Share

Chapter 5

Nang sumunod na mga araw ay inihahatid na ni Brent si Summer sa tuwing ito ay uuwi. Hindi narin nila itinatago pa ang nararamdaman sa isat-isa. Ipinararamdam at ipinakikita nila sa isat-isa ang kanilang nararamdaman. Masaya ang lahat sa Foundation na makita nilang masaya na muli ang binata. Maliban sa isang tao. Si Tasha.

Kasalukuyang kausap ni Summer ang mga batang inaalagaan sa Foundation ng dumating si Brent kasama si Tasha na nakakapit ang mga braso sa braso nito. Hindi iyon pinansin ni Summer. Bumati sa kanila ang mga bagong dating at humalik sa kanya ang nobyo kahit na nakasukbit parin ang braso ng kinakapatid sa kanya atsaka umalis narin ang mga ito at nagtungo sa opisina.

Nakita ni Summer ang matalim na tingin sa kanya ni Tasha bago lubusang makalayo dahil nilingon pa niya ang mga ito. Hindi niya gusto ang pagkakakapit ng kinakapatid ng nobyo. Ayaw lang niyang bigyan ito ng malisya.

Kahit noong una niya itong makita ay iba na ang pakiramdam niya sa dalaga. Ramdam niya na may pagtingin ito sa kinakapatid.

Magmula ng madalas na puntahan at kausapin ni Summer ang mga bata ay nag improve ang mga ito. Kaya masayang-masaya ang mga staff dahil malaki ang naitutulong ng pagkausap ni Summer sa mga bata. Mayroon siyang di maipaliwanag na karisma sa mga bata.

Magmula sa dating mahiyain at walang tiwala sa ibang tao ay naging masiyahin na ang mga ito at nakikipag usap na sa kanila. Hindi narin sila nahihirapang magpagawa ng mga activity sa mga ito dahil nakikicooperate na sila.

Samantala sa office ni Brent...

Inalis ni Brent ang pagkakakapit ng braso ni Tasha sa kanya. Ikinagulat naman ito ng kinakapatid.

"Whats wrong? Ani Tasha

"Tasha, I love you as my youngest sister you know that, but im not comfortable na kahit na sa harap ni Summer ay nakakapit ka sa akin ng ganun."

"Why? Hindi na ba ako pwedeng kumapit sayo ngayung may girlfriend ka na? Nakahalukipkip na sabi pa ni Tasha.

"Tasha you're not kid anymore." Tila nauubusan ng pasensyang sabi ni Brent.

Sa edad na bente dos ay hindi na nga bata pa ang kanyang kinakapatid. Lumaki itong napakaganda at sopistikada. Walang lalaki ang hindi mahahalina sa angkin nitong kagandahan. Pero hindi siya isa sa mga ito dahil noon pa man ay nakababatang kapatid lamang ang pagtingin niya rito.

" But you know what I feel for you. I love you not as my big brother Brent! Please don't reject my feelings. Ang tagal kong nagtiis, pinagbuti ko ang pag aaral ko, dahil gusto kong maging karapat-dapat ako sayo sa pagbabalik ko. Tiniis ko ang sakit noon ng malaman kong may minamahal ka na at ikakasal ka na. Please don't do this to me once again Brent! I love you so much!

Hindi makapaniwala si Brent sa kanyang narinig. All the while ay hindi siya nag isip na may ganung nararamdaman sa kanya ang kinakapatid. Kaya ng pagharap niya at yakapin siya ng kinakapatid at siilin ng halik ay di siya agad nakaiwas dto. Siya namang bukas ng pinto ng opisina at naabutan sila ni Summer sa ganoong sitwasyon.

Agad tumakbo pa labas ng opisina si Summer, nabunggo pa niya ang padating na si Alex. Nagtataka itong agad na pumasok sa opisina at nakita niya ang kaibigan na nakaupo sa sofa at sapu-sapo ang ulo, at ang kapatid na inaayos ang sarili. Agad niyang dinaluhong ng suntok ang kaibigan. Inawat naman agad ito ng nakababatang kapatid.

"Stop it kuya! Its not his fault! Aniyang yakap-yakap si Brent na di gumanti sa ginawa ng kaibigan sa kanya.

