Share

Chapter 2

“Congratulations Ms. Perez!”

Bati sa kanya ng kanilang head chief sa departamento. Nasa opisina sila nito ngayon, silang lahat na involve sa kakatapos lang na misyon.

Kasalukuyan nilang pinanonood ang balita sa tv screen na naroon. Kuha iyon habang inaaresto ang mga taong napatunayang may ginagawang anomalya sa kompanya.

Tuwang-tuwa si Mr. Buenavista sa naging resulta ng kanyang misyon dahil nahuli ang lahat ng kasabwat ni Mrs. Torres.

Ngiti lang ang isinagot ni Summer sa kanyang boss. Bagamat successful ang kauna-unahang misyon niya ay di parin siya satisfied.

Marami pa siyang misyon na kailangang magawa ng maayos. Gusto niyang patunayan sa kanyang mga magulang na di siya nagkamali ng piniling karera.

Hindi sang ayon ang kanyang mga magulang sa desisyon niyang ito. Hindi daw dapat sa isang babae ang ganung propesyon, bukod sa napaka delikado nito para sa isang babaing gaya niya.

Kilalang pamilya din naman ang mga Perez sa larangan ng pag aangkat ng mga telang de kalidad na nagmula pa sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang kompanya ng kanyang mga magulang ang siyang nagsusupply sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa ay mayroon din silang limang branch.

Sa katunayan ay walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang at kapatid sa naging misyon niya. Hindi maaaring malaman ng kahit na sino ang mga ganitong misyon. Para narin sa proteksyon ng kanyang pamilya.

“You're welcome Mr. Ruiz, hindi ko naman po magagawa yon kung hindi sa tulong ng mga kasama ko sa misyon."

Masayang sagot ni Summer, proud siya sa mga kasama niyang matapos ang kanilang misyon. Itinaas niya ang glass wine na hawak niya sa mga kasama.

"Congratulations sa ating lahat! Although mga baguhan ang karamihan sa inyo ay di naman maisasantabi ang inyong mga kakayahan sa larangang ito."

Proud na sambit ni Mr. Ruiz. Masaya silang nag celebrate ng kanilang tagumpay. Lima silang lahat sa kanilang grupo na nagtrabaho sa katatapos lang na misyon.

Si Henson Ramirez, Mas senior ito sa kanila. Sa edad na singkwenta anyos ay marami na siyang naaccomplish na misyon. Lahat ng misyon na nahawakan ni Henson ay matagumpay niyang nagampanan.

Twenty years na siya sa serbisyo. Sumunod si Alfredo Tuazon fortyfive years old at fifteen years na sa serbisyo.

Fifteen years na silang mag buddy sa mga misyon na ibinibigay sa kanila ni Mr. Ruiz. At silang tatlo na bagito pa sa ganitong propesyon.

Si Jerry Sison, twenty six year old, single. Jeremy Salvacion, twenty seven year old single at siya si Summer Perez twenty five year old. CPA silang tatlo, pero magkakaiba sila ng Unibersidad na pinanggalingan. Sa kanilang tatlo na baguhan ay mas angat ang academic background ni Summer.

" Summer, are you free tomorrow night?”

Si Jeremy iyon. First meet pa lang nila ay nagparamdam na ito ng pagka gusto sa kanya. Nakaramdam ng pagkaasiwa si Summer dahil bigla na lang itong bumulong sa kanya.

"Yes i have plans already, Excuse me."

Iiling-iling na sinundan nalang ng tingin ni Jeremy si Summer. Natatawa naman si Jerry sa nakitang reaksyon ng kaharap pagkaalis ni Summer.

"May nakakatawa ba? Inis na sabi ni Jeremy.”

" Ikaw naman kasi Jeremy binigla mo agad si Summer e. Kunin mo muna kasi ang loob bago mo diskartehan." Payo ni Jerry kay Jeremy.

" I just can't help it, I really like her pare!”

