Share

Chapter Eight

CHAPTER EIGHT

            MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat.

            Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa.

            Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at gumaan ang loob ko ng makitang si North ‘yon.

            Humigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang sinasabing magiging okay lang ang lahat. Nandito lang ako at hindi kita iiwan. Hanggang sa matapos ang libing ay hindi siya umalis sa tabi ko. Nakahawak lang siya sa kamay ko. Iilan na lang kami dito. Nagsi-uwian na ‘yung ibang nakipag-libing.

            “Cam, halika na. Umuwi na tayo.” Marahang yaya sa’kin ni Lyn, tiningnan ko siya.

            “Mauna na kayo, Lyn. Mamaya na ako.” walang buhay kong sagot.

            Nauunawaan naman ni Lyn na gusto kong mapag-isa kaya tumango siya at niyakap ako. Sumunod na ‘to kina Tatay. Narinig ko pa ang pagtanong ni Tatay Berto kung bakit hindi pa ako uuwi pero sinagot lang ni Lyn na hayaan na muna ako.

            Binasa ko ang nakasulat sa lapida.

            Guada E. Salazar

            Born: November 10, ****

            Died: March 08, 2020

            In Loving Memories

           

            “T-tita... mami-miss kita. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako ‘di ba? Nakakatampo ka, hindi mo sinabi na may nararamdaman ka na pala. Sana naipagamot kita. Sana naagapan ka pa at humaba pa ang buhay mo. Sana magkasama tayong nagc-celebrate sa graduation ko. Sana ay…. Sana ay nandito ka pa.” hinaplos ko ang lapida niya. “Alam kong magkasama na kayo ni Tatay, diyan. Paki sabi na lang sa kanya na mahal ko po siya. Huwag kang mag-aalala, Tita, hindi ka na mahihirapan diyan. Hindi mo na kaylangan maglaba ng maglaba.” Nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko ay tumingala ako.

            Napatingin ako sa paa na tumabi sa’kin. Sumunod ay nagsalita na si Sir.

            “Still not going home?” malambing niyang tanong.

            Umiling ako. “Mamaya na po siguro.”

             Tumabi siya ng upo sa’kin at nagtama ang mga mata. “Do you need someone to talk to? I’m here, I’m all ears about what you’re feeling right now.”

            Ilang minuto akong nakatingin sa kanya bago hinayaang bumagsak ang mga luha ko.

            “Masakit… h-hindi ko matanggap na ako na lang mag-isa. Hindi ko matanggap na wala na si Tita. Hindi ko pa rin matanggap na iniwan na nila akong lahat…. Wala na ‘yung tatay ko… tapos wala na rin si Tita.” umiiyak ako na para bang bata.

            “H-hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya, North. Hindi ko pa nasusuklian lahat ng ginawa niya para sa’kin. B-bakit siya pa kasi ‘yung nawala?! Napakadaming masasamang tao sa mundo! Bakit kung sino pang mabuti siya pang nawawala?” nag-crack ang boses ko ng sabihin ko ‘yon.

            Ngumiti siya ng malungkot sa’kin at pinunasan ang luha ko sabay salo sa pisnge ko.

            “Maybe… her mission is completed that why she left…” mahinang sabi niya saka tiningnan ang lapida ni Tita bago tumingin sa’kin. “God already know you can stand without her, your Aunt can now have her peace. And Camilla, you’re not alone. There’s your friend and her family for you. I’m here for you. Always, Camilla. Always.”

            Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko siya at nagsiksik sa leeg niya. Hinayaan ko lang lumabas ang mga luha sa mata ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong mailabas lahat ng sakit. Napatigil ako ng maalala ang isang bagay…

            “Mawawala ka rin pag natapos na yung training namin… hanggang do’n lang ‘yung contract ko ‘di ba?” Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. Kulay kahel na ang langit, malapit ng lamunin ng dilim ang langit.

