Share

Chapter 3

Kaagad akong tumayo at napaatras, “Ahh,” huminto ako sa pagsalita dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin.

Kaya huminga muna ako ng malalim bago humakbang papalapit sa kaniya, “Ahh kasi,” tiningnan ko siya sa mata. “Kasi, hindi ko naman talaga sinasadyang makita yung ginagawa nila,” pauna ko at saka tumawa ng hilaw. “Kaya baka naman pwedi mo na akong paalisin? Promise! Wala akong pagsasabihan!” pagkukumbinsi ko sakaniya.

“Give me three reasons why I must let you free,” aniya at saka iginalaw ang ulo patagilid na parang nagkakaroon ng interes sa mukha nito.

Natigilan naman ako bago magsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakaniya. Dapat akong maging maingat dahil baka ikamatay ko kung ano man ang isasagot ko ngayon.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Ako man ay may takot ngayon na nararamdamn ay pipilitin ko pa ring maging kalmado. Hindi ako mamatay dito.

“Kailangan ko ng umalis para magtrabaho, kumita ng pera, at mabuhay,” sagot ko sakaniya.

Hindi na siya sumagot pa at nakita ko ang pag abot niya sa teleponong nasa lamesa niya. Habang nasa tenga niya ito ay nakita ko ang pagtingin niya sakin mula paa hanggang ulo kaya hinila ko pababa ang shorts ko.

Tangina, paano ba ako napasok sa sitwasyong to? Walang kwentang bente pesos!

“Come inside,” rinig kong sabi niya at saka ibinaba ang telepono.

Ako naman ay naguluhan sa kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Tapos narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko kaya napatingin ako doon.

Iniluwa nito ang lalakeng masasabi kong nasa 6ft ang tangkad, makisig ang katawan, at napakagwapo sa bagsak nitong buhok. Nakasuot siya ng fit pero stretchable na pantalon, putting t-shirt sa loob at naka blue checkered na polo sa labas nito.

“Alpha's not here,” ito ang bungad niya at saka tumayo ng tuwid na parang inirerespeto ang nasa harapan nito.

“Take her below,” rinig ko namang utos ng lalaking boss nila kaya napatingin ako sakaniya na nanglalaki ang mata.

“Teka lang!” pag-aawat ko ng hawakan na ako ng lalaking kakapasok pa lamang. “Pag-usapan naman natin to oh!” sigaw ko pa sa nagmamakaawang tono.

“Halika na kung gusto mo pang mabuhay,” bulong sakin ng lalaking humihigit saakin.

Hindi ko alam pero naipatikom noon ang bibig ko at hinayaan ko na lamang na dalhin niya ako sa kung saan. May pinto kaming pinasukan at hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.

Sa sobrang pagkakapareho ng lugar ay hindi ko na alam kung saan kami nagmula. Marami rin kaming nilikuan at nalilito na ako. Napansin ko rin ang mga CCTV sa bawat sulok.

Animo’y naglalakad ako sa isang hotel dahil sa magkabilaan ay puro pinto at ang puro puti ang kulay nito gayon din ang pader.

Sa sobrang pag-iisip ko ay di ko namalayang huminto na pala kami kaya nabunggo ko ang lalaking nasa harapan ko, “Aray!”

Narinig ko lamang ang pagsinghap nito saka binuksan ang pinto at tinulak ako paloob. “Hoy! Teka lang! Baka pwedi naman natin tong pag-usapan?” pakikiusap ko sakaniya.

Tiningnan niya lang ako ng malamig at akma ng isasarado ang pinto ng pigilan koi to gamit ang paglagay ng paa ko pintuan.

“Aray! Walangya!” sigaw ko at napatalon-talon ako sa sakit.

“Are you stupid?” rinig kong bulong nito at tiningnan ang paa ko saka naman niya binalik saakin ang tingin niya.

Umayos ako sa pagtayo at saka nilapat ang dalawang kamay ko na nagmamakaawa na talaga sakaniya. “Please! Ako nga pala si Stella. Si Stella, kilala mo ba ako? I’m Stella—“ hindi nito pinatapos ang pagsasalita ko.

“I don’t care about you,” malamig na sagot nito at saka pabagsak na isinarado ang pinto.

