"Kuya, pakibilisan lang ang pagpapatakbo, ha. May hinahabol kasi akong exam. Hindi pwedeng ma-late ako. Mahal po ang tuition. Nag-promissory na nga lang ako dahil medyo kapos sa budget." Hindi lumilingong sabi ko sa driver habang sumasampa sa front area ng tricycle. Busy kasi ako sa pagte-text sa cellphone. Kausap ko ang kaklase ko. Nandoon na raw ang prof namin at inaaliw na lang nila para makaabot pa ako. Walang kibong umandar na ang tricycle."Kuya, pakibilisan nang kaunti."Naramdaman ko ang pagbilis nang takbo namin pero hindi ako nakontento. "Kuya, sige pa. Nagdi-distribute na ng test papers si sir. Hindi pa naman iyon nagpapapasok ng late students," sigaw ko na. "Miss, madidisgrasya tayo sa gusto mo. Kung balak mong magpakamatay, tumalon ka na. Wag mo na akong idamay. Mahal ang pagtubos ng lisensya sa LTO," sigaw din nito. Nakuha nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang mga sinabi. "Attitude si kuya. Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit saang lupalop ka man naroroon, ku
"O Pierce! Sa iyo na to si miss byutipul! Miss, sa kaniya ka na sumakay." Inis na tinaliman ko ng sulyap ang driver ng tricycle na sasakyan ko sana. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Pierce. Masisira lang ang araw ko. Good mood pa naman ako ngayon dahil nakapasa ako sa exam last week. "Seryoso ka mama? Di ba ikaw ang nakatorno dito? Bakit mo ako ipapasa sa iba?" nagtitimpi kong saad. Nagsipulan at nagkantiyawan ang mga driver na nakarinig. "Ang taray.""Palaban.""Bagay sa bata natin.""Kasi miss byutipul, may pupuntahan pa pala ako diyan sa kabila." Ininguso nito ang hardware sa tapat ng paradahan."May bibilhin pa pala akong piyesa nitong motor. Sige na, kay Pierce ka na sumakay." Inihampas-hampas nito sa likod ang t-shirt na nakasampay sa hubad na balikat. Saglit na sinulyapan ko ang lalaking prenteng nakaupo sa motor nito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa may edad na lalaking wala na sigurong pinagkatandaan sa pang-aalaska."Sino po ba ang sunod na lalarga? Hindi
"Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor."Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog." Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone. "Ano ba kasi iyan."Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako. "Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."Humagalpak ako ng tawa. "Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo."Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!""Ito naman! Para joke lang. Pikon agad." Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture. "Di nga, Pariah. Malaki ba?"Iniumang nito ang nadampot na
"Hay, buhay! Parang life!" Itinaas ko ang mga kamay sa ulo habang naghihikab. Antok na antok ako. Gusto ko nang itapon ang sarili sa kama at matulog. "Bakit ba kasi ako nagyaya na mag-kala kami. Ayan tuloy, hanggang ngayon, may hangover pa ako." Ako kasi ang nag-initiate na mag-inuman kami habang naka-OT pa ang papa ni Pariah. Doon na rin kami natulog ni Sheki at Barbie dahil halos hindi na kami makabangon dahil sa kalasingan. Ikaw ba naman ang tumira ng The Bar at Bacardi, magpa-pass out ka talaga. Iginala ko ang tingin sa labas ng university, naghahanap ng masasakyan. "Tingnan mo 'tong mga 'to. Kapag wala kang pera pamasahe, ang dami nila na nagkalat pero ngayong gusto mo namang sumakay, hindi mo sila mahagilap. Eto namang si Pierce, kung kailan kailangang-kailangan ko ang kaniyang pagka-stalker saka naman nawala nang parang bula. Maglalakad na naman ako." Hinapit ko ang jacket sa katawan at tinawid ang daan. Marahan akong naglakad habang pinipilit na ibuka ang aandap-andap na
"Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo."Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore."Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito. Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan."Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kai
"Saan na ba ang babaitang iyon?"Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita."Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at
Humahangos na tinakbo ko ang entrance sa loob ng regional hospital. Hinahanap ko si Jun na siyang nagdala kay papa dito. Nilibot ko na ang buong tatlong palapag ng building para mahanap ang kapatid pero hindi ko pa rin siya makita. Nagpa-panic na tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi na naman nito sinagot. Huli kong pinuntahan ang canteen ng ospital. Doon ko nakita si Jun sa isang tabi na umiinom ng kape. May dugo pa ito sa damit."Jun!"Lumingon siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at agad itong niyakap. Umiiyak na gumanti rin ito ng yakap. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Hindi makakatulong sa amin ngayon ang mga luha ko."Ano ang nangyari kay tatay? Sino ang sumaksak sa kaniya?""Si Mang Gado."Suminghot ito. "Nagkainitan kasi sila dahil sa baraha. Ayun, tinaga niya si papa," umiiyak na paliwanag nito. "Tumakas na rin siya noong puntahan ng mga pulis sa kanilang bahay sabi ni nanay.""Saan si nanay? Bakit ikaw lang ang nandito? Si tatay, kamusta?" Pigil ko ang hininga h
Mula sa kung saan ay may naglagay ng jacket sa likod ko at payakap akong itinayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada. Nagpaubaya ako rito at humagulhol sa mga bisig ni Pierce."Stop crying. It's okay," anas nito habang hinahagod ang likod ko."Iuuwi na kita."Bumitiw ako sa yakap nito pero hindi niya ako hinayaang makalayo agad."Hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang ibenta ang sarili ko, Pierce. Oo, may kalandian akong taglay pero hindi ko pala kayang ibenta ang katawan ko," umiiyak ko na wika."Masama ba akong anak kasi hindi ko kayang magsakripisyo para sa pamilya ko? P-Pero ginawa ko naman ang lahat. Handa akong gawin ang lahat basta 'wag lang 'to. 'Wag lang 'tong ganito kasi hindi ko talaga kaya."Muli niya akong ikinulong sa yakap nito."Alam namin. And you've done enough. 'Wag ka nang umiyak. Tara na. Umalis na tayo dito."Nagpatianod na ako sa kaniya palayo habang halos buhatin niya na ako. Si Barbie ay tahimik lang sa tabi namin, nakikiramdamn kung kailan magsasalita.Hindi ako