"I don't wanna see you ever again Tasha". Pagkasabi niyon ay tumayo ito at lumabas upang sundan si Summer.

" What did you do Tasha? Galit na tanong ni Alex sa kapatid.

"I love him kuya, I told him I love him ever since. He's mine kuya, only mine. Hindi nyo na ako mapipigilan ngayon, umiiyak na sambit ng dalaga.

Alam ni Alex na may gusto ang kanyang kapatid sa kaibigan, pero di niya akalaing ganito ito kaseryoso.

"Enough Tasha! Kapatid lang ang turing sayo ni Brent! Itigil mo yang kahibangan mo. Let's go home! Huwag mong sirain ang pagkakaibigan namin ni Brent dahil dyan sa kalokohan mo!"

Halos kaladkarin na ni Alex ang kapatid sa sasakyan dahil ayaw nitong umuwi.

Hinalughog na ni Brent ang buong Foundation kung saan posibleng magpunta si Summer pero di niya ito makita. Kaya ipinasya niyang dumiretso sa tinutuluyan nito. Hindi siya nagkamali dahil nakalimutan na nitong isara ang gate sa sobrang sama ng loob nito sa kanya.

Sa labas pa lang ng pinto ay dinig na niya ang nakakadurog ng pusong pag iyak nito dahil sa kanya. Naabutan niya nasa kwarto ito at nakadapang umiiyak. Agad niya itong niyakap at nakikiusap na pakinggan sana siya nito. Ngunit ayaw siyang pakinggan ng dalaga.

" leave me alone! Ayokong makipag usap sayo! Not now!

" Love please pakinggan mo mna ako."

"Ano pa bang dapat na ipaliwang Brent, wala ka ng dapat ipaliwang. Nakita ng dalawang mata ko kung paano mo siya halikan Brent.

Nasasaktang sambit ng dalaga.

" Siya ang humalik sa akin, nabigla ako sa ginawa niya kya hindi ko agad siya napigilan, maniwala ka naman sa akin please. I don't love her, ikaw ang mahal ko Summer! Inamin niya na matagal na niya akong mahal pero mahal ko lang siya bilang nakababatang kapatid. Paniwalaan mo naman sana ako please."

Paliwanag niya habang yakap-yakap mula sa likuran si Summer.

Ngunit di parin mapigil ng dalaga ang kanyang pag iyak. Sa unang pagkakataon ay naranasan niya ang masaktan ng ganito. Nagkaron siya noon ng boyfriend pero di siya nasaktan ng ganito.

Dalawang oras din silang nasa ganoong sitwasyon hanggang sa makatulog sila pareho ng magising sila sa kalam ng kanilang sikmura.

Nag order na lang sila ng pizza para sa hapunan. Nagtungo ng banyo si Summer para maghilamos. Magang-maga ang kanyang mga mata sa sobrang pag iyak kanina. Paglabas niya ay agad siyang niyakap ni Brent dahil sa sobrang guilty nito.

"I'm so sorry for making you cry my love. I promise di na to mauulit."

Ramdam naman ni Summer ang sinseridad sa nobyo kaya ngumiti lamang siya at tumango. Inangat ni Brent ang kanyang mukha at dinampian ng halik ang kanyang namamagang mga mata at ang kanyang mapupulang mga labi. Ngunit di nakuntento si Brent ng dampi lang. Kaya ang dampi ay naging dahan-dahan at naging malalim na halik.

Tuluyan ng nadarang ang isat-isa sa kanilang nararamdaman...

Nang dumating ang inorder na pizza ay si Brent na ang lumabas para kunin ito.

Doon narin nagpalipas ng gabi sa Brent sa tinutuluyan ni Summer. Hindi na muna nagpnta ng Foundation kinabukasan ang dalaga dahil maga parin ang kanyang mata.

Pagkaalis ni Brent ay tinawagan ni Summer ang matandang Buenavista upang kamustahin ito. Ngunit ang assistant nito ang sumagot at sinabing nagpapahinga ang matanda dahil sa inatake ito ng kanyang sakit at ilang araw na Nanghihina ito.

Nalungkot siya sa nabalitaan tungkol sa matanda. Mukhang walang alam si Brent sa kalagayan ng kanyang lolo.

