Share

Chapter Nine

CHAPTER 09

            HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan.

            Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito.

            “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya.

            Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa.

            “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bilin ko.

            Naglayo kami. “Oo naman. Basta ikaw, wag mo agad isuko ang bataan ha. Pakasal muna kayo.”

            Hinampas ko siya sa braso, “Ikaw talaga! Tss. Aalis na ako ha,” ani ko at muli siyang niyakap. “Wag mo na akong ihatid dahil mag-isa ka na lang na uuwi,” ani ko.

            Tumango siya. Tumalikod na ako at lumakad paalis. ‘Yung ibang mga kapitbahay namin ay nagbubulong-bulungan tungkol sa’kin. Kanina lang ay may mga nakapag-kwento sa’kin na may nagkakalat daw na sasama na ako sa lalaki ko. Hindi ko na lang pinansin dahil wala rin namang silbi kung pipigilin ko. Iisisipin nila ang gusto nilang isipin, kapag nag-react defensive na, kung tatahimik ako mahina. Mindset nga naman ng mga tao.

            Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Isang bag lang ang dala ko dahil kakaunti lang naman ang mga gamit ko. Dinala ko na din ‘yung gamit ko pang-school. Ilang sandali pa at nasa sakayan na ako ng jeep. Nagbayad ako ng pamasahe at bumaba na saka sumakay sa jeep papunta sa may condo ni North.

            Pagdating ko ay agad akong bumaba at tumakbo papasok. Nginitian ko ‘yung Guard na tinanguan naman ako. Lumapit ako sa may elevator at pumasok sa loob. Pinindot ko ang floor kung saan naroroon ang unit ni North. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at nagpunta sa unit nito. Nasa harap na ako, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang Segundo ang hinintay ko.

            Bumukas ang pinto at lumabas do’n ang isang magandang babae.

            Alanganin akong ngumiti. “H-hello po,” ani ko.

            Ngumiti siya sa’kin at nagulat ako ng bigla na lang itong tumili.

            “Hi! Omy?! Are you Ms. Adobo Girl?” tanong niya.

            “Ha? S-sorry po, ma’am pero hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo,” ani ko. Ilang beses akong kumurap. “Ako nga po pala si Camilla Salazar, ‘yung maid ni Sir North saka EA,” pagpapakilala ko sa kanya.

            Tumango naman siya. “Well, I’m his mother. Alexandra Crystal Anderson,” aniya at inabot ang kamay niya sa’kin. Tiningnan ko ‘yon. Nagpunas ako ng kamay sa may pants ko at nakipagkamay sa kanya.

            “Ma’am, Sorry po hindi ko kayo nakilala,” ani ko.

            Ngumiti siya sa’kin. “No, okay lang ‘yon. Halika pasok ka na.” Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Pumasok naman ako, ako na rin ang nagsarado ng pinto. Sumunod ako sa Ginang na nagpunta sa sala.

            “Nasaan po si Sir?” tanong ko.

            Umupo ito sa sofa bago tumingin sa’kin. “Umalis, inutusan ko silang magkapatid na namili ng grocery. Don’t worry, mayamaya lang ay nandito na sila,” aniya.

            Napatango ako sa sinabi nito. Inilibot ko ang buong tingin ko sa lugar. Medyo madumi, baka mamaya ay maglinis na ako.

            “Ilang taon ka na, Camilla? Tama ‘di ba?” tanong niya.

            Bumalik ang tingin ko sa Ginang, “Opo, ahm… twenty-seven na po ako.”

            Nanlaki ang mga mata niya. “Twenty-seven?” hindi makapaniwalang tanong niya sa’kin.

            “Opo. Nahinto po kasi ako ng pag-aaral kaya po nahuli ako,” ani ko.

            Tumango siya. “Mas matanda ka pala sa mga anak ko. Pero hindi bale, okay lang ‘yon. Umupo ka, baka mamaya mangalay ka diyan.” Ngumiti siya sa’kin.

            Tumango ako sa kanya at umupo sa isahang sofa. Nilibot ko ang tingin ko sa sala, naiilang ako kay Mrs. Anderson, ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa’kin. Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya.

            “May boyfriend ka na ba, Camilla?” tanong niya bigla.

            “Nako, wala pa po. hindi pa po pumapasok sa isip ko ‘yan Mrs. Anderson,” ani ko.

            Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at ngumiti sa’kin. “Mabuti naman, hija… ‘yung anak ko ba gwapo?” biglang tanong niya.

            Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa tanong ni Mrs. Anderson, “Ano po…. opo. Ang gaganda naman po kasi ng genes ninyo ng asawa niyo,” ani ko.

     “Hija, wag mo sanang masamain ha. Pero may gusto ka ba sa anak ko?” tanong niya.

     Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Nako! Wala po, ma’am!” tanggi ko.

