"Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."
Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor."Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog."Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone."Ano ba kasi iyan."Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako."Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."Humagalpak ako ng tawa."Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo."Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!""Ito naman! Para joke lang. Pikon agad."Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture."Di nga, Pariah. Malaki ba?"Iniumang nito ang nadampot na libro sa akin at aktong ibabato."Oo na! Lalabas na!"Bumangon ako at tinakbo ang pinto pero bago lumabas ay muli ko siyang nilingon."Imagine mo nga uli bes para ma-measure natin."Isinara ko na ang pinto kaya sinalo nito ang lumipad na libro.Tatawa-tawang pumunta ako sa kusina kung saan magkasamang nagluluto ng kung ano sina Barbie at Sheki."Nang-inis ka na naman. Alam mo namang burn out na iyong tao. Hiwain mo nga tong sibuyas para may pakinabang ka naman."Ibinigay sa akin ni Barbie ang kutsilyo kaya napilitan akong ibaba ang cellphone sa mesa."Inaaliw ko lang. Naduduling na kasi sa kakatitig sa computer."Nilingon ko si Sheki na tahimik na naghahalo ng kung ano sa kaldero."Anyare diyan?"Nagkibit-balikat si Barbie."Ewan. Kanina pa yan ganiyan mula nang dumating yan dito kanina. Kausapin mo nga."Kinuha ko ang cellphone at nilapitan si Sheki na tulala pa rin. Kinalabit ko siya."Sheks, may ipapakita ako sa iyo. Baka sakaling magising ka."Lumingon siya, blangko pa rin ang mukha."Ano?"Ipinakita ko ang picture sa gallery. Tinitigan niya ito nang matagal bago napailing."Wala ka talagang kwenta. Alisin mo nga iyan."Humalakhak ako."Ang laki no kaso maitim lang.""Saan mo ba nakuha iyan?""Uy ano iyan? Patingin ako."Inagaw ni Barbie ang cellphone sa akin at tiningnan. Nanlaki ang mga mata nito."Gago ka Xylca! Kadiri ka! Bat ka may ganiyan?"Natatawang kinuha ko ang cellphone at ibinulsa."Sa isa kong afam. May pagka-weird kasi ito. Iba iyong fetish niya. Gusto niyang pinipicturan yung ano niya tas ise-send niya sa mga ka-chat niya."Tumaas ang kilay ni Barbie kita ang disgusto sa mukha."Tapos pumayag kang sendan ka niyan?""Ay hala. Hindi ko naman hawak ang utak niya no. Malay ko bang magsesend siya bigla. Natuwa naman ako sa itsura. Parang itim na suman na may mga buhok. Tingnan nga uli natin.""Hoy tumigil ka nga. Kadiri ka!"Tumawa ako ng malakas."Para ito lang. No big deal. Sanay na akong makatanggap ng ganito.""Ang dami talagang weird sa Internet," sabi ni Barbie."Oo naman lalo na sa field ko na halos lahat ng lahi sa buong mundo ay nakakasalamuha mo. Kahapon nga, may humihingi sa akin ng picture ng kilikili ko. Bibilhin daw! Tinry ko namang sendan. Ayun, binayaran ako. May isa pa na nanghingi ng picture ng paa. E ako naman bilang generous na tao ay siyempre bumigay din agad. Tumataginting na dollars agad.""Hoy jusko Xylca! Ilan ba ang mga afam mo ngayon?" nanghihilakbot na tanong ni Barbie."Lima sila ngayon pero ang jowa ko talaga ay si Charles. Yung iba, mga sumusulpot lang kapag nanghihingi ng mga regalo.""Regalo?" naguguluhang singit ni Barbie."Oo, regalo. Pictures ko.""Alam ba iyan ni Charles na may iba pa bukod sa kaniya?"Tumango ako."Oo naman. Ano nga iyong tawag niya dito? Ah, open relationship. Alam niya.""Ang galing ng marketing strategy mo sis. Iba! Hanep ka tol.""And you're okay with it? You're practically selling yourself," puna ni Sheki."For the