Sa Foundation...

Nang sundan ni Brent si Summer ay hindi na nito nagawang dalhin ang kanyang celphone. Halos malowbat ang phone niya sa miscall at messages mula sa kaibigan na humihingi ng pasensya sa ginawa ng kapatid. May message din si Tasha. Kumulimlim ang kanyang mukha ng mabasa ang mensahe nito sa kanya.

'teenager pa lang ako alam ko mahal na kita Brent. Hindi ako nag paligaw dahil inilalaan ko ang sarili ko para sayo. Hindi ako papayag na sa ikalawang pagkakataon ay may aagaw sayo sa akin. Kung nagawa ko noon magagawa ko uli ngayon! Akin ka lang Brent! Tandaan mo yan akin ka lang!'

Hindi na lamang pinansin ni Brent ang mga pinagsasabi ng kinakapatid. Ayaw na niyang isipin pa ang bagay na ito. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay si Summer. Lalo na at may nangyari na sa kanila. Kailangan niyang makausap si Summer tungkol sa bagay na ito.

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa mga iniisip niya. Si Aling Flora iyon.

" Brent, hindi ba pupunta si Summer ngayon sa Foundation? Hinahanap kasi siya ng mga bata."

Alam ni Aling Flora ang namamagitan sa kanila ngayon ni Summer, maging ang nangyari kahapon. Pero hindi na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang lahat ni Brent.

"Masama pa ang pakiramdam niya ngayon Aling Flora, pakisabi mo na lang sa kanila na bukas ay nandirito na sya. Kailangan lang niya magpahinga ngayon."

Iyon lang at nagpaalam na ito sa kanya.

Hindi naging maganda ang araw ng mga bata ng araw na iyon dahil wala si Summer. Mas magaan ang loob nila dito. Ipinaalam iyon ni Aling Flora kay Summer. Ngunit dahil ayaw ni Summer na makita nila ang hitsura niya ay nangako siyang bukas na bukas ay papasok na sya.

Alex's POV...

"Tasha! Pack your things!

Galit sabi ni Alex sa kapatid. Ngunit tila wala itong narinig.

"Im not going anywhere kuya! Tila wala lang na sabi pa nito. Habang tuloy lang sa pag scan sa isang magazine.

"Pack your things kung ayaw mong malaman nila mommy at Daddy ang ginawa mong kalokohan! Singhal ni Alex sa kapatid. Iyon ang huling bagay na gagawin niya para sa kapatid. Pero dahil alam niya kung ano ang posibling mangyari once na malaman ng kanilang magulang ang ginawa ng kapatid kaya di niya ito gagawin.

Naalarma si Tasha sa sinabi ng kuya kaya para tigilan siya nito ay sumunod na lang ito sa gusto nito.

"Ok fine!

Mabilis na nag empake ng gamit ang dalaga. Hindi na ito nagpahatid sa kapatid papuntang airport.

Ngunit iyon ang malaking pagkakamaling ginawa ni Alex, dahil nag check in lamang ito sa isang hotel at nagplano ng mga gagawin para mapaghiwalay sina Brent at Summer...

Five years ago ay hindi matanggap ng dalaga na ikakasal na ang kinakapatid sa nobya nitong si karla. Ngunit di siya nagpatalo sa kanyang emosyon. Kahit nasa ibang bansa siya ay plinano niya ang isang karumal-dumal na krimen. Dahil malayo siya ay pinagana niya ang impluwensya ng pera.

Pinamanmanan niya sa isang hired killer si Karla, kung saan-saan ito nagpupunta, sinu-sino ang madalas nitong kasama at anong sasakyan ang madalas nitong gamitin. At ba pang impormasyong makukuha nila mula sa nobya ni Brent.

Isang buwan bago ang kasal ay plinano nila kung paanong di makakapunta ng simbahan ang babae.

Sa araw mismo ng kasal nila isinagawa ang kanilang masamang plano. Tinanggalan ng preno ang sasakyang gagamitin ng bride papuntang simbahan.

