Kasalukuyan na silang nakaupo sa bench na nasa harap ng ICU. Tabi- tabi silang tatlo. Ang kaniyang ina ay pinatulog muna nila sa kaniyang tabi. Alam kase nilang puyat na puyat na ito dahil sa ilang gabing hindi ito nakakatulog dahil sa labis na pag- aalala.Hawak- hawak niya ang kamay ng kaniyang kapatid. Kanina pa sila tapos kumain at kanina pa din inumpisahan ang operasyon ng kaniyang ama nang magbayad siya. Mabuti na nga lamang ay napilit nila ang kanilang ina na matulog na dahil bukas na bukas paggising nito ay ipinangako nilang magaling na ang kanilang ama.Nakasandal siya sa dingding at nakatingala sa kisame ng ospital. Nangangamba siya dahil kasalukuyang inooperahan ang kaniyang ama. Oo, inooperahan na nga ito ngunit alam niya na may tendency pa rin na hindi maging successful ito at iyon ang iniisip niya kanina pa.Napayuko siya nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil sa kaniyang kamay. Ang kapatid niya ang pumisil ng kamay niya."Ate gagaling na kaya si tatay pagkatapos ng
Habang nag- eempake siya ng kaniyang mga damit ay panay pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya man lang nakita ang kaniyang ama o ni nasulyapan man lang bago siya makaalis sa ospital.Napakagat siya ng kaniyang labi kasabay ng pagkawala ng isang hikbi sa kaniyang bibig. Nahihirapan siya ngunit kailangang niyang gawin ang bagay na iyon para sa kaniyang pamilya.Kung ito ang magiging paraan para maging maalwan ang kanilang pamumuhay ay handa siyang gawin iyon kahit pa isakripisiyo niya ang sarili niya. Isa pa ay alam niya namang hindi naman magtatagal ang pagkawala niya dahil nasisiguro niya na pagkatapos niyang mabigyan ito ng anak ay palalayasin na siya nito.Sumisinghot- singhot siya habang naglalagay ng damit sa kaniyang bag. Wala pa siyang kaide- ideya kung saan nga ba siya dadalhin ng lalaking iyon dahil hindi naman sila nakapag- usap ng maayos dahil nagmamadali itong umalis kanina.Napatingala siya upang pigilin ang mga luha niyang wala pa ring lumbay sa pagtulo ngun
Nakatitig siya sa labas ng bintana. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse nang mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang makatanggap ng tawag kanina mula sa tauhan umano nang magiging kliyente niya na nalaman niyang si Mr. Montemayor ay kaagad na silang dumating sa tapat ng apartment niya.Hindi nga kasama si Mr. Montemayor sa mga taong sumundo sa kaniya, puro mga tauhan lamang nito ang sumundo sa kaniya at nasa apat sila.Nang mapagbuksan niya nga ang mga ito ng pinto kanina ay halos ayaw niyang sumama, paano ba naman ang itsura ng mga ito ay tila ba mga tauhan ng isang mayamang mafia kaya may agam- agam siyang naramdaman.Ngunit nang sinabi nang isa sa mga ito na sila nga ang tumawag sa kaniya kanina at sila daw ang ipinadala ni Mr. Montemayor na susundo sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Total naman ay wala naman siguro silang gagawin sa kaniyang masama.Idagdag pa na ito naman talaga ang usapan nila kagabi ng lalaking Montemayor na iyon.Nasa har
Habang paakyat siya upang sumampa sa loob ng helicopter ay nanlalamig ang mga kamay niya. Ito ang unang beses na sasakay siya ng helicopter. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay nito, idagdag pa na natatakot talaga siya sa matataas na lugar.Halos hindi gumalaw ang kaniyang mga paa upang humakbang dahil nga sa kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Nanghihina ang mga tuhod niyang napaupo sa pinakagitnang bahagi ng helicopter kung saan nang pagka- upong pagka- upo niya ay kaagad na siyang nilapitan ng driver kanina ng kotse upang ikabit na ang kaniyang mga seatbelt at nilagyan din siya ng headphones sa kaniyang tenga.Ang kaniyang mga labi ay nanginginig din dahil nga sa matinding kaba na lumulukob na sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon.Ang kaniyang dibdib ay walang patid sa malakas na pagtibok na akala mo ay tila ba may naghahabulang mga kabayo sa ibabaw nito.Huminga siya ng malalim para pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Humugot siya ng malalim na h
