigil nya sa akin. "I'm so sorry.."

Habang tumatagal ang yakap, nararamdaman ko ang dahan-dahang pagyugyog ng mga balikat nya.

She's crying.

Nataranta ako. Tignan nyo! Napasobra na talaga ako! Wala akong ibang magawa kundi haplosin lang ang likod nya.

Hindi ko alam kung anong mga salita ang pwede kong sabihin para papagaanin ang pakiramdam nya.

Baka ito na yung panahong sabi ko sa kanya na "you know, you can always cry." Pero kapag naiyak na ay hindi mo alam kung ano ang gagawin.

"I'm so s-sorry... I'm very sorry.." she continued.

I wanted to ask what is she sorry for? Para sa akin ba ang sorry na yun? But I refused to ask.

"It will be okay." Sa wakas ay may salita nang lumabas sa bibig ko simula nung nagsimula na syang umiyak. "Nandito na ako, sabay nating haharapin ang problemang 'to."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status