“SHAINA POINT OF VIEW”
NAKATAYO ako sa harapan ng misteryosong lalaking ito habang hinihintay siyang magsalita. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan.“Mr. David? ” pagtawag ko sa pangalan niya.“Don’t call me Mr. David, just call me Matteo and tomorrow you will meet my family kaya kailangan nating magpanggap na mahal natin ang isa’t isa.” Seryosong saad ng kaharap ko.Para akong estudyante na tinuturuan, sa kalagayan ko ngayon ay puno ng katanungan ang isip ko. Kaya ba siya naghahanap ng mapapangasawa para maipakita sa pamilya niya na may asawa na siya? Hindi kaya may ibang dahilan? Pero nasaan kaya ang pamilya niya kung bakit hindi natututukan itong misteryosong lalaking ‘to.“Are you listening to me?” nakakunot noo nitong tanong.“Ah, oo. Nakikinig ako,” saad ko at nagpilit ngiti. Kakayanin ko kayang magpanggap na nagmamahalan kami e, sa sitwasyon naming ito ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkausap.“Alright. Anyway your money is already in your room, tulad ng napag-usapan kalahati lang muna ang ibibigay kong bayad dahil hindi pa tayo naikakasal.” Marahan akong tumango at napabuntong hininga. Nandito ako ngayon sa bahay niya dahil sinundo ako ng mga bodyguards niya. Halos kainin ako ng hiya dahil limang mga bantay ang pumunta sa apartment ni Leti. Hindi ko nga alam kung bakit alam kaagad niya kung saan ako tumutuloy, hindi kaya sinundan niya ako? Pero bakit naman ako pag- aaksayahan ng oras e, mahirap lang naman ako.“Pwede ba magtanong?” Nahihiya kong sabi, hindi talaga ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung bakit ako ang nilapitan niya. Sa sobrang dami ng mga babaeng mas maganda pa sa akin at mayayaman ay bakit ako? Ano ang mapapala niya sa isang katulad ko na walang maipagmamalaki?“Gusto ko lang malaman kung bakit ako ang napili mo para magpakasal sa’yo? Mahirap lang ako at walang maipagmamalaki,” saad ko.“Simple lang, my friend reffer me to you.” Nagtataka naman akong napatitig sa mga mata niya, sinong kaibigan? Kilala ko ba ang tinutukoy niyang kaibigan o hindi?“Sinong kaibigan?” Tanong kong muli.“Makikilala mo rin siya but soon, from now on go to your room and take a rest.” Para naman akong batang sumunod sa utos niya, nagpasama ako sa isang kasambahay dito dahil hindi ko kung saan ang kuwarto ko. Hanggang ikalawang palapag ang bahay ni Matteo at napakaganda ng paligid.Totoo nga ang sinabi niya, nandito na ang pera na kailangan ni Mama. Nakalagay ito sa drawer. Dapat masaya ako dahil may pera na ako, mao-operahan na din si Mama. Pero binabagabag ako ng konsensya, masyadong malaki ang ibinigay sa aking pera ni Matteo at sa tingin ko ay sobra- sobra na ito para sa malaking gamutan ni Mama.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang number ni Leti. Malamang nasa probinsya na siya dahil madaling araw pa lang ay umalis na siya sa apartment para umuwing probinsya. Nagpaalam na rin ako kay Ma’am Angelou na magre-resigned na ako at nalungkot siya dahil aalis na ako sa trabaho. Kung ako man ang magpapasiya ay hindi ako aalis sa trabaho, pero ang sabi ni Matteo ay kailangan kong magresigned.“Oh, hello my friend. Napatawag ka?” Kaagad na bungad ni Leti nang sagutin niya ang tawag ko. “Kakamustahin ko lang sana si Mama, maayos na ba ang lagay ni Mama d’yan?” Tanong ko habang nakatingala sa kisame, narinig ko namang malalim na napabuntong hininga ito.“Nagising si Tita Selya kanina pero nakatulog din kaagad. Alam mo bang pagkagising niya ikaw ang una niyang hinanap? Akala kasi uuwi ka. Pero h’wag mong alalahanin si Tita ako ang bahala sa kaniya,” Ani ni Leti. Napakagat labi ako upang pigilan ang nagbabadyang luha na gustong kumawala. Gusto kong puntahan si Mama pero nakipag- deal na ako kay Matteo.“Best, andiyan ka pa ba?” Tanong ni Leti, kaagad akong umayos ng upo sa gilid ng kama at napabuntong hininga.