Share

7-Arcade

"John ayos ka lang?" My friend sheldon ask me.

"Mukha ba akong okay?"Inis kung tugon sa kanya, at agad na nagtungo sa fridge para kumuha ng dalawang bote ng beer. Pagkatapos ay binigay ko kay Sheldon ang isang beer.

"Is it about Monica, again? Did she refuse your proposal na makipagbalikan sa kanya?"He asked me, after he drank his beer.

"Yes, at magpapakasal na daw sila. Ang sakit di ba? Na ang isang Jason Gregore ay iniwan lang ni Monica Wayne. Para lang sa lalaking yun!"Sabay inom ko ng alak kasi sobra akong nasaktan dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. Hindi ko matanggap na ang babaeng ginawa kong mundo ko'y basta-basta nalang akong iniwan at pinagpalit sa iba.

"Bakit hindi ka nalang maghanap ng iba, masasaktan ka lang niyan sa ginagawa mo e' at kung hindi ka man masaktan. I'm sure mapapahamak ka naman. Kilala kita, handa kang pumatay para lang sa pag-ibig."

Naikuyom ko ang isang kamay ko't unti-unting pinapatay sa isipan ko ang lalaking sumira sa relasyon namin."Kaya kong gawin lahat, maging akin lang ulit si Monica. Sheldon."

Luther pov…

Sinadya ko talagang taposin agad ang meeting ko with the board members, para lang matuloy ang pagpunta namin ng arcade ni Isaac, dahil ito ang unang beses na mag-bobonding kami bilang mag-ama. Para naman makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya bilang ama niya. At sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa ni Eunice, sana kaya niya pa akong patawarin sa ginawa ko sa kanya. At sana pumayag siya na buohin muli namin ang pamilya namin.

And about Monica, I'm sure maintindihan nya naman siguro kapag hindi ko tinuloy ang annulment namin nu Eunice. Kinuha ko na ang bag ko at agad na nag drive pauwi ng bahay. Tinawagan ko din si Manang para nakahanda na sila pagdating ko. Tinawagan ko din si Monica para tanungin kung sasama siya, pero nasa salon daw siya para ipaayos ang acrylic nails extension niya. Napasin ko rin sa kanya simula ng mag travel siya sa Paris with her close friends ay tila ba lagi siya may iniisip.

"Monica, how are you?"

"I'm great, bakit nga pala hindi na nakapunta ng Paris, naghintay pa naman kaming tatlo sayo. Di ka tuloy namin kasama sa picture namin sa Eiffel Tower."Agad kung tanong kay kay Maggie, habang tumitingin ng mga bagong designs for my nails.

"Busy kasi ako with our family business, hindi ko rin maiwan ang Pastry shop ko. Marami din kasi ang nag order ng cakes. Anyways kailan ang magiging kasal nyo ni Luther?"

Hindi agad ako naka sagot sa tanong ni Maggie, at humanap din muna ako ng lakas ng loob para magsinungaling sa kanya."3 months from now, at gusto ko ikaw ang gumawa ng cake sa kasal namin."

"Naman, fresh from New Jersey, pa yan."Ani Maggie sabay mahinang tawa nito.

Pagbukas ni Manang ng gate, ay kita ko anak ko na tumatakbo palapit sa akin, kaya agad ko itong niyap at marahang ginulo ang buhok niya"Daddy! Ang aga niyo naman po. Tapos na po meeting nyo po?"

"Yes, anak. Let's go. Ready ka na di ba?"He nodded at agad na kinuha ang Spongebob niyang bag na binili pa ni Eunice sa kanya.

"Sama po natin si yaya po?"

"Oo naman, para naman hindi ma bored si yaya mo dito sa bahay."

"Yehey! Thank you po daddy ha? I love you po."I can feel that my tears started to drift. Dahil sa sinabi ni Isaac. Thankful ako kasi napaka swerte ko sa anak ko. At ng maghiwalay kami ni Eunice ay yun lang ang araw na galit siya sa akin ng makita niya na sinasaktan ko ang mommy niya. At ngayon na lumalaki na si Isaac, ay hindi man lang ako nakaramdam na nagtanim siya ng galit sa akin, kahit minsan nasisigawan ko siya.

"You're welcome son."

Eunice Pov…

Ka gabi nga lang ako nagpunta ng boutique para puntahan si Ellaine at para do'n matulog, dahil sa inis ko ng makita ko na kay Luther pala galing ang mga bulaklak na yun. Pero tignan mo ngayon nasa boracay na kami ni Ellaine, hanip din kasi ang trip ng babaeng ito kapag nalalasing kung ano-ano na lang ang naiisip.

Pero in fairness mabuti na rin ito para ma' refresh naman ang mga isip namin. At ng mabigyan naman time ang sarili naming magsaya at maging masaya, pero sa tingin ko di mangyayari yun ng makita ko na unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa mga mata ng kaibigan kong si Ellaine, narinig ko din ang mahinang paghikbi nito at ng tignan ko kung saan siya nakatingin ay muntik na akong mahulog sa upuan ko ng makita ko ang dating asawa niya na si Trevor kasama din nito ang babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya nu Ellaine.

"Ellaine, Let's go."Sambit ko kaya agad na siyang tumayo.

"Bagay sila."Tipid na pagkasabi nito kaya di nalang ako umimik para hindi na siya lalong masaktan pa. Napakaliit talaga ng mundo.

"Don't worry, may tamang tao din na darating para sayo, mamahalin ka at hindi ka sasaktan. Kaya wag mong sayangin ang mga Luha mo."

"Alam ko. I'm willing to wait for that person to come. Ang traffic din kasi sa Edsa e' kaya hanggang ngayon di pa rin dumadating ang destiny ko."Sabay tawa ng malakas ni Ellaine, paraan niya yan, para mawaglit si Trevor sa isip niya. Obvious naman kasi na mahal niya pa. Di nga lang siya marupok kaya di na siya naghabol kaya siya ang mas may karapatan kaysa sa babaeng kasama nito.

"Nag enjoy ka ba anak?"

"Opo daddy, next time po ulit ha? Kapag di kayo busy."He said, kaya napangiti ako. Pati nga si Manang ay nakita kung masayang nakatingin sa aming dalawa ni Isaac. Ng biglang sumingaw si Monica.

"At kailangan ka pa naging ganyan ka saya ng hindi ako kasama sa mga lakad mo?"Galit na sigaw nito, kaya pinasamahan ko muna si Isaac kay Manang papunta sa kwarto ng anak ko.

"Bakit! masama ba ang maging masaya ako na kasama ang anak ko? Tandaan mo Monica…Hindi lang sayo laging nakatuon ang mundo ko. Kasi may anak ako na kailangan din ako!"Sigaw ko sa kanya na kina laki naman ng mga mata niya na masasabi ko yun sa kanya.

"Bakit? Kailangan din naman kita ah! Saka kailan mo ba balak na pag hintayin ako na pirmahan ni Eunice ang annulment nyo?"

"Pagod ako, Monica. Saka na lang tayo mag-usap tungkol diyan sa Annulment namin ni Eunice."

"Don't tell me you have change your mind? Or baka naman di mo kayang sabihin sa kanya, kasi pwede naman ako ang magsabi sa kanya."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabing yun ni Monica, kaya naisipan ko na this is not the right time to tell her na nagbago ang isip ko at hindi na itutuloy ang pakikipag divorce ko kay Eunice."I need to take a rest, pagod ako. Saka na tayo mag-usap kapag hindi ka na galit."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status