Share

Chapter 2

Isang taon na ang nakalipas mula nung makita ko at may milagrong nangyare samin ng lalaking yun. Tinanong ko si Tita Apple kung sino yun pero hindi daw niya kilala.

Pagkatapos din nun ay never akong nakipag talik sa ibang lalaki na dati ko na rin namang gawain bago pa siya dumating. Patuloy pa din ako sa pag papaligaya ng mga costumer gamit ang talento ko sa pagsayaw.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sofa kasama ang ibang babae. Kakatapos lang namin mag tanghalian. Nanunood lang kami ng tv habang yung iba ay nag seselpon, "Mga magagandang kababaihaan dyaaan!" sigaw ni Tita Apple at napatingin kami lahat sakanya.

"Malapit ng matapos ang ating 2nd branch kaya tutulungan niyo akong mag recruit ng mga magagandang dilag at may mga ililipat ako dun na na galing dito," sabi ni Tita Apple.

"Ta, lipat mo ko, sawang sawa na ko kakabuka sa hita ko rito. Ang baba ng bayad sakin titaaa mygaad!" ani ni Joyce.

"Ay ako rin Ta! Sawang sawa na ako sa mga juuuts! Hay nakoo!" sabat naman ni Hazel at nakita ko pa ang pag-irap niya.

"AYSSUUS! HOY MGA MAGAGANDANG PUTA, TRABAHO NIYO YAN. KELANGAN NIYONG LUNUKIN YAAAAAN!" Sigaw naman ni tita Apple sakanila. Habang dilat na dilat ang mga mata.

"Tita naman, gusto ko lang naman ilipat mo ko hmmpp." Pagmamaktol ni Hazel.

"Si Stella ba tita ililipat niyo?" Tanong ni Joyce

Hindi naman kasi talaga ako malapit sakanila kasi ako lang ang kaisa isang hindi nagpapakama. At hindi ko alam kung kinaiingitan nila ako or ano kaya hindi nila ako masyadong kinakausap. Halos lahat din sila ay galit sakin.

"Abaaa'y syempre naman! Pag itong si Stella sumayaw run, unang gabi palang paniguradong puno na!" Proud na sabi ni tita Apple pero naka tingin lang ako sa tv at walang reaksyon sa pinag uusupan nila.

Lihim din naman akong napatawa sa isip ko dahil sa sinabi niya. Palagi tong ginagawa ni Tita Apple, palagi niya akong pinagmamalaki sa iba.

"Eh alam naman nating paborito ni tita si Stella kaya ipapalipat niya talaga yun dun." Si Rita.

Hays nako.

"Paborito ko talaga to anooo." At naramdaman ko ang pag himas ni tita sa ulo ko, "Sumasayaw lang to pero libo-libo ang perang bumabalik sakin. EH SA INYO? Halos gabi-gabi kayong nagpapawarak pero iilan lang kinikita ko! Jusko! Eh paano pa kaya paglumipat na to sa kabila at magpakama na? Edi milyonarya na ako! HAHAHAHAAH!"

“Tita ano ka ba…” pagpapatigil ko sakaniya.

“Ano? Eh totoo naman! Kaya gusto ko na sa paglipat mo dun ay papasukan ka, ha? Ako na bahala sa mga gamot. Alam mo na yan HAHAHAHAA!” bulalas nito.

Napa-irap na lang ako sakaniya at saka na sila nag uusap pa sila pero tumitingin lang ako sa tv. Binasa ko ang headline ng balita, "Illegal Drug Trading, hindi pa rin kilala ang nagpapatakbo."

Drugs yeh. I used it before, I drink some of those just to build my self confidence in the stage hanggang sa nasanay na akong sumasayaw na wala iyon. And that was the last I drunk those.

Dahil din sa drugs kaya nagkanda leche-leche ang buhay ko. Nalulong sa droga ang tatay at kuya ko. Nung nagkahulihan ay naiwan kami ng nanay ko at ang bunso kong kapatid. Dahil dun ay kinailangan kong tumigil sa pag-aaral at pasukin to. Sa kasamaang palad, namatay ang nanay ko dahil sa cancer at ang kapatid ko ay nasagasaan na ikinamatay niya rin.

Kaya sa tingin niyo,  masasaktan niyo ako ng ganun-ganun na lang? Imposible.

