Share

Chapter 2: Panlilinlang

PAGBALIK ni Nicole sa bulwagan ay abala na ang kaibigan sa pakipag-usap sa iba pang kaibigan nito. Natutuwa siya sa nakikitang achievement ng kaibigan ngayon. Sa dalawang taon nitong pagkawala ay masasabi niyang malaki na ang pinagbago ng katauhan nito. Pero ang ugali nito ay ganoon pa rin na nagustohan niya. Humble at friendly pa rin at hindi nakakalimutan lumingon sa pinanggalingan. 

Inabala ni Nicole ang sarili sa pagmasid sa palagid habang abala ang kaibigan. Naipagpasalamat niya at hindi na siya muli nilapitan ni Xander. Nakita niyang kasama nito si Rita na nakipag-usap din sa ibang bisita ng mga ito.

"Hi, are you alone?" bati ng isang lalaki kay Nicole.

Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nicole at tinanggap ang kamay ng lalaki na gustong makipagkaibigan sa kaniya.

"My name is Ralph, the manager of this hotel." Pakilala ng lalaki sa dalaga.

Bumilog ang maliit na bibig ni Nicole at napahanga siya sa katikasan ng lalaki. "Nicole." Maiksi niyang pakilala sa sarili dito bago ngumiti.

"Sigurado ka na walang kang partner na kasama dito?" mukhang hindi makapaniwalang tanong muli ni Ralph sa dalaga.

"Bawal ba?" pabirong sagot niya sa binata. Mabilis niyang nakagaanan ng loob ang lalaki dahil tulad ni Xander ay palabiro rin ito.

Tumawa ng mahina ang lalaki kasabay ng pagkamot ng batok nito. "Hindi naman, hindi lang kasi kapani-paniwala na hinayaan ka ng iyong boyfriend na um-attend sa ganito na hindi siya kasama."

Tinaasan niya ng kilay ang lalaki at nanunukso ang tinging ipinukol dito.

"What I mean is.. kung ako ang boyfriend mo ay matatakot akong hayaan kang mag-isa sa ganitong okasyon. Sa ganda mong iyan ay malabong walang maglalakas loob na subukan kang ligawan." Paliwanag niya sa dalaga at muling napakamot sa batok nang lumapad ang ngiti sa labi nito.

"Naku, huhulaan ko na ba kung pang-ilan ako sa pinuri mo?" Pabirong tanong ni Nicole sa lalaki. Lumalabas ang ganito niyang ugali kapag alam niyang mabait ang kausap.

"Ikaw naman, mukha ba akong babaero?" tonong nagtatampong tanong ni Ralph sa dalaga.

Hindi napigilan ni Nicole ang makipagtawanan sa lalaki. Ngayon niya lang na enjoy ang party. Nagsimula ng umikot ang mga waiters dala ang wine at glass na nakapatong sa tray. Hindi na siya tumanggi nang iabot sa kaniya ni Ralph ang isang kopetang may laman na red wine.

"Cheers for the beginning of our friendship!" Itinaas ni Ralph ang hawak na kopeta at nakipag toast kay Nicole.

Sunod-sunod na lagok sa alak ang ginawa ni Steven habang ang mga mata ay hindi hinihiwalay ang tingin sa babaeng nakikipagtawanan kay Ralph. Mukhang madali itong mabola ng lalaki at kahit ngayon lang nakilala ay nakipagtawanan na.

Sinundan ni Danica ng tingin kung saan nakatuon ang atensyon ng nobyo. Umangat ang dulo ng itaas na bahagi ng kaniyang labi nang makilala ang kung sino ang pinagmamasdan nito. Hindi niya maikaila na lutang ang kagandahan ng kaibigan sa lahat ng naroon ngayon. Inaamin niyang mas maganda ang hubog ng katawan nito kaysa kaniya. Pero kulang ito ng self confidence at iyon ang mayroon siya.

"Honey, try this one." Agaw ni Danica sa atensyon ng binata. Inabot niya ang kopetang kakakuha lang sa tray na dala ng isang waiter na kakadaan lang sa harapan nila.

Walang pag-aalinlangang na kinuha iyon ni Steven at straight na tinongga ang laman niyon.

Sinupil ni Danica ang ngiting gustong sumilay sa kaniyang labi matapos inumin ng nobyo ang laman ng kopeta. Ilang segundo pa ay bahagya itong gumiwang sa kinatayuan at agad niyang inalalayan.

"Okay ka lang ba, Honey?" nag-aalalang tanong ni Danica sa nonyo.

Nasapo ni Steven ang sariling noo nang maramdaman muli ang pag-ikot ng kaniyang paligid. 

"Sa tingin ko ay kailangan mo munang magpahinga. Naparami na rin ang inum mo ng alak. Ako na ang magsasabi kay Rita mamaya na siya na ang bahala kung hahanapin ka ng iba pa." 

