Share

6-Luther's change of mind about Annulment

"Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko sa secretary kong si Hudson.

"Oo, nakatira siya sa Santa Monica Village." Sagot niya, great! Now I know where I can find her.

Ibinaba ko ang ballpen ko, saka tumayo para kunin sa kabilang table ang paboritong flower bouquet ni Eunice."Okay I want you to give her this bouquet, and this letter."

Luther Pov...

Pagkatapos naming mag-usap ni Hudson,ay umalis na siya, at naiwan akong nakatulala habang nag-iisip, dahil simula nang magkita kami ulit ni Eunice sa isang bar ay lagi na siyang nasa isip ko.

Kaya nagdadalawang-isip na tuloy ako, kung itutuloy ko pa ba ang annulment namin o hindi na.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Monica na nagpawala sa isip ko tungkol sa annulment.

"Wala lang, kakatapos lang ng meeting ko with the board members. Tara kain na tayo." Sabi ko at gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

Kausap ko si Ezra sa isang video call nang may narinig akong tao sa labas ng gate, kung saan ako nakaupo."Teka lang ha? May titingnan lang ako saglit." sabi ko kay Ezra at naglakad na ako papunta sa gate namin.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya, he's so decent in his suit.

Ipinakita niya sa akin ang mga bulaklak na hawak niya at isang puting sobre na hawak din niya "I came to give this to you. Please accept this, dahil malayo pa ang binyahe ko mahatid ko lang sayo ito.

Binuksan ko ang gate at binigay naman kaagad nito ang bulalak at ang puting sobre. Nakokonsenya din kasi ako kung hindi ko tatanggapin.''Salamat dito.''

"You're welcome, alis na ako." Sinabi niya.

"Ano yan, Kanino galing yan?" Tanong ni Ezra na nakakunot ang noo at halatang nagseselos.

Tinabi ko muna yung bulaklak, para makausap ulit si Ezra."Ewan ko, binigay lang sakin nung lalaki."

"Sa susunod, kapag may nagbigay sayo ng bulaklak, huwag mong tanggapin Okay? Dahil ako lang ang may karapatang magbigay sayo niyan."

"Okay, babe."

"Babe, I need to go. Magsisimula na ang taping. Promise kapag natapos na tapos na kami dito, ay sasamhan na kita dyan sa pilipinas. Mahal na mahal kita don't forget that.''Aniya, at agad na nag flying kiss. I'm sure ang pula na talaga ng pisngi mo ngayon.

"Okay, bye babe. Ingat ka sa taping, I love you too."

Eunice Pov…

Pagkatapos naming mag-usap ni Ezra, ay kinuha ko ang bulaklak at ang puting sobre at agad na pumasok sa bahay, umupo din muna ako sa sofa at inilagay ang bulaklak sa mesa.

Sino kaya ang nagpadala sa kanya ng bulaklak na ito sa akin? Tanging tanong ko sa sarili ko, kinuha ko ang puting sobre at agad na tinignan ang sulat sa loob. Pero nagulat ako nang makita kong galing iyon kay Luther.

Ito ba ang paraan niya para istorbohin ako, ano pa ba ang gusto niya? Mga tanong na hindi ko masagot. Kaya naisipan kong puntahan si Ellaine sa boutique namin.

"Daddy! Sabay na po tayong kumain." Bati sa akin ni Isaac pagdating ko sa bahay, ngumiti ako at agad na lumapit sa kanya na ikinagulat niya. Simula kasi nang maghiwalay kami ni Eunice, lagi kong iniiwan si Isaac sa bahay, dahil binigay ko lahat ng oras ko kay Monica at sa trabaho ko.

"Son, how are you? And how is school?"Tanong ko sa kanya, kahit busog na ako ay pinilit ko pa ring kumain makita ko lang ang anak ko na nakangiti.

"Okay lang dad, pero minsan nalulungkot ako, kasi wala akong kaibigan. Lumipat na kasi si Prince sa Canada."

"Ganun ba. Gusto mo bang pumunta tayo sa arcade bukas? I can cancel my meeting tomorrow." Sabi ko, pero sabi niya hindi.

"After your meeting Daddy, I can wait naman po, Pwede naman tayong maglaro dito sa bahay o manood na lang ng movie dito, habang kumakain ng paborito nating popcorn. Mas importante po kasi ang work mo." Nalungkot ako sa sagot ng anak ko. Dahil hindi niya namana sa akin ang ugali niya na 'yon. Sigurado akong namana niya ang kabaitan niya kay Eunice.

"You're very kind son. Alright, after my meeting tomorrow, I'll be home right away. So go ahead and go to sleep. I'll wash the dishes here."

"Okay, dad."

"Manang, accompany Isaac to his room and change his clothes into his favorite spongebob terno pajamas."

"Okay sir, alis na tayo Isaac." Sabi ni Manang sa anak ko.

"Oh gabi na, bakit ka nandito? Akala ko bukas ka pa pupunta dito." tanong ko kay Eunice.

"I want to sleep here. Pero kung ayaw mo, uuwi na lang ako. Sa bahay na lang ako iinom." Ipinakita ko sa kanya ang Vodka na hawak ko. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Elaine, at mabilis na kinuha ang Vodka sa kamay ko. Naaawa ako sa kanya, simula nung iniwan siya ng ama ni Isaiah, gabi-gabi lagi siyang naglalasing, pero napag-isip niya na mali yung ginagawa niya, at naisip niya rin ang anak niya.

"When is Ezra going to be here?"

"Maybe he'll be in Vietnam for a while,kasi hindi pa siya tapos mag-taping doon." Ezra is a Hollywood actor pero nasa Vietnam sila ang nag-shooting ngayon para sa bago niyang pelikula, At dahil model ako doon at may business din ako doon, nagpasya siyang mag-travel pabalik-balik para lang makita ako. At kaya naman tinanggap niya ang pelikula para mapalapit siya sa akin. Ganyan magmahal ang isang Ezra Monteclaro

"Pero nangako siya, after ng taping niya pupuntahan niya ako dito." I said again to Ellaine.

"Napakaswerte mo sa kanya, dahil nag hiwalay na kayo noon pero nagkabalikan kayo. Kaya ngayon alam ko na, na si Ezra ang tadhana mo."

"Actually tama ka. And I am satisfied with him, and his love."

Lumapit ako kay Eunice at tinanong siya." Baka may kaibigan si Ezra, pakilala mo sa akin para maging makulay ulit ang buhay pag-ibig ko."

I look at Ellaine seriously and try not to laugh after this joke."Oo. Pero may girlfriends na sila. I'm sorry, okay?"

"Ouch! Nadurog agad ang puso ko sa sinabi mo. Pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Kaya sa ngayon ay i-enjoy ko na lang ang pagiging single mom."

Paakyat na sana ako ng hagdan ng may biglang tumawag sa phone ko from an unknown number."Monica, it's me Jason. Come back, please! I love you so much."

"I'm sorry, John, pero hindi na kita mahal. Papakasalan ko si Luther." mahinang sabi ko sa kanya dahil baka marinig kami ni Luther.

"Kailangan mong bumalik sa akin. Akin ka lang Monica! kaya hindi ako titigil hanggat hindi ka mapapasa akin ulit. Tandaan mo yan!' Agad kung pinatay ang phone at nagmadaling pumasok sa kwarto ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status