“SHAINA POINT OF VIEW”
“Oh my god! This is your fiancee, Matteo? Magaling kang pumili ng mapapangasawa mo, anak.” Halos pekeng ngiti na lamang ang iginawad ko sa Mommy ni Matteo nang dumating kami sa bahay ng parents niya. Mukhang inaasahan na nila na darating kami dahil nakahanda na ang mga pagkain sa dining table.Inalalayan ako ni Matteo na maupo sa upuan, halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Simula na ang pagpapanggap namin ngayon at ang alam ng parents niya na fiancee niya ako. Maingat ang mga bawat salita na ginagawa ko upang hindi makahalata ang parents niya dahil maling kilos ko lang masisira ang napagkasunduan namin ni Matteo.“ I’m so proud of you son!” Nakangiting wika ng Daddy ni Matteo, nilingon naman ako nito at saglit na nginitian.“Saan pa ba ako magmamana kundi sa’yo, Dad.” Nakangiting saad nito sa Daddy niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa matinding kaba, kakauwi lang daw dito sa Pinas ang parents niya kaya walang kaalam-alam ang mga magulang niya sa mga nangyayari sa kaniya dito sa pilipinas. Doon daw kasi naninirahan ang mga magulang niya.“Mukhang mahiyain ang magiging manugang ko, Matteo. Di bale, mas gusto ko sa babae ang mahiyain.” Bumungisngis ang Mommy ni Matteo ng sabihin niya iyon, para bang may kahulugan ang sinabi niya sa akin pero hindi ko alam kung ano.“ So, saan mo nga pala nakilala ang anak ko Shaina?” Ang pagiging palangiti ng Mommy niya kanina ay napalitan ng mataray na pustora. Ito kaya ang totoong ugali ng Mommy niya?Nilingon ko si Matteo nang siya ang sumagot sa tanong ng Mommy niya sa’kin. “ I met Shaina at the restaurant,” maikling sagot nito. Para bang hindi pa kuntento ang Mommy niya sa naging sagot ng anak niya dahil tila nag-iisip pa ito kung totoo ba ang sinabi ng anak niya.“Ano naman ang ginagawa mo sa restaurant Shaina? Doon ka ba nagtatrabaho?” Tanong ng Mommy niya sa’kin, lumunok muna ako ng ilang beses bago sagutin ang tanong nito.“Yes, po. Nagtatrabaho po ako sa restaurant bilang waitress,” saad ko. Tila nabigla naman si Matteo sa sinagot ko, akala siguro niya ay magsisinungaling ako. Inaasahan ko naman na magugulat ang Mommy niya dahil sa pagkasabi ko no’n ay halatang hindi niya inaasahan na iyon ang trabaho ko. Siguro ang inaakala nila mula ako sa mayamang pamilya at may magandang trabaho. “Maganda ba ang sahod mo ro’n? Mahinahong tanong ng Mommy niya sa akin bago nito binalingan si Matteo. “Bakit mo naman hinahayaan na magtrabaho ang magiging manugang ko, Matteo David?” Halos mapaubo ako dahil tinaasan ng kilay si Matteo ng Mommy niya. Mukhang naiinis ito kay Matteo dahil sa nalaman niya. Akala ko ay pagtatabuyan ako ng Mommy niya pero nagkamali ako.“Oo nga naman, bakit mo hinahayaang magtrabaho ang fiancee mo?” Disappointed na tanong ng Daddy niya, napatikhim naman si Matteo dahil sa inasta ng parents niya.“Wala namang problema kung magtrabaho siya, Dad. Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa trabaho niya and I’ve decided before the wedding aalis na siya sa restaurant,” simpleng saad ni Matteo.“ That’s good, Son! And you need to give me a grandson, sa lalong madaling panahon.” Seryosong saad ng Daddy niya, halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ng Daddy niya ng balingan ako nito ng tingin.“Yes, I will dad. Right, Love?” baling sa akin ni Matteo.“Ah, o-opo.” Utal kong sagot sa tanong ni Matteo, talagang gusto ng parents niya na magka-apo kaagad. Ito pala ang dahilan kaya gusto niyang magkaroon ng anak dahil sa hiling ng parents niya.