Pero bago namatay ang mama ko, sinabi niyang hanapin ko raw ang kapatid ko. Wala siyang ibang sinabi kundi ang pangalan nito at kung saan ko siya pweding puntahan.

Pero nung sinubukan kong puntahan yun, wala na daw tao sa bahay na yun at nag paibang bansa na. Kaya ako sumasayaw dito para kumita ng pera at hanapin siya.

Siya na lang ang pamilyang meron ako sa ngayon na pweding makatulong upang pang pyansa sa kuya ko at tatay ko.

Gabi na naman at ako na ulit ang sasalang. Mask, sexy suits na huhubarin ko din naman and boots. I just level up recently, dahil nagiging stripper na din ako but not to the point na fully naked na ako.

After that wild performance ay marami na namang gusto akong maka table. Pero hindi ko yun ni minsan ginagawa, well dati nung hindi pa ako virgin. But after that man took my virginity parang ayaw ko ng mahawakan ng ibang lalaki. Alam kong hindi na kami mag kikita ulit ng lalaking yun but something's inside on me na umaasang in a unexpected way, magkikita ulit kami.

Weeks after ay natapos na ang second branch ni tita Apple at laking pasasalamat niya daw sakin at sa mga babae kung bakit iyon napagawa.

Nag iimpake na ako ng gamit ko dahil dun na ako sa bagong branch titira. "Are you done?" Tanong samin ni tita, "Ok let's go gurls," aniya.

Sumakay na kami sa van at mga 20 minutes lang ang byahe bago makadating dun. Pagdating namin dun ay inusisa ko ang loob. Mas maganda at mas makabata ang interior designs. Yung stage ay malawak, rinig ko rin kay tita na halos mga batang uhaw raw ang pupunta dito.

Nadatnan din namin ang mga waiters na nag lilinis at nag hahanda para sa grand opening sa makalawa. Parang sinesimenar sila.

"Come here girls," sabi ni tita. "Ito yung dressing room niyo, okey then," nag lakad lakad kami at saka siya may binuksang pinto, "Andito yung kwarto niyo. Segi na pasok na kayo at mag getting to know each other kayo dyan," sabi ni tita at saka na kami pumasok dun.

"Waw, so finally magiging pokpok na talaga ako," rinig kong sabi ng isang matangkad na babaeng morena.

Lima kami ngayon at itong apat ay bago may mga dadating pa daw na iba bukas.

"Hi ate... Stella haha," bati sakin ng isang mababang babae habang nag aayos ako ng gamit. "Ako nga pala si Hana," pagpapakilala niya at inalok niya yung kamay niya sakin.

"Hi, I'm Stella," pagpapakilala ko naman sakanya at tinanggap ang kamay niya na may ngiti sa labi ko.

"I'm Rika," rinig kong sabi nung nag sabing pokpok na daw siya.

"I'm Jona. Nice meeting you po," sabi naman nung isang medyo malusog ang katawan at morena anng kutis.

"I'm Caryll," sabi naman niya na at medyo mataray siyang tingnan at palaban.

Umupo kami sa kaniya-kaniyang kama namin, "Ate Stella, ilang taon ka ng nagtatrabaho dito?" tanong ni Hana sakin.

"Bale mag lilimang taon na din. Kayo, ba't niyo naisipang pumasok dito?" tanong ko sakanila.

"Pariwara. Walang magulang eh, napipilitang buhayin ang sarili at mga kapatid," malamig na may inis na sagot sakin ni Caryll.

"Ahh pareho lang pala tayo ng rason. Pero wala akong mga kapatid, ako na lang mag isa," sabi ko naman.

"Virgin ka pa ba?" tanong ni Rika, pakiramdam ko talaga makati tong babaeng to.

"Hindi na," sagot ko.

"Ilang beses ka ng nakipag talik?" tanong niya ulit.

"Isang beses lang," sagot ko naman.

"SA LIMANG TAON MO SA TRABAHO MO?" Sabay-sabay nilang tanong saakin.

"Oo, sumasayaw lang ako, pero hindi ako nagpapahawak," pagpapaliwanag ko.

"Eh paano ka natusok?" tanong ni Jona sakin.

"Edi ipinasok," sagot ko lang na ikinatawa lang nila.

Hindi ako sanay na makipag usap sakanila, kasi kahit sa mga ibang babae ay hindi ko din naman sila kinakausap. Si tita Apple lang.