            Seryoso siyang tumingin sa’kin. “Do you want to work for me as my EA? I know Aunt Jess, says that she’s just temporary there… you can take her position after you graduate.”

            Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Seryoso ka?” ‘di makapaniwalang tanong ko.

            Tumango siya. “Yap. Dead serious, Camilla. You can start to work again when you’re ready. I know this is not easy for you.”

            Tumayo ako habang nakatingin pa rin sa lapida ni Tita. “Bukas o sa makalawa ay babalik na ako sa trabaho…”

            “Then it’s settled,” aniya at tumayo. “I will call someone to help you for your things para hindi ka na mahirapan sa susunod.” Ngumiti si Hunter sa’kin.

            Napakamot ako sa ulo ko. “Kaylangan pa po ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.

            “Yes. Saturday bukas, sakto. You can pack your things, hapon dadating ang mga tauhan ko. Sunday you can start again. Para na rin sa safety mo ‘to Camilla, delikado ka na do’n dahil wala kang kasama,” nag-aalalang turan niya.

            Napailing ako. Hindi pwedeng umalis na lang ako basta do’n… Ang mga tsismosa naming kapit-bahay. Baka mamaya may kung ano na naman silang masabi sa’kin kung aalis ako kaagad.

            “Why? Having second thoughts?” malamig na tanong ni North.

            Nag-aalangan akong tumingin sa kanya saka tumango. “Opo.”

            “Why?”

            “Kasi naman kakalibing lang ni Tita. Ano na lang sasabihin nila sa’kin kung makikita nila akong  basta na lang aali—”

            “Hindi ka naman aalis do’n, pwede kang umuwi kung gusto mo. Patirahin mo ‘yung kaybigan mo sa inyo kung nag-aalala ka sa mga gamit niyo. I will not accept no for an answer. It’s either yes or yes,” final na sabi niya.

            Napabuntong hininga ako. Ilang sandali pa ay tumango ako bilang pag-sang-ayon.

            “Okay. Sunday I will start working again,” I said.

            I saw a glimpse of something in his eyes. Happiness? His smile makes me nervous as fuck right now. Am I fuck up?

             Naglahad siya ng kamay sa harap ko. “C’mon… let’s go. It’s getting dark,” yaya niya sa’kin.

            Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nag-angat ako ng makarinig ng tikhim, si North ‘yon na naghihintay sa susunod kong gagawin. I bit my lips and I held his hand. He smirked then intertwined our fingers. My hand… suits for his. Parang ginawa talaga para sa isa’t isa.

            Naglakad kami papunta sa kotse niya, nang makarating kami do’n ay binuksan niya ang passenger seat para sa’kin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago sumakay sa kotse. Si North na rin ang nagsara ng pinto at sumakay sa driver seat. Ngumiti siya sa’kin bago pinaalis ang kotse do’n.

            MEDYO madilim na ng makarating kami samin. Huminto si North sa gilid ng daan. Tiningnan ko ang eskinita papunta sa bahay. Bigla akong nakaramdam ng kahungkagan. Tumingin ako kay North.

            “Salamat sa paghatid, North.”

            He smiled at me. “You’re welcome, tomottow afternoon my men will pick up your things,” paalala pa niya na tinanguan ko lang. Binuksan ko ang pinto at sumilip do’n bago isara.

            “Keep safe. Ingat sa pagd-drive.” Sinarado ko ang pinto at naglakad na pauwi.

            Malapit na ako sa bahay ng makitang bukas ang mga ilaw pati na ang binatana’t pinto. Mabilis akong naglakad para lang mabungaran sina Arlene na nag-wawalis. Kumatok ako sa pinto para makuha ang atensyon niya. Lumingon si Lyn saka ako nginitian.

            “Andiyan ka na pala. Gusto mong kumain?” tanong niya at tinigil ang pagwawalis sabay lapit sa’kin.

            Umiling ako sa kanya at hinila siya paupo sa set namin. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Wala na ang mga kalat. Malinis na. Tumingin ako kay Arlene saka siya nginitian ng maliit.

