Share

Chapter 2

THE GOOD EQUAL | #TGEC2

IRIS

Thursday ngayon at may dalawang majors at isang minor ako. 2 pm pa ang pasok ko pero quarter-to-twelve nandito na ako sa school. Wala rin naman akong gagawin masyado sa dorm kaya dito na lang ako tatambay, may wifi kasi. 

Nakaupo ako sa bench na tinambayan namin kahapon ni Kaia, at hinihintay ko naman siya ngayon. I asked her yesterday na kung pwede sabay kaming pumasok ngayon kasi nahihiya pa rin ako kung ako lang mag-isa. 

Habang nags-scroll ay nagulat ako nang lapitan ako ng isang estudyante. Maputi at ang kinis ni ate, singkit pa, kumbaga ang ganda niya. 

"Are you, Iris De Leon?" tanong niya sa akin. 

Tumango ako, "Bakit po?" 

"Pinapatawag ka ni Dean Gutierrez sa office niya, alam mo ba yung office niya?" she queried and I nodded. 

Habang naglalakad papunta sa office ni Dean ay minessaged ko si Kaia na hintayin ako sa bench dahil pinatawag ako ni Dean. Maaga pa naman. Hindi naman siguro mahaba ang magiging pag-uusap namin ni Dean. 

Nang makarating sa office ni Dean ay kumatok ako. May sumigaw naman na "come in" sa loob kaya pinihit ko na yung door knob papasok. Nakita kong may kausap si Dean na lalaki. Matangkad ito, saktuhan ang katawan at parang maputi. 

Dean gestured me na lumapit. 

"Good afternoon, Dean, pinapatawag niyo raw ho ako."  

"Good afternoon, Miss De Leon. Yes. Ibibigay ko ang ID mo ngayon," sabi ni Dean at napangiti agad ako. Yes! Buti mabilis lang 'yung process ng ID nila dito. Ang hirap pa naman ng walang ID, I feel so left out. 

"Anyway, this man is Mr. Tio. He's the President of the Student Council," pakilala ni Dean sa katabi ko. 

Oh shit! Sabi ko na nga ba mukhang pamilyar eh. Tiningala ko siya kasi medyo matangkad siya sa akin at tiningnan niya naman ako pabalik. 

Grabe sa puti itong lalaking 'to, parang galit sa kanya ang melanin. Matangos ang ilong, ang linis nang pagkaka-ayos ng buhok, ang linis rin ng damitan basta ang linis niyang tingnan. All in all gwapo. Tsaka mukhang rich kid.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya dahil namamahangha pa rin ako na sa tanang buhay ko ngayon lang ako tumabi sa isang tao that personifies angels. I mean mukha rin naman akong anghel pero itong lalaking ito, literal na mukha siyang angel.

Naka-isang lingon pa ako sa kanya bago ako tumigil. Pero hanggang ngayon ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Nang lumingon ulit ako ng isa pang beses ay doon na ako nailang. Nakakaloka kasi ang paraan ng pagtingin niya kaya binaling ko na ulit kay Dean yung paningin ko. 

"You guys haven't met yet?" tanong ni Dean sa amin. 

Umiling ako at nag no naman si President. 

"Oh!" natatawang aniya ni Dean. "Miss De Leon, as I've said, this man is Mr. Joaquin Tio. He is the current President of SVU's Student Council. Mr. Tio, this is Miss De Leon, a transferee from CUA. She is a third-year Communication Arts student. If you have time, please tour Miss De Leon to our school," introduction ni Dean sa aming dalawa. 

Tumango naman si President tsaka tumingin sa akin. Pero hindi ko siya tiningnan pabalik dahil naiilang ako sa paraan nang pagtingin niya. 

"You two can go now," dismiss ni Dean pagka-abot ng ID ko. 

"Thanks, Dean," paalam ko tsaka nagpa-unang lumabas. Ramdam ko sa likod ko si President kaya binilisan ko nang konti ang lakad ko. 

"Do you always dress like that?" 

I flinched nang bigla siyang mag-salita sa likod ko. I looked at my tech scuba blue blazer top matched with my high-waist pants. Singunaling si Kaia sabi niya pwede naman kahit ano sa SVU pero bakit puntirya lagi ng mga Presidents yung pananamit ko? Naiingit ba sila? 

I compose myself and say, as politely as I possibly can, 

"May mali po ba?" 

Disente naman itong damit ko ah. Ang cool nga eh. Hindi na ako nakakuha ng sagot kay President kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. 

Nakita kong naghihintay na sa akin si Kaia pagbalik ko sa bench. Kinawayan niya ako at kumaway naman ako pabalik. Pagkaupo ko ay chinismis ko agad sa kanya ang naging pag-uusap namin nina President. 

