Share

Chapter Seven

Chapter Seven

“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”

Natahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Lumingon-lingon ako sa mga kasama ko para tingnan kung sinong tututol, pero hindi pa rin sila nagsalita at nakiramdam lang din.

“Kapapanood mo ’yan ng drama, Ate Sam. Sa tingin mo ba ma-i-inlove ang d*monyo na ’yon?” natatawang komento ni Enzo.

“Why not? Kahit si Hades nga na God ng Underworld ay na-inlove kay Persephone. Right, guys? Puwede naman ’yon?” tanong niya.

“Yes. Magandang ideya ’yan,” pagsang-ayon ni Arya.

“Pero, hindi ba delikado ’yan?”  nag-aalangang tanong ni Chino.

“Hindi magiging delikado kung hindi niya malalaman,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sagot ni Ate Sam.

“She’s right. Pero sino naman ang aakit sa kanya? Dapat mukhang anghel kasi nga d*monyo siya,” may gigil na tanong ko at napaisip.

“Well, sino pa ba?” pagsingit ni Arya. “It’s me—”

“Si Chanti!” suhestiyon ko sabay turo sa kanya.

“Huh?” walang kaide-ideyang tugon niya na napahinto sa pag-inom ng beer. “Luh? Ba’t ako?” gulat na tanong niya nang mapagtanto ito.

“Why not?” pagbabalik ko ng tanong. “Guys, ’di ba? Puwede siya?”

“Tama!” pagsang-ayon ni Ate Sam at Enzo.

Maganda si Chanti. Maputi, chinita, cute tingnan ang maitim at maikli niyang buhok na may bangs, maganda ang hubog ng katawan at sobrang sweet. Para siya real life anime kung tatawagin.

“Bakit si Chanti?” kunot-noong tanong ni Chino.

“Yup! Bakit si Chanti? Eh, puro pagpapabebe lang ang alam niyan,” pag-apela ni Arya.

“Eh, sino gusto mo? Ikaw?” natatawang tanong ni Enzo.

Palihim din akong natawa at lumingon sa ibang direksyon para hindi mahalata.

“Why not? Maganda rin naman ako, at saka mas madali ko siyang maaakit kasi ako ang secretary niya,” saad niya. “Ako ang palagi niyang kasama.”

“She’s right! Kaya na ni Arya ’yan!” pagsang-ayon ni Chanti na nakangiting tumango tango with thumbs up.

Sus! Kaya lang naman siya sumasang-ayon kasi ayaw niyang gawin ang plano.

“Tsk! Kahit kayong lahat pa ang mang-akit sa kanya. Basta ako, ang gusto ko, makaalis na siya sa kompanya!” inis na sabi ko.

“Or what if si Tamara ang mang-akit kay Sir Apollo?” suhestiyon ni Chino.

“Baliw!” singhal ko at tiningnan siya ng masama.

“Apollo at Tamara, ApoTa! PoTa! Bagay na bagay! Isipin mo na lang, siya si Sir Alas, tutal kambal naman sila,” pang-aasar niya sa akin.

“Tumigil ka nga! It’s disgusting ” inis na sita ko at binato siya ng chichirya.

“Bakit hindi na lang nga si Chanti? Para Apollo at Chanti. PoCha naman! ’Di ba?” natatawang pagsingit naman ni Enzo.

“Mas maganda ang PoTa,” sabi ni Chino na ayaw magpaawat.

“Hindi, much better ang PoCha!” pag-apela naman ni Renzo.

Napasapo na lang ako at umiiling-iling habang pinapanood silang magtalo. Parang mga bata.

“Kayo, guys? Anong gusto n’yong Tandem? PoTa o PoCha?” tanong ni Enzo.

“Bakit wala ako?” reklamo naman ni Arya.

“Wala, hindi ka kasali. Hindi kayo bagay,” biro ni Enzo.

Inis namang napairap si Arya sa hangin.

Natatawa talaga ako kapag inaalaska niya si Arya.

“Tama na ’yan! Si Chanti ang gagawa ng plano,” pagkukumpirma ni Ate Sam.

“Hala, bakit ako? Pass ako, Ate Sam. Hindi ko kaya, natatakot ako,” pagtutol niya.

“Kung ganito na lang.” Naagaw ang atensyon namin at napatingin kay Enzo.

“Let’s just make a bet. Sampung-libo, kung sino ang makakaakit kay Sir Apollo, meron siyang tigsasampung-libo mula sa bawat isa.”

Sampung-libo? Ang laking pera no’n!

“Paano naman tayo, Enzo?” naguguluhang tanong ni Chino. “Aakitin din natin si Sir Apollo? Kadiri!”

“Syempre, iba ang sa ’tin. Pipili tayo ng pambato at kung manalo ’yon, kalahati ng prize is sa atin,” sagot niya. “Hindi naman ’yon lugi, dahil kung sino man ang naging pambato namin, tutulungan namin siya para mas mapadali ang pagpanalo.”

“Paano kung, example ako ang nanalo but hindi ako ang pambato ninyo?” tanong ni Arya.

“Sa ’yo ang buong prize,” seryosong sagot ni Enzo.

“Deal,” mabilis na pagsang-ayon ni Arya. “Walang boboto sa ’kin,” pagbabanta niya.

“Wala talaga,” natatawang sabi ni Enzo. Pati si Chino ay natatawang umiling.

“Kasama ba ako sa aakit? Guys, may asawa na ako, delikado ’yan,” biro ni Ate Sam.