            “Salamat sa paglilinis ha, pero sana’y nagpahinga ka na lang,” ani ko.

            Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Bess, hindi ako ang naglinis ng bahay mo. Nung dumating kami kanina ay may mga tauhan na si Sir North dito, ang sabi ay pinapunta sila para maglinis. Ang haba ng hair mo do’n gurl! May naghahanap para maglinis!” kinikilig na aniya.

            Natigilan ako. nagpapunta si North ng maglilinis? Hindi niya—

            “T-talaga?”

            Sunod-sunod ang pagtango niya. “Oo, ‘tong winawalis ko ay yung mga kalat ko dahil nagkakain ako ng chi-chirya diyan.” Sagot niya saka tumayo. Hinarap niya ako. “Magpahinga ka na. Wala kang tulong simula nung unang araw nung burol.”

            “Aalis ako,” walang lakas kong sabi pero alam kong nakarating sa pandinig niya ‘yon.

            Nilingon ako ni Lyn, kunot ang noo niya. “Saan ka pupunta, Bess? Kakauwi mo lang.” may halo pang biro ang sabi niya.

            Inirapan ko siya. “Baliw! Iba ang ibig kong sabihin, gaga! Aalis ako dito sa bahay, kay Sir North na muna ako titira.” Pagpapaliwanag ko.

            Nanlaki ang mata niya at sumilay ang mapang-asar na ngiti. “Bess?! Magl-lived-in na kayo?!” kunwaring gulat na gulat niyang tanong.

            Akma ko siyang sisipain ng lumayo siya sa’kin. “Mas lalong hindi! Toyo ka!” naiinis kong sagot sa kanya. Ngumuso naman siya saka nag-peace sa’kin.

            “Mapanaket ka ha!” akusan niya.

            “E paano kasi gaga ka! Kung ano-ano pinagsasabi mo!”

            “Tss… eh ano ba kasi gurl? Titira ka kasi sa kanya ‘di ba? And may sexual tension sa pagitan niyo.”

            Huminga ako ng malalim. “OJT kasi tayo ‘di ba? Tapos maid pa niya ako tuwing weekends, kaya ang plano para hindi masyadong hassle. Do’n na lang ako titira sa kanya pansamantala.”

            “Ay so magba-bahay-bahayan kayo? Ikaw ‘yung misis siya ‘yung mister? Aba, edi magaling! Sanaol!” aniya sa mapanuksong tono.

            Pinandilatan ko siya. “Alam mo…. Kahit kaylan ka talaga noh! Wala ka talagang pinipiling oras.” Naiinis kong sabi sa kanya. “Napaka-dumi ng utak ha. Agiw-agiw din,” Dagdag ko pa.

            “At least utak lang ang madumi at mukha lang di virgin pero intact pa rin ‘to! Hindi katulad ng iba jan, tatahi-tahimik pero maluwag na pala.” May diin ang huling sinabi niya.

            Napangisi ako sa isip ko. “Judgemental ka talaga hano.”

            Tumaas lang ang kilay niya at may kakaibang ngising naglalaro sa mga labi, “Hindi ako judgemental, bess. Nagd-describe lang ako saka totoo naman ah. Huwag na tayong magkunwari, dito lang sa lugar natin ang daming mapagpanggap na mayaman plus the fact na hindi na pure!”

            “Pure gold?”

            Nandidiring tumingin sa’kin si Lyn. “Corny mo, Bess. Minsan ka na nga lang mag-joke wala pang natawan,” naaasiwang aniya.

            Ngumuso ako. “Wow ah! Napaka-supportive mo talagang kaybigan!” ani ko saka siya inirapan. Nag-make face lang siya sa’kin para mas asarin ako. “Tss. Pero kidding aside, aalis muna ako dito pero babalik pa rin ako.”

            Tumango siya. “Ano, papaupahan mo muna ‘to?” tanong niya.

