Amari's Pov.
Nagising ako na sobrang bigat ng nararamdaman ko. Napakatahimik ng paligid, inilibot ko ang aking mga mata para suriin kung nasaan ako.
Nasa isang tahimik at madilim na silid, tanging ang lamp shade lamang na nasa gilid ang nagsisilbing liwanag. Muli kong ipinikit ang aking mga mata para alalahanin ang nangyari ng pumasok sa isipan ko si Mama.
Agad akong siniklaban ng matinding takot at pag aalala kaya kahit madilim ay pilit ko kinapa at hinanap ang aking telepono. Ngunit di ko ito matagpuan kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid upang doon maghanap sa labas ngunit bago ako tuluyang makalabas ay may narinig akong nag uusap.
“isa lang ang paraan para matapos ang lahat ng to.." narinig kong sabi ng kausap ni Felix nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito
“No, Hindi. Hindi pwede .”—Felix.
We're back at the university, it's the same.Normal ang takbo ng lahat, at tuloy ang usad ng mga estudyanteng namomroblema ng kani kanilang mga requirements.Nakasunod lamang ako kay Amari habang maingat na nagmamasid sa paligid.Patungo kami sa field para sa maikling orientation ng school. Ang weird ng biglang pagtawag ng orientation gayong wala naman ata kaming event. Dahil dito, mas naging maingat pa kami sa bawat galaw namin.Maya maya ay may sumabay sa akin.“May babae dito sa likuran” sabi ni habang di tumitingin sa akin.“narinig kong binanggit niya ang pangalan mo at pangalan ni Amari, Hindi maganda ang kutob ko” dagdag pa nito.“Where did you go?” I asked. Pagkatapos kasi ng paguusap namin bigla na lamang itong nawala. I know Chad must've been hurt.“Jan l
Malalakas na pagsabog, nakakabinging mga putok, katakot takot na mga sigaw at karumal dumal na mga pagpatay.Nakita ko ang isang batang babaeng nakasilid sa isang madilim, masikip at mabahong aparador habang patuloy ang putukan sa labas, kasabay niyon ay pagtakbo ng isang ginang habang may dalang baril.Tatlong armadong kalalakihan ang nagpupumilit pumasok sa pintuan ng kanilang tahanan habang pinipilit na pigilan ng ginang ang mga ito, pinag hahampas nya ito ng dala nyang baril ngunit parang hindi man lamang ito natitinag, subukan nya mang kalabitin ang gatilyo nito ngunit huli na ang lahat ng bumaon ang isang malalim na saksak sa dibdib ng ginang, bumulwak ang napakaraming dugo mula rito ganun din sa kanyang bibig, napaluhod ang ginang at bago tuluyang bawian ng hininga ay kanyang sinambit ang pangalang "Amari anak ko"Nagpatuloy naman sa pagpasok ang armadong kalalakihan na tila baga ay may hinahanap.Mula sa maliit na butas ng aparador ay nakasi
Amari's PovMalalim na ang gabi ngunit di man lang dalawin ng antok. Binabagabag ng mga palaisipan, mga tanong at paghihimutok.Nilalamon ako ng aking palaisipan at paulit ulit kong nakikita ang iba't ibang mukha ng tao. Para akong masisiraan ng ulo dahil sa mga pumapasok sa isipan ko, isang nakakarinding tawa, pagiyak, mga sigaw at kung ano pa man. Tila nawawala ako sa aking katinuan kaya mabilis akong tumayo at nagtatakbo palabas ng kwarto, agad kong kinuha ang nakasabit na hoodie sa may pintuan at patakbong lumabas ng bahay, takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa isang tahimik na lugar at napakaraming alitaptap ang nagliliparan na siyang nagsisilbing munting liwanag sa lugar.Pinagmasdan kong mabuti ang lugar upang masiguradong walang tao.Duon ko ibinuhos ang lahat.Labing siyam na taon, labing siyam na taon kong tiniis at tinatakasan ang lahat ng to. Bakit hindi mo nalang ako patayin.Buong lakas kong sigaw
"Ch-chad?" Nauutal kong tanong. Kalmado lamang itong nakatingin sa akin at ngumisi."Kaya mo na akong tignan sa mata ngayon?" Turan nito habang hindi parin inaalis ang ngisi sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng pagka ilang kaya iniiwas ko na ang tingin ko."Sino yon?" Tanong niyang muli saka ngumuso sa building na pupuntahan ng kasama ko kanina."Si Agnes" sagot ko saka kumalas sa pagkakahawak niya at nagsimulang maglakad. Siya namang pagsunod niya."Angas, may iba kana palang kaibigan maliban sa akin?""Sino ba naman kasing nagsabi sayong kaibigan kita"Umakto itong nasasaktan dahil sa sinabi ko. Ibang klase paano niya nagagawang maging kampante sa lagay na ito.Binilisan ko na lamang ang paglakad ko papasok sa classroom para hindi niya ako maabutan.Habang nagtuturo ang professor namin ay hindi ako mapakali. Tumingin ako sa labas ng bintana at mula sa kabilang building nakikita ko ang pangya
