Nagising si Janus sa mahinang tawag ni Anna sa kanya. It’s past midnight already.
Dagli siyang bumangon upang asikasuhin ang babae.
“Hon, what is it? May masakit ba sa iyo?” masuyo niyang tanong rito.
Umiling-iling ang ulo ni Anna. Nauuhaw lang naman siya.
Nagising siyang parang tuyo ang lalamunan. At dahil hindi pa makakilos ay hindi na siya nag atubiling gisingin si Janus mula sa mahimbing na pagkakatulog nito sa kabilang kama.
“Paunti-unti lang muna,hon. Payo ni doktora.”
Marahang pinupunasan ni Janus ang tubig na di sinasadyang tumagas sa gilid ng bibig ni Anna dahil sa mabilis na pagsipsip ng tubig mula sa straw.
Bahagyang napahiya ang babae na agad namang masuyong nginitian ni Janus.
“It’s okay. Naiintindihan ko ang kalagayan mo. Basta kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Palagi akong nandito para sayo, okay?”
Tumango na lamang si Anna.
“Nakita mo
There was this sudden pain sa kanyang dibdib. Parang may kung anong humihiwa sa kanyang puso.Hindi namamalayan ni Anna na wala nang tigil ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mata. Nagpa-flash sa diwa niya ang nakangiting mukha ng kanyang daddy, staring back at her na para bang totoong totoo na nasa harap niya lang ito.“Hon! Hon! A-anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” ang nag-aalalang boses ni Janus ang nagpabalik ng kanyang diwa.Para kasing nawala siya sa sarili. A daymare or run-away daydream!“I-I don’t know. Bigla akong kinabahan. It’s my dad! Baka may nangyaring masama sa kanya.”Napahagulgol bigla si Anna. Gulong-gulo ang isip niya.Para bang napakarami niyang hindi maintindihang emosyon sa puso niya na hindi niya mapigilang maramdaman.Ikinulong siya ni Janus sa mahigpit na yakap, trying to ease the pain. Nabigla siya sa pagiging iyakin ni Anna today.Must
“I strongly suggest na mag-undergo ka ng postpartum checkup. You are currently having the signs and symptoms of postpartum depression.”Ito ang mahinahong pagpapaliwanag ni Dra. Pepito kay Anna.Sa pagdaan kasi ng mga araw ay naging malulungkutin na si Anna. She kept on crying na kahit wala naman dahilan ay bigla na lamang siyang iiyak.“Dra., ano po ang postpartum depression?” maang na tanong ni Janus, hawak ang kamay ng tahimik na si Anna.“It’s a condition na nararanasan ng mostly mga bagong panganak. Nagkakaroon ang ina ng mood swings, madalas malungkot o matakot sa bagong responsibilidad niya bilang isang ina. Kung mild lang naman ang symptoms gaya ng kay Anna, certain treatments are available naman. Don’t worry. Postpartum depression is very common naman.”“So, what do we do about it at kailan natin uumpisahan?” tanong uli ni Janus.Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha at hin
“I used to be like that. Even now, I still feel the urge na magwala at magbasag ng mga gamit.”Si Anna iyon. Naroon siya sa loob ng private room niya kasama si Janus, Dra. Pepito, at ang tulog na kambal.It has been a week mula nang mag-kaayos sila ni Janus after nitong suyuin siya with extravagant surprises.And ever since that day, araw-araw na siyang may natatanggap na regalo from him. It’s either a piece of jewelry or some cute girl’s stuffs.He made sure na pampered and secured siya with him.And the day after tomorrow ay naka-schedule na ang discharge niya from the hospital. Makakauwi na sila ng babies niya sa bago nilang bahay.Today, as part of her daily routine, kasisimula pa lamang ng 2 hour session para sa postpartum depression treatment niya.“That’s quite normal,Anna. Hindi naman talaga totally mawawala ang habit na iyon. The treatment was supposed to be a help para ma-min
“Anna!” It was Janus calling her from behind.Paglingon niya ay nakita nga niya ang lalaking nagmamadaling lumabas mula sa sasakyan nito.“I told you to wait inside. Sa isang secured na restaurant or sa main lobby where you can sit and wait comfortably. Bakit dito mo pa ako hinintay sa parking lot? See, halos ay walang katao-tao rito maliban sa mga paparating or papaalis na sasakyan. And what do you think might have happened kung hindi kita napansin rito? Mahihirapan tayong hanapin ang isa’t-isa.”“I’m sorry,” nakayakap na bulong ni Anna kay Janus, “I have made you worry about me. Hindi ko lang talaga matiis na maupo lang sa isang tabi at hintayin ka.”“Sshh, okay okay, I understand. Calm down. Hindi ako galit sa iyo, okay?” ikinulong ni Janus sa dalawang palad niya ang hugis-pusong mukha ni Anna at ihinarap sa kanya.Kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Parang nababasa niya
The short but fun birthday party has long since been done. Ipinaubaya na nina Janus at Anna ang pagliligpit sa mga naiwang kalat sa kasamahan nila sa bahay.Nakauwi na ang mga bisita na pawang mga kaibigan at katrabaho lang naman ni Janus namely Reiner, Remwel, Ronaldo at Lilibeth.Inimbita din ni Anna si Nurse Jean subalit sinabi nitong extended ito sa hospital duty nito kaya hindi makakarating. Ipinaabot na lang nito ang pagbati and even sent 5k in gcash as her gift kay Janus.Anna also sent an invitation message kay Dra. Pepito but she never heard from her. Marahil ay busy ang mabait na doktora.“You were wonderful sa party kanina, hon. Thank you so much! Talagang nag-effort ka pang magpa-games. Tuwang-tuwa tuloy lahat!”Naka-backhug noon si Janus sa kakatapos pa lamang mag-freshen up na si Anna.Naghahanda na silang matulog after ng masayang pero nakakapagod na kulitan kanina sa party.“You’re welcome, hon!