record, hindi ako nagbebenta ng nudes ko. Di ko rin naman dyina-judge ang ibang nagbebenta ng ganun kasi wala ako sa posisyon nila. Chika chika lang ako tapos send ng kamay, kilikili, paa at kuko. Oo, tama ka. Binebenta ko nga ang sarili ko pero lahat naman tayo dito binebenta ang sarili natin di ba? Iba nga lang sa inyo. Communication skills niyo, technical skills at iba pang mga skeme skills na iyan. Ako naman ay chika skills at presence skills ang binebenta.""Ay wow! Galing dumepensa. Bars bijj! Hiwain mo na nga iyang sibuyas Xylca. Kanina pa ako nagugutom. Kain na kain na ako."Tinalikuran ko si Sheki at lumapit sa mesa. Sinimulan kong balatan ang sibuyas."You're too defensive," pahabol pa ni Sheki."Slight lang naman."Ngumiti ako. Binalatan ko ang sibuyas at hiniwa."Ano ba ang niluluto niyo?" tanong ko kay Barbie na naghihiwa ng hotdog."Ang laking hotdog naman niyan. Jumbo." Humagikhik ako.Tiningnan ako ng masama ni Barbie."Ang berde mo talaga kahit kailan Xylca. Manyak mo.""Uy, wala naman akong sinasabi, nagconclude ka na agad. Ano nga sabi ang lulutuin niyo?""Spaghetti."Sumimangot ako."Na naman? Spaghetti din niluto niyo noong isang araw, e.""Edi wag kang kumain."Tinampal ko ang kamay ni Barbie."Ang sama talaga ng ugali mo sa akin. Kaya ka hindi nagkakajowa e. Kaya ka hindi masagot-sagot ni Kay.""Sasagutin rin ako nun. Bad trip lang talaga ang kuya niyang unggoy. Panira ng diskarte."Tinapos nito ang paghihiwa ng hotdog at kinuha ang cheese para i-grate."Baka kasi kayo talaga ang nakalaan para sa isa't isa. Ganda ng story niyo pag nagkataon, no. Bayaw mo na ang nililigawan mo dati. Ang sagwa.""Hindi mangyayari iyan kasi sasagutin na ako ni Kay."Ngumisi ito.Pumalatak ako."Sheki, di ba noong isang taon pa niya sinasabi iyan? Bat hanggang ngayon, di pa rin to sinasagot? Mali ata pagkakairi sa iyo ng mama mo, e."Walang tugon ang babae. Nakatungangang patuloy na hinalo lang nito ang pasta."Basta. Malakas ang kutob ko na sasagutin na ako ni Kay. Konting tulak na lang talaga ang kulang."Ipinaikot ko ang mga mata."Ilusyunada talaga. Paano ka naman kasi sasagutin kung talong ang gusto niya? Pareho kayong may mani e kaya wala ka talagang pag-asa doon."Ibinato niya sa akin ang balat ng hotdog."Baliw!"Sinalo ko ang balat at itinapon sa basurahan sa gilid ng mesa."Iyan ang totoo bruha. Sabi ng isa kong kaibigan na may babae ring karelasyon, hindi daw siya makontento sa kamay at finger finger lang. Ayaw niya rin sa sex toys. She wants the real thing daw."Namula ang mukha ni Barbie."Bibig mo, Xylca. Hindi rin naman lahat ng pumapasok sa same sex relationship ay ganiyan lang ang hanap. Yung iba, they are after with the person and the feelings.""Tama ka naman. Side lang naman iyon ng kaibigan ko baka kasi parehas sila ng iniisip ni Kay. Di ba? Natanong mo na ba kasi siya kung pumapatol siya sa bisexual? Baka straight iyon bes."Natahimik si Barbie. Nanlaki ang mga mata ko, nagulat sa napagtanto."Di ka man lang nagtanong? Nanligaw ka agad? Aba, hindi ka talaga sasagutin niyan, no."May sasabihin pa sana ako pero nahinto nang umilaw ang cellphone sa mesa. Dinampot ko ito at ini-unlock. May nag-message sa akin na unknown account sa dating app. Kunot ang noong binasa ko ito.Good day. I'm Charles' wife. I'm begging you to stop talking with my husband, please. We have a nine-year old child and I'm expecting a baby. Search my I* Celine Brooks if you want to see the truth."The fuck," mahinang mura ko.Dali daling binuksan ko ang I* at sinearch ang pangalan ng babae. Tama nga ito. