Share

The Heartless CEO (Tagalog Version)
The Heartless CEO (Tagalog Version)
Author: Yeiron Jee

Chapter 1: Kabaitan ng kaibigan

"KAILANGAN ko ba talagang magsuot ng ganito?" reklamo ni Nicole kay Danica habang sinusuri ang sariling reflection sa malaking salamin na nasa harapan nila.

Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Danica habang tumatango sa matalik na kaibigan. " You look perfect!" nangni-ningning ang mga matang puri niya dito.

Napalabi si Nicole at hindi pa rin satisfied sa suot niya ngayon. Halos lumuwa na ang malulusog niyang dibdib dahil sa lalim ng ukab ng suot niyang dress. Bukod sa mahaba rin ang slit sa gilid niyon na nagpapalabas sa makinis at mahaba niyang hita sa bawat hakbang ng mga paa, hapit na hapit din iyon sa kaniyang katawan. 

"Oh c'mon! Dapat ka nang masanay magsuot ng ganiyang damit. Alalahanin mo, nagta-trabaho ka na sa isang malaking kompanya. Asahan mo na magkaroon ng gathering na katulad ng pupuntahan natin." 

May punto si Danica, hindi niya rin ito mapaghindian ngayon dahil malaki ang utang na loob niya dito. Ito ang tumulong sa kaniya upang makapasok sa isang tanyag na kompanya. Hindi niya rin alam kung paano nakilala ng kaibigan ang CEO ng naturang kompanya. At magpa-hanggang ngayon ay pinangingilagan niyang makasalubong ang mga mata ng lalaki na matalim kung maningin. 

Buong buhay niya ay ngayon lang siya napuri ng ina nang malaman na nakapasok siya bilang assistant ng isang manager sa kompanya. Ayaw ng kaibigan na may makakaalam na iba na ito ang tumulong sa kaniya kahit ang kaniyang ina. Alam ng kaibigan kung ano ang trato sa kaniya ng sariling ina. 

Ambisyosa ang kaibigan at hanga siya sa husay nito upang makamit ang gusto nito sa buhay. Maging ang mga magulang niya ay humahanga sa galing nito. Madalas ay ikumpara pa siya dito at minamaliit siya ng sariling ina. Pero ni minsan ay hindi siya naiingit sa kaibigan. Sa halip ay sinusuportahan niya ito upang madali nitong maabot ang gusto nito sa buhay. 

Kung katayuan lang sa buhay ang pag-uusapan ay mas angat ang pamilya niya kay Danica. Inaanak ito ng kaniyang ina kaya halos sa kanila na rin ito tumira at naging paborito ng ina. Nang maka graduate sila sa kolehiyo ay nagkalayo sila ng landas ng ilang taon. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta at kung ano ang ginawa nito. At ngayon nga ay nobya na ito ng isang masungit na CEO ng kompanya. 

Sa edad niyang twenty two ay hindi pa niya naranasang makipag relasyon. Hindi siya pihikan ngunit wala siyang nagugustohan sa mga nagdaang nanligaw sa kaniya. Kaedaran niya lang din si Danica at sa pagkakaalam niya ay bente otso na ang nobyo nito. Maagang naulila umano ang lalaki kasama ang kapatid na babae kaya bata palang ay nahasa na sa pagpatakbo ng sariling kompanya ng mga ito.

"Pero kailangan ba talagang ganito ka sexy ang damit? Alam mo namang hindi ako sanay at komportable magsuot ng ganito." Patuloy na reklamo ni Nicole sa kaibigan. 

Sasamahan niya lamang si Danica na dumalo sa isang grand opening ng hotel ng nobyo nito sa Makati. Pero sa hitsura niya ngayon ay ang kaibigan ang nagmukhang alalay sa kanilang dalawa.

"Ano ka ba! Wala ka bang tiwala sa pagiging fashionista ko?" nilangkapan ni Danica ng tonong nagtatampo ang kaniyang boses. 

"That is not what I mean, Danica. Look at your self compare to me," itinuro ni Nicole ang mga sarili nila sa harap ng salamin upang makita nito ang kaniyang pinupunto.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Danica habang pinagmamasdan ang mga sarili sa salamin. Hindi naman siya bulag para hindi makita ang mali sa ayos nilang dalawa ngayon. Pero kasama iyon sa kaniyang plano at ayos lang kung hindi siya mukhang nakakaangat ngayong gabi sa mata ng lahat.

"Do I look ugly?" 

"No!" mabilis na sagot ni Nicole sa kaibigan dahil mukhang na offend ito. Alam niyang ayaw nitong pinupuna ang hitsura nito dahil kahit ano ang isusuot nito ay bagay dito at maganda pa rin tignan.

"Then, there's no problem!" Ngumiti siya kay Nicole at muling inayos ang buhok nitong nakalugay. Siya rin ang nag-ayos niyon at kinulot ang dulo upang magmukhang sopistikada ang kaibigan.