“Nagbabakasakali lang naman ako eh,” bulong ko at saka napabuntong hininga na lang.

Saka ko napansin ang kwarto kung asan ako. Kung ako ang tatanungin, napaka linis at ganda dito. Sampung beses na mas maganda to sa kwarto ko.

Maliwanag, malinis ang kama, may maliit na mesa, at de-aircon pa. Kaya nga lang ay wala itong bintana liban na lang sa maliit na glass window sa medyo itaas ng pader.

Nilapitan ko iyon at wala akong ibang makita kundi lupa at mga damo. Ibig sabihin ay nasa underground ako. Ba’t hindi ko man lang namalayang pailalaim na pala ito?

Napabuntong hininga ulit ako ng biglang bumukas ulit yung pinto at pagtingin ko ay isang paperbag na lamang ang nakita ko sa sahig saka pagsarado ng pinto.

Nilapitan ko iyon at saka tiningnan ang laman. Nanlaki ang mata ko ng makita ang laman nitong, black T-shirt at black track pants. May note din na nakalagay na nagsasabing, “Change into this ASAP.”

Infairness, ang ganda ng sulat kamay nito.

Pero dahil may nakalagay na ASAP ay kaagad akong pumasok sa banyo ngunit itataas ko pa lang sana ang damit ko ng maramdaman kong parang may nagmamasid sakin.

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng kubeta pero wala naman akong makitang kahina-hinalang bagay. Pero dahil masama pa din ang kutob ko ay nagbihis na lang ako sa paraang matatabunan ko pa rin ang sarili ko.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Saka ko napansin na malapit na palang gumabi. Lumapit ako sa kama at umupo. Pinagmasdan ko ang suot ko at saka ko lang napansin sa ilalim ng ilaw na mayroon palang tatak sa bandang kaliwang dibdib ang damit ko.

“Seniorito,” bulong ko matapos itong mabasa.

Napakunot naman ang noo ko matapos ko yung basahin. Brand ba to ng damit? Ang weird naman kung ganon.

Sobrang tahimik ng lugar kaya napansin ng tenga ko ang tunog ng orasan. Tumayo ako para tingnan iyon at kaagad na pumasok sa utak ko na baka meron din ditong hidden camera tulad ng sa napapnuod ko sa movies.

Pilit ko itong inabot pero mataas talaga ang kinalalagyan nito. Kaya ang ginawa ko ay hinila ko ang isang upuan sa may lamesa at saka tumungtung doon ng biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko dahilan ng pagkabagsak ko.

“Aray ko, pang ilan na to,” bulong ko at saka pinilit na tumayo habang minamasahe ko ang balakang ko.

“What the heck are you doing?” rinig ko sa may pinto saka ko nakit anag lalaking naka polo ng blue na pumasok at may nilapag na tray ng pagkain sa lamesa.

Bumuntong hininga ulit ako bago siya nilapitan, “Pwedi bang pakawalan niyo na ako?” tanong ko sakaniya.

Wala siyang sinagot sakin at akma ng tatalikod ng hinawakan ko ang kamay niya kaya natigilan siya, “Please?” pagmamakaawa ko sakaniya habang unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sakaniya.

Wala na akong maisip na ibang rason kundi ang akitin ang isang to. Bakas naman sa mukha niya na hindi siya mananakit ng babae.

Please, gumana naman sana pagiging malandi ko dito.

“Get off me,” sabi niya saka ako tinulak ng marahan papalayo sakaniya.

Kaagad ko siyang itinulak ng marahas at buong pwersa sa pader at saka ko siya siniil ng halik. Hindi ito gumawa ng kung anong aksyon kaya kaagad kong binuksan ang pintuan at tumakbo palabas.

“Ahh tangina, saan ba kami dumaan kanina?” bulong ko habang takbo pa rin ng takb.

Hindi ko alam kung asan na ba itong tinatakbuhan ko at wala akong balak huminto ng biglang, “AHH!” sigaw ko ng may tunog ng baril akong narinig.

Napayuko ako at napa upo sa sahig. Kasunod noon ay may tatlong armadong lalaki ang nasa harapan ko. Ang nasa gitna ang nakatutok ng baril sakin kaya ibinaba ko ang tingin ko.