Pangungumpisal ni Jeremy. Di naman nagulat si Jerry sa sinabi nito dahil obvious naman sa mga kilos at kung paano nito tingnan si Summer.

" Ipakita mo lang na sincere ka sa nararamdaman mo para sa kanya Jeremy. Mapapaamo mo rin yan."

Mataman lang na pinakinggan ni Jeremy ang sinabi ni Jerry habang iniinom ang alak na nasa lata.

Summer's POV…

Dumiretso ng ladies room si Summer at Naiiritang ibinaba niya ang kanyang shoulder bag at humarap sa salamin.

Hindi niya gusto ang istilo ng pagpaparamdam ng nararamdaman sa kanya ni Jeremy. Palikero ang dating sa kanya. Physically ay maraming magandang katangian si Jeremy. Very professional din ito sa kanyang trabaho. Sa taas niyang five-six ay mataas sa kanya si Jeremy ng two inches. Matipuno ang pangangatawan nito at maganda rin ang mga mata nitong tila laging nangungusap.

' Pero di talaga kita type Jeremy' .Sabi ni Summer sa sarili.

' Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at marami pa akong gustong patunayan sa pamilya ko'.

Para makaiwas kay Jeremy ay nagpaalam na siya sa kanilang chief. Di naman siya nito pinigilan dahil sinabi niyang bibiyahe pa siya papunta sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nang marinig na nagpapaalam na si Summer sa kanilang boss ay sinundan siya ni Jeremy.

"Summer" Naabutan niya sa elevator si Summer.

"Jeremy, uuwi ka narin ba?” Kaswal na tanong ni Summer.Pero di niya ito tiningnan.

" Is it ok if ihatid na kita sa inyo? Its on my way home anyway." Masiglang sabi ni Jeremy.

" Thank you so much Jeremy, but i have my car." Pilit na ngiting sabi ni Summer. Ipinakita pa niya sa binata ang hawak niyang susi.

Kakamot-kamot sa ulong napa ngiti na lang si Jeremy.

" Well, take care Summer. But maybe you won't mind, kung mag convo na lang tayo along the way."

Di parin sumusuko si Jeremy.

"Ok fine."

Naunang lumabas ng elevator si Summer, habang ngiting-ngiti naman si Jeremy sa naging sagot ng dalaga.

Naunang umalis si Summer. Nanatili lang sa likuran ng sasakyan niya si Jeremy. Naiiling na lang si Summer sa ginagawa ng binata.

Bukod kasi sa wala pa sa isip niya ang pagboboyfriend, wala siyang makapang kahit ano sa puso niya para sa kasamahan. Ayaw niya itong paasahin sa wala.

Dahil walang traffic ngayon ay Forty five minutes lang nila binagtas ang kahabaan ng edsa magmula sa opisina hanggang sa San Lorenzo village sa Makati.

Bahay ito ng mga magulang niya. Dito siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Bunso siya sa kanilang tatlong magkakapatid at nag iisang babae.

Ang panganay na kuya niya si Stanley ang katuwang ng kanyang magulang sa mga negosyo dito sa bansa. At ang sumunod na kuya Sky naman niya ang namamahala sa mga negosyo na nasa ibang bansa. Parehong may sarili ng pamilya ang mga ito.Tanging siya na lang ang single.

Ang dalawang kuya niya ay kumuha ng kursong Business Management, pagkatapos gumradwayt sa kursong talagang gusto nila.

Tanging si Summer lang ang di nagtake ng business management, magagamit parin naman niya ang pagiging CPA niya incase na kailanganin niyang gamitin ang pinag aralan niya in the future.

After graduation ay nag move out na siya sa bahay na iyon dahil sinabi niya sa kanyang mga magulang na gusto na nyang maging independent. Kaya niregaluhan siya ng mga ito ng condominium bilang graduation gift sa kanya.