“Oo, nandito pa ko. Pakisabi na lang kay Mama magpagaling siya, h’wag niyang alalahanin ang pera kasi meron na akong hawak para sa operasyon niya,” sambit ko sa mahinang tono.“Saan ka nakakuha ng pera, best? ” nagtataka niyang tanong.“Sa ibang araw ko na lang sa ‘yo ipapaliwanag ang lahat basta alagaan mo d’yan si Mama kasi hindi ako makakauwi. Ipapadala ko ang pera d’yan bukas ikaw na ang bahala Leti,” tuloy- tuloy kong saad. Wala akong balak na magtagal pa ang usapan naming dalawa dahil kaunti na lang ay bubuhos na ang luha ko ayaw ko pa naman pag-alalahanin ang kaibigan kong ito.“Sabihin mo na sa akin ngayon Shai~” Pinutol ko ang sasabihin niya upang hindi na siya magtanong pa.“Sige na, ibababa ko na itong tawag kailangan ko nang pakainin ang mga bata.” Pagsisinungaling ko at kaagad kong in-off ang tawag. Napatingin ako sa pintuan nang may biglang kumatok narinig ko ang isang katulong na tinatawag ako para kumain na.“Ma’am, gising pa po ba kayo? Kakain na po,” saad ng katulong sa labas ng pintuan.“Susunod na lang po ako, ” sabi ko at umalis sa kama para ayusin ang sarili ko. Narinig ko naman na umalis na ang katulong kaya lumabas din ako kaagad ng kuwarto. Naglakad ako sa hagdan at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga paintings at siguradong mamahalin ang mga obrang ito.Mabuti na lang ay may nakasalubong akong isang katulong kaya hindi ako nahirapang mahanap ang dining room nila dito. Naabutan ko si Matteo at mukhang naiinip na ito sa kahihintay. Ako ba ang hinihintay niya? Nakita niya naman ako na nakatayo sa gilid ng pader kaya inutusan ako nitong lumapit sa kaniya.“Take a seat,” seryosong sabi niya. Ganito na ba talaga ang ugali nito? Laging seryoso at parang laging may problema. Sumunod din naman ako sa sinabi niya at naupo sa katapat niyang upuan.“Bakit ang tagal mong pumunta dito?” Tanong niya ng hindi ako tinitignan, lsinundan ko ng tingin ang isang brown envelope na nasa tabi niya. Kinuha niya ito at inabot sa akin, nagtataka ko naman itong kinuha at binuksan ang envelope.“Contract Marriage?” Pagkukumpirma ko, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nasa puting papel na ito.“Yeah,” maikli niyang sabi. Kahit na may itatanong pa ako ay binalingan ko na lang itong hawak kong papel na may nakalagay na ‘Contract Marriage’.Habang binabasa ko ang nakasulat dito ay hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. Isang taon at kalahati ang kontrata? Ibig-sabihin ba na magpapakasal ako sa kaniya at kapag umabot na nang isang taon at kalahati kailangan ko ng makipag hiwalay“Anong klaseng kontrata ito? Pwede naman tayong magpanggap lang ng walang kontrata na pinipirmahan,” saad ko at inilapag sa lamesa ang hawak ko. “ Remember, bayad ako sa’yo. Ayaw mo no’n, isa’t kalahating taon lang ang hinihingi ko and after that pwede ka ng makipaghiwalay sa ‘kin. Ganoon kadali,” direkta nitong sabi.“Nabasa mo na ba ang lahat nang nakalagay d’yan?” Tanong niya habang sumasandok ng pagkain sa plato niya. Tanging iling lang ang ginawa ko bago ko muling kinuha ang papel at muling binasa.Nang nasa huling bahagi na ako ng pagbabasa napatayo ako at gulat na tinignan ang lalaking kaharap ko. “Kailangan kong magbuntis?!” Napataas ang boses ko dahil sa gulat, ang akala ko ay kasal lang at wala ng ibang kondisyon. Pinasadahan niya naman ako ng tingin at natitiyak kong inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.“This is my rules, kailangan mo akong bigyan ng anak.” Nakahalukipkip na sabi nito, parang wala lang sa kaniya ang usaping ito. Oo, pumayag ako na magpakasal sa kaniya kapalit ang pera, pero kung nalaman ko noong una pa pa lang na kailangan kong manganak hindi ko tatanggapin ang alok niya.“Kung anak lang naman pala ang kailangan mo bakit hindi ka na lang mag- adopt? Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, Mr. David.” Saad ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko para lang pagtaasan ng boses ang lalaking kaharap ko.