Hindi na lamang nakipag-argumento pa sa kaibigan si Nicole. Magkasama silang umalis gamit ang kotse nito. Dahil first time niya rin dumalo sa ganoong kagarbong okasyon ay takot siyang mapawalay sa tabi ng kaibigan. 

"Danica, bakit mo siya isinama dito?" pabulong na sita ni Rita sa kaibigan nang makalipit dito. 

Ngumiti si Danica sa kapatid ni Steven. Ito ang dahilan kung bakit napalapit siya sa binata at lantaran ang pagkadisgusto nito sa kaibigan niyang si Nicole nang ipakilala niya noon.

Nakarating pa rin sa pandinig ni Nicole ang hindi magandang puna ni Rita sa kaniyang ayos. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw niya ang ayos niya kanina pa. Nagmukha siyang kontrabida na gustong sapawan ang kaibigan ngayon. Hindi niya alam kung bakit sa una palang pagkita nila ni Rita ay ayaw na nito sa kaniya.

"Ahm, Nicole, excuse us muna."

Nakangiting tumango siya kay Danica at nagkunwaring walang narinig mula kay Rita. Nang magsalubong ang tingin nila ni Rita ay inirapan siya nito matapos suyurin ng tingin ang kaniyang kabuuan.

"Bakit hinayaan mong masapawan ka ng ipokritang babae na iyon?" galit na sita ni Rita kay Danica nang makalayo na sila kay Nicole.

"Rita, please! Alam mo naman kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa pamilya niya 'di ba? Ayaw kong magtampo siya sa akin kaya pinagbibigyan ko ang kagustohan niya." Malungkot niyang pakiusap sa kaibigan at malapit na ring maging hipag.

Napabuntonghininga si Rita bago niyakap ang kaibigan. Ayaw niya itong nakikitang malungkot kaya siya ang unang nakakaaway ng kapatid kapag nalaman na nagkaroon ng misunderstanding ang relasyon ng mga ito. Sobra siyang natuwa nang matagpuan ito makalipas ang maraming taon. Bumabawi siya dito at dahil mahal na mahal siya ng kaniyang kapatid, lahat ng hiling niya ay ibinibigay din nito.

"Ayaw kong mapapadikit siya sa aking kapatid. Halatang gusto niyang maakit si kuya kaya siya nag-ayos ng ganiyan." Bilin niya kay Danica bago ito bumalik sa pwesto ng kaibigan na itinuturing nitong kapatid na rin. 

Humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Danica nang tumalikod na ang kaibigan. Mabilis siyang bumalik sa pwesto ni Nicole at inakay ito palapit kay Steven.

"Honey, congratulations!" Hinalikan niya sa labi ang binata pagkalingon nito sa kaniya. Ramdam niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya. Alam niyang pananamantala ang kaniyang ginawa. Nobyo niya ito pero hindi ito showy in public about sa relasyon nila. 

"Ang swerte mo talaga sa nobya mo, Mr. Scout." Puri ng isang ginoong businessman na kausap ni Steven.

Parang walang narinig si Steven at walang reaction sa kumento ng kasosyo. Seryuso ang mukha na humarap sa nobya upang hindi ito mapahiya sa mga nakakita. Agad natuon ang kaniyang mga mata sa kasama nito na halos ibalandra ang kaluluwa dahil sa suot nito.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Nicole kay Steven nang makasalubong ang matiim nitong mga titig. Nakaramdam siya ng hiya dahil banaag sa mga mata nito na hindi ito natuwa sa hitsura niya ngayon.

"Honey, natatandaan mo pa ba ang kaibigan ko? Siya si Nicole at nasa kompanya..." 

"I know." Plat ang tono na putol ni Steven sa iba pang nais sabihin ni Danica. 

Halos ito na ang bukam-bibig nito kapag kausap ang kapatid niya at kaharap din siya. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong palaparin ang papel ng kaibigan nito sa kaniyang kapatid. Nang makiusap ito kay Rita na ipasok sa kanilang kompanya ay doon niya naunawaan ang matibo sa ginagawa nito. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang huli. Ang pagkakatanda pa niya ay request ng babae kay Danica na ilagay ito sa mataas na position. Pero kalabisan na iyon at hindi siya pumayag. Ang tingin niya dito ay isang ambisyosa at attention seeker tulad ngayon.

Hindi na humiwalay si Danica sa tabi ng nobyo nito kahit may kausap itong mga kilalang tao sa lipunan. Mayroong mga politiko at mga negosyante. At dahil kailangan din ng suporta ng kaibigan ay kailangan ni Nicole na manatili sa tabi nito. Siya ang nakakausap ng kaibigan kapag wala ang atensyon dito ng nobyo nito. 

Hindi maiwasan ni Nicole ang mapatitig sa mukha ni Steven habang nakipag-usap ito kay Danica. Kahit naka side view lang ito ay nangingibabaw pa rin ang kakisigan nito sa lahat ng naroon. Ang pointed nose nitong bumagay sa mapangang muka ay nakakahalinang pagmasdan. Dumagdag pa ang mga labi na normal ang pagkapula at ang makakapal na kilay na bumagay rin sa medyo singit nitong mga mata.

