Share

Chapter 2 Mr. Pervert

           (Sabrina's POV) 

Bigla kong naitulak si Mr. Cullen dahil sa ginawa n'ya. Bakit n'ya ako hinalikan? Damn! magnanakaw nang halik. 

"Bakit mo ako hinalikan!?" Gusto ko siyang pektusan dahil sa ginawa niya na panghahalik bigla-bigla. 

"And you? why did you punch me and by the way, what are you doing in my office!?" Paasik niyang tanong. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang bigla kong maalala ang dahilan kung bakit ako nandito.

"T-teka Mr. Cullen, yung tungkol sa suntok hindi ko po sinasadya 'yon." Gustuhin ko mang itanggi pero wala na akong magagawa eh, hindi niya naman ata nakalimutan 'yon.

"Hindi sinasadya? Do you know woman that my nose worth a million?" Napapalunok at nanlaki ang mata ko ng malamang ang mahal naman pala ng ilong niya. Nasira ko ba talaga 'yong ilong niya?

Parang hindi naman ah, ang ayos nga ng ilong niya matangos pa nga. Parang niloloko lang pala ako nito. 

"But then, bayad ka na. That kiss is your payment," aniya sa nakangising mukha. Parang nag-aalburuto ako sa galit. Maniac! 

"Pervert!?" Naiinis kong sabi sa kanya. Walang modo na lalaki dahil ang kapal nang mukha para halikan ako ng ganon-ganon lang.

"Me a pervert? The hell, kulang pa nga 'yon para mabayaran mo ako." Gustong-gusto ko siyang ibalibag pero hindi ko dapat gawin 'yon kasi nandito ako para kumbinsihin siya at hindi para makipag-away.

"And who told you to step in my office? Or do you have any appointments or had other reasons of being here." Nakangisi niyang turan at namula naman ako kasi pakiramdam ko may kahulugan 'yong sinabi niya. 

Pervert nga talaga.

"Mr. Cullen, I just want to apologize for what I did in the Resort. Hindi ko po talaga sinasadya at may gusto po akong hingin sa'yo." Puppy eyes pa ako para effective pero mukhang hindi naman. 

"Then what do you want?" He asked with his furrowed brows at umupo pa siya sa swivel chair niya. Para siyang bossy talaga tignan. At hindi ko maiwasang ma-attract doon.

Umupo narin ako sa harapan niya at ibinigay sa kanya ang folder. Hindi ko maiwasang makagat ang hawak-hawak na ballpen sa tense na nararamdaman ko as of this moment.

"Invest? Are you kidding me? Why should I invest in your company woman, elaborate some reasons," ani nito sa nag-uutos na boses. Napalunok pa ako bago magsalita. 

"Because our company is in brankruptcy and your company Mr. Cullen, will help it revive." Lakas loob na sabi ko. 

"Pfft, you must be kidding me. I will tell you woman, I don't want to invest in your company for two reasons," aniya na s'yang nagpatulala sa akin. 

Nilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin kaya nanigas ako sa kinauupuan. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. 

"A-ano po 'yon, Mr. Cullen?" Tanong ko sa nauutal na boses. Tumayo siya at umupo sa mesa at paharap sakin. 

"First, you punch me with no reasons and second, I don't want to waste my money on that company. You may leave now. " Parang nabagsakan naman ako ng langit at lupa dahil sa narinig.

Hindi ako papayag na lumabas sa opisinang ito na hindi s'ya napapayag dahil kailangan namin nang tulong niya at hindi pwede na hindi ko siya mapapayag. 

"Mr. Cullen, I'm begging you please, your investment will not be wasted. We really need your help," ani ko at blanko lang akong tinitigan ni Mr. Cullen, na animo'y binabasa niya 'yong iniisip ko.

"And about what I did, what should I do to pay you? At akala ko ba bayad na 'yong paghalik mo." Natulala ako nang biglang tumawa ito.

"Kulang pa 'yon sa ginawa mo sakin. You really want me to help your company and to forgive you?" Mabilis pa sa alas kwatro akong tumango sa sa naging tanong niya. "Then be my P. A." Dagdag pa niya na nagpanga-nga sa 'kin.

Napatulala ako sa sinabi niya. Hanuraw? Personal Assistant? 

"Nagbibiro lang po kayo, Mr. Cullen alam ko." Natatawang saad ko pero nanatili lang siyang seryoso.

"I'm damn serious. If you decline my offer, then our appointment is done. You may go now." Agad-agad naman itong tumayo saka nagsindi ng sigarilyo. 

