Share

Chapter 3 The Red room

                     (Sabrina's POV) 

Ilang araw na ang lumipas simula nang lumipat ako sa bahay ni Mr. Cullen at grabe nganga lang ang peg ko. Sobrang laki pala ng mansion niya kaso ang tahimik naman ata.

Wala nga akong nakita na magulang niya o mga kapatid man lang dito. Puro Maids at mga tauhan lang kasi niya ang nandito. 

Hindi ko pa alam kung anong ipapatrabaho sakin ni Mr. Cullen kasi hindi pa kami nagkikita simula no'ng lumipat ako. Tsk, bahala nga siya. 

Umupo lang ako sa isa sa couch na nandito sa napakalaking sala ni Mr. Cullen habang nanonood ng telebisyon. Feel at home ang peg ko ngayon. 

"Go to my office now." Dahil sa may nagsalita na hindi ko napansin, bigla akong napatalon. Magugulatin pa naman ako.

"Bakit ka ba nanggugulat! I-ikaw pala Mr. Cullen." Napakagat labi pa ako dahil sa napagtanto ko na si Mr. Cullen pala ang nagsalita. 

"Follow me." Malamig niyang tugon kaya naman sumunod ako sa kanya na walang pag-alinlangan. Pumasok siya sa office at napanganga na naman ako. Maging ang opisina nito ay maganda din.

"Take your seat," aniya na siyang ginawa ko naman. Umupo ako sa upuan paharap sa kanya. 

"Do you, by any chance has some ideas of what could be your work?" Biglang tanong niya kaya napaisip ako. 

"Helping you in your company, Mr. Cullen." Nakataas pa ang noo ko habang sinasabi 'yon pero nakatitig lang siya sa 'kin. Nakipagtagisan naman ako pero umiwas agad ako kasi parang hinihigop niya lakas ko, e.

"Do you know that aside from assisting me in my works, You will be my sex slave?" Turan niya na naging dahilan para umubo ako at mahulog sa kinauupuan ko.

Ano sex slave? Baliw na siya. Ano siya sinisuwerte? Wala pa nga akong boyfriend at higit sa lahat siya kaya ang unang humalik sakin. 

"Anong sabi mo? Pinapapatawa mo ba ako, Mr. Cullen?" Natatawa ko namang tanong.

"Nah, I'm serious," aniya at unti-unting lumalapit sa 'kin. Pinantay pa niya ang mukha niya sa mukha ko kaya malaya kong nalalanghap ang mabangong amoy niya. 

"M-mr. Cullen. N-nagbibiro po ba kayo?" Nauutal kong tanong pero wala siyang naging reaksyon. 

"I still remember your face when you punch me woman and I can't still believe it." Napapailing pa ito at bigla ba naman akong halikan. 

Napakapit tuloy ako sa leeg niya dahil pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Pangalawang beses niya na akong hinalikan but this time his kiss is wanting me to respond.

At hindi ko aakalain na siyang ginawa ko naman. Sinagot ko ang halik niya at hindi ko maintindihan kung bakit ko 'yon ginawa.

"You like it?" Tanong niya nang kusa siyang kumalas sa halik. Napatungo nalang ako dahil sa hiya. Putik! Bakit ba ako pumayag na halikan niya! At tinanong pa talaga nito kung gusto ko ba? 

Like what the hell!

"M-mr. Cullen, alam ko p-po na nasuntok ko kayo p-pero sana mapatawad niyo po ako." Paghinging paumanhin ko habang nakatungo. Nahihiya kasi akong tumingin sa kanya.

"But I never accept a simple sorry woman. I want you to be my Sex slave." Napatingala pa ako kay Mr. Cullen at hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi niya o binibiro niya lang ako. Pero sobra naman ata 'yon kasi pagiging Personal Assistant lang naman 'yong sinabi niya diba? 

Pero bakit umabot sa sex slave?

"Pero sobra naman ata po 'yon," ani ko at saka naisip ko lang na masyado naman atang exaggerated 'yong hinihingi niyang kabayaran. 

"Why are you declining my offer woman? Don't you know that my words were too expensive? Kung ibang babae ang nandito ay sigurado akong papayag sila agad at maghuhubad pa sa harap ko." Namula naman ang mukha ko sa sinabi n'ya.