"Hindi ko talaga gets bakit lagi ako nalang nakikita ng mga President." 

"Weird. Kasi hindi naman maano si Pres sa mga pananamit eh kahit noon pa." 

Huminga ako nang malalim tsaka tumayo, "Di ko rin alam." 

*** 

I swear iba talaga kapag may mga gays kang kaklase. Nagiging magaan ang atmosphere kapag nandyan sila. Nang uwian na ay parang gusto ko na rin sumama pauwi kay Kaia. Uwian na kasi nila samantalang ako may isang subject pa. 

Pero mahalaga sa akin ang bawat attendance. Baka kung anong ma-miss ko kahit first-day pa lang.

"San ba building mo? Tara hatid kita!"

Hulog talaga ng langit si Kaia. Ramdam niya siguro yung kaba ko kaya nagpresinta na siyang ihatid ako sa kabilang building. 

"Ay shit, building to ng mga engineering, Ris!" 

Tiningnan ko ang building, "Oh dito building nila? Ang ganda ah?" 

Compare kasi sa building ng CLA ay mukhang expensive ang building ng mga engineering. 

May favoritism.

"Saan kaya room ni Kurt?" Kaia uttered while looking around. Nakita ko ang room 202 kaya nagpa-alam na ako sa kanya. Nang maka-alis si Kaia ay pumasok na ako sa room. Sa backdoor ako dumaan para hindi agaw-pansin. Buti na lang wala pang prof pero parang gusto ko nang habulin si Kaia dahil puro testosterone ang room 202. 

Nakayuko akong naglakad. Sa harap ako umupo para hindi ko makita ang reaksyon ng mga kaklase ko. Bukod kasi sa puro kalalakihan ay limang babae lang yata kaming nandito. Lilingon sana ako para humanap ng kausap ngunit mukha ni President ang nakita ko. Nagugulat ko siyang tiningnan tsaka ibinaling na lang sa harap ang atensyon ko. 

Shet bakit nandito 'to?

Swerte naman na pumasok na ang aming prof at kahit papano ay nabawasan ang kaba ko. Nadagdagan nga lang ulit nang sabihin ng prof namin na magpakilala kami isa-isa.

At bilang nasa pinaka-unahan ako ay matic ako ang mauuna. 

Mabagal ang naging pagtayo ko dahil minememorize ko pa sa utak ko ang organization ng pagpapakilala ko. Huminga ako nang malalim at tsaka ngumiti sa kanilang lahat. 

"Uhm, hi! I'm Iris De Leon, a third-year Communication Arts student. I'm new here at SVU. What I'm expecting in this class is the proper treatment of each other and kindness, thanks!" 

Shit! Buti hindi ako nautal at sana hindi nila mahalata ang kaba sa boses ko dahil baka isipin nila weak ako. Ayoko pa naman ng treatment na ganun dahil nakakababa ng self-esteem. 

Pagkatapos ko magpakilala ay sunod sunod na rin na nagpakilala ang mga kaklase ko. 

Nang si President na ang magpapakilala ay hindi ko siya nilingon—kasi literal na nasa likod ko lang siya, ayokong isipin niya na interesado ako sa sasabihin niya. Ang intimidating pa naman niyang tingnan.

"My name is Joaquin Dominique G. Tio. For those who do not know me yet, I am the President of the Student Council. Rest assured that proper treatment of each other and kindness will be noted, thank you!" 

See? I'm doomed! 

Natapos ang isang oras na klase namin na 'yon na hindi ako lumingon sa likuran. Nang i-dismiss kami ni Mam Constancia ay pinauna ko munang makalabas ang prof ko bago ako lumabas. 

"Shit!" nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Naka-ilang shit na ba ako sa araw na ito? 

Nang lingunun ko ito ay si President pala. Naka white pa naman siya! Akala ko kung sino. Tiningnan niya rin ako pero nag-iwas agad ako ng tingin. Ang weird niya talaga tumingin sa akin, bakit ganon!

Tutal ay sabay naman kaming pababa ay sinadya ko na ang pagkakataon na tanungin siya kung anong problema niya sa akin. 

"Uh, may problema ka ba sa akin? Or sa pananamit ko? Bawal ba itong mga suot ko? Kasi sabi ni Kaia ay hindi naman so gusto kong malaman kung saan ka may problema sa akin?" 

Ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya. Nang lingunin ko siya ay nagulat akong nakatitig siya sa akin at pasadahan ako mula ulo hanggang paa. 

Tsaka siya walang salitang naglakad papalayo. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status