"WHAT?" Naguguluhang tanong ni Amber sa lalaking kausap niya ng mga oras na iyon sa telepono.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinasabi nito sa kabilang linya, but one thing is for sure nakakaloka ang bagay na ito.She's been a registered egg donor for six years of her life, pero ni minsan ay hindi pa din siya nakakapag donate ng kaniyanv egg. She's an educator but she doesn't want to teach sa school so nag- online teaching muna siya habang naghahanap siya ng ibang magiging trabaho niya dahil wala naman talaga sa pagtuturo ang puso niya.She heaved a heavy sigh at napapikit ng mariin habang nasa tenga niya pa rin ang kanyang cellphone. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Will she accept his offer? To carry his own child on her womb? Like for real? She would become the mother of the baby.Makakaya niya ba na gawin iyon kapalit ng napakalaking halaga na naghihintay sa kanya?Napamulat siya ng kanyang mga mata, wala naman sigurong masama na gawin niya iyon dahil sa kabilang banda ay makakatulong naman siya sa pamilya niya lalo pa ngayon at kailangang kailangan ng kapatid niya ng pera para sa tuition fee nito.Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntung hininga bago sumagot rito."Okay, I will accept your offer but payment first." Saad niya rito.Akala niya ay tututol ito ngunit wala siyang narinig na anumang pagtutol mula rito.Ilang sandali pa ang nakalipas ay tinatanong na nito ang bank account niya kung saan nito ipapasok ang pera.ILANG oras na ang nakalipas mula ng matapos silang mag- usap ng bago niyang kliyente ay nakatitig lamang siya sa kanyang kisame habang nakahiga.Tama nga ba ang naging desisyon niya na tanggapin ang offer nito?Napapikit siya ng mariin at pagkatapos ay napabuga na lamang ng hangin.Bahala na, bulong niya sa kanyang sarili pagkatapos.-------TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Amber. Mabilis niyang kinapa ang nagwawalang alarm clock sa kanyang tabi habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.Hindi niya alam kung bakit siya nag-alarm noong araw na iyon, wala naman siyang binabalak na puntahan. Agad niyang pinatay ito at itinakip ang unan sa kanyang mukha. Hindi na siya nag-abala pang imulat ang kanyang mga mata upang tingnan kung anong oras na.Papunta na ang kanyang tulog nang muli na naman siyang magambala dahil sa tunog naman ng kanyang cellphone. Pinilit niyang hindi pansinin iyon dahil napakaaga pa para sa kung sino man ang tumatawag sa kanya.Magsasawa din ito, sa isip isip niya. Isa pa ay siya na lamang ang tatawag rito mamaya at idadahilan na naka silent ang cellphone niya at hindi niya narinig na nag- ring ito. Hindi niya inabala ang kanyang sarili na bumangon upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya hanggang sa matapos na ang tawag.Akala niya ay hanggang doon na lamang iyon at hindi na ulit ito tatawag ngunit laking gulat niya ng muli na naman niyang marinig ang ring ng kanyang cellphone.Wala siyang nagawa kundi tanggalin ang unan na nakatakip sa kanyang mukha at inis na inis na bumangon. Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng unan na nasa kanyang tabi pagkatapos ay tinitigan ang screen.Ang kapatid niya ang tumatawag sa kanya sa ganun kaagang oras at hindi niya alam kung bakit. Wala siyang ka ide- ideya kung bakit siya nito tinatawagan samantalang nausap niya lamang ang mga ito kahapon ng umaga.Nasa Bicol ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Tatlo lamang silang magkakapatid at pare- parehas na mga babae. Mas nakababata ang kanyang mga kapatid at siya ang panganay.Sobrang hirap ng kanilang buhay kaya nagsumikap siyang mag- aral. Kumuha siya ng kursong