Share

Chapter 6

Walang mapiling isusuot si Summer para sa pagkikita nila ng nobyo, kaya isang simpleng floral dress na above the knee lang ang isinuot niya at doll shoes. Inlugay lang niya ang lagpas balikat na buhok.

Natural na straight, silky and shiny ang kanyang buhok kaya napakaganda ng bagsak nito. Hindi rin siya halos naglagay ng make up dahil mas gusto niyang maging natural ang hitsura niya sa harap ni Brent, na siya namang gusto rin ng binata.

Ang totoo wala talaga siyang dalang mga gamit niya dahil hindi niya talaga inisip na mangyayari ang pagkakataong ito sa maiksing panahon.

Hindi niya akalaing magiging totoo ang mararamdaman niya para kay Brent. At ganundin ito sa kanya. Hindi naman siya kailanman kinulit ng matandang Buenavista kung ano na ang status ng pinakiusap nito sa kanya. Di nagtagal at dumating narin si Brent.

Brent’s POV

Bago tumuloy sa tinitirahan ni Summer ay dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Summer. Wala siya idea kung ano ang paboritong bulaklak ng nobya. Pero ayon sa may ari ng shop ay magugustuhan ng babae ang red roses kaya naman bumili ng walong pirasong pulang rosas. Eight pieces para sa kanya means eternity.

Iniwanan ng bukas ni Summer ang gate para papasok na lang ito pag dating. Nasa kuwarto pa siya ng pumasok ito. Napatulala ito ng makita ang nobya. Simple lang ang suot nito pero lutang na lutang ang kagandahan nito.

“Hi! May dumi ba ako sa mukha? Takang tanong ni Summer. Nakuha niya tuloy ang salamin niya sa bag para tingnan ang sarili sa salamin.

“ You’re so beautiful my love! Sabi niya sabay abot ng bulaklak kay Summer. Kahit hindi tingnan ni Summer ang sarili sa salamin ay alam nyang nagbablush siya. Naappreciate naman sobra ng dalaga ang dala niyang bulaklak.

Sa isang mamahaling restaurant niya dinala ang dalaga. Inarkila niya ang parte ng restaurant na malayo sa ibang mga customer nito. Nakahanda na ang mesa ng dumating sila. Nang makita ng manunugtog ang pagdating nila ay nagsimula na itong tumugtog. Nakakarelax ang saliw ng tugtog maging ang ambience ng buong lugar.

Marami silang napag usapan habang kumakain. Maliban sa pag aalis ni Summer. Tatlong klase ng love song ang tinugtog ng waiter. Nang matapos ang pagtugtog ay silang dalawa na lang ang naroon.

“ Kailangan mo na ba talagang bumalik sa trabaho mo? May lungkot sa tinig na na tanong ni Brent kay Summer.

“Yeah! Tipid na ngiti ni Summer. Anyway ilang oras lang naman ang papunta ng Quezon City from here, you visit me whenever you’re free. And we can also call and chat.

Nabuhayan ng loob ang binata sa kanyang sinabi.

“ Yeah right, you can give me your address so I can visit you there.

Tango lang ang isinagot ni Summer. Marami pa silang napag usapan nang tumunog ang celphone ni Brent. Tawag iyon mula sa assistant ng kanyang lolo.

“What? Since when? Ok I will go there. Nag aalalang sabi ni Brent.

“What happened?.

“Grandpa is in the hospital, im sorry love. May halong lungkot sa kanyang tinig.

“ It’s fine, can I go with you?

“ Alright let’s go.

Hindi malaman ni Summer kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nagiguilty siya dahil nagsisinungaling siya kay Brent. Eversince ay alam niya ang kondisyon ng kalusugan nito. At pumayag pa siya na makipag sabwatan sa kagustuhan nito na mangyari.

Nag aalala siya kung ano ang magiging reaksyon ni Brent once na malaman nito ang lahat.

Dalawa at kalahating oras ang ibinyahe nila hanggang sa hospital kung saan naroon ang matandang Buenavista.

Pagdating nila ay nasa ward na ang kanyang lolo at nagpapahinga. Kakatapos lang ito kuhaan ng vitals ng nurse. Nang malaman ng family doctor nila na dumating na si Brent ay agad itong pumunta ng ward para ibalita ang kondisyon ng kanyang lolo.

“Brent!” Sabay na lumingon sina Brent at Summer sa pinagmulan ng tinig. Napansin ni Summer na may hawig ang doctor sa matandang Buenavista.

“Uncle, what happen to grandpa? Agad lumapit at nag akap ang dalawa.

“Ayaw niyang ipaalam sa lahat, dahil ayaw niyang mag alala kayo sa kanya. Hindi makatingin na simula ng doctor. Nakikinig lang si Brent sa susunod na sasabihin nito.

“Stage 4 brain cancer!

Diretsong sabi pa nito. Hindi makapaniwala si Brent sa nalaman. Tiimbagang na pinigilan nito ang kanyang pagluha.