“ Hindi ka na puwedeng umatras Miss Shaina, nakipag kasundo ka na sa akin and everything is clear. Binayaran kita for your family needs and you agree to my offer.” Aniya, napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Kung bawiin ko na lang kaya ang sinabi ko? Pero kung ibabalik ko sa kaniya ang pera paano na lang si Mama? Kailangan na niyang maoperahan.“You need to give me a child and hindi ka puwedeng ma-inlove sa akin,” diretso nitong sabi. Napakuyom ako ng kamao, anong klaseng kasunduan ito? Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako papayag sa alok niya.“Paano ang sanggol na isisilang ko? Kukunin mo ba sa akin at ilalayo?” Tanong ko, sa tingin ko hindi ko kakayaning ibigay sa kaniya ang sanggol kapag dumating ang araw na kailangan ko ng umalis. Akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko dahil abala ito sa cellphone ng magsalita ito. “ Isisilang mo ang sanggol at ikaw ang lalayo, hindi ka pwedeng magpakita sa akin at sa magiging anak natin.Kailangan mong sundin kung ano ang nakasaad sa kontrata Miss Shaina,” sabi nito. Halos hindi maproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ko naman ata kayang iwan ang anak ko kapag dumating ang araw na kailangan kong umalis.“Pwede ka naman magdecide, ‘yon nga lang kailangan mong ibalik sa akin ang pera once na tumanggi ka. I’II give you one day to decide and you need to signed the contract until tomorrow,” iyon lang ang sinabi niya at walang pasabing tumayo ito sa upuan niya at naglakad papalabas ng dining room.Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa mga nabasa ko. Napakabilis ng mga pangyayari halos hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon kong ‘to. Dahil nawalan ako ng ganang kumain, napagpasyahan ko na lamang na bumalik sa silid na pinasukan ko kanina. Bitbit ko ang brown envelope na naglalaman ng kontrata sa napagkasunduan namin ng lalaking iyon. Ang dali lang sa kaniya na mag-decide hindi man lang ako hinayaang magbigay ng opinyon about sa kontrata.Bago pa man ako makabalik sa kuwarto ibinilin ko sa isang kasambahay na iligpit na lang ang pagkain sa lamesa. Ibinilin ko pa nga na kainin na lamang nila pero kaagad silang tumanggi. Natatakot daw sila sa lalaking iyon.Nang makapasok ako sa kuwarto hinayaan kong hindi naka-lock ang pinto. Naupo ako sa ibabaw ng kama at muling kinuha ang laman ng envelope. Nagbabakasakali ako na baka namamalikmata lamang ako pero totoo talaga ang nakasulat sa kontrata. May pirma pa ito ng isang attorney at once na pirmahan ko ang kontratang ito hindi na ako puwedeng umatras.Ang dapat kong sundin at gawin ay ang mga nakasulat sa puting papel na ito na talagang mahirap para sa aking gawin.Ang magpakasal sa lalaking hindi ko naman kakilala at bawal ma-inlove sa lalaking iyon.Ang magpanggap na mahal namin ang isa’t isa sa mga taong nakapaligid sa kaniya.Ang magsilang nang sanggol.Tapusin ang kontrata sa loob ng isa’t kalahating taon at pagkatapos no’n kailangan ko ng umalis at iwan ang isisilang kong sanggol.Ang tanong kakayanin ko kaya ito? Walang ina ang basta na lamang iiwan ang anak. At paano na lamang kung ma-inlove ako sa kaniya? Pero malabo naman iyong mangyari. Hindi ko naman hawak ang mga mangyayari sa kasalukuyan. Hindi ko rin kontrolado ang puso ko, pero kung magkataon man na magkagusto ako sa kaniya sana lang ay matupad ko ang nakasaad sa kontrata.Pasalamat na lang ako dahil hindi pa ko nababaliw sa sobrang daming iniisip. Alam kong hindi lang ako ang tao sa mundo na may problemang pinapasan pero iba ‘to. Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang mga Contract Marriage, Arrange Marriage. Pero sa real life pala ay nangyayari din at nagkataon pang sa akin nangyayari ang napapanood ko sa telebisyon.