Share

Chapter 3

Ang sakit ng katawan ko at para ako na nabunggo ng kotse na hindi ko maintindihan. Ang huli ko na natatandaan ay ang paglalasing ko at ang pagnanais ko na makapunta sa hotel na huling tinuluyan namin ni Brent. Pero ang mga sumunod na ro’n ay ang bola na may ilaw na hindi ko alam kung saan ang tungo kaya kahit ako ay hindi ko alam kung saan direksyon ako pupunta.

Hindi ko naman talaga alam saan na ako pupunta matapos ang paghihiwalay namin ni Brent. Hindi naman ako makakauwi sa mga magulang ko sa ngayon hangga’t hindi ko pa naisasaayos ang magulo ko na buhay. Wala rin naman ako na trabaho. May konti ako na ipon pero hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin iyon. Ang aasahan ko na lamang ay ang magiging hatian sa conjugal properties at rights namin ni Brent.

Kasalanan lahat ito ni Elise. Ngayon, hindi lamang ako nawalan ng asawa ngunit pati buhay at matitirahan ay wala rin ako. Pinilit ko na galawin ang mga kamay at paa ko pero wala pa akong sapat na lakas upang magawa iyon. Bukod pa ro’n ay patuloy na sumasakit ang ulo ko. Nabangga nga ba ako ng umiilaw na bola na iyon? Pilit ko na inaalala ang mga pangyayari.

Naramdaman ko ang pagkaluskos sa aking paligid. Hindi ako dumidilat at pinapakiramdaman ko na lamang kung may tao ba na malapit sa akin. May mga boses ako na naririnig pero hindi ko mawari kung kanino ang mga iyon. Ibig sabihin lamang ay hindi ko kilala ang mga tao na kasama ko ngayon kung nasaan man ako na lugar.

"Evan, hindi pa tayo sigurado kung ano ang magiging epekto sa kan’ya ng pagkakabangga. Although the impact is not that strong, dahil hindi naman gano’n kabilis ang pagpapatakbo ni Ever ng sasakyan, pero hindi pa rin tayo maaari na makampante. Sa ngayon, hindi ko pa masasabi ng direkta sa inyong magkapatid kung ano ang nangyari sa pasyente. We have to wait for her to wake up, para ma-assess ko ang lagay niya." Mahabang paliwanag ng isang lalaki pa. Kung ako ang itinuturing na pasyente ng tao na nagsasalita, ibig sabihin lamang ay doktor siya. Nasa ospital ba ako kung gano'n?

"What is the worst-case scenario that could happen, doc?" Maagap na sagot naman ng isa pa na lalaki na may baritono na boses.

"Amnesia. In rare cases, because of the head injury or impact, maaari na magkaroon ng amnesia ang pasyente. Ngunit, hindi naman lahat ng mga nababangga ay nagkakaroon nito. Maaari rin naman na wala, pero gaya nang sinabi ko, hindi ko pa masiguro hangga’t hindi pa siya gumigising. Hindi man malakas ang naging pagbangga ni Ever sa kan’ya, pero dahil ang ulo niya ay tumama sa daan at agad siya na nawalan ng malay ay kailangan natin na maging handa."

"Did you hear that, Ever? Because of your foolishness, we are in this situation again. Ipagdasal mo na walang mangyari sa babae na iyan, kung hindi ay kakailanganin pa natin na tulungan at suportahan iyan. Have you tried checking on any of her family members?"

"Wa-wala. Hindi ko alam. Nang mabangga ko siya at mawalan siya ng malay ay agad ko na siya na dinala rito."

"What the fuck happened, Ever? I told you not to drink and drive, pero ito ka na naman at problema na naman ang ibinibigay mo sa akin. Paano kung may mangyari sa babae na iyan? Paano kung magdemanda ang pamilya niyan? At inuwi mo pa talaga rito sa bahay natin." Galit na galit na salita na naman ng baritono na boses na iyon. Kung gano'n ay wala ako sa ospital at nasa bahay nila ako. Kung sino man sila ay naririto ako sa teritoryo nila.

"Kung bayaran mo na lang, kuya. We have the money. Kayang-kaya natin na bayaran at sagutin ang pagpapagamot niya. It’s the easiest solution that we have now."

"Diyan ka magaling, ang magwaldas ng pera. Alam mo ba ang mangyayari kapag lumabas na isang Ruiz ang nakabangga sa kan'ya?"

Ruiz? Ang nakabangga sa akin ay isa sa magkapatid na Ruiz? Ang mga batang bilyonaryo na nagmamay-ari ng ilang chain of hotels? Isang ideya ang pumapasok sa isipan ko pero hindi ko alam kung kaya ko iyon na panindigan. Hindi ko ugali na manggamit ng tao pero sa pagkakataon na ito ay sila lang ang maaari na makatulong sa akin.

"Help me, kuya. Alam mo na wala akong ibang matatakbuhan. Tayong dalawa na lang ang magkakampi."

Malalim na buntong-hininga ang sunod ko na narinig. Natahimik ang buong paligid ko at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa magkaptid na nag-uusap. Patuloy ako na nakikiramdam habang ang utak ko ay patuloy rin na umiisip ng maganda na paraan kung paano ko magagamit ang sitwasyon na ito na bentahe para sa aking pangangailangan.

"You’re lucky, Ever. Pasalamat ka talaga at isinumpa ko sa mga magulang natin na hindi kita pababayaan. But for fuck’s sake, magtino ka naman. Buwan-buwan na lang ay binibigyan mo ako ng sakit ng ulo. You’re twenty-five years old; it’s time for you to grow up and take responsibility."

