“MATTEO POINT OF VIEW”All this time niloloko lang ako ng girlfriend ko. Carmela is cheating on me. Malinaw na sa akin ang lahat. Masakit sa akin dahil ibinuhos ko ang oras ko para sa kaniya. Ginawa niya akong gago at tuta sa tuwing magkasama kami. But I’m not totally angry to her. Siguro dahil hindi ko na siya ganoon kamahal para magalit at magwala dahil niloko niya ako sa mahabang panahon. Pero hindi ko pa rin matanggap, nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya. Pero kung hindi dahil sa mga palusot niya at pagsisinungaling sa akin ay hindi ko makilala si Shaina. Ang babaeng nagpabaliw sa akin sa maikling panahon. Ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Si Shaina ang dahilan kung bakit gusto kong mamuhay ng masaya at bumuo ng pamilya. Pagkatapos kong mapanood ang video ni Carmela at ng lalaki niya ay doon ko na tinapos ang lahat. Sapat nang dahilan iyon para hiwalayan siya. Hindi man sabihin sa akin ni Shaina ang totoo niyang nararamdaman sa akin. Pero nakikita ko mula
“LETI POINT OF VIEW”“WALA si Shaina dito. Bakit dito mo siya hinahanap? Di ba asawa mo siya? Ano naman ang kinalaman ko sa inyong dalawa ng bestfriend ko?” sarkastiko kong tanong sa lalaking ito. Ang aga-aga iistorbohin lang ako para tanungin kung nandito ba si Shaina. Naiinis ako sa bestfriend ko, dahil nagsinungaling siya sa akin. Wala naman akong magagawa kundi tulungan siya. Naiintindihan ko si Shaina kung bakit niya sinakripisyo ang sarili. Pero kung alam ko lang noong simula pa lamang ang tungkol sa kasunduan nila ni Matteo David ay hindi ako makakapayag. Naguguluhan din ako dahil bakit nandito ngayon ang lalaking ito? At bakit gusto niyang makita ang kaibigan ko? Samantalang nagawa na ni Shaina ang nasa kasunduan nila. Sa sitwasyon ngayon ni Matteo ay parang ayaw niyang mawala si Shaina sa piling niya. In-love kaya siya sa bestfriend ko? “Please, gusto ko siyang makita, may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.” N
“Shaina Point of View”HINDI ako makapaniwala, hindi kaagad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Matteo. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, pumunta siya dito upang sabihin ang totoo niyang nararamdaman sa akin. At upang sabihin ang lahat-lahat, ngunit naguguluhan pa rin ako. Paanong nangyari na wala na sila ni Carmela? Perfect couple sila at wala akong nakikitang dahilan upang maghiwalay sila. “B-bakit wala na kayo ni C-carmela, Matteo? Hiniwalayan mo siya dahil sa akin? Matteo, perfect couple kayong dalawa. Mas malalim ang pinagsamahan ninyo kaysa sa akin,” nag-aalangan kong sabi. Bumuntong hininga siya at ngumiti, habang nakatingin sa akin. “Carmela is lier, she has a boyfriend. At habang lumilipas ang mga araw na kasama kita ay nakikilala kita ng lubusan. Hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa ‘yo habang kami pang dalawa. Kung hindi ko nalaman ang tungkol sa sikreto niya ay hindi ako matatauhan. Hindi ko mare-realize ang nararamdaman ko sa ‘yo, mahal kita. M
“Shaina Point of View” Ito na iyong pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Iyong pinapangarap ko na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ay natupad ko na. Totoong-totoo na ito, totoo ng kasal ang mangyayari sa tana ng buhay ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng altar habang kaharap ang lalaking bumago sa buhay ko. Ang lalaking nag-alok sa akin ng kasal, at ng kontrata na kailangan kong sundin. PIGIL ang luha ko habang nakatitig sa perpektong mukha ni Matteo. “Matteo, salamat dahil minahal mo ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, dahil nandito tayo sa sitwasyong ito,” sambit ko. Sa mga sandaling ito tila nakalimutan ko na napapalibutan kaming dalawa ng maraming tao. Mga taong magiging saksi sa kasalang ito, mga pamilya namin ni Matteo na masaya para sa aming dalawa. At hindi magpapahuli ang kambal na anak namin ni Matteo. Buhat-buhat ni Jade si Shella ang kakambal ni Matt, limang buwan na sila at ngayon lang naganap ang kasal naming dalawa. Gusto kasi ng mga magulang namin ni