“Hindi na ako makapaghintay magkaroon ng apo, Sweetie. Kaya kayong dalawa bilisan niyo gumawa ng bata para naman may ma-alagaan kami,” tukoy sa aming dalawa ng Mommy niya. Kahit pagpapanggap lang naman ito ay hindi ko maiwasang mahiya, ganito pala ang mayayaman. Masyadong bulgar kung magsalita ang parents niya ang akala ko ay mahinhin ang mga ito.“Mukhang nahihiya ka sa amin, Shaina. Don’t worry support naman namin ang relasyon niyong dalawa nang anak ko. Right, Sweetie? ” Malambing na tanong ng Mommy ni Matteo sa kaniyang asawa.“ Yes, Livia. Your my soon to be daughter in-law your always welcome to my family,” hindi man ngumingiti ang Daddy ni Matteo ngunit kapansin-pansin pa rin na sincere ito sa sinasabi niya. Hindi nalalayo ang mukha ni Matteo sa tatay niya, para bang magkapatid lang silang dalawa. Ang Mommy naman nito ay hindi mapaghahalataang 45 years old dahil sa pagiging baby face ng mukha nito.“Salamat po,” saad ko.“Maiba nga tayo, kailan ang kasal ninyong dalawa? Kung ganapin kaya ang kasal niyo sa susunod na linggo? ‘Di ba, Sweetie?” Baling ng Mommy ni Matteo sa asawa nito.“Yes, pwede naman mapaaga para naman maging ganap na David ka na,” sabi ni Tito Dan sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa inasta ng parents ni Matteo. Nakalimutan kong mayaman pala ang kaharap ko at kahit anong oras puwede nilang magawa ang gusto nila.“Shaina, may problema ba? Masyado ka ba naming binigla? Masyado lang kaming excited para sa honeymoon ninyo.” Napangiwi ako ng palihim dahil sa sinabi ni Tita Livia. Bumungisngis pa ito na animo’y ini- imagine pa ang kasal na magaganap sa pagitan naming dalawa ni Matteo.“Mom, stop.” Pagpapatigil ni Matteo sa Mommy niya na malawak ang ngiting nakatitig sa akin.“I’ve already decided, Mom. At the end of the month we will get married, ” nilingon ko si Matteo dahil sa kaniyang sinabi. Ang bilis naman nila mag-decide hindi man lang hiningi ang opinyon ko.“Great!”“Masyado naman mabilis Matteo,” sabi ko. Hindi ko napigilang magsalita dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi nito. Kahit tinanggap ko ang alok niya hindi naman puwede na siya lang ang magdedesisyon.Napatingin sa akin ang parents ni Matteo pati siya ay tinignan ako. Napalunok ako dahil mukhang hindi sang-ayon si Matteo sa sinabi ko. “ Ayos lang naman kung mapaaga ang kasal ninyo and beside mag- fiancee na kayo. Do’n din naman ang punta niyo, Shaina. Hindi mo ba gusto maikasal sa anak ko?” Base sa tanong ni Tita Livia ay mukhang disappointed ito sa sinabi ko.“Hindi po sa gano’n, nabigla lang po kasi ako. Mahal ko po ang anak niyo kaya walang dahilan para hindi ako magpakasal sa anak niyo.” Halos gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa mga kasinungalingan kong sinabi sa harap nila. Buong buhay ko, pamilya ko lang ang sinabihan ko ng ‘mahal’.“Iyon naman pala e, edi tuloy ang kasalan. ” Maligayang saad ni Tita Livia na para bang nanalo sa lotto.NANDITO ako sa kuwarto ni Matteo dito sa bahay ng parents niya dahil hindi kami pinayagang umuwi ng parents niya sa mismong bahay ni Matteo. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya habang nag-iisip ng paraan para hindi kami magsama sa iisang kuwarto. Sa buong buhay ko wala pa akong nakakatabing lalaki sa iisang kama bukod kay Papa. Pero ngayon mangyayari na ata ang bagay na iyon.Napalingon ako sa pintuan ng banyo ng bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang naka-topless habang nagpupunas ito ng ulo. Napaiwas ako ng tingin ng lingunin ako nito, sana lang ay hindi niya napansin na napatitig ako sa kaniya.