     Magsasakita pa sana siya ng marinig naming nagbukas ang pinto. Tumingin kami sa gawi ng pinto at hinintay na makapasok kung sino mang dumating. Nanlaki ang mga mata ni North ng makita akong kasama ang Mama niya. Mabilis itong lumapit sa’kin.

     “Kanina ka pa? Why didn’t you call me na nandito ka na pala,” aniya at binaba ang mga paper bags sa mesa. Tumayo ako.

     “Nako, Sir. Sumuko na po kasi ‘yung cellphone ko. Ipapagawa ko pa, saka kadarating ko palang din naman.”

     Huminga ito ng malalim at tumingin sa liko kung nasaan ang babaeng blonde. Mukhang siya ‘yung kakambal ni Sir, ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din naman ito at tumango. Lumapit siya sa kapatid niya at kinuha ang mga binabang paper bag.

     “Hi, I’m Aura, his twin sister. Nice to meet you sister-in-law,” aniya at tumalikod na.

     Manula ang pisnge ko adahil sa tinawag niya sa’kin. Sister-in-law? Kelan pa?

     “Ma, hindi po ba kayo uuwi? Papa might be looking for you,” ani Sir at kinuha ang bag ko. “I will show you your room,” dagdag pa niya. Tumalikod siya at nauna. Humarap ako kay Mrs. Anderson at tumango bago sumunod sa Boss ko.

     Pumasok kami sa kwarto kung saan siya kumuha ng mga damit na ipinahiram sa’kin noong nakaraan. Lumapit ako sa kanya.

     “Wala ng gamit sa closet so you can use it, and malinis na din ‘yung banyo and may mga gamit na do’ng pwedeng gamitin,” aniya’t hinarap ako. Tumingin siya sa mga mata ko. “Bakit hindi ka sumasagot kahapon sa mga tawag ko? Miski ang mga tauhan ko ay hindi mo daw pinagbuksan ng pinto. Pupunta na sana ako but I have an important meeting with someone.”

     Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Ano kasi—nasobra ako sa tulog kahapon. Gabi na rin ako nagising kaya naman hindi ko sila napagbuksan, pero kinuha ko ‘yung mga pinadala mong pagkain. Salamat nga pala do’n.” Nakangiting turan ko.

He smiled at me at hinawakan ang pisnge ko. Malamlam ang mata niya ng tingnan niya ako. “I’m afraid that something bad happened to you yesterday. Don’t do that again, hmm?”

     Napalunok naman ako at tiningnan lang siya sa mata. ‘Yung mga asul niyang mata! Gano’n ba talaga ‘yon? Nakakalunod. Nakaka-hypnotize.

     “S-sorry talaga, Sir,” ani ko.

     Kumunot ang noo niya. “Sir? I thought you’ll start calling me by my name.”

     Kinamot ko ang ulo ko at medyo lumayo dito para makawala sa pagkakahawak niya sa pisnge ko. “Nakakahiya kas—”

     “Tsk! Bakit ka mahihiya?! I want you to call me in my name! Not sir! Not boss!” mariin niyang sabi sa’kin.

     Napatango ako dahil basang basa sa mukha niya ang inis. “Oo na, Aris,” ani ko.

     Umiling siya. “I don’t like Aris,” aniya.

     Kumunot ang noo ko, “Pangalan niyo mo ‘yon, ‘di ba? Lahat ng tao sa paligid mo Ari sang tawag sa’yo,” ani ko.

     “You’re different. Call me North. I want you to call me North,” bossy niyang sabi.

     “Ako naman po ang tatawag sa inyo, bakit kaylangan North pa? Baka sabihin nila masyado akong feeling close at ‘yun pa ang pantatawag ko sa’yo. Aris na lang?” pamimilit ko.

     “Nope, I want it North. I don’t know why but it always sounds sweet when it come from you. I don’t usually like calling me in my first name but…. You’re different. I want you calling me North, can you, baby?” tanong niya.

     Hindi ko na namalayang magkalapit na naman ang mga mukha naming dalawa. Napalunok na naman ako. Manunuyo ata ang laway ko nito dahil sa pagtawag niya sa’kin ng ‘baby’.

     “O-Okay… North. A-ano… labas na tayo, baka mamaya kung ano ng isipin nila,” mahin kong sabi habang naka-iwas ng tingin dito.

     Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko bago lumayo. “Okay, you can rest here first. Ako na lang ang mag-aasikaso kila Mama,” aniya at lumabas na ng kwarto.

 Nakahinga ako ng maluwag ng wala na si North sa loob ng kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. “Nako! Nako! Nako! Camilla, lagot kang bata ka! Huwag kang papadala! Wag! Ikaw lang ang masasaktan, sige ka. Hindi ka bagay sa kanya,” ani ko sa sarili ko.

     Dumilat ako at huminga ng malalim. “Arghhh!” ginulo ko ang buhok ko at muling pumikit ng mariin. Hindi ko alam na nadadala na pala ako ng antok.