"Wala pa bang napasukan sainyo?" tanong ko at alam kong alam na din nila ang ibig kong sabihin noon.

"Ako hindi na, nadali ng jowa hahahaha. Pinagsisihan ko naman kahit papaano pero nag enjoy din naman ako so, okay lang hahahah," proud na pag aamin ni Rika. Sabi ko na nga ba eh.

Ganito na ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Mapupusok at mahilig sa saya.

"Ako din hindi na, kasi dati na rin naman akong nagtrabaho sa ibang club," sagot sakin ni Jona.

Napatingin ako kay Caryll at Hana. "Wala pa po akong alam sa mga ganyan. Kung pwedi lang nga sana... Umalis dito eh," sagot ni Hana at umiyak.

"Wala kang choice. Sa ayaw at sa gusto mo magpapawarak tayo para sa pera. Tatanggapin natin lahat ng laway, hawak at alaga ng mga lakaki para sa pera," walang tabas na sabi ni Caryll.

"Alam niyo, hindi ko alam kung ano yung pinagdadaanan niyo. Pero Caryll and Hana, naramdaman ko rin yan. Yung madepress at halos magpakamatay na. Yung dapat sana nag aaral ako pero heto sumasayaw sa napaka kadiring paraan para paligayahin ang ibang tao. Iniisip ko, paano kung buhay pa yung mga magulang ko? Paano kung andito sila at ginigiya ako sa tamang daan? Edi sana lesensyado na akong teacher ngayon. Pero wala eh, tama si Caryll kailangan niyo—natin na sikmurain lahat. Masasanay din yang mga bibig at balat niyo sa iba't ibang klasing tao. Ang importante, pills, alcohol, santizers at ibang pang pabango at pangpalinis," pagkukwento ko sakanila.

"Kahit ano pang alcohol ang ibuhos natin sa katawan hinding hindi na malilinisan ang duming nakakalat dito," sabi ni Caryll.

"Yeh. That's why mga baguhan, be brave enough," sabi ko sakanila.

"Siguro Stella ang galing mo?" ranong ni Rika sakin. Maka 'Stella' to parang magkaedad lang kami eh bente anyos palang to. Walang respeto.

"Magaling saan?" tanong ko sakanya.

"Sa pag sayaw o kundi sa kama, kung magaling ka sa kama ba't di mo nalang gawin para mas kumita ka?" tanong niya sakin.

Tumawa ako ng saglit sa sinabi niya. "Hahaha, kaya kong kumita ng marami sa pagsasayaw ko lang, hindi ko kailangang magpakama, Rika. Yumayaman ako dahil sa sayaw ko." Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yun sakaniya.

"Tatalunin kita. Ako ang lilipat sa pwesto mo," seryosong sabi niya sakin.

"Segi lang, be motivated. Tamang tama nag hahanap na ako ng kapalit ko," sabi ko pa sakanya.

Tumayo na muna ako at saka lumabas. Nag lilinis ang mga tao sa loob at may nag tetesting ng sounds at ilaw.

“Ate Stella!” tawag sakin ni Kalvin, isa sa mga nasa technical staffs.

“Oh! Hahaha, pinalipat ka din pala dito?” tanong ko sakaniya.

“Oo ahahaha. Si kuya Pip eh, gusto akong isama. Magpapaiwan sana ako dun eh.” Natatawangsabi niya pa habang sineset up ang iba’t ibang kable.

Curious ako sa kung para saan ang mga pinipindot pindot kaya mas lumapit ako sakaniya. “Matagal mo ng ginagawa to, diba?” Tanong ko sakaniya.

“Opo ate hahaha. Siya nga pala, sabi ni tita Apple…” Napatingin naman ako sakaniya. “Sabi niya magpapa…kama ka na daw?” Nahihiyang tanong niya sakin.

Napatawa naman ako saglit saka napahinga ng malalim. “Hahaha hays, di ko pa alam. Ano sa tingin mo?” tanong ko sakaniya.

“Ha? Naka depende na sayo yun ano hahahaha. Kung ano mas gusto mo." Tumatawa niyang sabi sakin.

“Hahahaha okay— ay sorry nahulog ko hahahah!" singhal ko ng masagi ko ang isa sa mga panlinis niya sa gamit niya kaya pinulot ko naman yun.