Isang busina lang ay nagbukas na agad ang gate. Isang may edad ng babae ang nagbukas ng gate. Si manang Lita. Dalawang dekada ng nagninilbihan sa kanila ang matanda, ito rin halos ang nagpalaki sa kanya ng mga panahong abala ang kanyang ina sa pagtulong sa ama nya sa kanilang negosyo.

" Manang kamusta po?”

Bungad na bati ni Summer sabay yakap dito ng mahigpit. Tuwang-tuwa naman ang matanda ng yakapin niya ito.

"Kamusta Sum! Namiss na kita sobra anak."

Maluha-luhang sambit ni manang Lita. Nung magpaalam sa kanya si Summer na magbubukod na ng bahay ay halos di niya ito payagan. Kung anak lang niya si Summer ay hindi niya ito papayagan na umalis ng bahay.

" Are you crying manang? My goodness, please stop crying, im not dead!”

Natatawang reaksyon ni Summer sa matanda. Natawa narin ang matanda pagkarinig sa sinabi nito.

" Iha you're here! Masayang bati ng inang si Shirley. Narinig nito ang pag busina ng anak kaya lumabas siya para salubungin ito. Naabutan niya pang nagpupunas ng luha si manang Lita.

" Anak pinaiyak mo nanaman si Lita."

Natatawang hinagod nito ang likod ni manang Lita.

" Sorry po manang, do i always make you cry?”

Muli niyakap ni Summer ang matanda. Tumandang dalaga na ito sa paninilbihan sa kanila. Kaya anak na ang turing nito sa kanya.

Niyakap din ni Summer ang ina, at magkaakbay na pumasok sila ng bahay. Naabutan nila ang papa niya sa living room, nag aantay din ito sa kanya.

" Hi Dad! Kamusta po? Magalang na humalik at yumakap sa ama si Summer.

"Summer anak, im good. hey, bakit parang pumayat ka ata?”

Nag aalalang tanong ni Shaun.

"Dad don't worry about me, nagbabawas lang ako ng rice ngayon pero kumakain parin ako."

Late na sila umakyat para matulog dahil marami sila napagkwentuhan. Sa dating kwarto niya parin natulog si Summer.

Ganun parin ang ayos ng kanyang kwarto. Minimaintain ito ng kanyang mama Shirley para sa tuwing uuwi siya ay laging ready ang kanyang kwarto.

Kinabukasan , habang nag aalmusal ay nakatanggap ng text message si Summer mula sa kanyang boss.

URGENT...

Di na tinapos ni Summer ang kinakain at nagpaalam na sa mga magulang.

"I need to go Ma, Pa. Bawi po ako next time."

Walang nagawa sina Shirley at Shaun kundi panooring umalis ang bunsong anak.

" She's already grown up."

Madamdaming sabi ni Shaun. Ginagap naman ni Shirley ang palad ng asawa. Mahal na mahal ng mag asawa ang kanilang tatlong anak, pero medyo espesyal si Summer para sa kanila. Palibhasa nag iisang babae ito.

“Shaun, Summer is already twenty five year old. We have to let her do, whatever makes her happy. We love her, we have to show it by supporting her, right?”

Tumango na lang ang ama ni Summer.

At the office…

Jeremy's POV…

Masaya nanaman si Jeremy dahil makikita nanaman niya si Summer. Dumaan siya sa drive thru ng Mc Do along the way. Umorder siya ng fries at burger para sa lahat. Pero mas espesyal ang para kay Summer, may kasamang pie ang sa kanya.

Nauna siya ng dating sa dalaga. Ten minutes na syang nakakarating pero wala pa si Summer. Inihiwalay na niya agad ang pagkain na para sa dalaga.

Nagmamadaling ipinarada ni Summer ang sasakyan. Halos liparin niya ang pagtungo sa elevator dahil limang minuto na lang ay late na sya.

Pagpasok ni Summer sa conference room ay nandoon na ang kanilang team, maliban sa kanya wala parin ang kanilang boss kaya narelieved sya.

“Good morning!” Bati ni Summer.

“Good morning Summer!”