“SHAINA POINT OF VIEW” “Oh my god! This is your fiancee, Matteo? Magaling kang pumili ng mapapangasawa mo, anak.” Halos pekeng ngiti na lamang ang iginawad ko sa Mommy ni Matteo nang dumating kami sa bahay ng parents niya. Mukhang inaasahan na nila na darating kami dahil nakahanda na ang mga pagkain sa dining table. Inalalayan ako ni Matteo na maupo sa upuan, halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Simula na ang pagpapanggap namin ngayon at ang alam ng parents niya na fiancee niya ako. Maingat ang mga bawat salita na ginagawa ko upang hindi makahalata ang parents niya dahil maling kilos ko lang masisira ang napagkasunduan namin ni Matteo. “ I’m so proud of you son!” Nakangiting wika ng Daddy ni Matteo, nilingon naman ako nito at saglit na nginitian. “Saan pa ba ako magmamana kundi sa’yo, Dad.” Nakangiting saad nito sa Daddy niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa matinding kaba, kakauwi lang daw dito sa Pinas ang parents niya kaya
“SHAINA POINT OF VIEW” “YOU may now kiss the bride.” Halos iyon lang ang salitang naintindihan ko sa mga oras na ‘to. Unti-unting itinaas ni Matteo ang belo na nakaharang sa mukha ko. Ngayon ang kasal namin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang hinigit na pala ako ni Matteo palapit sa kaniya. Dilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwa kong kamay. Halos maghiyawan ang mga bisita sa loob ng simbahan ng inilapat na ni Matteo ang labi niya sa labi ko. Hindi ako naka- react dahil ang first kiss ko ay mapupunta lamang pala sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala at hindi ko mahal. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Siya ang unang humiwalay sa halik at kaniya ako nitong inalalayan humarap sa mga bisita. Halos ang ginagawa naming pagpapanggap ay parang totoo dahil para kaming sweet couple
“SHAINA POINT OF VIEW” DALAWANG araw na ang lumipas ng ikasal kami ni Matteo. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing ‘yon. ~Flashback~ Dali- dali akong nagbalot ng tuwalya ng marinig namin ang pagkatok mula sa labas ng hotel room na kinatatayuan namin ni Matteo. Parehas kaming hubo’t hubad sa mga oras na iyon ng tawagin kami ng parents ni Matteo. Kaya ang binabalak ni Matteo ay hindi natupad. Mabuti na lang ay naka-lock ang pintuan kung kaya’t hindi nabuksan ni Mommy Livia at mabuti na lang din hindi kami naabutang may ginagawang milagro. Ang lasing na si Matteo ay parang nawala ang kalasingan ng dumating ang Mommy niya. “Oh? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ng Mommy niya sa kaniya, siya ang nagbukas ng pintuan dahil hindi ko magawang lumabas ng banyo dahil sa matinding kahihiyan. “She’s taking a shower. Why are you here, mom? ” Rinig kong tanong ni Matteo sa Mommy niya.“Kasi naman nakalimutan kong ibigay sa asa
“SHAINA POINT OF VIEW”NAGING maginhawa na ang pakiramdam ko dahil naoperahan na si Mama. At kasalukuyan siyang nagre-recover at dahil sa magandang balita na iyon ay gumaan ang pasanin ko. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ni Mama dahil wala na siyang dinaramdam na sakit sa puso. Ang kailangan ko ng lang gawin ngayon ay sumunod sa nais ni Matteo. Naging madalas ang pagpunta ni Carmela dito sa bahay ng boyfriend niya. Na asawa ko naman sa papel dahil sa kontrata na pinirmahan ko. Naging madalas din ang pamamasyal namin ni Carmela sa tuwing nasa kumpanya si Matteo. Pero ngayon hindi natuloy ang lakad namin ni Carmela dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa US. Hindi naman niya nabanggit kung ano ang aasikasuhin niya kaya hinayaan ko na lamang ito. Wala si Matteo dahil may inaasikaso sa kumpanya niya. Nabanggit lamang sa akin ni Matteo na pupunta ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ng mga kaibigan niya dito pero alam k