Napakurap ng mga mata si Nicole nang mapansin na may nagmamasid sa kaniya. Hindi nagtagal ay tumabi sa kinatayuan niya si Rita. 

"Off limit na ang kapatid ko kaya huwag mo na siyang pangarapin pa." 

Nakakunot ang noo ni Nicole na napalingon sa nagsalita. Hindi niya nagustohan ang tabas ng dila nito. Oo at guwapo si Steven at napahanga siya dito. Pero never pumasok sa isip niya na gustohin ito o naisip na agawan ang kaibigan.

"Alam kong may motibo ka sa pagdikit kay Danica. Binabalaan kita, ako ang makakalaban mo kapag itinuloy mo iyang ambisyon mong makuha ang atensyon ng kapatid ko. Kung si Danica ay hindi nakikita ang tunay mong kulay, ibahin mo ako." Mataray na pagpapatuloy ni Rita sa pagbigay ng babala kay Nicole.

Naikuyom ni Nicole ang isang kamao upang pigilan ang sariling makapagbitaw ng hindi magandang salita kay Rita. Kapatid ito ng boss niya at kaibigan ni Danica kaya nagtimpi siya. Isa pa ay hindi niya ito kaibigan kaya hindi na siya nag-abalang linisin ang sarili sa madumi nitong isipan.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at wala akong matandaan na ginawa sa iyong masama para tratuhin ako ng ganito." Mahinahon niyang sagot kay Rita.

Napaismid si Rita at pinakita sa babae na hindi pa rin magbabago ang tingin niya dito. Sapat na ang nakikita sa hitsura nito ngayon at kung paano nito titigan ang kapatid niya para isipin na isa itong gold digger.

Nang makita ni Danica na kausap ng kaibigan si Rita ay nagmamadali siyang nagpaalam kay Steven upang lapitan ang dalawa.

"May problema ba?" malumanay na tanong ni Danica kay Rita nang mapansin na nakasimangot ito.

Ngumiti si Rita sa kaibigan bago nagsalita. "Wala naman, sinamahan ko lang ang kaibigan mo dito habang abala ka. Kawawa naman kasi at nagmumukha siyang swan dito." Sarkastikong tugon niya kay Danica.

Napasinok si Danica at sinupil ang tawang gustong kumawala sa bibig. Tumikhim siya at apologetic na sinulyapan si Nicole.

Ngumiti si Nicole sa kaibigan para ipakita dito na ayos lang siya. Para dito ay hindi niya papatulan ang panghahamak ni Rita sa kaniyang pagkatao.

"Hello ladies!" bati ni Xander sa tatlo na kanina pa niya napapansin ang nagbubukod tangi na kagandahan sa lahat ng kababaihan na naroon.

"Inirapan ni Rita ang binatang lumapit sa kanila. Matalik na kaibigan ito ng kaniyang kapatid at ang tingin nito sa kaniya ay kababatang kapatid lamang. Sumidhi ang inis na nadarama niya para kay Nicole nang mapansin na humahanga ang tinging ipinukol ni Xander dito.

"Hi, Xander. Siya nga pala ang childhood friend ko, si Nicole." Pagpakilala ni Danica sa binata.

"Hanga na talaga ako sa iyo, Danica. Lahat ng kaibigan mo ay magaganda." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Xander sa dalawang dilag. Pagtingin niya kay Rita ay napangisi siya at inirapan siya nito. 

"Nakakahawa kasi ang kagandahan." Pabirong tugon ni Danica kay Xander.

Nakakahawa ang tawa ni Xander kaya napangiti na rin si Nicole. Palabiro ito at malakas ang sense of humor. Pero pansin niyang lalo lamang naiinis sa kaniya si Rita kapag kinakausap niya ang binata kaya dumistansya na lamang siya. Nagpaalam siya sa mga ito at gumamit ng bathroom.

Matalim ang mga titig na sinundan ng tingin ni Steven ang babaeng lumayo sa kaniyang matalik na kaibigan. Maging ang ibang kalalakihan na nadaanan nito ay napapasunod ang tingin dito. Para bang sinasadya pa nitong e-indayog ang mga balakang habang naglalakad. Mahaba ang suot nitong dress na kulay maroon hanggang sakong sa paa. Pero ang slit naman niyon sa gilid ay halos umabot na sa gitna ng hita nito.

Mabilis na napasandal si Nicole sa nakasarang pinto pagkapasok sa loob ng palikuran. Kanina pa siya naiilang sa mga nakakapasong tingin ng kalalakihan sa kaniyang katawan. May nag-aalok sa kaniya noon na isang fashion designer na maging model nito pero tinangihan niya. Kahit may angkin siyang magandang hubog ng katawan ay hindi niya iyon pinangangalandakan. Gusto niya ngayon magsisi kung bakit pinagbigyan pa ang gusto ni Danica. Pinakaayaw niya sa lahat ay maka attract ng atensyon lalo na ng kalalakihan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Che
ang plastic ng kaibigan mo kuno Nicole sya ang magpapahamak sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status