Share

Chapter 7

"I’m sorry about yesterday, my fiancée."

The words he spoke kept repeating in my head, and the kiss we shared kept me from uttering any word. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil sa labis na pagkagulat sa mga nangyari sa pagitan namin ni Evan.

Gusto ko na magalit sa kan’ya dahil sa nakaw na halik na iyon, pero hindi ba at ako ang nagsimula no’n? Ako ang nagpanggap na fiancée niya, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya sinasakyan ang kalokohan ko na ‘yon?

"Harper?" Tawag niya sa akin habang ang mga kamay ay patuloy sa paghimas sa aking tagiliran. "I’m sorry about yesterday." Pag-uulit pa niya. Nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakaharap sa kan’ya at sunod-sunod na pagtango lamang ang aking nagawa.

"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" Umiling ako sa tanong niya. Sobra na nga ang lapit niya ngunit mas lalo pa siya na lumapit na halos magkadikit na ang aming mga katawan. "Sigurado ka na hindi ka galit?" tanong niya ulit.

"D-do you believe me? Naniniwala ka ba na fiancé kita?" Ako naman ang nagbalik ng tanong sa kan’ya kaya mabilis naman na nagbago ang ekspresyon niya sa akin.

"Frankly, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa’yo. You woke up without even remembering anything about me. Kahit na pilitin kita na alalahanin ang pamilya mo at ako na boyfriend mo ay hindi mo magawa. And it hurts me so much, masakit na hindi mo ako naalala agad." Ang kanina na malambing na boses niya ay napalitan nang pagkayamot sa akin.

"I-I’m trying to remember things, but I can’t. Kung naniniwala ka ay bakit mo ako gusto na paalisin dito? Why are you willing to let me go, kahit na alam mo na may sakit ako? Hanggang do’n lamang ba ang pagmamahal mo sa akin? Just because I forgot about you, hahayaan mo na lamang ako sa buhay ko?" May panunumbat na balik ko sa kan’ya.

I need to make him feel that I am not stupid enough, at kung kaya niya ako na paghinalaan ay iyon din ang gagawin ko sa kan’ya. This is a game and a challenge that I both have to win.

Huminga siya ng malalim at hinimas pa ang pisngi ko. "I’m sorry, Harper. I have no intention to do that. Hindi ko plano na tuluyan ka na paalisin. Sinusubukan ko lamang kung hanggang saan ang mga bagay na naaalala mo."

"Bakit ilang araw mo ako na hindi pinuntahan?" Pilit ko na pinapalabas na nagtatampo ako sa mga naging pagtrato niya sa akin sa mga nakalipas na araw.

"Naging abala ako sa trabaho at inasikaso ko pa ang estado mo. Kinailangan ko na siguruhin kay doc na ayos ang lagay mo. Idagdag pa ro’n ang sandamakmak na trabaho na mayro’n ako. Pero gabi-gabi kita na sinisilip sa kuwarto mo. I’m checking if everything is okay with you."

"I’m sorry, pasensya ka na at hindi agad kita naalala. Sorry kung tuluyan na na-blangko ang memorya ko at tanging pangalan ko lamang ang natatandaan ko. Pero natatandaan na kita ngayon, I can see glimpses of our past together."

Nangunot ang noo niya, "Really? Naaalala mo na ang mga nakaraan natin dalawa?" Tumango ako sa tanong niya na iyon. Kailangan ko na magpanggap na may bahagi na ng nakaraan namin ang naaalala ko na. "But you still have a lot of explaining to do, Harper." Matigas na salita pa niya sa akin.

Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Bawat buka ng bibig ni Evan at bawat mga salita na namumutawi sa kan’yang labi ay naghahatid sa akin ng milya-milya na kaba. Hindi ko masabi kung pinaghihinalaan na ba niya ako o sinasakyan niya lamang ako dahil sa alam niya na may amnesia ako.

"Explain?"

