Share

The Hard Boss
The Hard Boss
Author: LiCueto

Chapter One

Chapter One

INIS kong tinitigan ang bouquet ng bulaklak na hawak ko habang naghihiyawan ang mga tao sa paligid. Hindi ako sumali sa bouquet toss pero sa akin pa rin ito napunta. Buti sana kung may boyfriend ako.

“Insulto,” mariing bulong ko.

Peke ko silang nginitian at itinaas ang bulaklak na kunwari’y tuwang-tuwa. Kasal ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa trabaho kaya sasakyan ko na lang muna sila. Ayokong masira ang pinakamahalagang araw sa buhay nila nang dahil lang sa kaartehan ko.

Napalingon ako sa direksyon ni Alas. Nakangiti siya sa akin habang pumapalakpak. Kahit malayo ang distansya namin, kitang-kita pa rin ang lalim ng kanyang dalawang dimple. Sobra itong nakakaagaw ng atensyon.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Ang maganda niyang mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at magkabilang malalim na dimple. Mas dumagdag pa sa appeal niya ang kanyang nunal sa gilid ng kaliwa niyang mata at hanggang balikat na buhok na nakatali, pati ang matipuno niyang pangangatawan. Katamtaman lang din ang kulay ng balat niya at nangingibabaw siya sa mga kasama niyang lalaki dahil bukod sa guwapo na, matangkad pa.

Binaba ko ang tingin sa bouquet na hawak ko at nagpigil ng kilig. Kung si Alas ang ikakasal sa akin, I do agad ang isasagot ko. Matagal ko na siyang gusto mula noong highschool, sinundan ko rin siya sa college hanggang sa magkatrabaho na kami. Architecture talaga ang field na gusto ko pero naging artist ako nang dahil sa kanya. Hindi naman ako nagsisi dahil related pa rin ito sa passion ko na gumuhit at maganda rin ang sahod pati pakikitungo ng mga empleyado rito.

Matapos ang picture taking at iba pang ganap ay bumalik na ako sa aming table.

“Kumusta, guys? Okay lang ba kayo?” tanong sa ‘min ng bagong kasal na sina Kayla at Jom.

“Yup! Congratulations!” bati ng mga kasama ko sa kanila.

“Congrats ulit sa inyo and enjoy your honeymoon,” nakangiti ko ring bati.

“Well, mukhang mauudlot pa. Remember, bukas na darating ang bagong Boss natin. Hindi kami puwedeng umabsent,” sagot ni Kyla na parang may panghihinayang.

“Oo nga pala,” sagot ko.

Ipakikilala na bukas ang bagong CEO ng Likha Studios. Balita ko, kapatid ‘yon ni Alas galing Japan. Base rin sa mga naririnig ko, magaling siya mamahala ng kompanya. Hindi ko lang alam kung mabait siya o medyo estrikto.

“Uy! Mr. Pacco, tulala ka na riyan. Iniisip mo na ba ang magiging Boss natin?” Napatingin ako sa mga kasama ko.

“Mabait naman siguro dahil alam natin na mababait ang mga Imperial,” saad ni Chanti na sinang-ayunan ko.

Mabubuti sila, isa na si Alas sa patunay. Kaya nga ako nagkagusto sa kanya dahil bukod sa hitsura, sobrang bait pa, kahit anak siya ng may-ari, hindi siya umakto bilang isang boss at magaling siyang makisama sa mga empleyado.

“But weird, ’no? Si Alas ang nakakaalam ng buong operation ng Likha Studios pero hindi siya ang prinomote ni Mr. Imperial,” nagtatakang saad ni Renzo.

“Well, maybe wala siyang tiwala na mapapatakbo ni Alas nang maayos ang LS,” kumento ni Arya.

“Hindi naman sa walang tiwala, baka hinahanda pa siya ni Mr. Imperial,” apela ko.

Magaling na team leader si Alas at pinapakita niya ang buong makakaya niya para makatulong sa kompanya, kaya sigurado ako na napapansin din ni Mr. Imperial ang kakayahan niya.

“Oo nga naman. Huwag kasing judger, Arya,” saad naman ni Chanti.

Napairap na lang si Arya sa hangin at itinuon ang atensyon sa kinakain.

“Oh, tama na ’yan. Huwag n’yo munang intindihin ang trabaho! Magpakasaya tayo!” puno ng siglang sabi ni Sam upang ibahin ang usapan.

“Hmm, napapaisip lang ako. Kapag nagpakasal ako at bumuo ng family, gusto kong magkaroon ng kambal, boy and girl. Papangalanan ko sila nang Chou at Nichu,” saad ni Chino.

Napakunot naman ako ng noo habang pinakikinggan siya. Ang out of nowhere madalas ng mga sinasabi niya.

“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong ni Chantria.

“Para Chou Pacco at Nichu Pacco,” buong kumpiyansang sagot niya.

