Titig na titig sa akin ang nakakatanda sa dalawang magkapatid na Ruiz at aaminin ko na sobra ang kaba na nararamdaman ko sa mga tingin na iyon. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa palabas ko, o hindi kaya ay sadya na tinatakot niya ako sa mga tingin niya.
Pero wala na akong magagawa pa kung hindi ang magtuloy-tuloy na sa pagpapanggap na naumpisahan ko na. Hindi kailanman ako nanggamit ng ibang tao para makuha ang gusto ko, but this time, things will be different. Things will have to change in order for me to survive.
I need to survive. At sa labanan ngayon ng buhay, ang mahihina ay ang mga lagi na naaargrabyado at naloloko. And I’ve experienced that, na dahil sa sobrang kabaitan ko at sobrang pagmamahal sa mga tao sa paligid ko ay inisihan nila akong lahat at sinaktan.
Once is enough, and two is definitely too much, kaya kailangan ko na patatagin ang sarili ko. I learned the hard way that love isn’t a reason for you to stay together. Regardless of the love that you have, kapag napasukan na iyon ng pagnanasa ay maiiba na ang takbo ng lahat.
"What did you say your name is again?" tanong sa akin ni Evan.
"Harper." sagot ko naman.
Pansin ko ang madalas na pangungunot ng noo ng lalaki na ito sa tuwing maririnig niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung may naaalala ba siya sa pangalan ko, o sadya lamang na hindi niya gusto ang aking presensya.
"What’s your last name? Natatandaan mo ba? Ano ang mga naaalala mo patungkol sa sarili mo?" Sunod-sunod na tanong pa niya na para siyang isang detektib.
"I-I don’t remember anything. I'm trying to, but I can't." Umarte ako na parang pinipilit ko na isipin ang sagot sa kan’yang tanong. "Ahh! Ang sakit ng ulo ko."
"Are you okay?" Mabilis naman na lumapit sa akin ang nakababata na kapatid niya. "Kuya, let’s not force her to remember things at this moment. Baka mas lalo lamang na kung ano ang mangyari sa kan’ya kapag ipipilit pa natin. Ngayon lang siya nagkamalay at hindi pa niya na pro-proseso ang mga nangyayari."
Nakita ko pa ang pagpigil ng lalaki sa galit na nais na kumawala sa kan’ya para sa kapatid niya. Naihilamukos na lamang niya ang kamay sa mukha at napa-buntong hininga.
"This is all your fault, Ever." nanggigigil na sagot niya.
"Evan, kung maaari lamang na huwag kayo rito na magtalo ni Ever sa harapan ni Harper. Mas lalo na hindi makakabuti sa lagay niya kung maii-stress siya sa nakikita niya sa inyong magkapatid na pagtatalo." Pagsaway ng doktor sa magkapatid. At sa oras na iyon ay gusto ko na magpasalamat sa kan’ya. Sana ay maisipan din nilang tatlo na iwanan muna ako rito at bigyan ako ng espasyo.
"Family. Do you recall any of your family members?" tanong muli sa akin ni Evan.
Mabilis ako na umiling sa kan’ya at kitang-kita ko ang dismayado niya na itsura. "Listen, Harper, I know you are our responsibility because of what my brother did, but we can’t keep you here with us. Paano na lamang kung hinahanap ka na ng pamilya mo? Paano kung mas lalo kami na magkaproblema at maakusahan pa kami ng kidnapping dahil narito ka sa amin? The best thing for us to do is turn you over to the police so that they can help locate your family."
Isa lang ang naiintindihan ko sa sinasabi ni Evan, at iyon ay ang umalis na ako. He is subtly asking me to leave them, but I can’t and won’t. Wala na akong iba na mapupuntahan at mahihingan ng tulong. Sa ngayon sila na lang ang tangi na pag-asa ko.
"Pulis? Hindi ako masamang tao. I don't have any plans to harm any of you. I am the victim here, as you can see, pero wala akong plano na manggulo sa inyo. Wala lang ako talaga na maalala maliban sa pangalan ko, at hindi ko rin alam kung saan ako pupunta dahil blangko ang memorya ko. Can you let me stay here for a few days? I don’t want to be a burden to anybody, but at this point I am helpless."
