Share

The Unwanted Wife Of Mr Villareal
The Unwanted Wife Of Mr Villareal
Author: Lyee

1-Argument

"Wag na wag mong akong sinusuway Eunice! kung ayaw mong ibalik kita sa pamilya mo! At ilayo sayo ang anak nating si Isaac, and don't you dare tell this to my parents, remember you ruined my life first! so I'll ruin your life too, and make it miserable like a hell you Bitch!" Walang ibang bukang bibig ng asawa ko kapag umuwi siya dito sa bahay, I never imagined being in this situation for a one night mistake that I've done.

"Hoy! Tulala kana naman diyan, nag-away na naman kayo ni Luther? Sabi ko naman kasi sayo iwanan muna ang asawa mo, para hindi kana masaktan. Pero pinapalabas mo lang sa kabilang tenga mo ang lahat ng sinasabi ko sayo e. Mapagmahal ka nga talaga Eunice,"Sabay mahinang pitik ni Ellaine sa tenga ko.

"Ouch!Hindi kami nag away ni Luther, iniisip ko lang yung fashion show natin sa New York next week. At ang magbabantay sa anak ko pagdating natin dun, Two days lang ang rehearsal ng mga models and then after that fashion show na. Ganun kabilis."

"Don't worry nandito naman ako bilang Assistant mo.

Kaya di ka nag-iisa because I'll bring my son Isaiah too. Para naman hindi mainip yung inaanak kong si Isaac."Sabay abot ni Ellaine ng mga fabrics na kailangan namin for the dresses.

Eunice pov:

Hanggang madaling araw pa sana kami ni Ellaine, sa boutique pero tinawagan ako ng parents ni Luther, para sunduin ang anak nila sa police station dahil nakipag away na naman daw kasi ang asawa ko.

Pinakaayaw pa naman ng ama niyang si Mr Lucas na makipag away itong si Luther. Isa kasing retired kernel ang ama niya, kaya nirerespeto ito sa lugar namin. Na kabaliktaran naman ng anak niyang basagulero at walang modo na may pusong bato.

"How long are you gonna be like this, wala ka na ba talagang balak na baguhin ang sarili mo at tumino Luther? Damn it! May asawa't anak ka na." Walang ibang sumbat ni dad, kesyo daw may anak at asawa na ako. Sila lang naman ang may gusto sa babaeng yun, they force me to break up with my girlfriend to marry that woman. Tapos ngayon gusto nilang magbago ako? they changed me into this, and they put me into this situation and made my life miserable marrying the woman I never loved.

Inis kung nakaikuyom ang dalawang kamay ko na para bang gusto kong magwala at manuntok ng kahit na sino dito sa loob ng police station, dahil sa mga binitawang salita ng ama ko. "Dad, matagal na akong nagbago since you force me to marry that woman. Kaya wag niyo akong sisihin dahil kagagawan niyo kung bakit ako nagkaganito ngayon!"

"You still made a mistake that night Luther, ano nalang ang sasabihin ng pamilya ng asawa mo at ng mga tao sa lugar natin, na ganyan kita pinalaki na tumikim lang ng tumikim ng mga babae at kapag nabuntis mo tatakbohan muna? reputasyon ko at ng pamilya natin ang nakasalalay sa pagkakamali mong yun anak, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit pinaghiwalay ko kayo ni Monica at piliing pakasalan mo ang asawa mo. And you should be proud of your wife, because she's a top 1 fashion designer around the world that has a finest clothing boutiques all over the country."Proud nitong sabi saka ininom yung starbucks coffee na dala ni mom.

Napahimas na lang ako sa baba ko at bahagyang ngumisi kay dad."Yes, your reputation as a retired kernel, at ang pinaka iingatan mong pangalan nating mga Villareal!"

"Mom,dad where's my husband?"Boses yan ng babaeng pinaka ayaw ko sa buong mundo, na pinaka gusto naman ng pamilya ko.

"Stop calling me your husband! because I'm not, in papers yes! but in real life...That's a big No, No for me!"

"I know, hindi ko makakalimutan."Mahinahon kong wika kay Luther, saka ito inalalayan papasok sa loob ng sasakyan ko.

"Salamat Ija, pasensya narin sa anak kong walang modo."Hinging paumanhin ng ama niyang si Mr Lucas, na katabi naman ng asawa nitong si Mrs Lucia na kaagad lumapit at niyakap ako.

"Salamat Eunice, for not giving up for our son Luther, and for being a good mother to our apo Isaac." Mahinang bulong ni Ms Lucia sa tenga ko.

"No worries po," Ani ko saka tipid na ngumiti sa mga magulang ni Luther, bago ko pinihit ang engine nitong sasakyan ko.

"Good morning Mommy!"Tumatakbong bati sa akin ng anak kong si Isaac, na sobrang cute sa suot nitong uniform. I already emailed her teacher Ophelia, na isasama ko ang anak ko sa New York para sa gaganaping malaking fashion show ng team namin dun. To endorse our new clothing designs na ginawa naming dalawa ng kaibigan kong si Ellaine.

"Good morning too anak." Sabay yakap ko sa kanya at pagkatapos ay nilagay kona yung lunch box sa bag ng anak ko.

"Good morning son, how's' your day."Nakangiting wika naman ng asawa ko sa anak namin at kaagad na lumapit ito sa akin sabay halik sa pisngi ko. Great! What an actor in front of our son. Bravo!

Bago pa maupo ang asawa ko sa tabi ko't ipakitang masaya kaming pamilya sa harapan ng anak namin ay tumayo na ako at inaayos ang mga gamit ng anak ko. "Let's go Isaac, baka malate na tayo." After I said that to our son, ay isang matalim na tingin ang gumuhit sa mga mata ng asawa kong si Luther.

"Are you sure about this Monica? You know he's married kaya wala kanang laban dun, tutuloy ka parin."Nag-aalala na tanong ng bestfriend kong si Maggie bago niya ako ibook ng ticket online na papuntang pilipinas.

"Yes, Super sure. Kasal lang sila sa papel, hindi niya mahal yun. Kasi ako lang mahal niya."Wika ko na sinangayonan naman ng bestfriend ko.

"Ready kana bukas?"Sabay lagay ng hot coffee ni Ellaine sa table ko.

Hinipan ko muna yung coffee saka tumayo at napatingin sa labas ng bintana."Yes, I'm ready for tomorrow. Nakaka bored narin kasi sa bahay ng maiba naman yung ambiance."

"Nakaka bored or gusto mo lang takasan yung asawa mo?" Wika nito saka inaayos at inalagay na sa hanger yung mga damit na dadalhin namin bukas sa New York.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status