Nabalot ng tawanan ang table namin. Medyo nag-loading pa ako sa narinig pero natawa na rin nang mapagtanto ang sinabi niya.

Iba talaga mag-isip si Chino ng kalokohan, palaging wala sa lugar.

“Witty, ah?” natatawang sabi ko at binigyan siya ng thumbs up.

“Naku, Chanti! Huwag na huwag mong kinakausap si Chino, malala na ‘yan!” ani Ate Sam.

“Hmm. Speaking of our new Boss, sana hindi siya nakakatakot,” pagsingit ni Arya.

Natahimik kami at nagkatinginan. Hindi ko alam pero, bigla akong nakaramdam ng kaba sa pagdating ng bagong CEO, at mukhang gano’n din sila.

Pakiramdam ko, may kakaibang mangyayari bukas.

“Paanong nakakatakot ba, Arya? Ganito? Finish your work now, rawr!” biro ni Chino at umakto na parang mahinhin at nangangalmot na liyon.

“Baliw!” Nagtawanan ulit kami sa kakulitan niya.

“Itigil na nga natin ‘yan. Bukas na tayo mag-isip tungkol sa trabaho. Sa ngayon, mag-celebrate tayo!” pagputol ni Enzo sa usapan at itinaas ang kanyang hawak na baso.

Tumingin siya sa direksyon ng waiter at sinenyasan ito. Ilang minuto lang ay lumapit na ang waiter dala ang ilang bote ng alcoholic drinks.

“So let’s cheers! Para sa bagong kasal at bagong CEO bukas!” malakas na sabi niya.

Itinaas na namin ang mga hawak na baso at ipinaglapit. Matapos ibaba ay nagbukas na si Enzo ng bote.

Napalnok ako habang tinitingnan sila. Hindi ako madalas uminom dahil mabilis akong malasing. Kailangan ko muna silang takasan lalo na’t may mahalagang mangyayari din bukas. Baka hindi ako makapasok kapag sinabayan ko sila sa inuman.

Kinuha ko ang phone sa aking bag at umakto na may katawagan.

“Excuse me, sagutin ko lang ‘to,” paalam ko.

Pasimple akong tumayo. Gusto kong lumayo muna para hindi madamay sa pagpapakalasing nila, kaya gagamit ako ng isa sa mga ipinagbabawal na technique.

“Naku, Tamara! Tatakasan mo lang kami,” usal ni Ate Sam.

“Nope, mabilis lang ‘to,” palusot ko habang nakalagay ang phone sa ‘king tainga.

“Sus! Sure akong hindi na ‘yan babalik,” pagsulsol ni Chino.

“Loko, hindi!” tanggi ko at pinanlakihan siya ng mga mata. Nakuha naman siya sa tingin at hindi na nagsalita pa.

“Damihan n’yo na lang ang lagay sa baso ni Tamara,” suhestiyon ni Arya na nagpakunot ng noo ko.

“Sige, gano’n na lang. Huwag mo ‘tong itatapon.” Kinuha ni Ate Sam ang baso ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang halos punuin niya ito sa sobrang daming inilagay. Hindi na ako nagreklamo dahil itatapon ko rin ito mamaya.

Mapait akong ngumiti nang ibigay niya na ito sa akin. “Thank you, Ate Sam.”

“Bumalik ka, ha?” saad niya.

Mabilis akong tumango bilang tugon at nagsimula nang lumayo sa table. Pumunta ako sa area na wala masyadong tao.

May nakita akong bakanteng bench kaya doon na lang ako pumuwesto. Tumingala ako para pagmasdan ang madilim na kalangitan na puno ng mga bituwin.

“Hey!” Napalingon ako sa nagsalita.

Nagninging ang mga mata ko nang makita si Alas. Ang guwapo niya sa suot na white long sleeves na nakatupi hanggang siko at black pants. Malakas din ang dating ng mahaba at itim niyang buhok na umaabot sa balikat. Agad kong hinawi ang buhok ko sa likod ng tainga at umayos ng pag-upo.

Nakaramdam ako ng kaba habang palapit siya sa akin.

“H-hey, Alas,” muntik nang mautal na bati ko.

“Why are you here?” tanong niya.

“Umalis muna ako sa table. Medyo mahina ako sa alak, ‘di ko kayang sumabay sa kanila,” sagot ko.

“I see. Medyo magugulo rin sila kapag nalalasing, mai-stress ka pa,” aniya at bahagyang tumawa.

Umupo siya sa tabi ko. Tumingala siya at nakangiting pinagmasdan ang kalangitan.

“The moon looks beautiful,” wika niya.

“Pero mas maganda ang nasa tabi ko,” dagdag niya at lumingon sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Natawa na lang ako para hindi masyadong nakakailang. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa basong hawak ko.

