Share

Chapter 6: Soothing

“My wife,”

Gusto ko na lang mawala na parang bula ng titigan niya ako at sabihin ang mga iyon ng diretso sa aking mga mata. I feel like I am lost in the ocean of his eyes. And his eyes have the control of my whole being. Gosh!

“Behave, Cecilia. He's just a good looking guy but he's not kind, tapos hindi mo pa siya kilala.” I convinced myself.

Tama ba itong sinasabi ko sa sarili ko at siraan ang ibang tao para lang kumalma? Okay, okay, ako na may kasalanan. Bakit kasi pinansin ko pa iyon?

I should hate myself for acting like this, tapos sa stranger pa. This really is not me!

Agad akong nagbitiw ng tingin dito because of his stares that makes me uncomfortable. Wala pa siyang ginagawa pero ganito na mag-react ang katawan ko. Tiningnan niya pa lamang ako pero pakiramdam ko nalulunod na ako. Hindi ko pa siya kilala pero…grrr! This aint healthy for me!

Baka ganito lang ako kasi nabaguhan ako sa tulad niya? Hay! Sige na nga. Gaslight pa more.

I should think about the reason why I am here. Dapat iyon lang ang iniisip ko at hindi itong kalandian na nakatago sa kaibuturan ng katawan ko.

Buti na lang din nagsalita si Keanu kaya napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

“Correction, she's not yet your wife, Marcellus.” Suway pa nito.

Marcellus raised his left brow. Parang kontra siya sa sinabi ni Keanu.

Am I imagining things again? Oh my god to you, Cecilia! Sinabi kong tama na ang pag-iisip! Kung wala pa lang sana kami dito baka nagsabunutan ko na ang sarili ko.

“Doon din naman iyon tutungo, Kean.” Makahulugan niyang sabi while stealing a glance at me na akala niya hindi ko napapansin.

Keanu gives him a fake smile. Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Akala ko ba nagkakasundo sila? Bakit pakiramdam ko nanonood ako ng mga taong nagkaalitan? Another wrong thought na naman ba this, Cecilia?

Sabi ko nga, I must stop assuming things.

Pagkatapos non ay pinaupo kami ni Marcellus pero ako lang ang naupo dahil agad na namaalam si Keanu. Hindi ko talaga maintindihan itong dati kong boss. May sakit ata ngayong araw kaya nagkakaganito.

Pero ayaw ko sana na umalis si Keanu kasi kahit ganyan siya, kahit siya ang dahilan bakit ako nandito sa sitwasyon na ito, medyo may tiwala pa ako sa kanya kaunti.

Kahit may kasamaan ‘yan ng ugali I know deep inside him he still cares for me.

He stared at me before talking to Marcellus again. “ Take care of her, ipapadala ko n din ang ibang gamit niya na naiwan sa isla. Make sure to feed her. May katigasan pa namn ng ulo ‘yang magiging asawa mo.”

Tango lang ng tango si Marcellus.

Gez! I am sad. Iiwan niya na ba talaga ako dito sa pinsan niya?

“Noted, Kean. She's my wife, of course, I will take care of him.” Sagot pa nitong lalaki.

Kanina pa ito wife ng wife. Advance masyado.

Inismiran siya ni Keanu. Tapos sa akin naman tumingin. “Take care of yourself too. Don't worry may pinadala akong tao na magbabantay sa mga magulang mo so be good.” Aniya pa.

“Thank you!”

He nodded.

“I'll get going.” Tuluyan niyang pamamaalam at naglakad na papalayo sa amin.

Nang maka-alis si Keanu, tahimik lang ako sa kinauupuan ko.

Napansin niya atang wala akong imik kanina pa kaya nagsalita siya.

“Keanu really impressed me, he just bought me a lovely wife.” Mapang-asar niyang sabi.

Nakabuka ang bibig ko pero walang lumalabas na salita. I don't know what to say. Ang alam ko lang naiinis ako sa sinabi niya. Bought me? Kailan pa ako binili ni Keanu? Kainis!

“Am I making you uncomfortable?” tanong niya pa ulit. This time, ‘yong boses niya parang nag-alala sa akin na nagi-guilty.

He said what he said.

Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. “Hindi…hindi sa ganun.” Hindi ko na alam ang kasunod na salita.

Tumingin siya sa akin at sinuri niya ako. He's not convinced at all. Later on, I heard him let out a deep and heavy sigh.

“I'm sorry. I think I said something wrong earlier. We can go home na kung hindi ka komportable rito, doon na lang tayo mag-usap.”

Umiling ako. “I'm fine. Nag effort ka na po pumunta dito. Ang kapal naman ng mukha ko kung aayaw pa ako, ‘di ba?” I laugh a bit, fakely.

He was stunned at the moment. Parang pinoproseso pa yung sinasabi ko. Totoo naman kasi, sino ba naman ako para mag-demand. Wala akong laban sa setup na ito. Hawak ako sa leeg. Lahat ng desisyon ko, lahat ng gusto ko, wala ‘yon—useless.

“That's not the point, wife.” he paused. “Nararamdaman kong hindi ka komportable kanina pa, eh. I can cancel our orders. Sa condo na lang tayo.” He added.

Ginigiit niya talaga iyon. Wala namang kaso kasi sakin kung maging komportable ako dito o hindi. But honestly, I'm not that comfortable kasi pang mayaman na restaurant ito, eh. Thought nakakakain naman ako sa medyo may kamahalan na restaurant, iba pa rin kapag ganitong klase. Pero it does not matter anymore.

I can sense that he's nice, I hope so, kaya mas ayokong umalis. Nag effort na yung tao, eh. I don't know why I suddenly became comfortable with his presence considering the fact that we just met today.

“No, no, dito na lang po tayo. I'm fine na naman po.” I assured him.

It took him a couple of seconds to nod and smile.

Bago pa man dumating ang mga orders niya para sa amin, he spoke again.

“By the way, Cecilia, my wife,”

Tumingin ako sa kanya ng may nagtatanong na mga mata.

“Po?”

“Naalala ko hindi ko pala pormal na ipinakilala ang sarili ko. Sorry for that.” Sabi niya.

Inilahad niya agad ng kamay niya sa harapan ko kaya napatingin ako doon.

“Professor Callian Marcellus Huxley, Miss Cecilia. So pleased to meet you,” he said seriously. He did not smile but I can feel the sincerity of his words.

Shesh! His full name is just so cool!

Tinanggap ko ang kamay niya. “Amber Cecilia del Fuentes. Pleasure to meet you, Prof.” Sabi ko pa while doing the hand shake.

He then smirks upon hearing my response.

“Never thought that you… calling me Prof would be so soothing in the ears.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status