Third Person Pov.Dahil sa pangyayari sinuspende muna ang pasok sa university upang imbestigahan ang mga nangyari, marami ang estudyanteng namatay ganun din ang iilang mga pulis ang iba ay sugatan. Mas pinahirap pa ang pag iimbestiga dahil kasama din sa mga sumabog ang CCTV room kung saan malapit lang sa Medical Department.Garnett De Unibersidad iyan ang pangalan ng kanilang university na lingid sa kaalaman ng lahat hindi lamang ito basta university.Every University has a history but this one is quite different.***Amari's PovMaghapon akong nakatunganga sa bahay ng tumunog ang doorbell namin sa labas kaya kahit tinatamad ay nagpursigi pa rin akong labasin ito, ikatlong araw na ng suspendihin ng school namin ang klase dahil sa hindi parin matapos tapos na imbestigasyon."Agnes?"Tanong ko sa taong nasa labas."Kamusta pwede ba akong tumuloy?""Ah, sure"Pinapasok ko si Agnes sa lo
Hindi pa rin ako mapalagay dahil sa nakita ko. Isang kakaibang kakayahan ang nadiskobre ko, pero hindi pa ako sigurado kung tunay bang kaluluwang itim ang nakita kong sumusunod kay Agnes o baka isang guni guni ng mapaglaro kong palaisipan.I am really bothered so i get my laptop to search something on the internet and I found out that the ability I have now is called the clairvoyance it is the ability to see past and future and somehow it is used to see unreal creatures like ghost and spirits. Some people who has this kind of abilities are the paranormal experts.Hindi ako matatakutin, bugnotin pwede pa.I hate it kapag may nadidiskubre akong kakaiba patungkol sa sarili ko. Malapit na akong maniwala na talaga ngang isinumpa ako kaya siguro iniwan ako ng mga magulang ko.Sinubukan ko mang tanggapin ang kapalarang meron ako ngunit ang sitwasyon naman ang ayaw tumanggap sa akin.Some people never believed me kapag binabalaan ko
Matapos ng nangyari sa mall naisipan kong magpunta sa children's park para aliwin ang sarili at lumayo muna sa madilim na mundo.Sa entrance palang ako kitang kita ko na ang makukulay na lobo, nadidinig ko na ang tawanan ng mga batang naglalaro. Marami ding makukulay na pagkaing paninda ang naka helera tulad ng coton canday, ice cream, mga laruan at iba pa.Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait habang pinapanood ko ang mga batang panay ang habulan at tawanan animo'y tuwang tuwa at di mapagsidlan ang kanilang saya. Muling nagflashback sa utak ko kung paano ako magmukmok sa loob ng kwarto habang pinapanood ang mga kapwa ko kabataang inienjoy ang kanilang kabataan habang nakikipagsayaw sa ulan.Hindi ako lumalabas ng bahay noong panahong iyon, sa takot na din na baka kung ano anong makita ko sa sandaling makasalamuha ko ang ilang tao.Nawala ang aking pagiisip ng makaramdam ako ng maliliit na kamay na humihila sa laylayan ng damit ko
"Amari, dadaan ako jan sa inyo, sabay na tayong pumasok" "Okay" Agad na akong tumayo at itinali ang aking buhok pagkatapo sagutin ang tawag ni Agnes. I wonder kung malapit lang kaya yong bahay nila sa lugar namin. Bumaba na ako at as usual naabutan ko na naman ang tita na nagkakape. "Oh, Amari? sigurado ka bang papasok kana?" "Opo tita" "Bakit? Tapos na ba ang imbestigasyon sa university nyo? Nahuli ba kung sinong may kagagawan?" Matapos sabihin ni tita yun ay tila nag flashback sa akin yong isang Janitor na kasabay ng mga pulis sa pagtakbo. "Hh-indi pa po" nagkunwari akong walang alam. I don't want to jump into conclusion, gusto ko munang makasigurado sa mga nakikita ko. "Oh sya mauna na ako, magkita tayo mamaya sa starbucks may sur