Ipinikit niya lamang ang kaniyang mga mata at hindi na niya pinag- aksayahan pa ng oras na tingnan ang paligid niya dahil bukod na nga sa nanghihina siya ay hindi pa rin natatanggal ang pagkahilong nararamdaman niya.Maging ang magtanong kung gaano pa ba kalayo ang kailangan nilang i- byahe. Sumusunod na lamang siya sa mga pag- alalay sa kaniya ng mga lalaking kasama niya ng mga oras na iyon. Siguro naman ay hindi siya pababayaan ng mga ito dahil sa boss ng mga ito.Pinanatili niya lang na nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang diwa ay gising na gising pa din. Nakapikit lang ang kaniyang mga mata dahil para kahit papano naman ay makapahinga siya. Ramdam na ramdam niya ang pagod at panghihina mula sa walang humpay na pagsusuka niya kanina.Kapag bumabyahe naman siya at bus ang sinasakyan niya ay hindi naman siya nahihilo at nasusuka sa byahe. Ibang- iba lang talaga ang pakiramdam niya kanina sa pagsakay niya sa helicopter dahil iyon pa lamang ang unang beses niyang sumakay
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay pagkamangha ang unang naramdaman niya dahil sa ganda at lawak ng loob nito. Sa mga gamit sa loob ay masasabi mo na talagang mayaman ang nakatira doon.Kung sa labas ay masasabi mo ng maganda ay mas doble pa pala ang ganda sa loob dahil sa interior design ng design. Ang mga gamit at disenyo sa loob ay talaga namang masasabi mong pinag- isipan.Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Dito ba talaga siya titira? Parang ayaw pa niyang maniwala at tila ba gusto niyang sampalin ang kaniyang sarili upang gisingin dahil baka nananaginip lamang siya.Hindi niya napigil ang kaniyang mga labi na umawang dahil sa labis na paghanga. Maging ang reaksiyon ng kaniyang mukha ay halatang- halata doon ang labis na paghanga dahil iyon pa lamang ang unang beses na nakapasok siya sa isang bahay na marangya. Hindi pa siya nakakapasok sa isang bahay ng napakaganda sa tanang buhay niya at ngayon ay ito na ang magiging bagong tahanan niya.Inilibot niya a
Pagkalabas nga nila sa kusina ay sa nasa sala na sila muli at doon niya pa lamang napansin ang isang napakataas na isang grand staircase paakyat sa itaas na bahagi ng mansiyon. Kanina nang pagkapasok niya doon ay tila wala naman siyang napansin na ganuon pero ngayon ay meron na. Hindi kaya ngayon lang ito napunta doon? Pero napaka- imposible naman iyon kaya nasisiguro niya na hindi niya lang talaga iyon napansin dahil siguro sa ibang bagay nakatuon ang kaniyang atensiyon.Sa mga gamit kase sa bahay at sa mga pigurin nakatuon ang kaniyang paningin nang makapasok siya sa mansiyon at sa mga larawang nakasabit sa dingding. Mga lumang larawan iyon ng isang magandang babae at isang makisig na lalaki ngunit hindi niya kilala ang mga iyon. Hindi niya rin alam kung mga sikat bang artista ang mga iyon o ano.Ilang sandali pa ay umakyat na sa mataas na hagdan ang kasambahay na sinusundan niya. Napatitig siya sa hagdan at nag- umpisang humakbang rito.Grabe, napakalinis ng hagdan na gawa sa kaho
---Hindi niya napansin na medyo tumagal na siya sa pagbababad sa bath tub. Nasarapan siya sa pagbababad dahil gumaan ang pakiramdam niya, ang kaso nga lang ay naramdaman na niya ang pagka- antok.Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakalublob sa bath tub at inabot na ang kaniyang twalya. Ngunit nakita niya ang isang roba na nakasabit doon kaya ipinunas niya na lamang sa kaniyang basang buhok ang kaniyang tuwalya at iniikot doon.Pagkatapos ay inabot niya ang roba at mabilis na isinuot na iyon at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas mula doon.Pagkalabas nga niya ay kaagad siyang umupo sa ibabaw ng kama kung saan nakapatong pa rin ang kaniyang maleta at nanduon na ang kaniyang nakasabog na damit. Hindi niya pa kase nailalagay ang mga iyon sa cabinet dahil naligo na siya kaagad.Namimili na siya ng kaniyang susuotin nang maalala nga pala niya ang lotion na nakita niya sa kanina lang. Naiintriga siyang gamitin iyon kaya mulu siyang tumayo at pumasok muli sa loob ng banyo upang mag- lotion. Hin