“No, Ate Sam. Kasama ka naming pupusta ni Chino. Sina Chanti, Arya at Tamara ang gagawa,”pagkaklaro ni Enzo.

“Magbabayad pa rin ba kami ng Ten Thousand?” tanong ni Chanti.

“Yes,” pagsang-ayon ni Enzo.

Napaisip ako sa proposal na sinabi niya. Anim kaming nandito kaya kung ten thousand ang bawat isa, makakaipon na ng sixty thousand, ang laking pera nito, kahit hatiin ay may thirty thousand pa rin.

“Ano, guys? Deal?” tanong niya at tumingin-tingin sa amin.

“Fine.”

“Sure.”

“Game,” pagsang-ayon nila.

“You, Tamara?” tanong ni Enzo sa akin.

Ayoko kay Sir Apollo pero gusto ko ng pera, lahat din sila ay pumayag na kaya parang nakakahiya kung ako lang ang hindi. Bahala na. “Sige.”

“Good,” aniya.

“Basta walang makakaalam ng plano natin kay Sir Apollo, kundi pare-pareho tayong mawawalan ng trabaho,” ani Ate Sam.

Sumang-ayon naman kami. Kung gagawin namin ang plano, dapat kaming mag-ingat. Kung hindi, siguradong lagot kaming lahat.

“Tama na ’yan! Wala na tayo sa office kaya huwag na muna nating pag-usapan ’yon,” pagbabago ko ng usapan.

Tumayo ako at itinaas ang aking hawak na baso. “Para sa pagbagsak ni Apollo!”

“Cheers!” tugon nila at sabay-sabay pinagdikit ito.

Ilang oras ang nakalipas. Nag-uwian na kaming lahat. Pagewang-gewang akong naglalakad papunta sa condo ko. Bawat hakbang ko ay tila gumigiling ang paligid. Nakakahilo.

Humahawak ako sa pader kada lakad ko para alalayan ang sarili, dahil parang gumagalaw ang daan.

Huminto muna ako at umupo sa sahig para makapagpahinga. Hilong-hilo talaga ako, parang umiikot ang paningin ko.

Napatingin ako sa pinto na nasa tapat ko. Number 217.

“Ang bwisit na condo,” nakangising sambit ko.

Akalain mo nga naman, dito pa ako natapat.

Bahagya akong napangisi. Tumayo ako at wala sa sariling pumunta roon.

Nang makahinto sa tapat nito, malakas kong kinatok ang pinto para marinig niya. Hindi ako tumigil para siguraduhin na bubuksan niya ito.

Ilang sandali lang ay nagbukas na ang pinto. Bumungad si Apollo na halos gulo ang bubok at mukhang galing pa sa mahimbing na pagtulog.

“Tamara,” gulat na sabi niya.

“Sir Polo, you’re still awake, huh?” wala sa huwisyong tanong ko.

Muntik pa akong matumba pero napakapit ako kanya sa braso niya.

“Ginising mo ako. Why are you here? Alam mo ba kung anong oras na? Gabing-gabi na nang-iistorbo ka pa,” inis na sambit niya.

“Ah, ayaw mo bang maistorbo? Kami rin kasi,” namimikit na mga matang sagot ko. “Alam mo ba? Ang tahimik ng buhay namin sa Likha Studios noong wala ka pa.”

“You're drunk, maybe you should go home,” malamig na sabi niya.

“No, ikaw dapat ang umuwi!”sagot ko sabay turo sa kanya. “What if bumalik ka na sa Japan?” inis na suhestiyon ko.

“Balik ka na,” wala sa huwisyong utos ko kasabay ng pagturo-turo ko sa dibdib niya.

“Tamara.” Bakas sa mukha niya na hindi na siya natutuwa.

Puwes, ako rin. Walang natutuwa sa nangyayari.

“Tara,” pag-aaya ko at pagewang-gewang na pumasok sa loob. Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring maglakad.

“Hey! What are you doing?” naguguluhang tanong niya at sumunod sa akin.

“Tutulungan kang mag-impake, para makaalis ka na. Ang tahi-tahimik ng buhay namin noong wala ka, dumating ka lang naging miserable na,” inis na saad ko.

“Hey, stop! Trespassing ang ginagawa mo. Gusto mo bang tumawag na ako ng security dahil may lasing na babaeng nagwawala sa unit ko?” pagbabanta niya.

Tumigil ako at galit na tumingin sa kanya. “Bakit ba ang pait-pait mo sa office romance? Wala ka bang lovelife kaya dinadamay mo kami?”

“Hey! Enough!” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para pahintuin.

“Ikaw ang tama na!” bwelta ko at pinilit na kumakawala.

“I said enough!” mariing sabi niya at binigyan ako ng matalim na tingin.

Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo pala niya sa malapitan. Parang si Alas, identical twins nga pala sila kaya hindi dapat ako magtaka.

Wala sa huwisyo akong napangiti. “’Yung mukha mo, ang sarap…”

“Sukahan.” Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan siyang sinukahan.

“Agh!” d*ing niya at agad akong binitawan.

Namilog ang mga mata ko nang mawalan ako ng balanse.

“Ay!” Napahawak ako sa damit niya at hindi ko sinasadya na mahila rin siya pabagsak.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak siya akin at nagdikit ang aming mga labi.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms LiCueto na add ko na
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. update
goodnovel comment avatar
Maricris Quinez Tomacay
update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status