May edad narin ang kanyang lolo, marahil ay pagod na ito kaya ayaw na niyang maghirap pa ng matagal sa kanyang karamdaman. Ngunit mahirap tanggapin na ilang sandali na lang ang ilalagi nito sa mundong ito.

“ Hanggang kailan? Tanong niya na nakatitig sa kanyang lolo na mapayang natutulog. Binigyan nila ito ng pampatulog para makapagpahinga ito dahil sa atake ng sobrang sakit ng kanyang ulo kanina sa kanyang bahay.

Mabuti na lang at magkasama sila ng kanyang assistant nang atakihin ng sobrang sakit ng ulo. Napapadalas ang pag atake ng sakit ng ulo nito, nitong nakaraang mga araw.

“Two months or less. Napaupo sa sofa ang binata dahil nakaramdam siya ng panghihina sa kanyang narinig. Niyakap siya ni Summer.

“Who is she? Saka lang napansin ng doctor na may kasama pala si Brent.

“Sorry, this is Summer my girlfriend! Love this is Doctor Justin Buenavista grandpa's cousin.

Kaya pala may hawig ito sa matandang Buenavista dahil kamag anak pala ito.

“Nice to meet you Doc. Nakipag kamay naman ito sa dalaga atsaka nagpaalam na para mag rounds.

“Same here! Maiwan ko na muna kayo.

Hinintay ng magkasintahan na magkamalay ang matanda Buenavista. Pagkaraan ng isang oras ay nagkamalay na ito. Agad na lumapit sila ng makitang nagmulat ito ng mata. Natuwa naman ito ng makita na magkasama silang dalawa.

“ Brent, Summer! Nakangiting sabi ng matanda.

“ Grand pa, huwag ka na muna magsalita. Sabi ni Brent. Hinalikan niya ito sa noo.

“ I'm glad you make it iha! Mahinang sabi nitong halata ang kasiyahan kahit na hinang-hina ito.

“ Sir magpahinga po kayo, huwag po muna kayo magsalita.

Nag aalalang sabi ng dalaga.

“ I know you’re happy for me grandpa, but for now, you have to rest. Pigil ang damdaming sabi ng binata. Tumango naman at ngumiti ang matandang Buenavista saka muling pumikit.

Nang muling makatulog ang kanyang lolo ay nagpaalam na muna sila sa assistant nito at muling bumalik ng Bulacan.

Habang nasa biyahe ay naalala ni Brent ang sinabi ng kanyang lolo kay Summer. Ngunit isinantabi na muna niya ito.

“Love, gaano kayo kalapit ng lolo mo? Pagbabasag ni Summer sa katahimikan. Base kasi sa pagaalala nito kanina ay halatang sobrang close sila nito.

“ We’re very close ni grandpa, ako kasi ang nag iisang lalaking apo niya the rest ay puro babae na.

Pilit na ngiting sagot ni Brent. Pinisil naman ni Summer ang kamay ng nobyo para maramdaman nito na hindi siya nag iisa sa kalungkutang nararamdaman. Hinalikan naman ni Brent ang kamay ni Summer.

Madaling araw na ng makarating ang dalawa sa tinutuluyan ni Summer. Doon narin pinatulog ni Summer si Brent.

Sa kabilang banda ay halos ibalibag ni Tasha ang kanyang celphone dahil sa kagabi pa hindi sinasagot ni Brent ang kanyang mga text at tawag. Kaya tinawagan na lang ang inupahan niyang hired killer upang malaman ang progress ng trabaho nito.

“ Ano ng balita? Inis na tanong ng dalaga. Pupungaspungas namang napabangon ang hired killer. Halos kakatulog lang nito dahil sinundan niya si Summer magmula nang sunduin sya ng nobyo hanggang sa muling makabalik ang mga ito.

Sinend naman nito Kay Tasha ang lahat ng larawan na kinuha niya kung saan nagpnta ang mag nobyo. Kaya lalong nagngitngit ito sa galit.

“ No! No! No! Aaahhh!

Humahagulhol na iyak nito. Sinaid nito ang natitirang alak na nasa bote. Kailangan niyang maghintay ng tamang pagkakataon para harapin si Summer.

Hindi pa siya pwedeng lumabas ngayon dahil pag nalaman ng kuya Alex niya ang kanyang ginawa ay ito mismo ang maghahatid sa kanya sa U.S. Bagay na ayaw niyang mangyari. Hindi siya papayag na mapunta sa ibang babae ang lalaking matagal na niyang pinapangarap.

Dumating na ang araw ng pagbabalik ni Summer sa ahensya. Ihahatid sana siya ni Brent kundi lang siya kinailangan sa opisina. Naisakay na niya ang lahat ng gamit niya ng tumawag si Mr. Ruiz.

“Yes sir. Kunot noong tanong ni Summer.

“What time will you arrive?

