Share

Chapter 53

Nagising ako sa mga boses ng kalalakihan na nag-uusap. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa iisang lamesa sila at naglalaro ng baraha. Wala naman akong makitang alak o droga sa paligid nila o kahit mga perang pangtaya man lang. Naamoy ko lang ay sigarilyo.

Dun ko narealize na nakaupo ako sa isang metal folding chair at nakaposas ang kamay ko doon. Kung hindi din ako nagkakamali ay nasa isang lumang building kami. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ang huling nakasama ko.

Hindi ko inakalang magagawa niya sakin to. Ang hirap talaga magtiwala sa kahit sino. Nakagawa ako ng ingay kaya naman ay napatingin sila sakin at saka nila hininto ang ginagawa nila.

May isang lalaking lumapit sakin at saka niya kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa niya at saka nagsalita, “Boss, gising na siya,” saad niya sa kausap niya.

Matapos nun ay pinatay niya na ang tawag at saka niya ako tiningnan na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status