edukasyon kahit na hindi naman talaga iyon ang gusto niyang kuhaning kurso niya sa kolehiyo. Nasulsulan lamang siya na kumuha niti dahil na rin sa tulak ng kanyang ina at ng kanyang ama dahil napakadami daw benepisyo kapag naging isang guro siya.Sinunod niya naman ang mga ito at nag- aral ng mabuti upang makapagtapos. Nag- apply siya ng mga scholarship upang makapag - aral lamang at kumuha ng sideline niyang trabaho upang may panggastos siya sa kanyang pag - aaral. Ang kanyang ama ay isang karpentero lamang na kung saan ay hindi ganun karegular na mayroon itong trabaho. Patigil- tigil ang mga gawa nito kaya halos ang kinikita nito ay kulang pa para sa araw - araw nilang pangkain ng mga kapatid niya.Ang nanay naman niya ay simpleng may bahay lamang at ang kanyang mga kapatid ay nasa high school pa lamang at hindi pa naman makatulong upang magtrabaho.Ito ang naging inspirasyon niya upang magsikap na makapagtapos ng kanyang pag- aaral, upang maabot ang bagay na gusto ng mga magulang niya para sa kanya.Ngunit ng makapagtapos siya at makapasa sa Licensure examination at nag- umpisa ng magturo sa isang public school ay doon niya nalaman na hindi talaga iyon ang bagay na gusto niya kaya nag- quit siya sa pagtuturo.Mabuti na lamang at mabait sa kanya ang Diyos at hindi siya pinabayaan. Noong mga panahong naghahanap siya ng magiging bago niyang trabaho ay doon naman may nag- message sa kanya kung gusto niya daw bang maging isang egg donor.Hindi naman ito ganun kahirap na gawin at isa pa ay napakasaya ng kanyang pakiramdam kapag may mga mag- asawa siyang natutulungan upang magkaroon ng anak.At doon siya humahanga sa mga lalaking nagiging kliyente niya dahil marunong silang tumanggap ng mga flaws ng mga asawa nila. Kadalasan kase ang mga lalaki ay naghahanap ng iba kapag hindi sila mabigyan ng mga asawa nila ng anak.Napapangiti siya sa tuwing masasalubong niya ang mga ito kung saan umbok na ang tiyan at masaya na namumuhay bilang mag- asawa at hindi nagbabago ang pagmamahal nila sa isat isa sa kabila ng lahat.Kung tutuusin ay napakadami na niyang anak, dahil halos buwan- buwan ay may nagiging kliyente siya. Ngunit ang iba naman sa mga iyon ay confidential at hindi niya nakikita ang mga mukha kaya hindi niya nakikilala ang mga ito.Inilagay niya ang kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tenga pagkatapos ay pumikit. Inaantok pa talaga siya."Ate..." Boses iyon ng kapatid niyang sumusunod sa kanya. Bakas sa boses nito ang pagpigil na hindi maiyak, ang aga aga ay ganuon ang tono ng boses nito.Biglang napamulat siya ng kanyang mga mata dahil sa pagkabahala. Hindi naman dati ganito ang kapatid niya na tatawag ng ganito kaaga kaya marahil ay may problema."Ate si Tatay-----" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nag- umpisa na itong humikbi sa kabilang linya.Siya naman ay napakunot at napakamot na ulo. "Anong si tatay? Napano siya?" Agad niyang tanong dito ngunit hindi pa din nito nagawang sumagot dahil patuloy pa rin ito sa kanyang pag- iyak."Alice? Nanjan ka pa ba? Anong nangyari kay Tatay?" Sunod- sunod na naging tanong niya at pagkatapos ay bigla siyang nakaramdam ng pagsikip ng kanyang dibdib. Nasisiguro niya na hindi maganda ang balitang hatid ng kapatid niya."Ate si Tatay..." Pag- uumpisa nito habang humihikbi. "Ate inatake siya." Hanggang doon na lamang ang naging pag - uusap nila ng kapatid niya dahil nabitawan niya ang kanyang cellphone.Para siyang lutang sa mga oras na iyon dahil sa balitang natanggap niya sa umagang iyon.