Natigilan ako ng yumuko din siya kasabay ko kaya napatingin ako sakaniya. Kalvin is a graduating IT student, matangkad siya, maputi, chinito at medyo malusog. Idagdag mo pang baby face siya at ang cute niya lang talaga pag tinatawag niya akong ate.

“Hahahaha et—“ Natigilan ako ng bigla niya akong halikan sa labi.

Madali lang yun at dahil nasa ilalim kami at natatabunan ng mga amplifiers ay malamang walang nakakita nun. Napatawa na lang din ako sa ginawa niya at kaagad niyang binawa ang tingin niya sakin.

“Sorry ate,” sabi niya saka tumayo.

Dahan dahan din akong tumayo at nginitian siya, “Okay lang hahaha. Alis na muna ako hahaha.” Ngumiti kong sabi saka tinapik ang balikat niya bago ko siya tinalikuran.

Lumabas ako ng club para bumili ng makain. Kung tatanungin niyo ako tungkol sa pera na binigay niya? Hindi ko yun pinakielaman. Yung binigay kong 5k kay Tita Apple matapos ang gabing yun ay yung sweldo niya din sakin.

Sa katunayan, nasa bangko ang perang yan. Kulang pa yun pang pyansa kay tatay at kuya.

Habang nag lilibot libot ay napadaan ako sa isang eskinita. Lalampasan ko na sana iyon ng biglang humangin at tinangay ang bente pesos na hawak ko. Syempre sayaw naman kung pababayaan ko yun diba?

Kaya pinuntahan ko iyon papunta sa madilim na eskinitang yun. Wala na mang kakaiba at saka ko na iyon pinulot.

"Kumpleto yung pera," rinig kong sabi ng isang malalim na boses.

"Yung bayad?" isang panibagong boses ang nagsalita.

"Kumpleto 100 pakate," sagot nito.

Teka! Drugs ba pinag-uusapan nila? Shit! Paano ako tatayo ng hindi nila mapapansin!?

Sumilip ako sa pader na kung saan ako kasalukuyang naka tago. Binitiwan ko ang plastic na dala ko at nilagay na sa bulsa ng black fitted shorts ko ang bente—ang putanginang pahamak na benteng hayop nato!

Nakita ko ang dalawang itim na van, mga lalaking naka itim at dalawang atache case. Tumayo ako ng dahan-dahan. Akma ng tatakbo ng—

Shit!

Kasalukuyan na akong hawak ng isang lalaki at di man lang ako makapalag kahit siya lang mag isa ang naka hawal sakin.

"AHHH ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO!" Pagpulumiglas ko habang sumisigaq.

"Sino yan?" rinig kong tanong ng isaang lalaki.

"Nakita kong sumisilip dun sa likod ng pader eh," sabi nung may hawak sakin. "Papatayin ba natin?" tanong pa niya.

Hala! Masyado pa akong bata! Hindi pa lagpas sa kalendaryo ang edad ko! Hindi pa nga ako nag babago at nakakapag patayo ng bahay! Tapos papatayin ako!?

Mygaaad somebody heeelp meee!

"Nagmamakaawa po ako! Wala naman po akong pagsasabihan!" sabi ko na umiiyak na dahil sa takot.

"Wag, mukhang maganda yung katawan eh. Iregalo nalang natin yan kay Boss dahil maayos ang naging palitan," sabi nung isang lalaki.

"Ha! Ha? Wag po nakiki usap po ako!" sigaw ko pa din.

MYGAAAD! Mararape ba ako!? Noo mygaaad pataayin niyo na lang palaa akoo kesaaa maraaape! Aahhhh! Ang papangit pa naman ng mga tinatawag nilang boss, yan ang mga lagi kong nakikita sa TV!

Sapilitan nila akong isinakay sa itim na van. Ginapos ang kamay, linagyan ng piring at duct tape ang bibig.

Patuloy lang ako sa pag iyak at hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Tulungan niyo po ako. Lord, ngayon lang ulit kita tatawagin, alam ko pong napaka dungis kong tao. Pero paki usap po isalba niyo ko.

Pakiramdam ko ay mahigit isang oras ng nagbabyahe. Shit ganito ba kalayo talaga? Asan na ba ako? Dito na ba ako mamamatay? Final na? Ito na talaga!?

Naramdaman kong unti unting tumitigil ang sasakyan. At may humawak sakin at saka ako kinarga na parang sako ng bigas.