Nagkatinginan ang magkapatid sa sinabi ko. Bagama’t hindi ako sigurado kung uubra ang pagmamakaawa at arte ko, umaasa pa rin ako na may magiging epekto iyon, dahil kapag hindi ay mapipilitan ako na takutin na sila na magdedemanda ako.
I don’t like the woman I am becoming right now. This is not me, pero siguro nga ay tama ang kasabihan na kapag nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit. Ito na lamang ang pag-asa ko; sila na lang ang inaasahan ko na makakatulong sa akin sa plano ko na paghihiganti.
Siguro ay sinadya na rin na mabangga ako ni Ever dahil kailangan ko talaga ng tao na makakatulong sa akin. Sinuwerte na nga lamang din ako dahil mga bilyonaryo pa ang kinabagsakan ko. I may have done something good in my past life, dahil hindi pa rin ako tuluyan na pinabayaan ng tadhana kahit na nagkahiwalay man kami ni Brent.
Yes, I hate users, but I am apparently becoming one. Sa panahon ngayon, Either they use you or you use them. And right now, I am inclined to change my life. I don’t want to be used anymore, kaya bago pa nila na magawa iyon ay uunahan ko na sila na gamitin ko kaysa ang gamitin pa nila ako.
"I don’t want to butt in, but I think she is right, Evan. Tutal ay kailangan ko rin naman siya na ma-obserbahan pa. It is better that she stays with you for a few more days until I see to it that she is fit enough to go on her own." paliwanag pa ng doktor.
"Let her stay, kuya. Ako na muna ang bahala na tumingin sa kan’ya, tutal ay kasalanan ko naman ang lahat ng ito." dagdag pa ni Ever.
Ibinalik ni Evan ang tingin niya sa akin at sa salubong na kilay ay kinausap ako, "Fine, you can stay. Kami na ang bahala na sumagot sa lahat ng medical expenses mo at pati na rin sa kung ano pa man ang mga kakailanganin mo habang narito ka sa poder namin at nagpapagaling. I’ll also ask my stylist to bring some clothes for you by this morning. Pareho kami na lalaki ni Ever na narito at wala kami na mapapagamit sa iyo na damit."
"Thank you." tipid na sagot ko pa.
Binalingan ako ng doktor at kinausap, "Harper, don’t pressure yourself to remember things. Take as much time as you need to remember everything about yourself. May mga pagkakataon na may matatandaan ka na bahagi ng iyong nakaraan, pero puwede rin naman na wala talaga. But take your time, okay?"
Nang makausap ako ay hinarap niya muli si Evan, "I have to go. I’ll be back to check on her." Pagpapaalam pa niya.
Sabay sila na lumabas ni Evan ng silid at naiwan ako kasama si Ever na nakatanghod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason ng malimit na pagtitig sa akin ng magkapatid, ayaw ko isipin na nahahalata nila ang pagpapanggap ko.
"I’m sorry, Harper. Hindi ko sinasadya na mabangga kita. And it’s also no use for us to continue blaming each other, narito na tayo at nangyari na ang lahat. Pagpasensyahan mo na rin si Evan, may pagka-masungit lang talaga iyon, but he is a good person. Rest assured that we will take care of you while you are here with us. And once again, I’m sorry."
"Thank you. At naiintindihan ko rin naman dahil sa panahon ngayon ay mahirap na talaga ang magtiwala sa kung kani-kanino lamang."
"Don’t worry, we’ll take care of you. Go back to sleep now. The maids will be checking in on you from time to time to see if you need anything. We don’t usually stay here in the house the whole day, kaya ang mga maids ang madalas mo na makakasama rito." Hindi na ako sumagot at tipid na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kan’ya. I’ll go ahead so that you can rest."
Nang makalabas si Ever ng kuwarto ay napa buntong-hininga ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ako na nagpigil ng normal na paghinga ko sa sobra na kaba na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pagpikit na iyon ay isang mukha lamang ang rumerehistro sa akin.
Si Brent. Si Brent Torres ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ang lalaki na binigyan ko ng sobra-sobra na pagmamahal ko. Ngunit sa bawat oras na lumilipas na naiipit ako sa sitwasyon na hindi ko gusto ay ang pagbangon ng galit ko sa kan’ya. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang rason niya para ipagpalit ako kay Elise.