"Wait, Mr. Cullen. Fine, I will accept your offer but please invest in our company," ani ko na nagpatigil sa kanya. 

"So, it's settle then." Nakangising saad niya. Napabuga pa ako ng hangin saka tumayo nang tuwid. Sana tama lang ang ginawa ko.

"Kailan po ako magsisimula para mabayaran ko 'yong kasalanan ko sa inyo, Mr. Cullen?" Agad kong tanong sa kanya.

"Tomorrow. Pack your things and you must stay in my house. Remember you're my P. A and you should stay with me anytime and anywhere." Wala akong nagawa kung hindi napadilat na lang sa mata ko.

Nag-aalburuto ang dugo ko sa mga narinig. Gusto kong ayawan pero kailangan kung gawin dahil kompanya ang nakataya dito. 

"May gusto pa po ba kayong sabihin, Mr. Cullen?" Sarkasatiko kong tanong sa kanya.

"Don't try to run away," aniya na nagbabanta kaya padabog akong tumalikod at umalis. 

Pero dahil sa katangahan na naman ay bigla akong natapilok ulit at nadapa sa sahig. Inis akong tumayo at hinubad ang heels. Nakakadalawa na ito sa 'kin. 

"Clumsy." Narinig ko pang sabi ni Mr. Cullen kaya napaikot nalang ang mata ko saka sumakay na ako ng elevator pero bago 'yon, nakita ko pa siya na ngumisi. 

Inis akong umalis sa company ni Mr. Cullen at dumiretso sa condo. Agad kong niligpit lahat ng gamit ko para bukas aalis na ako. 

Hindi na ako p'wedeng tumakas tulad ng ginawa ko sa Resort. Wala nang atrasan to dahil kompanya nang tinatrabahuhan ko ang nakasalalay dito. 

Pagkatapos kung mailigpit lahat ng mga importanteng gamit, agad ko namang tinawagan si Ma'am Valdez. 

Ilang ring lang ng telepono ay agad naman nitong sinagot. 

"Hello, Sab," aniya sa kabilang linya.

"Ma'am, okay na lahat." Narinig ko pang nagbuntong-hininga si Mrs. Valdez. Naging kaibigan ko na rin siya at hindi lang naman magkalayo ang edad namin. 

May utang na loob ako sa kanya at hindi ko siya pwedeng tanggihan pero hindi naman niya ako sinisingil kahit paano. Kaya sa paraang naisip ko ay mababayaran ko na siya.

"Thank you Sab, but did Mr. Cullen offers some agreements?" She asked that made me sigh.

"Yeah. He want me to be his Personal Assistant." Walang pakundangan kong sabi.

"Sorry Sab." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. 

"Nah, everything will be fine Ma'am, I can handle it. Still I owe you my life at kulang pa itong ginawa ko para mabayaran ka," ani ko habang napapabuntong-hininga.

She once save my life kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya kahit saang anggulo. 

Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong nagpaalam para ibaba na ang telepono. Kailangan ko nang ihanda lahat. After that, I decided to take a rest after that exhausting day.

Kinaumagahan, nakahanda na lahat ng gamit ko at palabas na sana ako sa condo unit ko nang magulat ako ng may makitang napakaraming mga naka-suit na mga lalaki. Are we expecting some celebrities who stayed here?

"Ikaw po ba si Ms. Sabrina?" One of the men asked me. 

"Yeah, why?" I asked curiously.

"Kami po ang naatasan na sumundo sa'yo." Sabi pa ng isa kaya tumango nalang ako. They are after me and for sure, this is Damien's personnel.

Nauna na akong lumabas sa kanila at nagpunta sa parking lot. Nagulat pa ako ng madatnan ko doon si Mr. Pervert na prenteng nakasandal lang sa kotse niya na para bang relax na relax. 

"There you are." Umaliwalas ang mukha niya ng makita ako at saka binigyan ako nang demonyo n'yang ngisi. Napailing na lang ako kasi naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Sakay ka na." Utos niya at dahil sa gusto ko siyang pikunin ay nagbiro ako. 

"Saan ako sasakay? Sa ibabaw ng kotse, sayo o sa likod mo, Mr. Pervert ay este Mr. Cullen pala? " Nakangising tanong ko at napansin ko na nag iba ang timpla nang mukha niya. 

"If you want, you can ride on top of me." He suddenly said and wink. Namula naman ako. Damn! ang pervert talaga! 


Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jane Jane
ahaha yari ka sab
goodnovel comment avatar
Al Aureus Dlr
kakatuwa ang kwento
goodnovel comment avatar
philip guarin
I love this chapter ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status