     NAPANGITI ako ng makalabas ako ng kwartong uukupahan ni Camilla. Natigilan lang ako ng makitang nakatingin sa’kin si Mama, tumaas ang kilay ko.

“What?” natatawang tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Inakbayan ko siya papuntang kusina.

“Bakit ang tagal mo sa loob? Anong ginawa niyo do’n?” tanong nito na may halong pang-aasar.

Binitawan ko siya ng nasa kusina na kami. Lumapit ako sa may ref at kumuha ng malamig na tubig. Tumingin ako sa kanya.

“Wala. We just talk,” sagot ko at nagsalin ng tubig sa baso.

            “Weh? Totoo ba?” tanong naman ni Aura na tumabi kay Mama, napailing ako sa kanilang dalawa. Mukhang pagtutulungan nila ako.

            “I won't force you if you don't want to believe, but can you leave? I need to finish something.  I cant accommodate the two of you besides Camilla is resting.”

            Malisyosang lumapit sa’kin ang kakambal ko. “Need to finish something? Ano ‘yon? Can we know?”

            Pinitik ko siya sa noo na kinainis niya. “Tsk! Ano ka? Gray the second?” tanong ko at humarap kay Mama, “Ma, I need to finish something. Dadalhin pa kasi to sa Singapore kaya medyo rush siya,” ani ko.

            Nakaka-unawang tumango siya sat nilapitan ako. Hinalikan niya ako sa pisnge.

            “I understand, son. Wag kang magpaka-pagod ka. Bring her to our house when you have time. I like talking with her.” Tumalikod na si Mama paalis ng kusina. Binalingan ko si Aura na masama ang tingin sa’kin.

            “Don’t do anything stupid, Aris, ha!” banta niya.

            I smirked at her. “I won’t promise anything. Now go!” pagtataboy ko sa kanya.

            Inirapan niya ako at tumalikod na paalis. Umupo naman ako sa may upuan, ibinaba ko ang baso ng tubig. Tumingin ako sa may pinto ng kusina at napagpasyahang magtungko sa sala. Umupo ako sa couch at binuhay ang TV gamit ang remote control.

           

            TUMINGIN ako sa may bintana para lang makita ang madilim na kalangitan. Pinatay ko ang TV at tumayo. Kumatok ako sa kwarto ni Camilla pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pintuan at sumilip. Nakita ko siyang nakahiga sa kama habang malalim ang tulog. Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya. Tumayo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya.

            Totoo, napaka-ganda niyang babae. May katawan na hinahangad ng iba. Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, may mapupulang labi na kahit hindi gamitan ng kahit anong kolorete. Mayroon rin siyang hugis pusong mukha. Hinaplos ko ang pisnge niya. Kusa akong tumigil ng mapansin kong gumigising na ito. Tumayo ako ng maayos at medyo lumayo.

            Napabalikwas siya ng bangon ng makita akong nasa loob ng kwarto. “A, North, kanina ka pa diyan?” tanong niya.

            Umiling ako. “Hindi naman, gigising lang sana kita kasi madilim na,” ani ko.

            Napatango siya at tumayo. “Anong gusto mong ulamin, North?” tanong niya.

            What I said earlier is true. For the first time, I wanted to be called by my first name. It's just as good to hear when she mentions it.

            “Ikaw na ang bahala, I don’t have any specific food in my mind right now,” ani ko. Tumalikod na ako at lumakad palabas. Sumunod naman ito sa’kin. Nasa kusina kami at pinapanood ko lang siya habang nagbubuklat sa loob ng ref ko.

            Sumandal ako sa lamesa at nag-cross arm. Humarap siya sa’kin at ipinakita ang baka.

            “Gusto mo ba mag-nilaga tayo ngayong gabi? Para mainitan ang sikmura mo?” aniya.

            Tumango ako. ngumiti siya at inilabas ‘yon. Lumapit ito sa lababo at binabad sa tubig ang karne, lumapit ulit siya sa ref at kinuha pa ang mga gulay.

            Tumabi ako sa kanya nang naghihiwa na siya.

            “I want to help you,” ani ko.

            Tumingin siya sa’kin. “Hindi na, North. Sa loob ka na lang at hintayin mong tawagin kita,” utos niya.

            Umiling ako. “Papanuorin na lang kita,” sabi ko at pinatong ang baba ko sa kamay ko.

            “Nakakailang,” mahina niyang sabi sabay yuko.

            Ngumisi ako. “Bakit ka naman maiilang? Maganda ka naman talaga kaya madaming tumitingin sa’yo,” ani ko.

            Sinalubong niya ang mga tingin ko. “Hindi naman ako maganda, wag kang bolero,” medyo may bahid na inis na sabi niya. Nag-umpisa na ulit siyang mag-hiwa.

            “Hindi ako bolero, nagsasabi ako ng totoo. Maganda ka talaga,” turan ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status