Share

Chapter 5

Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya.

Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.

Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod.

Muli ay napalunok siya.

"I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.

Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.

Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.

Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.

Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung bakit siya nito tila pinipigilang umalis at pagtataka sa kaniyang sarili sa kaniyang nararamdaman.

Hindi ito ang unang beses na may lalaking lumapit at humawak sa kaniya ngunit hindi katulad ng lalaking ito at hindi niya maintindihan kung bakit.

"We have a meeting right? So why are you leaving?" Matigas at punong- puno ng awtoridad ang tinig nito.

Kaagad namang nanlaki ang kaniyang mga mata nang narinig niya ang sinabi nito

Hindi kaya? Hindi kaya ito ang lalaking tumawag sa kaniya?

Napatitig siya sa walang emosyong mukha nito.

Ang gwapo nito kaya bakit nito gugustuhing magbayad ng malaki para lang sa magiging tagapagmana nito? Bakit hindi na lamang ito maghanap ng mapapangasawa niya? Hindi naman ito siguro mahihirapan sa paghahanap dahil may itsura naman ito at higit sa lahat ay mayaman kaya bakit?

Napalunok na lamang siya at hindi nakasagot. Ang kaninang paglabas sana na pinaplano niya ay hindi na niya naituloy pa.

Binitiwan din naman nito siya kaagad.

"Let's start our meeting." Sabi nito at nauna ng naglakad kaysa sa kaniya.

Siya ay naiwan pa lang doon at tila hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Ito nga talaga ang magiging kliyente niya. Isa lang ang ibig sabihin kaya walang katao- tao sa loob ng restaurant na ito kundi ang mga lalaki lang na mga iyon.

Bodyguard niya siguro ang mga ito. Ang yaman naman nito talaga at nirentahan pa ang buong restaurant para lamang sa meeting nila.

Ilang sandali pa ay sumunod na rin siya rito. Ipinaghila pa siya nito ng upuan na hindi niya inaasahan. Mukha itong suplado at tila ba hindi marunong ngumiti. Ang mga mata nito kapag tinitigan ay walang bakas ng kahit anumang emosyon.

Wala siyang imik na umupo at pagkatapos ay inikot ang kaniyang paningin sa mga lalaking nakita niya kanina. Tahimik lang din naman ang mga itong nakaupo sa loob at  nakapalibot sa kanila ngunit may ilang mga lamesa na naka pagitan sa kanila.

Umupo na rin ito sa harap niya ngunit hindi ito nagsalita kaagad.

Tumitig lang siya platong nakapatong lang sa lamesa at ang kaniyang mga kamay ay nilaro- laro na lamang niya dahil kinakabahan siya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging takbo at magiging kahihinatnan ng pag- uusap nila.

"10 million." Sabi nito na nagpa- angat ng kaniyang ulo.

Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Hindi siya kaagad nakapagsalita sa alok nito.

"Okay I'll make it 20." Sabi nito at pagkatapos ay may dinukot sa bulsa nito.

Inilipag nito ang papel na alam na niya kung ano. Tseke. Tseke ang mga iyon.

Ilang sandali pa ay nagsulat na ito doo. Wala pa siyang sinasabi ngunit nagsulat na ito. Sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala. 20 million pesos para sa anak nito?

Hindi kaya nananaginip lang ito?

Ilang sandali pa ay iniabot na nito sa kaniya ang papel.

"Mag- order ka na lang. Here's the menu. Pack your things already dahil bukas na bukas ay ipapasundo na kita." Sabi nito pagkatapos ay tumayo na.

Siya ay sinundan lamang ito ng tingin.

Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na magsalita.

"Te- teka..." Sambit niya ngunit hindi na siya nito narinig pa.

Malalaki ang hakbang nito dahil matangkad ito kaya kaagad itong nakalayo sa kaniya. Susundan niya sana ito ngunit mas madami na ang tauhan nito na sumunod sa kaniya kaya hindi na siya makakasunod pa rito.

Napatitig siya sa hawak niyang papel ng mga oras na iyon. Alam niyang magiging sobra- sobra na iyon sa pang bayad nila sa ospital. Pero kung bukas na siya kaagad magsisimula sa kasunduan nila ay paano niya sasabihin sa kaniyang ina at sa kaniyang kapatid ang tungkol dito?

Paniguradong magagalit ang mga ito sa kaniya dahil parang ibinenta na rin niya ang sarili niya kapag nagkataon.

Nanghihina siyang muling napaupo. Tama nga ba ang naging desisyon niya? Tama nga bang umuoo siya sa lalaking ito kapalit ng pera?

Pero doon nakasalalay ang buhay ng kaniyang ama kaya kailangan niya iyong gawin. Kailangan niyang isakripisiyo iyon para madugtungan lamang ang buhay ng kaniyang ama.

"Ano pong order niyo ma'am?" Tanong ng lumapit na waitress pagkatapos ay nginitian siya.

Hindi din naman siya makakakain kung ganun lang kadami ang kaniyang iniisip.

"Hindi ako mag- oorder." Sabi niya rito pagkatapos ay ngumiti rin dito pagkatapos ay tumayo na. Uuwi na lang siya at magbibihis pagkatapos ay didiretso na lamang siya sa ospital para mabayaran na ang kinakailangang halaga para sa magiging operasyon ng kaniyang ama.

Kailangang- kailangan pa naman na itong ma- operahan sa lalong madaling panahon.

"Ahh ma'am teka lang po!" Pigil sa kaniyang ng waitress at hinakawan pa nga ang kaniyang braso.

"Kung hindi daw po kayo mag- oorder ay pwede naman daw kayo mag- order ng iuuwi niyo ma'am sabi nung Sir kanina." Sabi nito na ikinagulat niya.

Ganun ba ito kabait para gawin nito iyon?

Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.

Pinag- isipan niya kung mag- oorder nga ba siya pagkatapos ay naisip niya ang kaniyang kapatid at ina na nasa ospital. Total naman ay ito na mismo ang nag- offer bakit hindi nga siya mag- order wala naman sigurong masama, isa pa ay hindi naman siya ang magbabayad.

"Sige." Nginitian ito at pagkatapos ay nag- order na. Tinanong niya ito kung ano ang pinaka mga ipinagmamalaki ng restaurant na iyon at iyon na ang inorder niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status