Halos magkasabay na sagot ng mga ito. Alerto naman si Jeremy. Inabot agad niya kay Summer ang pagkain na para sa kanya. Saglit na natigilan ang dalaga.

“Breakfast ka muna Summer.”

Mahinang sabi ni Jeremy. Napansin ni Summer na siya lang ang naiibang pagkain. Ang sa iba ay parehong burger, fries, at drinks, ang iniabot sa kanya ni Jeremy ay pineapple pie, fries, coffee at pancake.Nagsawalang kibo na lamang siya.

Lihim namang nagbubunyi si Jeremy dahil kinain ni Summer ang binili niyang pagkain para rito. Hindi nagtagal dumating nrin ang kanilang boss. Sabay-sabay silang tumayo para magbigay galang dito.

Agad na hinanap ng paningin ni Mr. Ruiz si Summer. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa dalaga.

Hindi nagtagal ang miting na iyon. Hindi rin kasama si Summer sa misyon na nabanggit, pero hindi siya nag attempt na magtanong kahit ng magtanong ang kanilang boss kung may mga katanungan pa sila. Gusto niya itong kausapin ng solo.

Kahit ang mga kasamahan ay nagtaka rin ng hindi isama si Summer sa bagong misyon na ibinigay sa kanila. Pero sila man ay nanahimik. Kilala nila si Mr. Ruiz, lalo na ang mga mas matagal na sa kanila. Alam nila na may ibang misyon na ipapagawa sa dalaga.

“That’s all, good luck sa inyong bagong misyon. And Ms. Perez, maiwan ka muna. I have some things to talk with you.”

Seryoso parin ito. Hindi maiwasan ni Summer na kabahan. Sa pagkakaalam niya kinakausap lang niya ng solo ang mga agent niya kapag may nagawa itong mali. Pero wala siyang maisip na nagawa niyang mali sa trabaho. Binati pa nga siya nito kagabi lang dahil nagawa nila ng maayos ang trabaho nila.

Limang minuto ng nakakaalis ang ibang kasamahan ay hindi parin nagsasalita si Mr. Ruiz, kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang brown envelope na dala nito kanina nang dumating. Hindi nito ibinigay ito sa mga kasamahan niya.

Kunot noong kinuha niya ito mula sa mesa at inilabas ang laman nito. Isang foundation mula sa Bulacan ang nakasulat sa papel. Lahat ng impormasyon na kailangan niyang malaman tungkol sa Foundation ay naroroon. Pati impormasyon ng may ari at mga pinagkakatiwalaan dito.

Maliban sa may ari ng Foundation ay may isa pa itong pinagkakatiwalaan doon. Si Flora Santiago, forty five year old. May asawa at dalawang anak na pareho ng pamilyado. Sumunod ang magkapatid na sina Cora, thirty nine year old at Bienvenido de Guzman thirty eight year old. Sarah Dizon twenty eight year old at Leila tuazon thirty eight year old. Sila ang matagal ng namamahala sa Foundation.

Muling binalikan ng basa ni Summer ang pangalan ng Foundation. Blessed Foundation.

“ So, ano po ang misyon ko dito sir?”

Kunot noong tanong ni Summer.

“ You didn’t see the last picture yet..and your mission on him.”

Seryoso paring sabi nit Mr. Ruiz. Muling tiningnan nga ni Summer ang huling larawan na naroon.

Isang larawan ng lalaki ang tumambad sa kanya. Ang larawang iyon ay tila kuha sa isang event. Medyo seryoso ang mukha nito. Katamtaman ang kapal ng kilay, malamlam na mga mata at manipis na labi, base sa impormasyon ay successful businessman ito na siya mismo ang nagtaguyod. Sa edad na thirty five ay bachelor siyang maituturing sa larangan ng business world. At isa ang kompanya nito sa nagpapasok ng malaking dolyar sa bansa.

Misyon: MAKE HIM FALL IN LOVE AND MARRY HIM.

“What?!