            Umiling ako. “Hindi, Bess. Hanggang matapos ko lang naman ‘yung training natin ako do’n eh. Babalik din ako dito, pero dadalaw-dalaw ako para matauhan ‘tong bahay.”

            “Okay. Kaylan ba ang alis mo?”

            “Sa linggo pero bukas may pupuntang mga tao dito para kunin ang mga gamit ko.”

            “Wow! Talaga? Yayamanin ang peg! May taga-sundo ng mga gamit!”

            “Ewan ko sa’yo, Arlene! Sumbong pa kita kay Damon na may crush ka sa kanya eh,” pananakot ko.

            Nginisihan lang niya ako saka kinikilig na nagsalita. “Bess! Sasamahan pa kita kay labidabs ko!”

            “Sige, marinig ka ng tatay mo,” pananakot ko.

            Sinimangutan niya ako. “Hmp! Sa susunod talag— pag nakita kami ni labidabs magp-propose na ako ng kasal sa kanya,” kinikilig niyang turan.

            Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi nia. “Itanong mo muna kung gusto ka niyang pakasalan,” nag-aasar kong sabi.

            Matamis niya akong nginitian. “Bess, sinong tatanggi sa’kin? Haler?! Ayaw ba niya sa Wattpader? Alagang C.C ‘toh! Inoxentes! CCbells!” aniya sa proud na tono. Nangangarap siyang tumingala. “Alam mo, bess… parang siya na talaga ‘yung Ymar ng buhay ko. Si Damon ang Ymar ng buhay kooo,” nangangarap niyang sabi.

            Ngumiwi ako. “Bess, kay Ymar lang ba? Ayaw mo ba kay Lysander? Hiking!” pag-sakay ko sa kalokohan niya.

Napatili sa kilig si Arlene, mukhang nai-imagine na naman niya ang mga fictional character na mahal na mahal niya. Addict na kasi sa w*****d si Lyn, hindi mo talaga maalis sa pagbabasa ‘yan.

            “Kyaahhh! Hiking?! Tas wheel chair kinabukasan!” tumawa pa siya ng malakas pagkasabi no’n.

            Tumayo ako. “Ewan ko sa’yo! Maliligo na muna ako bago magpahinga. Nanlalagkit na ako eh,” ani ko.

            Napatigil si Lyn saka umawang ang bibig at tinikom rin ‘to. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

            “Bessy! Hindi yata sa’kin ‘yang Lysander na ‘yan,” mahinang sabi niya.

            Kumunot ang noo ko. “Ha?”

            Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. “Bess, knows mo naman na love kita ‘di ba? Tayo na ang best friend of besties, right? Kaya lang… kayo talaga ni Sir Aris ‘yon eh!” binitawan niya ako at maarteng tinaas ang kamay at kunwaring inalis ang korona sa ulo niya. “Sa’yo kasi… Boss x Secretary/Maid ang labas ninyo” inilagay niya ang kunwaring korona sa ulo ko.

“O y gooooood! Pinapasa ko na sa’yo ang korona!” inilagay pa niya ang kamay sa d****b at animo isang dating reynang nagpapasa ng korona at galak na galak siya.

Inirapan ko siya. “Susko, Arlene! Nilamon ka na ng kaka-w*****d mo!”

            “Bess hindi mo ba kasi napapansin? Parang may gusto sayo si Sir, sa tingin mo ba naman ay pupunta siya sa ganitong lugar dahil lang EA ka niya? bess, ilang taon na silang namimili ng OJT’s at sa pagkaka-alam ko ay ikaw pa lang ang pinuntahan niya. Nag-offer pa sa’yo ng madaming bagay!” pagdidiin niya.

            Napa-isip ako sa mga sinabi niya. Tama. Kakaiba ang mga kilos ni North pero ayoko lang bigyan ng kahulugan. Baka kasi mamaya mali ako. Assuming lang pala ako ganern, tapos masasaktan ako.

            Huminga ako ng malalim.