“Shaina Point of View”Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ng kaharap ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.He didn’t offer me a job, ang inaalok niya sa akin ay isang kasal. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso, masyado akong nabigla.“Mr. David, trabaho kasi ang pinunta ko dito hindi kasal. Kung nagbibiro naman kayo hindi po magandang biro iyan,” pinilit kung magpanggap na natatawa pero itong kaharap ko ay hindi man lang nagbago ang reaksyon. Prenteng nakaupo ito habang naka- krus ang kamay.“Did you think it's just a joke, Miss Shaina?” Napangiwi ako dahil sa tanong nito, hindi ko naman matatanggap ang alok niya na pagpapakasal kung totoo man ang sinabi niya.“I'm here to deal with you, I'II give you money for your mother. Tanggapin mo ang alok kong kasal ibibigay ko sa'yo ang pera kahit magkano,” diretsong saad nito. Hindi ako nakaimik dahil sa pagtataka, paano niya nalaman na kailangan ko ng pera para sa nanay ko? Sinabi siguro ni Leti sa kaniya na nangangailangan ako ng per
“SHAINA POINT OF VIEW”NAKATAYO ako sa harapan ng misteryosong lalaking ito habang hinihintay siyang magsalita. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan. “Mr. David? ” pagtawag ko sa pangalan niya. “Don’t call me Mr. David, just call me Matteo and tomorrow you will meet my family kaya kailangan nating magpanggap na mahal natin ang isa’t isa.” Seryosong saad ng kaharap ko. Para akong estudyante na tinuturuan, sa kalagayan ko ngayon ay puno ng katanungan ang isip ko. Kaya ba siya naghahanap ng mapapangasawa para maipakita sa pamilya niya na may asawa na siya? Hindi kaya may ibang dahilan? Pero nasaan kaya ang pamilya niya kung bakit hindi natututukan itong misteryosong lalaking ‘to. “Are you listening to me?” nakakunot noo nitong tanong. “Ah, oo. Nakikinig ako,” saad ko at nagpilit ngiti. Kakayanin ko kayang magpanggap na nagmamahalan kami e, sa sitwasyon naming ito ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkausap. “Alright. Anyway yo
“SHAINA POINT OF VIEW” “Oh my god! This is your fiancee, Matteo? Magaling kang pumili ng mapapangasawa mo, anak.” Halos pekeng ngiti na lamang ang iginawad ko sa Mommy ni Matteo nang dumating kami sa bahay ng parents niya. Mukhang inaasahan na nila na darating kami dahil nakahanda na ang mga pagkain sa dining table. Inalalayan ako ni Matteo na maupo sa upuan, halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Simula na ang pagpapanggap namin ngayon at ang alam ng parents niya na fiancee niya ako. Maingat ang mga bawat salita na ginagawa ko upang hindi makahalata ang parents niya dahil maling kilos ko lang masisira ang napagkasunduan namin ni Matteo. “ I’m so proud of you son!” Nakangiting wika ng Daddy ni Matteo, nilingon naman ako nito at saglit na nginitian. “Saan pa ba ako magmamana kundi sa’yo, Dad.” Nakangiting saad nito sa Daddy niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa matinding kaba, kakauwi lang daw dito sa Pinas ang parents niya kaya
“SHAINA POINT OF VIEW” “YOU may now kiss the bride.” Halos iyon lang ang salitang naintindihan ko sa mga oras na ‘to. Unti-unting itinaas ni Matteo ang belo na nakaharang sa mukha ko. Ngayon ang kasal namin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang hinigit na pala ako ni Matteo palapit sa kaniya. Dilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwa kong kamay. Halos maghiyawan ang mga bisita sa loob ng simbahan ng inilapat na ni Matteo ang labi niya sa labi ko. Hindi ako naka- react dahil ang first kiss ko ay mapupunta lamang pala sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala at hindi ko mahal. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Siya ang unang humiwalay sa halik at kaniya ako nitong inalalayan humarap sa mga bisita. Halos ang ginagawa naming pagpapanggap ay parang totoo dahil para kaming sweet couple