Share

Chapter 5: My Wife

After he left me in the dining room, I waited for a minute before deciding to follow him outside. The curiosity drives me to do so. Gusto kong makita kung paano siya makakaalis sa islang ito na wala naman akong nakikitang bangka.

Maingat akong lumabas ng bahay at nagtago sa isang puno. I saw him talking to someone through his phone. Ilang saglit pa ay may narinig akong ingay mula sa taas. Tumingala ako para makita iyon—it's a chopper.

Dahan-dahang bumaba ang chopper malayo sa kanya. He then looked at it and started walking near it. May lalaki na bumaba ng chopper at pinag buksan siya nito. Tumingin muna siya sa gawi ng bahay bago siya tuluyang sumakay dito. Hinintay kong tuluyan silang makaalis bago ako pumasok ulit sa bahay.

“Siguro iyon din ang ginamit niya para dalhin ako dito sa lugar na ito,” malungkot kong sambit ng nasa kama na ako.

Hinanap agad ng mga mata ko yung sinabi niyang paper bag. Nang makita ko ito, kinuha ko ito at binuksan.

“Mapili ba ang pinsan niya kaya gusto niya akong magsuot ng ganito?” Can't help not to ask myself. Ang dami-dami ko pang katanungan actually.

Kanina ng tinanong ko siya kung bakit niya ito ginawa, parang galit siya at hindi niya nagustuhan ang tanong ko. Anyways, the dresses were screaming for luxury and elegance. Bagay na bagay din ito sa skin tone ko. I wonder how Keanu knows this all? Maybe because I was working with him at napansin niya iyong mga damit na suot ko?

I stared at the dress again ang put it back in the paper bag.

Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog ito. I shook my head before heading back to the kitchen. How will I survive if I refuse to eat? Ito na lang ang magiging sandalan ko para maging malakas ako. As soon as I finished eating, I went back to the room and cleaned myself up.

I stayed near the window, staring at the starry night. The stars were shining so bright. So calm. So peaceful. Yet here I am, finding courage so I could live for the coming days.

“Sana maging maayos ang lahat.” I whispered to the air that was soothing in my skin, hugging me. If only the air is a person, I would like to return the favor, I'll be so thankful for accompanying me in this moment of time.

I decided to stay there for hours—just staring at the sky and the calm sea. Nang nakaramdam na ako ng antok, sinarado ko na ang bintana at dahan-dahang nahiga sa kama.

Pinunasan ko muna ang mga luha sa aking mata at tuluyang ipinikit ang mga ito.

Nagising ako ng tumama sa balat ko ang sikat ng araw. Muntikan ng lumabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. What the! Hindi ko pala masyadong naayos ang kurtina doon banda. Or nakalimutan ko lang talaga.

I rushed my self to the cr. Pagkatapos kong maligo, isinuot ko na iyong damit at nag-ayos. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto.

“Glad you're now awake,” a baritone voice approached me. He was sitting comfortably on the couch. He's wearing a black long sleeve that defines his build paired with slacks.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya.

“Sorry,” sabi ko na lang.

Hindi ko alam kung anong oras na pero sure ako na malapit ng mag tanghali.

“Have you eaten breakfast?”

Umiling ako. Kakaligo ko nga lang eh.

“You should eat now,” aniya pa at tumayo. “May dala akong breakfast.” He added.

Sumunod ako sa kanya ng maglakad siya papunta ng kusina.

“Ako na,” I insisted when he was about to prepare the plate.

“Sure!”

Kumuha ako ng plato at kubyertos. Naka tupperware kasi ang pagkain na dala niya. Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami ng bahay. Hindi na ako nagtataka na may chopper na agad sa labas na naka abang.

“Kanina ka pa ba?” I asked.

Umiling siya. “Not that long,”

Hindi na ako nagsalita pa. Inalalayan niya ako paakyat ng chopper. I was literally trembling. First time kong sumakay sa ganito! I kept convincing myself na ayos lang kasi hindi naman si Keanu napaano ng sumakay siya but the thought that the accident might happen is scaring me.

“Are you okay?” Tanong ni Keanu ng mapansin ang pagiging tahimik ko. “You look so bothered,”

“Hindi, takot lang siguro ako dahil ngayon lang ako nakasakay sa ganito.” I replied.

He pursed his lips. “Well…this is your second time, pero ngayon ay gising ka na.”

Sabi ko na!

“Babalik din ba tayo dito pagkatapos naming mag-usap ng pinsan mo?” pag-iiba ko ng usapan.

I was thinking about it. Saan na naman ako after naming mag-usap ni Marcellus?

“Depende sa kanya. Siya ang magdedesisyon para sayo, Cecilia.”

Tumahimik na naman ako. Para akong tuta sa sitwasyon na ito.

Tahimik lang ako hanggang sa lumipad na ang chopper. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa puso ko lalo na ng sulyapan ko ang labas nito. Hindi na talaga ako bubuhayin kapag nahulog ako dito.

Nakaalalay si Keanu mula sa pag-akyat ko hanggang ngayon na bumaba na kami. Ayoko din mag inarte at sabihin na kaya ko ang sarili ko. Baka mamaya mapano pa ako, nakakahiya din.

Nang makababa kami, sumakay na kami ng kotse. I was silent the whole ride. Siguro naintindihan iyon ni Keanu kaya hindi na siya nag tanong ng kung ano. May katagalan ang byahe. Napasilip ako sa labas ng huminto kami sa isang restaurant.

I was about to push the car door when Keanu stopped me.

“Ako na,”

Dali-dali siyang bumaba at pinag buksan ako.

“Thank you!” Sabi ko ng makalabas ako.

Sabay kaming naglakad papasok hanggang sa nag-wave siya ng kamay sa unahan. I was stunned at the moment when I saw the guys feature. Hindi nga nagkakamali si Keanu, his cousin has this feature of a god. Magandang lalaki si Keanu but his cousin is more handsome than him. I cannot even describe his beauty. I mean…nevermind! But his dark aura makes me shiver.

We continued walking near his table. Nanghina ako ng tingnan niya ako. What just happened! Anong meron sa mga mata ng lalaking ‘yan? This guy is something! Baka may lahi sila ng mga may supernatural powers.

Pero muntik akong matumba ng marinig ko ang boses niya sa kauna-unahang pagkakataon.

“My wife,”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status