Masakit ang ulo niya ng magising. Para bang may pumupukpok ng martilyo sa loob ng bungo niya.Anna took a deep breath. Napaubo siya nang malakas nang tila magbara ang hangin sa kanyang lalamunan.“Hon!” narinig niyang tawag ni Janus sa kanya. Parang napakalayo nito mula sa kinaroroonan niya.Biglang gumaan ang pakiramdam niya. Tila ba naglahong parang bula ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.‘Nasaan nga ba ako? Teka, ano ba ang nangyari? Bakit para akong nakalutang? Wala akong maramdaman.’Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita.“J-a-nus,” hirap na hirap na balik-tawag niya rito, “na-saan…ka? Hon, w-wala akonggh… mak-i-taahh.”Wala siyang narinig na sagot. Tila naman may kung anong humihila sa diwa niya patungo sa kung saan.Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa dilim. May kung anong pwersa ang humihigop sa kanya paimbulog sa kaitaasan.&ls
Parang pinipiga ang puso ni Janus habang nakatunghay sa natutulog na si Anna. She looks troubled kahit sa pagtulog.Nakakunot ang noo nito at malikot ang galaw ng mga talukap ng matang nakasara. Wari niya ay pinipilit nitong gumising ngunit hindi kinakaya ng sariling katawan.Maputlang maputla ang kulay nito at nagsisimula nang maging dry ang balat dahil sa dehydration.“Boss Jan, nakahanda na ang pagkain. Sumubo ka na muna kahit kaunti. Kaninang umaga pa walang laman ang tiyan mo,” pukaw ng pansin niya ng kanyang kaibigan at katrabaho na si Reiner, “hindi rin makakatulong kung ikaw naman ang magka-ka-sakit.”“A-anong oras na ba? Wala pa ba si Dra. Pepito?” Sa halip na sumunod sa mungkahi ng kaibigan at tanong niyang hindi man lamang sumulyap sa inihanda nitong pagkain sa dining table.He doesn’t feel like eating lalo na ngayong may nababakas na siyang pag-asa na magkakamalay na si Anna.Gusto niya a
Nagdilat ng kanyang mga mata si Anna. Una niyang napansin ang puting kisame.Napatitig siya rito at wari ba ay iniisip kung nasaan na siya at kung bakit naroon siya.“Hon!” Sumilip ang pamilyar na mukha ni Janus, ang kanyang live-in partner na ama ng kanyang mga anak.‘Ang mga anak ko!’ Biglang sigaw niya sa isip at sinubukang buksan ang bibig upang magtanong ngunit tila ba napakabigat ng kanyang mga labi.Nakapagkit ang mga iyon at ramdam niya ang hapdi dulot ng pagkatuyot ng manipis niyang labi. Bahagya lamang niyang naigalaw ang bibig.“It’s okay, hon. Andito si Dra. Pepito to check on you.” Tumingin ito sa bahagi nito kung nasaan nakita ni Anna na nakatayo at pormal na nakamasid ang doktora.May iba pang mga taong naroon na pamilyar rin sa kanya ngunit hindi niya mahagilap sa isip ang pangalan ng mga ito. Napakunot-noo siya.Mayroong iisa at magkakatulad na ekspresyon sa mukha ang mga ito.