Nakasuot ito ng isang floor length na parang tradional outer coat, naka jeans at polo ang inner niya. Masasabi ko ring iba ang lahi niya pero hindi ko alam kung ano sa Asya.

Ang alam ko lang, nakakatakot ang tingin niya.

“Mike what the heck!?” rinig kong sigaw ng lalaking sa harapan ko at may naririnig akong yabag na papunta sa direksyon. Siya siguro si Mike ang lalaking naka polo ng blue.

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko at saka ako inalalayang tumayo. Nanginginig ako at nagbabadya ng tumulo ang luha ko.

Natatakot ako.

Hinigit ako ni Mike papuntang likuran niya at nakita ko ang pag sensyas nito sa lalaking nasa harapan naming na ibaba ang baril. “I can handle this, you should get back above,” sabi ni Mike.

“Just do your job properly,” masungit naman na sagot sakaniya ng lalaking may baril.

Nagtama pa ang mata naming at saka ko lang nakita nag gwapong mukha nito at ang tangkad niyang pareho lang din naman kay Mike.

Kaagad akong hinila ni Mike pabalik sa kwarto kung asan ako at saka niya ako patulak na ipinasok doon.

“Can you just please stay in here!?” sigaw niya sakin habang nanlilisik ang mga mata niya.

“Then what the hell do you want me to do!?” sigaw ko pabalik sakaniya na ikanagulat niya. “I don’t wanna be stuck in this place! I don’t even know you! I don’t even know what kind of demon are you! Why are you locking me up in here!? Huh!? I need to go out now and work! I don’t have time for this shit!” I yelled at his face.

Pagkatapos ng pagsigaw ko ay binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Tuloy-tuloy na rin ang paghikbi ko at pag-iyak ko dahil sa sama ng loob at takot.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pagsikip nito at patuloy pa rin ang pag-iyak.

“Hey! Calm down,” rinig ko mula kay Mike at inabutan niya ako ng isang bason tubig.

Inabot ko naman ito at nanginginig na ininom ang tubig. Pagkatapos noon ay huming ako ng malalim. Ibinalik ni Mike ang baso sa lamesa at inalalayan niya akong mahiga sa kama.

Kinumutan ako nito at saka hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako, “Please calm down,” bulong nito sakin sa marahan niyang boses.

Bakit biglang nag-iba nag pag trato nito sakin? Sinasabi ko na nga ba na mabait siya at halata namna sa maamo niyang mukha. Hindi katulad ng isang iyon na halos tingin pa lang ay patayin na ako.

“Paano ako kakalma kung hindi niyo sinasabi kung bakit anidto ako,” bulong ko saka pinikit ang mata ko.

Hindi na naman ito sumagot at narinig ko na lang ang yabag niya papalayo kaya iminulat ko ulit ang mata ko.

“Mike,” tawag ko sakaniya at saka siya napatigil sa paglakad. “Sorry for kissing you earlier,” I apologized.

“Rest well,” yun lang ang sabi niya bago lumabas ng pinto at narinig ko ang pag lock nito.

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ko kaya di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako sa baho ng usok ng sigarilyo na naamoy ko sa loob ng kwarto. Minulat ko ang mata ko at saka hinanap kung saan nanggagaling ang amoy.

Nakapatay na ang mga ilaw kaya wala akong makita ngunit natigilan ako ng makita ang isang pigura ng lalaki sa gilid at kitang -kita ko ang pulang kulay na nanggagaling sa sigarilyo.

“Did I wake you up?” rinig ko sa isang boses na napaka pamliyar.

Yung boses ng lalaking Boss nila, yung lalaking naka una sakin. Boses niya itong naririnig ko.

“Are you going to kill me?” I asked him trying myself not to stutter and hide my hands under the blanket while it’s shaking in nervous.

“Why would I?” he answered me that made my brows wrinkled in confusion.

Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ako at saka ko siya nilapitan. Huminga ako ng malalim bago ko inabot ang balikat niya.

“Kung wala ka namang rason para patayin ako,” I paused at saka siya tiningnan sa mga mata niya na parang hinihigop ko ito. “Let me free,” pagpapatuloy ko.