Hindi na tumangi si Steven nang akayin siya ni Danica papunta sa elevator. Patapos na rin naman ang okasyon at ang ilan ay umuwi na kaya panatag na siyang iwan ang bulwagan. May sarili siyang silid sa hotel na pag-aari niya kaya anytime ay maari siyang magpalipas ng gabi roon.

"Okay na ako dito, iwan mo na ako at samahan si Rita humarap sa mga naroon pa." Pagtataboy ni Steven sa dalaga.

Hinalikan muna ni Danica sa labi ang nobyo bago iniwan ito. Nagmamadaling bumalik sa pinagdadausan ng event at hinanap si Nicole.

Biglang uminit ang pakiramdam ni Steven kaya nagpasya siyang maligo bago matulog.

"Here you are!" nakahinga ng maluwag si Danica nang makalapit kay Nicole. "Pasensya na kung naiwan kita ng matagal dito."

"Huwag mo na akong alalahin, hindi naman ako mawawala dito tsaka nagkaroon ako ng bagong kaibigan." Namumungay ang mga mata at ngumiti si Nicole sa kaibigan. Hindi siya sanay uminum ng alak kaya naging tipsy na siya.

"Salamat sa pagsama sa kaibigan ko habang wala ako." Nakangiting pasalamat ni Danica kay Ralph.

"No problem, nakakatuwa ang kaibigan mo at ang daling patawanin." Kumento ni Ralph.

Nang wala na si Ralph sa harapan nila ay seninyasan ni Danica ang isang waiter at pinalapit ito." Inumin mo muna ang juice na ito para mabawasan iyang pagkahilo mo." 

Sinunod ni Nicole ang kaibigan at tinanggap ang inabot nito. Wala lang isang minuto at bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa katawan.

"Naku, lagot ako kay Tita Rox dahil nalasing ka na. Ang mabuti pa ay dito na tayo magpalipas ng gabi." Inakay niya ang kaibigan at hinatid sa isang silid. 

Sumang-ayon si Nicole sa kaibigan. Tama ito, tiyak na mapapagalitan siya ng ina lalo na sa hitsura ng pananamit niya ngayon. Katakot-talot na sermon tiyak ang aabutin niya at baka pati ang kaibigan ay masermonan.

"Saan ka pupunta?" Pigil niya sa kamay ni Danica nang lumayo ito sa kaniya pagkaupo niya sa gilid ng kama.

"Babalikan ko lang si Rita. Magpahinga ka na at huwag kang mag-alala dahil sasamahan kita dito mamaya." Paalam ni Danica sa kaibigan.

Pabagsak na inihiga ni Nicole ang sariling katawan sa malambot na kama nang wala na ang kaibigan. Ngunit muli rin napaupo nang biglang may mainit na kumudlit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi siya mapakali at unti-unting nag-init ang kaniyang pakiramdam. Para siyang nasasakal bigla sa kaniyang suot gayong hindi naman iyon nakalapat sa kaniyang leeg.

Iritableng nagtapis ng tuwalya sa beywang si Steven at lumabas ng bathroom. Natagalan siya doon dahil hindi nawawala ang pag-iinit ng kaniyang katawan. Napagtanto niyang mali sa kaniyang nainum kanina at kailangan niyang matawagan ang kaibigang doctor upang dalhan siya ng gamot bago pa lumala iyon at hindi na ma control ang sarili.

"Ano nangyayari?" naitanong ni Nicole sa sarili at kusang humaplos ang sariling kamay sa pagitan ng kaniyang hita nang muling nag-init init iyon.

Ang tangkang pag-abot sa cellphone na nasa sofa ay naudlot nang makarinig siya ng mahinang ungol ng isang babae. Tanging lampshade ang nakabukas kaya hindi niya agad napansin na may ibang tao sa kaniyang silid. Nakatabing ang buhok ng babae sa mukha nito kaya hindi niya agad ito namumukhaan. Mukhang nagulat ito sa kaniyang presensya at mabilis na inalis ang kamay na nasa pagitan ng hita nito.

"What are you doing in my room?!" dumagundong ang malagom niyang boses sa apat na sulok ng silid. He groan at sinubukang kontrolin ang libidong biglang tumaas nang makita ang hitsura ng babae. Mga mata nitong nangungusap at kagat ang sariling ibabang labi upang supilin ang pag-alpas ng ungol na gustong kumawala sa bibig nito. Lumipat ang tingin niya sa dalawang binti nitong pilit iniipit ang nasa pagitan ng hita nito.

Hindi alam ni Nicole kung ano ang dahilan ng biglang panginginig ng kaniyang kalamnan nang makilala ang lalaki. Kung dahil ba sa init na nadaram or, takot sa lalaki or dahil sa excitement nang masilayan ang maskulado nitong katawan. Mukhang masarap itong kainin lalo na at tanging towel lang ang nakatabing sa kabuuan ng katawan nito. 