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang asawa niya si Charles. May mga pictures nila sa wedding, sa hospital at sa mismong bahay nila kasama ang kanilang anak."Yuck," nasambit ko nang mapagtantong nakikipaglandian ako all this time sa may-asawang lalaki."Bakit?" takang nilapitan ako ni Barbie at nakiusyuso."Sino iyan?"Huminga ako ng malalim at kinontrol ang galit na umuusbong sa loob."Asawa ni Charles. Langya iyong afam na iyon, may asawa at anak pala tapos nangangalantari pa. Malas ko lang dahil ako pa ang nasaktuhan. Gago talaga.""Woah. Tapos anong gagawin mo?""Hello? Di naman na ako masyadong tanga ngayon no. After ni Chris wala naman talaga akong naging seryoso na afam. Hihiwalayan ko na ang mokong na iyon! Akala niya siguro okay lang tong ginagawa niya dahil malayo naman. Considered pa rin na cheating to. Kahit in an open relationship kami, ibang usapan na kung may pamilyang involved."Tumayo ako at pumunta sa sala. Umupo ako sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Binalikan ko uli ang account ng babae."Ang lapad ng ngiti pero manloloko naman. Akala mo mahal na mahal ang asawa. Hays, mga lalaki."Umukilkil sa utak ko ang sinabi ni Pierce."Pucha, di talaga ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo, kuya."Nireplayan ko ang babae.Hi, thank you for informing me. I'm sorry. I am also a victim. I thought he's single. Rest assured that I will not talk to him anymore. Will block him. I also thought you don't deserve a guy like him. Thank you.Sunod kong pinadalhan ng message si Charles.Hey, your wife told me you're cheating on her back. Screw you motherfucking piece of asshole! Putangina mo! Before I blocked you, let me say thank you for the money you wasted on me. I enjoyed it. Bye. My middle finger salutes you.Matapos i-block si Charles ay tumayo ako at bumalik sa kusina. Nagluluto na ng sauce si Barbie samantalang si Sheki ay mukhang nakabalik na sa mundo."Tapos na?" tanong ni Barbie habang patuloy sa paglalagay ng cream sa kawali."Pang-ilan na ba iyan for this year?" si Sheki."Pangalawa. Sanay na akong nakakatanggap ng mga ganiyang mensahe."Umupo ako sa silya at nilaro ang hawak na cellphone."Part of the experience.""Ang tindi talaga ng sikmura mo no. Di ka man lang nasaktan. Di man lang umiyak."Nilingon ko si Barbie."Patigasan lang iyan. Laro ang hinahanap nila kaya pagbigyan. Sa huli, mas lamang ako dahil ako ang nagkakapera.""Iba talaga ang modern hero ng Pinas. Mababayaran mo na ang utang ng bansa natin, bruha. Galing ng marketing strategy mo!""So apat na lang ang natira?" si Sheki."Yup pero may balak akong magdagdag ng isa. Collect and select ang motto natin sa buhay."Nagkamot lang ng ulo si Sheki. Alam niyang hindi ko siya pakikinggan kahit ano pa ang sabihin niya sa akin."Bahala ka na nga sa buhay mo. Malaki ka na."Tumayo ito bitbit ang plato ng pasta.Umayos ako ng upo at kinutingting ang cellphone. Nang may maalala ay pumihit ako."Barbs.""O?""Di ba kaibigan mo halos lahat ng mga tricycle drivers sa school?""Oo, bakit?""Ahm, may napansin ka bang bagong mukha? May nakita kasi akong bagong salta noong isang linggo.""Alam ko na kung sino ang tinutukoy mo. Gwapo no?" Bahagya niya akong nilingon mula sa hinahalong spaghetti."Ang lakas talaga ng radar mo ano. Oo, gwapo siya. Bakit di mo man lang ako nasabihan na meron palang fafa diyan ha.""Alam kong hindi ka magiging interesado." Nagpatuloy ito sa paghahalo."Ha? Bakit?""Kasi wala siyang pera."Napangiwi ako."Bat ang galing mong humula?""Ay magaling ba? Kilala na kasi kita. Bat ka nagtatanong tungkol kay Pierce? Trip mo?"Tumawa