Share

Chapter 4 Weird feelings

               (Sabrina's POV) 

Nganga ang peg ko ngayon at para akong nanigas dahil sa sinabi ni Mr. Cullen. Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko. 

Pero ang mas hindi ko maintindihan ay bakit ko naman ginawa 'yon. I initiate the kiss in front of his men! Ako man ay nagulat din at hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nagawa 'yon.

Our lips still parted to each other when I felt Mr. Cullen's hand wrap my waist. And I could feel his lips formed into a smile.

Damn! What's happening on me? Why Am I wanting Mr. Cullen's kissed even more. 

Bigla akong napabalik sa huwisyo at agad kumalas sa halik niya. Nahihiya akong napatungo. Hindi ko kayang tignan ang mga tauhan ni Mr. Cullen at sa kanya mismo ay nahihiya ako. 

Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan sa ginawa ko ngayon lang. Grabe, sobrang nakakahiya!

"Don't felt ashamed, it's natural," ani Mr. Cullen sa paraang pabulong. Gusto kong sabihin sa kanya na anong natural?

Sobrang nakakahiya nga tapos sasabihin niya na natural lang 'yon. Natural lang ba na nanghahalik ako na wala sa lugar?

Lamunin na sana ako nang lupa. It's so embarrassing! 

"Ms. Alvarez, let's go," aniya sa seryosong boses ni Mr. Cullen. Agad nabaling ang atensyon ko sa kanya. Bigla naman akong kinabahan at pakiramdam ko ay sa kanya lang naka tuon ang atensyon ko. 

May biglang pumasok sa isipan ko hindi ko inaasahan. Ang mas nakakakilabot ay kung paano ko naisip ang gano'n. I saw myself and Mr. Cullen, doing sex. Nakikita ko 'yong sarili ko na enjoy na enjoy.

Anong nangyayari? Hindi naman ako nananaginip? At imposible namang mangyari 'yon. Gising kaya ako at hindi natutulog.

"Ms. Alvarez." Napaigtad pa ako nang biglang may humawak sa kamay ko. 

"Ay sex." Napatakip pa ako sa bibig nang bigla-biglang lumabas 'yon mismo sa bibig ko. Walang hiyang bibig na ito! 

Pinapahamak ako.

"What did you say?" Nakangising tanong ni Mr. Cullen. Naipilig ko na lang ang ulo. Kung ano-ano kasing iniisip ko, e.

Tinalikuran ko nalang si Mr. Cullen at nagsimulang maglakad para lumabas at umalis. Nang bigla kung maalala na hindi ko pa alam kung saang kotse ang gagamitin. Kasi naman ang daming kotse na nakaparada dito. 

"If you want sex, don't hesitate to tell me." Pakiramdam ko tumayo ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Mr. Cullen. Bigla siyang sumulpot sa likuran ko at binulong 'yon. Parang hindi na kinakaya ng utak ko. 

Narinig ko pang natawa si Mr. Cullen bago sumakay sa kotse niya. At ako naman ay nanatili pa ring nakatayo dahil parang ayaw pa gumana ng utak ko. 

"Ride in." Narinig kung sabi ni Mr. Cullen kaya naman sumakay na ako at hindi na nagdalawang isip. Baka iwan pa ako, first day ko pa naman ngayon.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko nililingon si Mr. Cullen. Ang buong atensyon ko lang ay na sa labas dahil kapag tinignan ko si Mr. Cullen iba ang pumapasok sa isip ko.

Parang kababalaghan.

Sa wakas nakarating naman agad kami sa Cullen's Enterprise at masasabi ko na maraming nag-aabang sa labas. For sure, itong si Mr. Cullen inaabangan nila. 

Naunang bumaba si Mr. Cullen at agad naman akong sumunod sa kanya. Naglakad kami papasok at nakikita ko na halos lahat ng mga empleyado ay binabati siya pero itong si Mr. Cullen wala man lang respond. Patuloy Lang siyang maglakad kaya gan'on din ako.

Na sa elevator na kami at mapapansin na kaming dalawa lang ang sumakay. Kasi naman sa private elevator siya dumaan. 'Yong mga tauhan niya ay sa kabilang elevator. Dahil nga assistant ako kaya ako kasama niya. 

Nanatili lang akong tahimik habang umaakyat kami sa opisina niya. At pagbukas na pagbukas ng elevator ay bumungad sakin ang isang napakagandang nilalang. 

"Hon!" Malakas na sigaw nito at sinalubong nang yakap si Mr. Cullen. Naikuyom ko ang kamao dahil sa inis na nakikita ko. 