"Oh my God!" piping naibulalas niya at na eskandalo sa sariling isipan. Ramdam niya ang dobleng init sa kaniyang mukha ngayon dahil sa pagkapahiya sa sarili.

"I'm asking you, Young Lady!" he hissed while clinched his fist.

"I-I don't know, Sir," aniya kasabay ng mariin na paghawak sa kaniyang mga hita nang muling may kumudlit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Pinagpapawisan na siya ng malapot at hindi alam paano ilabas ang init sa katawan na gustong kumawala kanina pa.

"Shit!" napamura si Steven nang mapansin na hindi normal ang ikinikilos ng babae. 

"Huhhhhh!" Malakas na napasinghap ang dalaga nang inilang hakbang lang siya ng binata at walang ingat na pinatayo mula sa kama.

"Sabihin mo sa akin, sino ang kasabwat mo para maisakatuparan ang lahat ng ito?!" nag-aalab ang galit sa kaniyang mga mata habang hawak sa leeg ang babae. Naghalo ang galit, pandidiri at pagnanasa sa sistema ng kaniyang emosyon ngayon.

"Hi-hindi ko alam ang pinagsasabi mo, but please help me!" Impit na d***g ni Nicole sa binata at hindi alintana ang paghigpit na hawak nito sa kaniyang leeg. Lalo lamang dumagsa ang init na nanalaytay sa bawat himaymay niya nang mapadikit ang sarili dito.

Galit na binitiwan ni Steven ang leeg ng dalaga at itinulak ito pabalik sa kama. "Huwag mo akong sisihin after this!"

Huling salitang narinig ni Nicole sa binata bago siya dinaganan. Para na ring siyang nahihibang dahil sa halip na matakot ay na excite pa ang kabiyang katawan. Ang isipan ay na blangko na rin dahil sa kakaibang sensasyong nadarama. 

Galit ang nangingibabaw sa puso at isipan ni Steven para sa dalaga habang nagpakasasa sa katawan nito. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero kahit wala siya sa ilalim ng droga ay kinaadikan niyang halikan ang labi nito. Hinayaan niya lang itong mag-ingay. Maging siya ay napapaungol nang matuto na rin itong gumanti sa bawat halik niya. 

Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata nang tuloyang makuha ng lalaki ang pinakakakaingatan niyang puri. Masakit at mahapdi noong una pero walang kapantay na sarap ang mga sumunod.

Tuloyang nawala na sa sariling katinuan si Steven nang tuloyang maangkin ang babae. Hindi na pinansin kung nasaktan niya ba ito. Ang mahalaga sa kaniya ay mailabas ang matinding init na namumuo sa kaniyang pagkalalaki. Ilang ulit pa niya itong inangkin at nagpaubaya ito dahil kailangan din ng katawan nito. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong dinala sa paraisong sila lang nakarating doon hanggang sa pareho silang gupuin ng pagod.

"Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Rita kay Danica. Sinamahan niya ito sa isang silid doon sa hotel nang d*****g ito sa kaniya kanina na masakit ang ulo nito.

"A little bit." Paanas na sagot ni Danica sa kaibigan. Ang totoo ay ang puso niya ang sumasakit ngayon sa kaalaman na naglulunoy ang dalawang taong mahalaga sa kabiyang buhay ngayon. Gusto niyang sumigaw upang maibsan ang galit na nadarama pero wala siyang karapatan d*****g dahil siya ang may gusto niyon.

"You look terrible, I will call Kuya Steven para madala ka na sa hospital." 

"No!" Mabilis niyang hinawakan sa kamay si Rita. "Masama rin ang pakiramdam ng kuya mo kanina at ayaw kong maisturbo ang pamamahinga niya. Huwag ka ng mag-alala sa akin. Migraine lang ito at mamaya lang ay mawala na ito."

Napabuntonghininga si Rita at bumalik sa pagkaupo sa tabi ng kaibigan. Menasahe niya ang noo nito upang maibsan kahit papaano ang sakit niyon.

"Salamat!" Ngumiti siya sa kaibigan bago ipinikit ang mga mata upang e-relax ang sarili. 

Nakakaunawang tinabihan ni Rita sa higaan ang kaibigan. Naawa siya sa kalagayn nito. Siya lang ang nakakaalam sa tunay na status ng katawan nito ngayon. Alam niyang na stress na ito kung paano maibigay ang demand ng kaniyang abuela. Ngunit hindi nakipag cooperate ang kaniyang kapatid dahil walang time ito. Alam niyang puro negosyo lang ang nasa isipan ng kapatid. Hindi ito active sa sex life at iyon ang kulang sa relasyon ng dalawa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Che
kawawanG Nicole
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status