ako."Baka baliktad. Ako yata ang trip niya. Wagas kung magpapansin sa akin e. Stalker sa gabi tapos may pa walk with me walk with me pa na nalalaman.""Mabait iyang si Pierce. Bagong salta sa pasetoda. Nakakausap ko nga minsan kapag maaga akong umuuwi. Mukhang problemado. Galing ata sa broken family.""Ah. In fairness ang gwapo niya ha. Bentang-benta ang ganiyang mukha sa mga sugar mommy at beki. Gusto ko sanang alukin ng trabaho kaso baka tumanggi."Pinatunog nito ang dila sa loob ng bibig."Wag na. Matino iyong tao."Hindi na ako kumibo at nagkibit-balikat na lang. Pero hindi ko maalis ang umahong kuryusidad sa lalaki."Hay, buhay! Parang life!" Itinaas ko ang mga kamay sa ulo habang naghihikab. Antok na antok ako. Gusto ko nang itapon ang sarili sa kama at matulog. "Bakit ba kasi ako nagyaya na mag-kala kami. Ayan tuloy, hanggang ngayon, may hangover pa ako." Ako kasi ang nag-initiate na mag-inuman kami habang naka-OT pa ang papa ni Pariah. Doon na rin kami natulog ni Sheki at Barbie dahil halos hindi na kami makabangon dahil sa kalasingan. Ikaw ba naman ang tumira ng The Bar at Bacardi, magpa-pass out ka talaga. Iginala ko ang tingin sa labas ng university, naghahanap ng masasakyan. "Tingnan mo 'tong mga 'to. Kapag wala kang pera pamasahe, ang dami nila na nagkalat pero ngayong gusto mo namang sumakay, hindi mo sila mahagilap. Eto namang si Pierce, kung kailan kailangang-kailangan ko ang kaniyang pagka-stalker saka naman nawala nang parang bula. Maglalakad na naman ako." Hinapit ko ang jacket sa katawan at tinawid ang daan. Marahan akong naglakad habang pinipilit na ibuka ang aandap-andap na
"Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo."Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore."Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito. Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan."Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kai
"Saan na ba ang babaitang iyon?"Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita."Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at
Humahangos na tinakbo ko ang entrance sa loob ng regional hospital. Hinahanap ko si Jun na siyang nagdala kay papa dito. Nilibot ko na ang buong tatlong palapag ng building para mahanap ang kapatid pero hindi ko pa rin siya makita. Nagpa-panic na tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi na naman nito sinagot. Huli kong pinuntahan ang canteen ng ospital. Doon ko nakita si Jun sa isang tabi na umiinom ng kape. May dugo pa ito sa damit."Jun!"Lumingon siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at agad itong niyakap. Umiiyak na gumanti rin ito ng yakap. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Hindi makakatulong sa amin ngayon ang mga luha ko."Ano ang nangyari kay tatay? Sino ang sumaksak sa kaniya?""Si Mang Gado."Suminghot ito. "Nagkainitan kasi sila dahil sa baraha. Ayun, tinaga niya si papa," umiiyak na paliwanag nito. "Tumakas na rin siya noong puntahan ng mga pulis sa kanilang bahay sabi ni nanay.""Saan si nanay? Bakit ikaw lang ang nandito? Si tatay, kamusta?" Pigil ko ang hininga h