Pakiramdam ko gusto kong kaladkarin ang babaeng yumayakap kay Mr. Cullen. 

"How are you?" Nakangiting tanong ng babae sa kanya. Na sa isang sulok lang ako at inis na nakikinig sa kanila. Ang sarap lang tusukin ang mata ng babaeng ito. 

"What are you doing here? Who let you in?" Malamig na tanong ni Mr. Cullen sa babae. Lihim akong napangiti. Gusto ko pa matawa dahil ramdam ko na naiinis siya sa babae. 

"Visiting you, bakit hindi mo na kasi ako pabalikin sa mansion mo at tatambay tayo sa red room," aniya ng babae na naging dahilan para magpanting ang tenga ko nang marinig ang red room. Teka, don't tell me nakapasok na ang babae do'n?

I felt jealous thinking that at 'yon ang hindi ko maintindihan. Ano ba itong inaakto ko ngayon?

Naguguluhan na ako. 

"Shut up, Maureen." Diin na sabi ni Mr. Cullen at nakita ko sa reaction ng babae na nasaktan siya. 

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ka nagiging cold sa 'kin?" Natawa pa ang babae habang sinasabi niya 'yon pero blanko lang si Mr. Cullen. Palihim lang akong nakangiti dito dahil para lang akong nanonood ng live show. 

"Get out of my office now." Diin ang pagkakasabi ni Mr. Cullen pero hindi natinag ang babae. Napalingon pa ito sa gawi ko at tinignan ako nang masama. 

Dahil sa nakaisip ako nang kapilyuhan ay kinindatan ko siya at binigyan siya nang flying kiss. Inirapan niya ako at masamang tingin ang ipinukol nito sa 'kin. 

"Tell me Damien, siya ba ang pinagpalit mo sakin!" Galit na turan ng babae at tinuro-turo pa ako. 

Nadamay pa talaga ako dito. Ano bang ginawa ko? Bukod sa kinindatan at binigyan s'ya nang flying kiss ay wala naman akong ginawang iba. Tahimik lang kaya ako dito sa isang tabi. 

"Shut up!" Galit na si Damien na animo'y umuusok na ilong nito pero hindi nakinig si Maureen. Nilapitan pa niya ako at pinasadahan nang masamang tingin mula ulo hanggang paa. 

"Wala kang taste." Prankang sabi ng babae na nagpainit sa dugo ko ang sinabi niya pero pinili kong maging kalmado. Ayoko ngang mag-eskandalo sa harap nang magiging boss ko. 

"Excuse me, Ms. Retoke-ay este Ma'am Maureen, nananahimik po ako dito, bakit niyo po ako dinadamay?" Nakataas kilay na tanong ko. 

Ang sama nang tingin no'ng Maureen sa 'kin at parang gustong kainin ako na buhay. Inisin ko pa nga.

"How dare you!" She's about to slap me but Damien stop her to do so.

"Don't fuck lay your hands to my wife!" Galit na sabi niya na kinagulat ko. Napanganga ako sa sinabi niya na wife daw.

Alam ko hindi ako bingi kaya't dinig ko kung ano ang sinabi niya at imbis na mainis ay kinilig pa ako. 

"W-wife?" Takang tanong ni Maureen. Palipat-lipat ang tingin niya sa 'kin at kay Mr. Cullen. 

Lumapit sa 'kin si Mr. Cullen at lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Parang lumukso naman ito ng hapitin niya ang bewang ko saka hinalikan. Pero smack lang naman.

Hindi ako makaangal dahil parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Kinikilig ako bigla, e. At kanina pa to si Mr. Cullen, hindi nagsasawa halikan ako. 

"Bwesit!" Padabog na nagmartsa paalis si Maureen. Nakaalis na siya pero ako nanatiling nakatayo at nakangiti. Grabe, speechless ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Sabrina," ani nang isang baritonong boses kaya napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Mr. Cullen. 

"M-mr C-cullen." Nauutal na banggit ko sa pangalan niya.

"Just stop calling me Mr. Cullen. Please call me by my name, Damien or if ever that you have something in my mind, your free." Sabi pa niya habang ngumingisi. Isa lang kasi 'yong nasa isip ko pagkatapos niya akong halikan. 

Sex. Sex. Sex. 

Paulit-ulit 'yang lumalabas sa isipan ko. Grabeng imahinasyon na 'yan kung saan lumilipad. Nakaabot na ata sa Mars, e. 


Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ka sabrina hinalikan ka lang sex agad ang nasa isip mo ayan tuloy naisatinig mo pa...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status