Nang mapansin ng driver na wala silang preno ay nawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela. Sumalpok ito sa isang van, at nasalpok pa ito ng rumaragasang ten wheeler truck. Nagkalasug-lasog ang bridal car, maging ang driver nito at ang bride na si Karla. Bali-bali ang mga buto at di makilala ang dalawang nasa sasakyan ng dumating ang ambulansya.

Sa halip na sa simbahan magkita ay sa morge na nagkita ang magkasintahan. Nakabalot na sa isang itim na plastic ang labi ni Karla habang suot pa nito ang wedding gown na punung-puno ng sariling dugo.

Sinamantala iyon ni Tasha na kahit nasa ibang bansa siya ay sinigurado niya na maipapakita at maipadarama niya kay Brent ang kanyang simpatya. Araw-araw niya itong tinatawagan para makausap niya ito upang mahulog ang loob nito sa kanya.

Kasalukuyan...

Muling kinontak ni Tasha ang hired killer na inupahan niya five years ago. Ilang ring lang ay narinig na niya ang pamilyar na tinig ng lalaki sa kabilang linya.

"Ms.Tasha.

" May ipagagawa ako sayo. Seryosong sabi ni Tasha sa kabilang linya.

"Mukhang may didispatsahin ka nanamang karibal ah! Nakangising Sabi ng nasa kabilang linya. Inantabayan ng hired killer ang lalabas na balita pagkatapos nitong gawin ang ipinagawa sa kanya noon. Kahit hindi sabihin ay alam niya na karibal nito sa lalaki ang babaing ipinapatay nito.

Naningkit ang mga matang sininghalan ni Tasha ang kausap.

" Gawin mo uli gaya ng dati, malinis. At wala kang karapatang mag komento. Understood!

Sabi niyang inioff na ang tawag. Inis na inihagis niya ang celphone sa kama.

Nakatanggap ng tawag mula kay Mr. Ruiz sa si Summer. Kailangan na niyang bumalik sa kanyang trabaho para sa isang misyon. Nang magpunta siya ng Bulacan ay di siya nagpasa ng resignation letter, two months vacation lang ang inilagay niya sa kanyang leave.

Matatapos na ang kanyang bakasyon kaya kailangan na niyang bumalik sa kanyang totoong trabaho. Walang alam si Brent kung ano talaga ang totoong trabaho niya.

Mayroon pa syang isang linggo bago bumalik ng Manila. Nagiguilty man ay kinailangan niyang magsinungaling muli kung ano ang trabaho niya.

"Mamimiss ka namin Ms. Summer! Malungkot na sabi ni Aling Flora. Ganundin ang nararamdaman ng lahat ng naroon sa Foundation. Kasalukuyan silang nasa sala noon ng magpaalam si Summer sa kanila.

"I'm glad to meet you all, babalik-balik parin naman ako dto kung may pagkakataon. May ilang araw pa tayo magkakasama ano ba kayo!

Emosyunal namang sabi ni Summer. Nang malaman ito ng mga bata ay nag iyakan ang mga ito. Sa sandaling panahon na sila ay nagkasama ay nahulog na ang loob ng mga ito kay Summer.

"Ms. Summer kailan ka uli babalik? Tanong ng isang bata sa kanya. Ngumiti siya at tinapik ang balikat nito at niyakap.

" Pag may time uli at pwede ako magbakasyon sa trabaho,dadalawin ko kayo. Pero habang nasa work ako, pwede naman tayo mag videocall. Basta promise nyo magpapakabait kayo, susundin nyo ang mga ate nyo dito ha.

Bilin ni Summer sa mga bata. Siya namang tunog ng kanyang telepono. Abot tainga ang ngiti niya ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hi! Nagpaalam na siya sa mga bata, at nagtungo na ang mga ito sa kanilang kwarto.

"My love! I miss you!

" Same here. I'm gonna miss you! Seryosong sabi ni Summer.

" What? Are you going somewhere?

" I need to go back to my work. Mahinang sagot ni Summer. Tumahimik si Brent sa kabilang linya.

" Kailan? Malungkot na tanong naman ni Brent.

" As soon as possible." May himig ng kalungkutan sa tinig ng dalaga.

"Sunduin kita later."

" Ok."

Maagang nagpaalam si Summer kina aling Flora para makapagready sya sa pagsundo sa kanya ni Brent.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status