Mula sa kung saan ay may naglagay ng jacket sa likod ko at payakap akong itinayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada. Nagpaubaya ako rito at humagulhol sa mga bisig ni Pierce."Stop crying. It's okay," anas nito habang hinahagod ang likod ko."Iuuwi na kita."Bumitiw ako sa yakap nito pero hindi niya ako hinayaang makalayo agad."Hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang ibenta ang sarili ko, Pierce. Oo, may kalandian akong taglay pero hindi ko pala kayang ibenta ang katawan ko," umiiyak ko na wika."Masama ba akong anak kasi hindi ko kayang magsakripisyo para sa pamilya ko? P-Pero ginawa ko naman ang lahat. Handa akong gawin ang lahat basta 'wag lang 'to. 'Wag lang 'tong ganito kasi hindi ko talaga kaya."Muli niya akong ikinulong sa yakap nito."Alam namin. And you've done enough. 'Wag ka nang umiyak. Tara na. Umalis na tayo dito."Nagpatianod na ako sa kaniya palayo habang halos buhatin niya na ako. Si Barbie ay tahimik lang sa tabi namin, nakikiramdamn kung kailan magsasalita.Hindi ako
Natagpuan ko ang sarili na nakatulala na nakaupo sa labas ng isang fast food chain. Kanina pa ako nakatitig sa cellphone pero wala pa akong natatawagan ni isa.Wala naman kasi talaga akong mapupuntahan. Ni hindi ko kayang magrenta ng isang kakarampot na silid para matulugan sa gabing ito dahil sa wala na talaga akong pera.Said na said na ako. Wala nang naiwan ni isang patak kaya para na akong pulubi na nakatungko sa labas at kulang na lang ay itaas ang kamay para mamalimos.Kinagat ko ang dila at nagmura. 'Langyang buhay naman ito, ano. Kung akala ko ay naranasan ko na ang nasa pinakaibaba, pinatunayan lang ng sitwasyon ko ngayon na may mas ibababa pa ako."Tangina," bulong ko at tumingala sa madilim na langit. "Lord naman, kotang-kota na ako sa mga problema. Please, chill lang po tayo, ha. Medyo humihina po kasi ang kalaban."Nagbuntunghininga ako at muling tumitig sa cellphone. Hindi ako pwedeng makitulog kay Barbie dahil tulad ko, may family problem din na kinakaharap ang maton na
"Psst Pierce. Gising ka pa?"Hindi gumalaw ang lalake sa pagkakahiga sa sahig na nilatagan ng karton, kutson, at blanket. Nakahiga ito patalikod sa akin at nakakumot hanggang sa ulo."Alam kong gising ka pa. 56 seconds ka pa lang na nakahiga d'yan. Binilang ko."Umusod ako sa gilid ng katre at sinundot ang tagiliran nito gamit ang paa ko. Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako nang masama.Nginisihan ko naman siya at inayos ang kumot sa katawan "Hindi ako makatulog."Bumalik ito sa pagkakahiga at nagbuntunghininga. "Wala akong pakialam kung hindi ka makatulog. Isinakripisyo ko na nga ang kama ko sa iyo tapos pati pagtulog ko ay kukunin mo pa sa akin? 'Wag kang mandamay, Xylc. Matulog ka na.""Hindi nga ako makatulog saka wala ka namang trabaho bukas 'di ba? Sabi mo kakatapos lang ng bahay na ginagawa niyo tapos nasa talyer ulit ang tricycle mo. Tsika muna tayo. Pampaantok lang. Ikaw kasi, ayaw mong patayin ang ilaw. Kalalake mong tao tapos takot kang matulog sa dilim."Pu
"Wala kang pasok?"Napapitlag ako sa pagkakatunganga sa harap ng laptop nang marinig ang boses ni Pierce mula sa pinto. Hindi ko namalayang nakauwi na pala ito.Umayos ako ng upo sa silya sa maliit niyang sala at tiningnan ang lalake na pawis na pawis habang naghuhubad ng t-shirt. Nabilad na naman sa mga mata ko ang magandang katawan nito."Tapos na. Isang subject lang ako ngayon, eh. Kain ka na. Nagluto ako ng ginataang monggo diyan. Pinakialaman ko na ang laman ng kusina mo. Pero ako naman ang bumili ng ibang panakot. Kain ka na."Kumuha ito ng t-shirt sa karton sa ilalim ng kama nito at isinuot. Nakasunod naman agad ang mga mata ko sa toned at tanned na namumutok na muscles nito."Salamat. Tamang-tama. Gutom na gutom ako."Kumuha ito ng plato at nagsandok ng pagkain. Halatang gutom nga ito dahil sa sunud-sunod na pagsubo pero kahit ganoon ay may class pa rin. Hindi katulad kong kumain na parang barumbado sa kanto.Sa ilang araw ko na ring pananatili rito sa bahay niya ay may napapa