“About two hours sir, it depends on traffic situation. Seryosong sabi ng dalaga. Narinig niya ang mahinang buntong hininga ni Mr. Ruiz. Anuman ang kasong ipapahawak nito sa kanya ay halatang urgent.

“ Ok, take care. We will wait for your arrival. Aniyang ibinaba na ang celphone.”

Isasara na niya ang gate ng mapansin niya ang kotseng kulay itim na nasa harap ng ikatlong bahay magmula sa tinirahan niyang bahay. Pamilyar ito sa kanya. Hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

Gumana nanaman ang agent instinct niya.

Binuksan niya ang camera sa kotse at ini on ang record nito lalo na sa back cam. Di pa siya nakakalayo ay nakita na niyang nakasunod sa kanya ang kotse. Hindi naman ito talaga lumalapit sa sasakyan niya. Hindi siya nagpahalatang alam niya na sinusundan siya nito.

Nakakita siya ng gas station, nagkunwari siyang magbabanyo. Nakita niyang dumiretso ang kotse. Nagpalipas muna siya ng limang minuto pa bago muling bumiyahe.

Pero di siya nagpakakampante, iba ang kutob niya.

Alam niyang may hindi tama. Di na siya nagulat ng bago siya makarating sa madadaanang seven-eleven ay madaanan niya ang nakahintong kotse. Nakasandal sa labas ng pinto ng sasakyan at naninigarilyo ang isang may katangkaran na lalaki. Malaki ang pangangatawan nito. Sa tantiya niya ay nasa late thirties lang ito.

Sinadya niyang bagalan ng kaunti ang pagtakbo ng sasakyan para sana makita niya ng malapitan ang lalaki pero bago pa makalapit ang kotse niya ay sumakay na ito at nagpatiuna na. Inis na sinundan ito ni Summer. Hindi niya makita ang nasa loob ng sasakyan dahil tinted ang salamin nito.

Nang makarating sa opisina ay siya na Lang ang inaantay ng lahat.

“Good morning sir, sorry nagkaroon lang ng kaunting aberya sa daan.

Parang iisang tao silang lumingon sa kanya.

“Summer!” Si Jeremy iyon. Sobrang saya niya dahil matagal niyang hindi nakita ang kasamahan sa trabaho.

Tinanguan naman siya ni Summer. Agad na siyang naupo sa bakanteng upuan at nagsimula ng Ibigay sa kanila isa-isa ang impormasyong kakailanganin nila para sa bagong misyon.

Isa nanamang malaking kompanya ang nangangailangan ng tulong para malaman kung sino ang mga gumagawa ng anomalya sa kanilang kompanya.

“I want to talk to you Summer, magpaiwan ka muna.” Seryosong sabi ni Mr. Ruiz.

Alam na niya ang reason kung ano ng pag uusapan nila. Nang makalabas lahat ng mga kasamahan nila ay nagsimula ng magtanong si Mr. Ruiz.

“ So how’s your mission?

“I-I did it sir. Nakayukong sabi ni Summer. Nakakaramdam siya ng guiltiness dahil alam niya na mali ang ginawa niyang iyon.

“ I see…alam mo bang siya ang bago nating kliyente?

Hindi makapaniwala si Summer sa narinig. Nakaramdam siya ng pangangatog ng tuhod sa kanyang narinig. Nakagat niya ang sariling labi. Hindi niya namalayang nagdurugo na ang kanyang labi sa pagkakakagat niya.

“Summer, it’s bleeding! Naibigay nito ng wala sa oras ang sariling panyo.

“S-Sorry sir. Nagpunta muna siya ng banyo para hugasan ang labing nagdurugo. Iiling-iling naman si Mr. Ruiz habang sinusundan ng tingin ang dalaga.

Delikado ang mga misyong kanilang ginagawa dahil buhay nila ang nakasalalay dito. Magiging kumplikado pa ngayon dahil sa sitwasyong kinasuungan ng dalaga..

Brent’s POV

“Paano nangyari to? Galit na tanong ni Brent habang hawak ang financial report na ibinigay sa kanya ng matalik na kaibigan. Wala siyang maisip kung sino ang posibleng magnanakaw sa kompanya dahil matagal nang mga nagtatrabaho sa kanilang kompanya ang mga staff dito, karamihan pa nga dito ay mga loyal na sa kanyang ama.

"Well, nakakalungkot na nangyayari ito. I was also shock ng makita ko ang mga data na to."

Dismayadong sabi ni Alex. Kasalukuyan silang nasa opisina ni Brent. Si Alex ang pinagkakatiwalaan ni Brent sa opisina kapag nasa Foundation siya.

Kaya naman lihim niyang kinontak ang kaibigan ng kanyang lolo na tumulong din dito para malutas ang problema nito sa opisina. Nabalitaan niya ang ginawang pag papaimbestiga ng kanyang lolo halos tatlong buwan na ang nakalilipas. Ibinigay niya ang lahat ng impormasyong hiningi sa kanya ni Mr. Ruiz.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status