            “Bess, huwag mo kong bigyan ng ganiyang ideya ha. Baka mamaya ay naga-assume lang tayo. Salamat ulit sa tulong, bess pero magpahinga ka na rin. Alam kong napagod rin kayo. Paki-sabi na lang din kina Tatay na salamat, pati na rin kay Tita.” Hindi naman siguro halatang tinataboy ko na si Lyn sa sinabi ko.

            “Okay, bye!” aniya at niyakap ako. “Lock mo pinto mo, ha.” paalala niya.

            Tumango ako. “Ingat ka rin. Bilisan mo paglalakad ha.” tumalikod siya at umalis na.

            Sinundan ko ng tingin si Lyn hanggang sa makalayo siya. Nang wala na siya sa paningin ko ay sinarado ko ang pinto. Ni-lock ko ‘to at sinarado na rin ang mga bintana sabay lock. Napaupo ako sa set.

            Ang tahimik. Hindi ako sanay ng tahimik ang bahay. Pag kasi ganitong oras ay nasa kusina na si Tita nag-hahanda ng hapunan o di ka naman ay naka-upo dito sa set habang nakikinig ng radio.

            Tapos tatanungin niya kung kumain na ba ako. Kung napagod ba ako sa trabaho ko, kung kumusta ang araw ko. Then papagalitan na niya ako kasi magsusumbong ako kung gaano kahirap sa trabaho namin, sasabihin niyang kaya niya pero ayokong maniwala sa kanya.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng set saka tumingala. I feel so empty. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nandito na naman ‘yung sakit sa d****b ko. Libo-libo yatang karayom ang tumutusok do’n.

            Ilang beses akong huminga ng malalim at lumunok para huwag nang umiyak pero… wala eh. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng maramdamang nag-vibrate ‘to. Sinagot ko ang tawag.

            “Hello?”

            “Hi! This is North. I just want to inform you that I already got home safe.” Aniya.

            Bakit kaylangan mo pang sabihin sa’kin? Hindi naman ako nagtatanong. Please! Don’t give me fucking false hope. Gusto kong sabihin ang mga salitang ‘yon pero natauhan na lang ako ng magsalita ulit si North.

            “Hey? Are you still there?” he asked.

            Umayos ako ng upo, nagsalita ulit si North. Tumikhim ako. “Opo, andito pa ako. Buti naka-uwi ka ng ligtas,” matamlay kong ani.

            Narinig ko ang matalim nitong paghinga sa kabilang linya. “Are you busy? I will drop the call.” Malamig niyang sabi.

            “HA?! Wala akong ginagawa. Pagod lang siguro ako…” ani ko, ilang sandali pa ay nagsalita ulit ako. “I-Ikaw… anong ginagawa mo?” hindi ko alam pero… kaya akong pakalmahin ng boses niya.

            Parang nakikita ko ang pag-ngisi ni North sa kabilang linya.

            “Okay… I thought you’re busy. Well, I’m starting to undress and clean so I can go to bed. You?”

            Napahawak ako sa labi ko ng wala sa panahon. “Ahm… nandito sa sala… N-nagpapahinga. Maya-maya maliligo na ako tapos tulog.”

            “Hm… okay. Eat your dinner. I heard since your Aunt died you haven’t eat right,” nag-aalalang sabi niya.

            “Okay lang, sanay naman na akong ‘di kumakain ng hapunan.”

            “Tsk! You will get sick sa pinaggagawa mo, Camilla. Do you want die early?” galit na tanong niya.

            Humaba ang nguso ko. Bipolar ba ang isang ‘to? Kanina ay mabait, ngayon naman galit. Napairap ako sa hangin. Mga lalaki nga naman.

            “Hindi naman sa gano’n kaya lang ay wala akong gana. Sanay na rin naman ako eh,” pagdadahilan ko sa kanya.

            “You don’t have you get used to it. Tsk! I will send my staff there early as I can, I will send you breakfast.”

            Umikot ang mga mata ko. “Ikaw nga hindi kumakain ng breakfast ‘di ba?”