"I know and I’m sorry, kuya." Isa pang buntong-hininga ang aking narinig bago muli na hinarap ng baritono na boses na iyon ang doktor. "When will she wake up then, doc? At kailan natin malalaman kung ayos lang ba siya o hindi? I need to know, para alam ko kung ano ang magiging susunod na hakbang namin."

"Hindi ko rin alam. Pero limang oras na ang nakakalipas simula nang dumating ako, umaasa ako na maya-maya lamang ay gigising na rin siya."

"Let’s go to my office first, doc, so we can discuss her state. Ever, puntahan mo kami kapag nagising na ang babae. May mga kailangan lang ako na tanungin kay doc patungkol sa kondisyon niya."

"Yes, kuya."

Pagbukas at pagsara ng pintuan ang sumunod ko na narinig bago muli na binalot ng katahimikan ang buong silid. Kinakabahan ako sa magiging plano ko pero wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko magpakatatag lalo na at sarili ko na lamang ang aasahan ko sa ngayon.

"Hey, woman, wake up!" Naramdaman ko pa ang pagtabi sa akin ng lalaki. Sigurado ako na siya ang tinatawag na Ever kanina, ang lalaki na nakabangga sa akin.

"Gumising ka na, please naman. Kailangan mo nang gumising at bumalik sa pamilya mo bago pa tuluyan na magwala si Evan sa presensya mo. Ano ba naman kasi ang ginagawa mo sa gitna ng kalsada at doon mo pa naisipan na makipagpatintero? At sa dami naman ng puwede mo na istorbohin ay buhay ko pa talaga ang napili mo. Bakit naman kung kailan padaan ako ro’n mo pa naisipan na gumitna?"

Pasalampak siya na naupo sa kama dahil naramdaman ko ang paglundo nito nang maupo siya. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi makalikha ng kilos dahil pakiramdam ko ay tinititigan niya ako. "You’re pretty. Medyo baduy ka nga lang pero maganda ka. Single ka malamang kasi wala akong nakita na singsing sa mga kamay mo. Nasaan ba ang pamilya mo? Taga-saan ka ba?"

Patuloy siya sa pagtatanong sa akin kahit na alam niya naman na hindi ko siya masasagot. "Nahihiwagaan na talaga ako sa’yo na babae ka. Bakit ka ba nag-iisa sa dis-oras ng gabi? Nawawala tuloy ang pagkalasing ko sa’yo dahil sa kaba ko, kaya please naman gumising ka na."

Nararamdaman ko na sa boses niya ang takot at pag-aalala. Nais ko na rin na gawin ang plano ko kahit na walang kasiguraduhan pa iyon. Basta bahala na kung magtagumpay ako o hindi, ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabuhay at mai-plano ang paghihiganti ko.

"Ughh, ang sakit." Pag-ungol ko na agad na nagpatayo sa lalaki na kani-kanina lamang ay nakaupo sa kama na kinahihigaan ko.

"Hey, are you okay?" Nag-aalala na tanong niya.

"Ang sakit ng ulo ko."

"Wait! I’ll call the doctor." Nagmamadali siya na lumabas ng kuwarto kaya naman unti-unti ko rin na iminulat ang mga mata ko upang obserbahan ang silid na kinalalagyan ko.

Simple lamang ang disensyo ng kuwarto pero halata na mayaman ang nagmamay-ari nito. Tama siguro ako ng hinala na ang kilalang mga Ruiz nga ang magkapatid na narito. Nanatili ako na hindi gumagalaw dahil hindi ko pa rin mahanap ang lakas ko.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang tatlong pares ng mata na titig na titig sa akin. Mabilis na lumapit sa akin ang may hindi katandaan na lalaki.

"Kamusta ang pakiramdam mo, iha?" tanong niya sa akin.

"Sumasakit ang ulo ko." sagot ko.

"Alam mo ba ang pangalan mo? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa’yo at kung nasaan ka ngayon?" Sunod-sunod pa niya na tanong sa akin.

Tumitig lamang ako sa kan’ya at inihanda ang aking sarili. Kailangan ko nang umpisahan ang aking pagpapanggap. "I am Harper."

"Harper?" Gulat na gulat na tanong ng lalaki na baritono ang boses. Napasulyap ako sa kan’ya at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi nga ako nagkakamali, siya ang kilala na si Evan Ruiz.

"Harper, ano ang naaalala mo sa mga nangyari?" muli ay tanong ng lalaki sa akin.

"Ga-galing ako sa isang party. Yeah, galing ako sa party kasama ang mga kaibigan ko."

"Sino ang mga kaibigan mo?" muli na tanong sa akin.

Kahit na kinakabahan ay pinilit ko na umarte upang mapagtagumpayan ko ang hamon na ito. "Ang mga kaibigan ko?" Bulong ko habang patuloy na inililipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Harper?" tawag ulit sa akin.

Hindi ko sigurado kung paano ko sila mapapapaniwala na may amnesia ako, pero bahala na dahil kailangan ko na manatili rito. "Wala akong maalala. Wala akong matandaan na mga pangalan maliban lang sa pangalan ko."

"What?!" Sabay na sigaw ng magkapatid. Kitang-kita ko ang pagrehistro ng takot at pagkabahala sa kanila.

"Ano ang ibig sabihin nito, doc?" muli ay tanong ng nakakatanda na Ruiz.

"Hindi ako sigurado. I need to run more tests. Pero kung wala siyang maalala sa ngayon, I would say it’s temporary amnesia. We need to keep her to further check on her developments."

"Amnesia? May amnesia ako?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status