Kailangan kong maging behave sa tabi niya. Di dapat niya mahalata na kinikilig na agad ako sa simpleng banat.

“Tamara,” tawag niya.

Agad ko siyang nilingon. “Yup?”

“I have something to tell you,” seryosong sabi niya na mas lalong nagpakaba sa akin.

“A-ano ‘yon?” Bigla akong napainom ng alak na hawak ko sa sobrang kaba.

Ang lakas ng kabog ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kakaibang mangyayari.

“I like you, Tamara.”

Muntik ko nang  maibuga ang alak sa mukha niya nang marinig ang ito. Mabilis akong napalunok at  nanlalaking mata siyang tiningnan.

“Lasing ka ba, Alas?” nagtatakang tanong ko.

Kinuha ko ang drinks na hawak niya at ininom. Nilasahan ko ito hanggang sa huling patak. Matamis lang ito, mukhang walang ibang halo.

“No, it’s just juice,” natatawang sabi niya.

Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang seryoso siyang nakatitig. Pakiramdam ko, matutunaw ako sa ginagawa niya.

“I’m serious, Tamara. Matagal ko nang gustong sabihin ’to sa ‘yo. I like you, and I want to know you more.”

Ilang segundo akong natigil. Parang nag-loading pa ang isip ko sa narinig. Hindi ko alam ang una kong gagawin o sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ilalabas ang sayang nararamdaman ko. Parang gusto kong tumalon at sumigaw-sigaw sa sobrang tuwa pero tila nanigas ang buong katawan ko.

Pagkatapos ng ilang taon na pagsunod ko sa kanya, nangyari na ang pinakahihintay ko. Nagkagusto rin siya sa ‘kin!

“W-wow,” tanging salita na lumabas sa bibig ko. Malapad akong napangiti na halos mapunit ang aking labi.

“Grabe,” tulalang sabi ko. Wala sa sarili akong tumayo. “Totoo ba ‘to?”

Natawa naman siya sa ‘kin. Ang saya tingnan ng kanyang dalawang malalalim na dimple.

“Yup, I really like you, Tamara. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ‘to,” sagot niya.

“What the? Grabe! Gusto rin kita, Alas! Matagal na,” magkakasunod na sabi ko.

Para akong baliw dahil sa sayang nararamdaman ko. Sa sobrang tuwa ay nainom ko ang alak na hawak ko nang isang lagukan lang kahit masakit sa ilong at gumuguhit sa lalamunan.

Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng ilang taon na puro lihim na pagtingin sa kanya, ngayon, pareho na kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.

Ilang oras na ang nakalipas. Natapos na rin ang event pero hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko dahil sa dami ng alak na nainom. Parang bawat bagay na nakikita ko ay gumigiling. Masyado akong natuwa kanina kaya sumali na ako sa mga kasama ko at nakitagay pa sa ibang table.

“Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo!” wala sa sariling sigaw ko habang inaalalayan ni Alas. Natawa lang siya at bahagyang napailing.

“Dito ka rin pala nakatira sa ALI Residences?” tanong niya.

“Yes, bakit?” sagot ko habang nakapikit.

“Hmm, nothing,” sabi niya at sinimulan ulit akong akayin papasok sa elevator.

“Fifth floor,” mahina kong sabi at sumubsob sa kanyang dibdib.

Ang bango niya, parang maadik ako sa kanyang amoy.

Napansin ko siyang nagsasalita pero ugong lang ang naririnig ko kaya hindi ko na ito pinansin. Matapos ang ilang minuto ng pag-alalay niya sa akin, nakarating na kami sa tapat ng unit ko.

“Okay na ako rito,” sabi ko sa kanya at umayos na ng tayo kahit nahihilo pa.

Humarap ako sa kanya at sumandal sa pinto. Napansin ko ang nagtatakang reaksyon niya habang nakatingin sa condo pero ibinalik niya rin ang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

“Gusto mo bang pumasok?” tanong ko.

“Okay lang. Late na rin, you need to rest.” Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko. “Goodnight. See you tomorrow,” sabi niya at marahan na hinalikan ang aking noo.

“Thank you sa paghatid. Goodnight din,” nakangiting paalam ko. Bahagya ko siyang kinawayan habang pinipigilan ang sarili na matumba.

Hinawakan ko ang doorknob. Napakunot ako ng noo nang mapansin na hindi ito naka-lock.

“Bahala na,” mahinang sabi ko at binuksan ito.

Pumasok na ako sa loob. Kahit pagewang-gewang at papikit-pikit ay pinilit ko pa ring maglakad papunta sa kuwarto. Sumubsob agad ako sa kama nang makarating at pumikit.

“Ah!” Bigla akong napadilat nang makarinig ng malakas na sigaw.

Napatingin ako sa direksyon nito.

“Who are you?” gulat na tanong niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya yun?
goodnovel comment avatar
Lester Legaspi
woii ang interesting netooo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status