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Agad siyang bumaba ng kanyang kama at nagmadaling naghanap ng kanyang jacket. Ni maghilamos ay hindi na niya nagawa dahil sa sobrang pagmamadali upang makapunta sa ospital.TwoHINDI niya alam kung paano siya nakarating ng ospital. Halos wala siya sa sarili habang naglalakad palapit sa ICU ng ospital. Nakita niya sa labas ng pinto ang kanyang kapatid na katabi ang kanyang nanay habang hawak- hawak ang kamay nito.Halos ayaw humakbang ng kanyang mga paa palapit sa mga ito, nawalan na ang mga paa niya ng lakas at ang kanyang mga tuhod ay tila nauupos ng kandila.Mabibigat ang kanyang mga hakbang palapit sa mga ito. Habang nakatingin siya sa mga ito habang naglalakad ay naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit. Sakit na makita ang mga itong nag- aalala para sa kanilang tatay na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nasa mabuti na bang kalagayan.Walang imik ang mga ito at nakikita niya na nagpupunas ng luha ang kanyang kapatid. Habang ang kanyang nanay naman ay tahimik lamang na nakayuko sa tabi nito.Halos ayaw niyang lumapit sa mga ito. Parang gusto na lamang niyang bumagsak sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon dahil habang p
ThreeHindi niya alam kung paano niya nagawang maglakad palabas sa ospital. Hindi niya din alam kung saan siya pupunta. Nanginginig pa rin ang kanyang mga paa at maging ang kanyang mga kamay habang naglalakad siya sa labas ng ospital.Madilim ang paligid kahit na maliwanag na dahil hindi sumikat ang araw. Makulimlim ang kalangitan ng tingalain niya ito.Nang nasa loob siya ng ospital ay halos ayaw niyang umiyak, ayaw pumatak ng kanyang mga luha dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang ina at ng kapatid niya na umiiyak din. Ayaw niyang ipakita sa kanila na maging siya ay nahihirapan na sa kanilang sitwasyon ng mga oras na iyon.Nasisiguro niya na hindi biro ang kakailanganin nilang pera para sa magiging operasyon ng kanyang ama upang madugtungan pa ang buhay nito.Panganay siya kaya nasa kanya lahat ng responsibilidad upang gawan ng paraan ang gagastusin nilang pang pa- opera sa kanyang ama.Sa sitwasyon niya ngayon at sa estado ng kanyang buhay ay wala siyang alam kung saan siya kukuh
FourBASA ng ulan at nanginginig pa ang kanyang mga laman nang makauwi siya sa kanyang tinutuluyan. Sa layo ng nilakad niya ay halos wala ng lakas ang kanyang mga paa. Mabuti na lamang at nagawa niya pa rin ang nakauwi kahit na sobrang nanghihina na siya. Gusto na niyang mag pass out dahil sa pagod na nararamdaman niya at tila gusto na lamang niyang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya ng mga oras na iyon, ngunit biglang pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya. Paano ang mga ito kapag sumuko siya?Ano na lamang ang magiging buhay ng mga ito kapag siya na ang nagkasakit? Sino na lamang ang aasahan niyang maghahanap buhay para may pantustos sa pag- aaral ang kapatid niya at para na rin may makain sila sa araw- araw. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, ang tanging nasa utak na lamang niya ng mga oras na iyon ay kung saan siya kukuha ng malaking halaga para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Nasa punto na naman siya ng buhay niya na hindi alam kung saan siya kukuha
Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya. Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod. Muli ay napalunok siya."I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung
Pagdating na pagdating nga niya sa ospital ay dumiretso siya kaagad sa ICU kung nasaan ang kaniyang ama. Bitbit niya ang mga pagkajng iti nake out niya sa restaurant kung saan sila nag- meet ng kliyente niya.Dumaan muna siya sa kaniyang apartment bago siya tuluyang dumiretso sa ospital. Ayaw niya namang makita ng kaniyang ina at ng kaniyang kapatid ang kaniyang ayos dahil baka magtaka ang mga ito.Ilang sandali pa ay palapit na siya ng palapit sa kwarto ng kaniyang ama ng may ilang mga nurse ang nagmamadaling nilampasan siya. Nasagi pa nga ng mga ito ang kaniyang dala."Sorry." Maikling hingi ng paumanhin ng isa at nagtutuloy- tuloy na sa mabilis na paglalakad. Tinanguan na lamang niya ang mga ito dahil naiintindihan naman niyang nag- aapura nga ang mga ito. Siguro ay may pasyenteng nag- aagaw buhay na kailangan ng agarang tulong kaya nagmamadali ang mga ito.Ilang sandali pa ay nasa hagdan na siya at paakyat na.Medyo nangangalay na rin ang kaniyang mga kamay dahil sa bigat ng kan
Kasalukuyan na silang nakaupo sa bench na nasa harap ng ICU. Tabi- tabi silang tatlo. Ang kaniyang ina ay pinatulog muna nila sa kaniyang tabi. Alam kase nilang puyat na puyat na ito dahil sa ilang gabing hindi ito nakakatulog dahil sa labis na pag- aalala.Hawak- hawak niya ang kamay ng kaniyang kapatid. Kanina pa sila tapos kumain at kanina pa din inumpisahan ang operasyon ng kaniyang ama nang magbayad siya. Mabuti na nga lamang ay napilit nila ang kanilang ina na matulog na dahil bukas na bukas paggising nito ay ipinangako nilang magaling na ang kanilang ama.Nakasandal siya sa dingding at nakatingala sa kisame ng ospital. Nangangamba siya dahil kasalukuyang inooperahan ang kaniyang ama. Oo, inooperahan na nga ito ngunit alam niya na may tendency pa rin na hindi maging successful ito at iyon ang iniisip niya kanina pa.Napayuko siya nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil sa kaniyang kamay. Ang kapatid niya ang pumisil ng kamay niya."Ate gagaling na kaya si tatay pagkatapos ng
Habang nag- eempake siya ng kaniyang mga damit ay panay pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya man lang nakita ang kaniyang ama o ni nasulyapan man lang bago siya makaalis sa ospital.Napakagat siya ng kaniyang labi kasabay ng pagkawala ng isang hikbi sa kaniyang bibig. Nahihirapan siya ngunit kailangang niyang gawin ang bagay na iyon para sa kaniyang pamilya.Kung ito ang magiging paraan para maging maalwan ang kanilang pamumuhay ay handa siyang gawin iyon kahit pa isakripisiyo niya ang sarili niya. Isa pa ay alam niya namang hindi naman magtatagal ang pagkawala niya dahil nasisiguro niya na pagkatapos niyang mabigyan ito ng anak ay palalayasin na siya nito.Sumisinghot- singhot siya habang naglalagay ng damit sa kaniyang bag. Wala pa siyang kaide- ideya kung saan nga ba siya dadalhin ng lalaking iyon dahil hindi naman sila nakapag- usap ng maayos dahil nagmamadali itong umalis kanina.Napatingala siya upang pigilin ang mga luha niyang wala pa ring lumbay sa pagtulo ngun
Nakatitig siya sa labas ng bintana. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse nang mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang makatanggap ng tawag kanina mula sa tauhan umano nang magiging kliyente niya na nalaman niyang si Mr. Montemayor ay kaagad na silang dumating sa tapat ng apartment niya.Hindi nga kasama si Mr. Montemayor sa mga taong sumundo sa kaniya, puro mga tauhan lamang nito ang sumundo sa kaniya at nasa apat sila.Nang mapagbuksan niya nga ang mga ito ng pinto kanina ay halos ayaw niyang sumama, paano ba naman ang itsura ng mga ito ay tila ba mga tauhan ng isang mayamang mafia kaya may agam- agam siyang naramdaman.Ngunit nang sinabi nang isa sa mga ito na sila nga ang tumawag sa kaniya kanina at sila daw ang ipinadala ni Mr. Montemayor na susundo sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Total naman ay wala naman siguro silang gagawin sa kaniyang masama.Idagdag pa na ito naman talaga ang usapan nila kagabi ng lalaking Montemayor na iyon.Nasa har