            “I’m a different case.”

            “Saan banda ang different do’n?”

            “Tsk. I’ll end this call. Sleep now. I will call again tomorrow. Goodnight!” aniya saka nawala sa kabilang linya. Napailinga ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinigil ang kung anong gusto kong maramdaman.

            “Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit ako ngumingiti ng mag-isa? Wala naman akong jowa!” naiinis kong sita sa sarili. Tumayo ako at pinatay ang ilaw sa sala. Pumanik ako sa kwarto ko. humiga ako sa kama at nakatitig lang sa bubong namin.

            Hinawakan ko ang didib ko. “Hoy, huwag ka namang mahulog sa kanya! Wag na wag! Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya dahil hindi kayo bagay,” dagdag ko pa, pumikit ako.

            NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa ibaba. Kumunot ang noo ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko. Madilim pa. Sinong walangya ang mambubulahaw sa ganitong oras? Naiinis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at binuksan ang pinto. Pupungas-pungas akong napatingin kay Arlene.

            “Gago! Ang aga pa!” naiinis kong sabi sa kanya at iniwang bukas ang pinto. Lumakad ako papunta sa set at humiga do’n. Pumikit ako at balak bumalik sa pagtulog.

            “Gaga! Anong maaga pinagsasabi mo! Sabihin mo gabi na ulit!” ani Lyn.

            Tumingin ako sa kanya. “Gabi?” ‘di makapaniwalang tanong ko.

            Tumango siya. “Hala? Don’t tell me na tulog ka buong araw? Kanina pa may pabalik-balik na mga lalaki dito kanina, panay ang katok. Kakaloka ka!”

            Nagising naman ako dahil sa sinabi niya. Napa-upo ako. “Seryoso ka, Bess? Bakit hindi mo man lang ako ginising?! Diyos ko! Nakakahiya kay North!” nag-aalalang sabi ko.

            “Bess, halos gibain na namin ang pinto mo kanina pero wala. ‘Di ka man lang magising. Pinauwi ko na lang ang mga boylet jan dahil tulog mantika ka kako, hindi ka basta-basta magigising. Tinatawagan ka rin namin pero di ka sumasagot. Lobatt ka ba?” mahabang sabi niya.

            Napahawak ako sa noo ko. “Tanga! Ang tanga-tanga ko!” sinabunutan ko ang sarili at yumuko.

            “Matagal na, bess, ngayon mo lang na-realize?” pambabara niya sa’kin.

            Tiningnan ko siya ng masama at inirapan. Nagpatuloy si Lyn sa kusina. “Kumain ka na Bess. Alam kong tomjones ka na. Nasabi ko na rin kina Papa na alais ka.”

            Lumapit ako kay Lyn. “Anong sabi nila?” tanong ko at kinuha ang platong ibinibigay nito sa’kin. Nagbaba siya ng madaming paper bags sa mesa.

            “Ayun, sila Paps saka Tatay Andres nalulungkot. Si Mams naman, kung ano-ano lang sinasabi as usual.” Tamad na sabi niya.

            Naghila ako ng upuan at umupo do’n. Tumabi sa’kin si lyn.

            “Hindi ako nagluto niyan ha. Baka mapagkamalan mo na naman ako. Dala ‘yan nung mga black and men kanina kinuha ko lang kasi para sa’yo daw ‘yan.”

            Napatango ako at binuksan ang isang paper bag. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Madaming pagkain. Halos lahat pang-mayaman for sure.

            “Yan ba ‘yung walang gusto, Bess? Tingnan mo nga. Papatabain ka ata sa dami,” puna ni Lyn.

            Kinuha ko ang iba at inabot kay Lyn. “Bess, i-uwi mo na ‘tong iba. Hindi ko rin mauubos ‘to sa dami.”

            Tumaas ang kilay niya. “Aber, bakit?

            “Wala akong gana.” Matamlay kong sabi saka malungkot na tiningnan ang pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status