"But I'm sorry Sire, I'm not like them. I maybe stubborn, but I'm not like that." Seryoso kung sabi sa kanya. At dahil din sinabi ko ay kumawala ang isang matamis na ngiti mula sa Labi ni Mr. Cullen at hindi ko maiwasang mapanganga doon. 

"You passed." Napakunot noo ako sa sinabi nito. Anong you passed? Taena, ang gulo din pala ni Mr. Cullen kausapin. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko. 

"I was only testing you. Gusto kong patunayan na hindi ka slut kasi ayoko sa mga ganyang babaw. I need someone to trust with and I have found you already." Napahinga naman ako sa sinabi niya.

Akala ko kasi gagawin niya akong Sex Slave, e. Pero ayos lang naman. Dahil sa naiisip kung 'yon ay bigla kong nabatukan ang sarili.

"But if you insist having sex with me, I'm free anytime and anywhere," aniya sa nakakalokong ngiti nito. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon na.

Hindi ko kinakaya sinasabi ni Mr. Cullen. Napaka pervert niya talaga! 

"S-sige Mr. Cullen, a-alis na po ako." Nauutal kong sabi at biglang tumakbo pero dahil sa nagmamadali ako nauntog na naman ako sa pader. 

Ay hindi pader tao pala, takte.

"Okay ka lang Ma'am? " Tanong ng lalaki at tumango naman agad ako at di na nagawang tignan pa siya. 

Agad-agad akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Napasandal pa ako sa pinto dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. 

Ito kasing si Mr. Cullen kung ano-anong sinasabi. Ayan tuloy magulo na naman utak ko. 

Nahiga nalang ako sa kama at pilit kinalimutan ang nangyari kanina. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil may pasok na ako ngayon. Tapos na akong magbihis at lalabas na sana kaso may napansin akong isang kwarto na nakabukas. 

And because of my curiousity, nilapitan ko ito. 

Halos lumuwa naman ang mata ko sa nakita. Pulang kwarto, may king size bed na red at mapapansin ang kakaibang kagamitan na nando'n.

Hindi ko alam kung ano o saan ito gagamitin pero malakas ang kutob ko na kakaiba ito. 

Naalala ko tuloy 'yong pelikula na fifty shades at ganitong-ganito ang mga gamit. Hindi kaya... hindi kaya ginagamit ni Mr. Cullen ito for sex. 

Natulala ako dahil sa iniisip. Halo-halong imahinasyon ang pumapasok sa isip ko ngayon dahil sa pulang kwarto na ito.

"You're not allowed here." Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. 

"P-pasensya na po M-mr. Cullen nakabukas po kasi." Paghinging paumanhin ko. Hinila ako ni Mr. Cullen saka dinala sa labas. 

"Do you know that entering that room has meaning to me?" Kinabahan pa ako sa sinabi niya. 

"A-ano po 'yon, M-mr. Cullen? " Nauutal kung tanong. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Wala nang atrasan, you'll be mine. Dahil alam mo na ang tinatago ko diyan." Nganga na naman ang peg ko. Hindi ko rin maintindihan sinasabi nito, e. 

"Mr. Cullen, pwede po bang diretsuhin niyo po ako. Ano po bang kahulugan nang pagpasok ko diyan?" Tanong ko at naguguluhan kasi ako dito kay Mr. Cullen. Kung ano-anong sinasabi. 

"Nah, just forget it. I'm warning you, don't ever enter that room again or else you'll face the consequences. This must serve as a warning." Pagkatapos niyang sabihin 'yon aya agad akong umalis.

Naiwan akong naguguluhan kasi ano ba talaga ang kahulugan ng pagpasok sa pulang room na 'yon? 

Bahala na nga, basta babalik ako diyan. Nahihiwagaan ako kasi ako kung ano pa ang meron doon. 

Agad akong bumaba at nadatnan si Mr. Cullen na nag-uusap kasama ng mga tauhan n'ya. Nilapitan ko naman sila.

"Mr. Cullen, do you have anything that want me to do with? " Tanong ko sa kanya. Dahil Assistant n'ya naman ako diba, so it's my responsibility to assist the boss. 

"Kissed me then." Mulat na mulat ang mata ko sa sinabi ni Mr. Cullen? Hanuraw? Di ko nakuha.


Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jane Jane
hahaha ceo ba talaga yan langya nabaliw ata sa suntok ni sab
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ka talaga mr.cullen lagi mong ginugulat ang assistant mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status