"Yes, but let’s not talk about that right now. Ang mahalaga sa akin ay naaalala mo na ako. I am so fucking worried about you, kaya gano’n na lamang ang galit ko kay Ever." Muli siya na lumapit sa akin at itinaas ang mukha ko upang magtapat ang paningin namin dalawa. Tinititigan niya ang mga mata ko habang patuloy sa paghimas sa pisngi ko.

"I miss you, mi amore." Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na sagutin ang sinabi niya dahil muli na naman na sinakop ng labi niya ang labi ko. "Kiss me, Harper. I miss your kisses so fucking much." Pag-utos pa niya sa akin sa gitna ng kan'yang paghalik sa akin.

Naghuhurumentado ang isip ko. Kailangan ko na gawin ang sinabi niya upang hindi niya ako tuluyan na paghinalaan. At sa kabila ng pagdagundong ng puso ko ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa kan’yang leeg at tumugon sa mga halik niya. Hindi maitatanggi ang reaksyon ng kan’yang katawan sa pinagsasaluhan namin na halik. Patuloy na naba-blangko ang isip ko dahil sa padiin nang padiin na halik na ibinibigay sa akin ni Evan.

Gumagapang ang kamay niya at patuloy nito na hinihimas ang tagiliran ko. Idinikit pa niya ako sa katawan niya at hindi tumitigil sa pagpupog sa akin ng mga halik kaya naman ramdam na ramdam ko ang nagigising niya na pagkalalaki.

"Evan." Ang tawag ko na iyon sa pangalan niya upang sana ay pigilan ang mga halik na pinagsasaluhan namin ay lumabas sa paraan na pag-ungol ko sa pangalan niya. Dahil dito ay mas lalo siya na ginanahan sa ginagawa namin at mas lalo na dumiin ang mga halik niya at pinagapang pa niya iyon sa aking leeg.

"Fuck!" mahina na mura pa niya.

"E-Evan, baka dumating si Ever." Sinubukan ko muli na pigilan siya. Hindi maaari na may mangyari sa pagitan namin dalawa. Hindi maaari na madala ako dahil lamang sa mga paghalik.

"Let’s take this to my room, mi amore," he whispered seductively in my ear.

Nanlalambot ako sa ginagawa niya sa akin. Matagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong init sa aking katawan na dala ng isang lalaki. Things with Brent are different. At ngayon na mga halik pa lamang ni Evan ay nakakalimot na ako sa misyon na mayro’n ako, ay hindi ko na alam kung hanggang saan ako tatagal bago tuluyan na bumigay sa nais niya.

"No." Pilit ko na pinaglalabanan ang tawag ng laman na nararamdaman ko.

"Harp, I miss you and I need you. I need my release; ilang araw na rin ako na nagpipigil sa’yo dahil nais ko na maalala mo muna ako bago kita angkinin muli." Bulong pa niya sa tainga ko.

Libo-libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan at pinanindigan ako ng balahibo. This is just lust that I am feeling, at hindi makakatulong ito sa mga plano ko kung magpapatalo ako sa pagnanasa na aking nararamdaman.  

Or maybe it can? Maybe it can help me with my revenge plan. Pero ganon na ba ako ka-desperada na makapaghiganti na ultimo sarili ko na katawan ay gagamitin ko? But do I have a choice? I told him he was my fiancé. Goodness, Harper! Ano na ba ang ginagawa mo sa sarili mo? You’re trying to ruin yourself just to get back at Brent. But am I really ruining myself, or am I making myself stronger? I am recreating myself to get a better version of who I am.

"Harper." Bulong muli ni Evan sa akin na sadya pa na pinadikit ang kan’yang labi sa aking tainga. Naramdaman ko pa ang pagtaas ng kamay ni Evan papunta sa aking beywang at patuloy na tumataas iyon sa bawat halik na iginagawad niya sa akin leeg at tainga.

"Shit! Okay! What is this all about? Did I miss something?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Ever.

Pilit ako na kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Evan pero mas lalo lamang niya na hinigpitan ang kapit niya sa akin. Humarap siya sa kan’yang kapatid at sinalubong niya ang mga nagtatanong na mata ni Ever.

"Ever, she remembered. My fiancée already remembered me."

"What?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status