Mas lumapit pa ako sakaniya at saka ko inilipat ang mga kamay ko sa may bandang leeg niya at inilapat ang katawan ko sakaniya.

Wala na akong ibang maisip, dito lang ako magaling. Eto lang ang kaya ko.

Paunti-unti ko pang inilapit ang sarili ko pero nagukat ako ng humithit ito ng sigarilyo niya saka akoniya hinawakan ang bewang ko papalapit sakaniya at siniil ng halik.

Kasunod noon ay nag pagbuga niya ng usok sa bibig ko kaya kaagad ko siyang tinulak at sunod-sunod na ang pag-ubo ko.

“Tangina ka,” pagmumura ko sakaniya habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo.

“If you really want to get out, then fill this up,” sabi nito at may narinig akong inilapag niya sa mesa. “Sign or die,” yan ang huli kong narinig sakaniya bago siya lumabas ng pinto.

Kaagad kong binuksan ang ilaw habang nauubo pa rin at saka lumagok ng tubig. Pagkatapos ay napansin ko ang papel na nasa lamesa at isang ballpen.

“Blank Organization,” usal ko at napasinghal ako ng wala na akong makitang ibang nakasulat kundi ayon lang at signature sa ibaba.

Ano to? Literal na blanko?

Napabuntong-hininga na lang ako saka sinabunutan ang sarili ko sa inis. “ARGH!” sigaw ko sa galit.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka upo at nakatingin lang sa lamesa at sa blankong papel na nasa harapan ko hanggang sa may bumukas ng pinto.

Expected kong si Mike ang sasalubong sakin pero isang may edad na babae at naka bihis ng pang kasambahay ang bungad sakin.

Napatayo ako para batiin siya. “Hello po,” bati ko.

Pero ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at nilagay lang sa lamesa ko ang tray ng pagkain na dala niya.

Naka yuko pa din ito at akma ng lalabas ng pinigilan ko siya, “Manang!” tawag ko sakaniya.

Huminto ito sa pagpihit ng pinto, “May kailangan pa ho ba kayo?” tanong nito habang naka talikod sa akin.

“Alam niyo po ba kung paano ako makaklabas dito? Pakakawalan ba nila ako? Anong sindikato po ba ito? Anong Blank Organization?” sunod-sunog kong tanong sakaniya.

Dahan-dahan itong lumingon at saka ako tiningnan sa mga mata ko. Napaka seryoso niya at saka niya itinuro ang papel na magdamag ko nang tinititigan.

“Yan lang ang makapagpapalaba sayo dito,” sambit niya n a ikina kunot ng noo ko.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko dahil hindi pa rin ako naliliwanagan.

“Kung ano ang sinabi ko ay yun na yun. Makalalabas ka lang dito pag pinirmahan mo yan. Pasensiya ka na pero yan lang ang dapat kong sabihin sayo,” yan ang sinabi niya bago niya ako tuluyang iwang mag-isa sa kwarto.

Tinitigan ko ulit ang kontrata o ang papel na ito at saka hinawakan ang ballpen. Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang naturang panulat.

Kailangan kong makalabas dito. Kailangan kong magtrabaho para kay tatay at sa kuya ko. Kailangan kong mahanap ang kapatid ko. Kailangan ko ng umalis.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko at ang panginginig ko ay hindi ko na matigil. Pinagpapawisan na din ako at saka ko napansin na tumutulo na din ang luha ko.

Stella, ito lang nag choice na meron ka. Mamamatay ka pag di mo to ginawa. Kakayanin ko kung ano man ang magiging kahihinatnan nito.

Inilapat ko na ang dulo ng ballpen sa papel at halos ipikit ko na ang mata ko habang pumipirma. Kagad kong binitawan ang ballpen at tumayo doon at takot na takot.

Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto at isang hindi na naman pamilyar na lalaki ang nakita ko. Nakasuot ito ng gray na coat at black na T-shirt sa loob at naka pantalon. Kahit madilim ay napansin ko ang tattoo nito sa may bandang leeg. Mas pormal itong tingnan kesa sa mga naunang nakita ko.

“Welcome to Blank Organization, Ms. Stellary Marquez.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status