Hindi makapaniwalang sabi ni Summer. Hindi makakibo si Mr. Ruiz. Alam niya na ito ang magiging reaksyon ni Summer. Siya man ay ayaw sanang tanggapin ito, pero wala siyang magawa sa pakiusap ng taong bilang na ang mga araw.

Tumunog ang cellphone ni Mr. Ruiz. Iniabot niya kay Summer na di parin makapaniwala sa gusto nitong ipagawa sa kanya.

“ Just talk to Mr. Buenavista.”

Sabi ni Mr. Ruiz, sabay abot sa kanya ng cellphone. Naguguluhang kinuha parin ni Summer ang cellphone nito.

“Ms. Summer, this is Mr. Buenavista. May I invite you to have some talk?”

Sabi ng nasa kabilang linya. Napatingin naman ang dalaga sa kanyang boss. Tila biglang sumakit ang kanyang ulo. Nahilot niya ang sintido sa bigla nitong pagsakit.

“Just go, Ms. Perez. May himig pakikiusap sa tono nito. Saka pa lamang sumagot si Summer.

“Saan po Mr. Buenavista? Mahinang sabi ni Summer. Pagkarinig kung saan sila magkikita ay ibinalik na ni Summer ang cellphone kay Mr. Ruiz.

Apologetic naman ang mukha ni Mr. Ruiz ng kunin ang cellphone.

“I know hindi ito parte ng trabaho mo as an agent. Believe me sinubukan kong irefuse ang request na ito ni Mr. Buenavista.”

Pagpapaliwanag ng kanyang boss.

“Ok sir, im going to meet him right now.

Iyon lang at umalis na si Summer. Pagdating sa parking lot kung saan naroon ang kanyang sasakyan ay di muna siya umalis, nag iisip siya ng iaalibay sa matandang Buenavista. Sa litrato lang niya ito nakita noong ibigay sa kanilang team ang misyong hulihin ang traydor sa kompanya nito. Hindi pa niya ito nakakaharap ng personal.

‘ My goodness, ano ba ang naisip ng matandang iyon? Wala na bang ibang paraan para makakuha sila ng mapapangasawa ng apo niya?

Nakasimangot na sabi ng dalaga sa kanyang sarili. Inistart na niya ang sasakyan at nagtungo na sa restaurant kung saan sila magkikita.

Sa isang mamahaling restaurant sila magkikita ng matandang Buenavista. Isa itong Italian restaurant, na pagmamay ari din ng mga Buenavista. Isa lamang ito sa branch ng kanilang restaurant dto sa Quezon City. Mayroon pa silang ibang branch sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ipinark ng dalaga ang kanyang sasakyan malapit sa entrance ng restaurant. Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Bumati ang gwardya sa kanya. Tumango naman siya rito tanda ng pagbati niya. Sinalubong siya ng waitress at tinanong kung may reservation siya.

“Im with Mr. Buenavista, I think he’s already here.”

Seryosong sabi ni Summer. Medyo na intimidate ang waitress dahil sa facial expression ng dalaga. Hindi kasi niya maitago ang nararamdamang inis sa magiging resulta ng pag uusap nila ni Mr. Buenavista. Intimidating kasi ang dating ni Summer kapag hindi nakangiti.

“This way mam.” Nakangiti parin nitong sabi sa kanya.

Dinala si Summer ng waitress sa second floor kung saan naroon ang private room ng may ari ng restaurant. Kumatok saglit ang waitress saka nito binuksan ang pintuan para kay Summer.

“Thank you miss.” Seryoso parin na sabi nito. Yumuko ang waitres tanda ng paggalang nito.

Nakatayo paharap sa overview na tanaw mula roon sa bintana. Nang maramdaman nitong nasa loob na ang hinihintay ay humarap ito.

Isang simple at eleganteng private suit ang bumungad sa dalaga. Kitang-kita na pinasadya itong gawin ayon sa panlasa ng may ari. Metikuloso ang pagkakagawa niyon, pati ang mga bagay na naroon ay mamahalin ang halaga.