Nag pupumiglas naman ako. Baka kukunin nila ang mga lamang loob ko! Healthy person pa naman ako, hindi ako nag sisigarilyo, walang hika, walang sakit, umiinom lang minsan, kumakain ng gulay at may sapat na tulog.

Baka chop-chopin ako. Huta wala na akong matinong maisiip!

Natigil ang pag wawala ko ng pasalampak niya akong binaba sa sahig. Aray ko naman!

Marahas na tinanggal yung piring ko. Medyo blur pa sa una kaya naka ilang beses akong kumurap. Nasa loob ako ng puting eleganteng mansyon. Naka salampak ako ngayon sa marmol na sahig. Ang taas ng ceiling at may kaaya ayang chandelier. May mataas na hagdan at gintong railings.

Grand mansion.

Pilit kong itinayo ang sarili ko, nilibot ko ang mata ko at maraming mga armadong lalake sa labas. Glass walls. Sobrang ganda ng bahaey pero walang halos tao.

"Okay daw sabi ni boss," rinig ko sa lalaking mula sa lamesang may telepono.

"Oh segi iakyat mo na to dun," sabi niya at tinulak ako sa lalaking galing sa telepono.

"San mo ko dadalhin? Hoi! Sumagot ka!" sigaw ko sa lalaking hinihila ako paakyat sa hagdan.

"Wag ka ng malikot, masasarapan ka naman eh," Sabi niya at mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ano!? Hoy bitiwan mo ako! Bitiwan mo ko sabi eh!" Pagpupumiglas ko.

"Manahimik ka nga!" sigaw niya sakin at aaka na kumatok sa pinto.

Tangina hindi ko alam kung anong meron sa loob ng mataas na pintong-kahoy nato na may napakagandang ukit.

Wala akong narinig na kahit na ano mula sa loob. Kinalagan niya muna ako at saka na binuksan ang pinto at tinulak ako papasok at agad na sinarado ang pinto.

"Aray!" sigaw ko, agad akong tumayo at aabutin sana ang pinto pero hindi ko na naabutan. "Hoy! Buksan niyo po ang pinto! Buk—"

Bigla akong napatabon ng dalawang tenga ko at napa upo dahil sa tunog na yun. Tunog ng baril. Nakita ko ang shell ng bala sa sahig. Sobrang lapit lang sakin. Binalikan ko ng tingin ang pinto kung saan ito tumama pero wala akong makita ni gasgas.

Nanginginig na ako sa takot at pigil na umiiyak. Muntik na... Muntik na akong mamatay. Narinig ko ang yapak ng sapatos na papalapit sa akin. Pero hindi ko na magawang gumalaw sa kina uupuan ko.

"You're too loud," rinig kong sabi niya pero pakiramdam ko ay nabibingi pa rin ako sa tunog ng baril.

Pumaibaba siya sa harapan ko para mag level kami. Naramdaman ko ang malamig na bagay na hawak niya sa sentido ko. Ito pa lang ang pangalawang beses na nangyare sakin to. Ang huli ay yung una akong bininyagan sa kama.

"W-wala po… Akong ibang n-nakita.. Pa..pakawalan niyo na..na po ako p-please. Wala po… Wala po akong pagsasabihan. P-pangako po." Pag-iyak ko habang nanginginig sa takot.

"Yep! There's no one you're going to tell to because you'll die here. Right now," aniya niya na mas ikinalamat ng lalamunan ko.

Hindi ko pa nakikita ang mukha niya kasi natatakot akong baka pag tumama ang mata naman agad niya akong patayin. Natatakot ako sa presensiya niya . Ang lamig ng boses niya pero nakakatakot.

Hell, am I really going to die here?

Hindi ako nagsalita kaya tumayo siya at naglakad pabalik sa lamesa niya at dun ko na siya sinundan ng tingin.

Matangkad at naka black suit, broad shoulders at may sobrang itim na buhok. Alam kong lilingonin niya ako kaya binalik ko sa sahig ang mata ko.

"Look at me," utos niya na napakapamilyar sa akin.

It's been a year since someone ordered me to do that.

"I said look at me," pag-uulit niyang utos.

This guy might shot me without any hesitation that's why I obey him. Slowly, I lift my head up. Then my body froze when our eyes met.

The guy who diverginize me a year ago, is in front of me. He's glaring at me with his cold, dangerous, deep black eyes. Nothing much change, ang gwapo niya pa din.

"So, we meet again."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status