Men are all the same. Susuyuin at gagamitin ka, kapag wala ka nang silbi ay itatapon ka na lamang na parang basahan. At simula sa araw na ito, I am vowing to get revenge. Revenge for my broken heart and revenge for my broken self. Babangon ako at sisingilin ko sina Brent Torres at Elise Alano sa malaking pagkaka-utang nila sa akin.
Ilang araw na rin ako na narito sa mansyon ng mga Ruiz at sa loob ng ilang araw na iyon ay hindi ko na nasilayan pa muli ang magkapatid. Tama nga si Ever nang sabihin niya na hindi sila malimit na nananatili rito. Tangi na mga katulong ang nakakasalamuha ko at ang doktor na tumingin sa akin. Hirap na hirap na nga ako na magpanggap sa doktor na iyon dahil hindi ko alam kung ano-ano ang mga tests na ginagawa niya sa akin at natatakot ako na mabuko niya ang pagpapanggap na ginagawa ko. Hindi maaari na sa ganito ka aga ay masisira na agad ang mga plano ko. Wala pa akong naiisip na paraan para makabawi sa dalawang tao na lubhang nakasakit sa akin, kaya hindi pa puwede na may makaalam na gawa-gawa ko lamang ang lahat ng ito. Kaya naman sa tingin ko rin ay mas kinakailangan ko na i-level up ang pagpapanggap na ginagawa ko na ito. I need to excel in this one job that I've got for myself, para masiguro ang mga susunod na araw ko rito sa mansyon ng mga Ruiz. Ngunit kung paano ko gagawin iyon
Hanggang ngayon ay salubong ang kilay ko at hindi ko maipinta ang mukha ko. Hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang sinabi ng babae na iyon. Fiancé. She thought that I was her fucking fiancé. I don’t know if it was deliberate or not, but she is definitely pissing me off because of that. Noon unang araw pa lang na makita ko siya ay mabigat na ang loob ko sa kan’ya, lalo nang malaman ko na ang pangalan niya ay Harper. I have nothing against women in particular, but I definitely have something against a woman whose name is Harper. At hinding-hindi ko makakalimutan ang galit ko sa babae na iyon na nagngangalan na Harper, because I vow to get revenge on her. Revenge for turning her back on me and for being a money-hungry bitch. At kapag naiisip ko ang mga panahon na ‘yon ay lalo nang nabubuhay ang galit sa akin at ang kagustuhan na balikan ang babae na iyon at gantihan. Bakit nga ba ako galit na galit sa babae na may pangalan na Harper? Because my ex-fiancee’s name was Harper. Harper Merc
"I’m sorry about yesterday, my fiancée." The words he spoke kept repeating in my head, and the kiss we shared kept me from uttering any word. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil sa labis na pagkagulat sa mga nangyari sa pagitan namin ni Evan. Gusto ko na magalit sa kan’ya dahil sa nakaw na halik na iyon, pero hindi ba at ako ang nagsimula no’n? Ako ang nagpanggap na fiancée niya, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya sinasakyan ang kalokohan ko na ‘yon? "Harper?" Tawag niya sa akin habang ang mga kamay ay patuloy sa paghimas sa aking tagiliran. "I’m sorry about yesterday." Pag-uulit pa niya. Nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakaharap sa kan’ya at sunod-sunod na pagtango lamang ang aking nagawa. "Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" Umiling ako sa tanong niya. Sobra na nga ang lapit niya ngunit mas lalo pa siya na lumapit na halos magkadikit na ang aming mga katawan. "Sigurado ka na hindi ka galit?" tanong niya ulit. "D-do you believe me? Naniniwa
"What the hell was that? What is happening, Evan?" Ito ang unang pagkakataon na galit na galit si Ever sa nakatatanda niya na kapatid. Hindi niya maintindihan ang mga eksena na naabutan niya kanina na naghahalikan sina Evan at Harper. Pero ang mas lalo niya na ikinagulat ay nang sabihin ni Evan na fiancée niya si Harper. Evan was fuming mad the day of the accident. Hindi makalimutan ni Ever ang galit na nakita niya sa kapatid niya nang iuwi niya si Harper sa kanilang bahay dahil sa sobrang takot niya dahil nawalan ng malay ang babae. Pero ngayon naman ay tuwang-tuwa ang kapatid niya na ibalita sa kan'ya na engaged sila at mukhang masayang-masaya pa na kahalikan ang babae? "I should be thanking you for that accident, Ever." "What?!" naguguluhan niya na tanong sa kapatid. "I apologize, kung ano man ang mga nasabi ko nang araw na iyon. It was an initial reaction on my part, dahil sa parati mo na pagdadala ng problema sa akin. But this time, brother, hindi problema ang dala mo kung hin