“THIRD PERSON POINT OF VIEW” Nagising ang dalaga nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang ibabaw. Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang liwanag ng buwan na nanggaling sa labas ng bintana. Ang kamay ng binata ay kung saan- saan na umaabot sa katawan ng dalaga.“Anong ginagawa mo?” Hindi nagsalita si Matteo bagkus siya ay abala sa paggawang paghalik sa leeg ng dalaga. Hindi niya magawang maitulak si Matteo na nasa kaniyang ibabaw sapagkat mas malakas sa kaniya ang binata. Dinagdag pa dito ay hinang- hina siya dahil sa matinding kalasingan. Sa bilis ng mga pangyayari at suot- suot niyang bistida ay wala na sa kaniyang katawan. Tanging alinghing lamang ang naririnig sa buong silid nito dulot ng matinding kiliti na ginagawa ni Matteo sa kaniyang katawan. “Matteo—” bigkas ng dalaga nang maramdaman niyang nasa kaniyang hita na ang kamay ni Matteo. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa mg
“SHAINA POINT OF VIEW”“Matteo, buntis ako.” Nakayukong sabi ko, kararating lamang niya galing sa trabaho. Pero hindi ko alam kung nagkita ba silang dalawa ni Carmela. Ang plano ko sana ay kay Carmela ko na lamang sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko pero may nagtulak sa akin na kay Matteo ko na lamang unang sabihin. Napatigil siya sa pagtatanggal ng kaniyang necktie dahil sa biglaan kong pagsasalita.“Say it again,” utos niya sa akin sa mahinang boses. “Buntis ako, magiging tatay ka na.” Paglilinaw ko, ano kaya ang pakiramdam kung ang lalaking mahal mo ang sasabihan mo nang ganoong bagay? Na magiging tatay na siya at nabuo ang sanggol sa sinapupunan ko dahil sa pagmamahalan namin. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay malabong mangyari, magiging nanay na ako at sa lalaking kaharap ko ngayon. “It’s true? You’re not joking, right?” “Bakit ako magbibiro Matteo? Isa itong seryosong usapin at ngayong buntis na ako nabibilang na ang mga araw ko dito. Sa puder mo,” pagkasabi ko no’n ay n
“THIRD PERSON POINT OF VIEW”Masayang nagsi- celebrate ang pamilyang David sa isang beach resort sa Tagaytay. Matapos ipaalam ni Matteo ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina ay nagpasiyang umuwi ng Pilipinas ang magulang ni Matteo upang i-celebrate ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina. Alagang- alaga ni Matteo si Shaina kahit na tatlong buwan pa lamang ang tiyan nito ay hindi hinahayaan ni Matteo na mapagod ito. Halata na ang umbok ng tiyan ng babae ngunit kahit na siya’y nagdadalagang tao kapansin-pansin pa rin ang hubog ng katawan nito. Habang masayang kumakain ang buong pamilyang David ay pinagsasandok pa ni Matteo ng pagkain si Shaina. Paniwalang-paniwala ang magulang ni Matteo dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ni Shaina. Sobrang sweet kasi ng dalawa na animo’y totoo silang nagmamahalan. “Kumain ka na rin, Matteo. Tignan mo, hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo,” sambit ni Shaina sa katabi. Hindi pa kasi kumakain ito dahil sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya. Nahi
“SHAINA POINT OF VIEW”“Best?” gulat na Ani ni Leti ng makita niya akong nakatayo sa labas ng pintuan niya. Nagpaalam kasi ako kay Matteo na pupunta ako sa apartment ni Leti para kamustahin ito. Hindi kasi ako matatahimik kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapaalam sa kaniya ang tungkol sa pinasok ko. Kaya ngayon gulat na gulat siya at hindi niya inaasahan na pupunta ako dito. Ngumiti ako ng pilit natatakot ako na magalit sa akin ang kaibigan ko dahil hindi ako tumawag sa kaniya ilang buwan na rin ang lumipas. “Ako nga ito—” naputol ang sasabihin ko ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Niyakap ko naman ito pabalik, ramdam ko ang pagka- miss niya sa ‘kin. Pigil ang luha ko ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Best! Saan ka bang lupalop nagsusuot ha? At teka bakit ang blooming mo ngayon?” bumaba ang tingin niya sa umbok kong tiyan. Nahihiya naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya.“At iyang tiyan mo? Lumunok ka ba ng dalawang pakwan?” taka nitong tanong. Hiyang- h