Kahit may edad na ay halata parin ang pagiging dugong aristokrata nito. Matikas parin ang tindig nito at kitang malakas parin ito sa edad na seventy five. Kahit medyo kulubot na ang balat nito ay kita parin na magandang lalaki ito noong kabataan nito.

Mataman niyang pinagmasdan si Summer. Saka ngumiti kay Summer.

“What can I do for you sir?”

Diretsong tanong ni Summer. Ngumiti uli si Mr. Buenavista. Sumilay ang magkabilang biloy nito sa pisngi. Halata ang pagiging palikero nito noong kabataan.

“ Have a sit first iha. Anito na itinuro ang kaharap na upuan.

Hindi na muling nagsalita si Summer. Hinintay niyang magsalita ang matandang Buenavista.

“ Did you have breakfast? We’ll order first. I didn’t have my breakfast yet.”

Alas otso na ng umaga pero di pa nag almusal ang matandang Buenavista., Ang totoo hindi siya makakain sa dahilang iniisip niya kung papaanong mapapapayag si Summer sa nais niyang mangyari.

Unang kita pa lang niya kay Summer noong ipakita sa kanya ni Mr. Ruiz ang litrato ng mga hahawak ng kaso sa kanyang kompanya ay plinano na niya ang pagtagpuin ang dalaga at ang kanyang apo.

Sa edad kasi na thirty five ay isang beses pa lang ito nagdala ng babae sa kanilang angkan. Ikakasal na sana ang mga ito kung hindi lang nagkaroon ng aksidente isang buwan bago ang takdang araw nang kanilang kasal.

“ No thanks, sir. Tapos na po ako sa office.”

Tipid na sagot ni Summer.

“Oh, since ayaw mo ako sabayan mag breakfast. I’ll just have a cup of coffee.”

Medyo disappointed na sabi ni Mr. Buenavista.

“ Masama po ang coffee pag walang laman ang tyan sir.”

May pag aalala sa tinig ng dalaga. Bukod sa totoong masama talaga ang kape pag wala pang laman ang tyan dahil nakakapagpadami ito ng acid sa tyan, bad digestion, dehydration, at marami pang iba.

Natuwa si Mr. Buenavista sa pag-aalala sa kanya ni Summer.

“ Hindi nga ako nagkamali!”

“Na ano po Mr. Buenavista? Panimula ni Summer.

“Summer, marry my grandson!”

Walang kagatul-gatol na wika ni Mr. Buenavista. Matiim itong nakatingin kay Summer. Mata sa mata. Desididong-desidido ito sa nais ipagawa sa kanya.

“P-pero...

“Please...hindi ito isang utos kundi isang pakiusap ng matandang may taning na ang buhay.”

Malungkot na sambit ni Mr. Buenavista. Natigilan si Summer sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng matanda, dahil hindi halata sa kanya na may sakit at may taning na ang buhay nito.

Bago pa muling makapagsalita si Summer ay iniabot nito sa kanya ang isang brown envelope. Inilabas niya ang puting papel na nasa loob nito at binasa. Binasa pa niya ng ilang ulit muli ang nasulat doon.

May sakit na brain tumor ang matanda, at may anim na buwan na lamang ang itinaning sa kanya ng doktor.

Hindi niya kaanu-ano ang matanda pero nakaramdam siya ng awa para dito.

“ Humingi na ba kau ng second opinion sir? Sa ibang bansa, maraming magagaling na doktor dun.”

Sunod-sunod na sabi ni Summer. Pero isang mapait na ngiti lang ang isinagot sa kanya ng matanda.

“ Summer, matanda na ako. Kuntento na ako sa mga ipinagkaloob sa akin ng PANGINOON. Gusto ko naring mamahinga.

Ang kaninang proud at matikas na matandang lalaki na kaharap ni Summer na tila isang pader na di matitibag ay biglang naging emosyonal. Ngunit pinigilan parin nito ang lumuha sa harap ni Summer.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status