Dahan-dahan na humahagod ang kamay na iyon sa aking tagiliran. The movement was sensual, and it’s igniting something in me. Pinipisil-pisil pa ang beywang ko at patuloy sa paghipo sa akin ang malikot na kamay na iyon. In the midst of my sleep, I feel things, at nabubuhay ang init ng pakiramdam na iyon. Am I having a wet dream? Muli ko na naramdaman ang mainit na kamay na nakapasok na sa ilalim ng damit ko at dahan-dahan na naglaro ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan ko. Napapangiti ako sa sensasyon na idinudulot nito sa akin. "Harper." Napabalikwas ako sa pagbangon nang maramdaman at marinig ang pagbulong na iyon sa aking tainga kasabay nang muli na paghimas sa aking tagiliran. Shit! This is not a dream. Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran ko na katabi ko sa kama si Evan na walang suot na pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lang ang suot. "A-ano ang? What are you doing here?" Nauutal na tanong ko sa kan’ya. Hinatak ko pa ang kumot para ipantakip sa katawan ko. Nangiti nam
Mabilis na lumilipas ang mga linggo at halos mag-ta-tatlong buwan na rin yata ako na nasa poder ng magkapatid na Ruiz. I can’t say that pretending to have amnesia was the best thing that I ever did, but it was the most helpful plan I’ve had in a while. At sa patuloy ko na pagpapanggap bilang fiancée ni Evan ay mas marami ako na nadidiskubre patungkol sa sarili ko. Evan is making me realize things that I have tried to ignore during my marriage with Brent. At ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na pinilit ko na ipagpalit para lamang maipakita ko ang pagmamahal ko sa lalaking sinumpaan ko na makakasama ko habang buhay. I forgot about myself when I was with Brent. And now, it feels good to be able to do things for myself once in a while. Ngayon lamang, pagkatapos ng ilang taon na muli ko naramdaman na sarili ko naman ang isipin ko at hindi ang ibang tao. I’ve been experiencing a lot of changes because of Evan, and I like the changes that are happening. "Umuwi ako ng maaga, and you k
"Ano ang sinabi mo?" Nanggigigil na tanong ko kay Ever matapos ako na sumunod sa kanila. "Brent Torres is here." Sagot niya sa akin na may halo rin na panggigigil. Bumaling ako kay Tof na salubong na salubong ang aking kilay. "What is the fucker doing here?" "Chill and relax, dalawang Ruiz. I just found out some new information. Mga bagay na sigurado ako na ikakatuwa mo, Evan." sagot niya pa sa akin. "Start talking." "I need to tell you that this additional information came in late, kaya huwag ka nang magwala pa sa akin kung bakit ngayon ko lang ito maire-report." "Go straight to the point, Tof." Masungit na utos ko pa. I don’t have the patience to wait for anything, kaya nga isang malaking milagro rin para sa akin na pinapalusot ko ang pagtanggi ni Harper Mercader sa mga nais ko. I wanted so much to fucking take her, pero kapag nakikiusap na siya sa akin na hindi pa siya handa ay lintik talaga at nagsasariling-sikap ako. Things that I didn’t do before, ginagawa ko ngayon dahil
The supposed business get-together for those in the business circle and the elite classes turned out to be an engagement announcement. At ang lahat ay hindi makapaniwala sa naging anunsyo na iyon. Evan Ruiz, the most eligible bachelor, is already engaged. Marami ang nadismaya na kababaihan na umaasa na masusungkit ang pihikan na bilyonaryo, at mas lalo na hindi nila inaasahan na sa bitag ng isang Mercader siya mahuhulog. The Mercaders are rich, but they do not belong to the Elite circle. Marami ang nagtaasan ng kilay sa anunsyo, but when they came to see Harper Mercader that same night of the party, lahat sila ay napahiya. She may not belong to the elite circle, but she definitely won the billionaire’s attention because of her elusive beauty and grace. And Evan cannot be happier with how everything turned out to be in his favor. Ngayon na unti-unti niya nang na-i-set ang mga plano niya magiging madali na ang lahat. All he has to do is wait. Wait until he can reap the fruits of his ha