“Bakit hindi ka pa natutulog?”“Puwede bang sa ibang kuwarto na lang ako matulog? Kahit sa maids room okay na sa akin iyon. H’wag lang tayo magkatabi,” saad ko. Nangunot ang noo ko ng tumawa ito na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.“Bakit mo naman gustong matulog sa maids room? Ayaw mo ba akong makatabi?” Nang-aasar na tanong niya, dalawang araw ko pa lang ito nakakasama pero hindi ko inaakalang may ganito pa lang side si Matteo. Akala ko ay seryoso itong tao at walang time sa biruan.“Hindi naman maganda kung magtatabi tayo sa isang kama ‘di ba? Kaya kung okay lang do’n na lang ako sa maids room,” saad ko.“Gustuhin ko man na do’n ka matulog sa maids room ay hindi puwede, Shaina Castro. Anong saysay ng pagpapanggap natin kung do’n ka matututog,” sabi nito. Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya, tama siya dahil ano pa nga ba’ng saysay ng pagbayad niya sa akin ng malaking halaga nang pera kung do’n ako matutulog sa maids room.“Sa sahig na lang ako matutulog tapos dito ka sa kama,” sabi ko. “Kung iyan ang gusto mo hindi kita pipigilan.” Iyon lang ang sinabi niya at muling bumalik sa banyo. Napabuntong hininga ako bago naghanap ng kumot sa kabinet nito, hindi naman siguro masama kung kukuha ako ng kumot sa kabinet niya. “Talagang sa sahig ka matutulog?” Nakaarko ang kilay niya ng harapin ko ito.“Wala naman akong pagpipilian kung hindi sa sahig matulog at isa pa pumayag ka na dito ako sa sahig matutulog,” sabi ko.“If my parents find you sleeping on the floor, ano ang sasabihin mo sa kanila?” Tanong nito at naupo sa gilid ng kama, sinundan ko ito ng tingin at ngayon ko lang napagtanto na naka-boxer pala siya.“Hindi ka ba magsusuot ng maayos na pantulog? ” Naiilang kong tanong nang hindi nakatingin sa kaniya.“May problema ba sa suot kong boxer? Hindi ka ba na-a-attract sa suot ko?”“Sa akin lang naman ay hindi lang ikaw ang tao dito sa kuwarto mo, puwede bang magsuot ka ng maayos na short.” Pakiusap ko sa kaniya, sa totoo lang ay hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko para bang tumakbo ako ng mabilis. “Tsk,” tanging sabi niya. Nagtungo siya sa kabinet at kumuha ng maayos na short at kaagad na sinuot. Akmang hihiga na sana ako sa sahig ng pigilan ako nito. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.“Gusto mo ba talagang makita ka nila na natutulog sa sahig?H’wag kang mag-alala magtatabi lang tayo sa kama at kung ano man ang iniisip mo hindi ‘yon mangyayari,” sabi nito. Nahiga ito sa kama at binigyan ako ng espasyo para mahiigaan. Nahiga na lamang ako dahil inaantok na ako dahil sa alak na nainom ko. First time kong uminom ng alak at talagang nakakahilo hindi ko naman matanggihan ang parents niya dahil baka akalain nila ay maarter ako.“Sleep well, dahil hindi kita gagahasain dahil hindi naman kita type,” sabi nito.Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya. Masyadong mayabang akala naman nito type ko siya. Pumikit na lamang ako at hindi na umimik pa, gusto ko ng matulog para bukas ay panibagong araw na naman ang pagdadaanan ko. Pero kahit pilitin kong matulog ay hindi nakikisama ang isip ko at katawan ko, hindi ako kumportable na magkatabi kami ng isang bilyonaryong lalaki.Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Matinong trabaho ang gusto kong pasukin pero ito ako ngayon nagpabayad sa isang Matteo David. Ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko hiniling, hindi ko pinangarap na manloko ng ibang tao. Pero wala akong magagawa, tinanggap ko na ang offer niya at kailangan kong tumupad sa napagkasunduan namin.Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi matapos ng pinag-usapan namin ni Matteo sa bahay niya ay binigyan niya ako ng isang araw para makapag isip, kung aatras ba ako o pipirmahan ba ang kontrata. Hindi ko pa nasasabi kay Matteo na napirmahan ko na ang binigay niya sa aking kontrata ng kasal.Nilingon ko ang katabi ko at nakita ko itong nakapikit pero alam kong gising pa ito.“Tungkol nga pala sa kontrata, pinirmahan ko na. Bukas ko na lang sa iyo ibibigay iyon dahil nasa bahay mo,” sabi ko. Matapos kong sabihin iyon ay akala ko hindi siya iimik dahil lumipas ang isang minuto ay hindi siya nagsalita.“ Okay, tutal pinirmahan mo na ang kontrata. Ikaw na ang bahala sa pera na ibibigay ko sa iyo bukas,” sabi nito.“Hindi ko na tatanggapin ang pera na ibibigay mo bukas, ayos na sa akin ang unang ibinigay mo. Sobra- sobra pa iyon para sa operasyon nang Mama ko,” saad ko.“Why? Makakatulong ang ibabayad ko sa’yo at sa pamilya mo. Kung sa iba ay hindi sila magdadalawang isip tanggapin ang pera. Pero ikaw tinatanggihan mo ang bayad ko,” Aniya.“Kung inaakala mo na mukha akong pera d’yan ka nagkakamali, kung ako ang tatanungin hindi ko sana tatanggapin ang alok mo pero kailangan ni Mama ng pera para sa operasyon niya. Lahat ng nakasaad sa kontrata susundin ko iyon at pangako kapag natapos ang kontrata hindi na ako magpapakita pa sa iyo.”“SHAINA POINT OF VIEW” “YOU may now kiss the bride.” Halos iyon lang ang salitang naintindihan ko sa mga oras na ‘to. Unti-unting itinaas ni Matteo ang belo na nakaharang sa mukha ko. Ngayon ang kasal namin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang hinigit na pala ako ni Matteo palapit sa kaniya. Dilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwa kong kamay. Halos maghiyawan ang mga bisita sa loob ng simbahan ng inilapat na ni Matteo ang labi niya sa labi ko. Hindi ako naka- react dahil ang first kiss ko ay mapupunta lamang pala sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala at hindi ko mahal. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Siya ang unang humiwalay sa halik at kaniya ako nitong inalalayan humarap sa mga bisita. Halos ang ginagawa naming pagpapanggap ay parang totoo dahil para kaming sweet couple
“SHAINA POINT OF VIEW” DALAWANG araw na ang lumipas ng ikasal kami ni Matteo. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing ‘yon. ~Flashback~ Dali- dali akong nagbalot ng tuwalya ng marinig namin ang pagkatok mula sa labas ng hotel room na kinatatayuan namin ni Matteo. Parehas kaming hubo’t hubad sa mga oras na iyon ng tawagin kami ng parents ni Matteo. Kaya ang binabalak ni Matteo ay hindi natupad. Mabuti na lang ay naka-lock ang pintuan kung kaya’t hindi nabuksan ni Mommy Livia at mabuti na lang din hindi kami naabutang may ginagawang milagro. Ang lasing na si Matteo ay parang nawala ang kalasingan ng dumating ang Mommy niya. “Oh? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ng Mommy niya sa kaniya, siya ang nagbukas ng pintuan dahil hindi ko magawang lumabas ng banyo dahil sa matinding kahihiyan. “She’s taking a shower. Why are you here, mom? ” Rinig kong tanong ni Matteo sa Mommy niya.“Kasi naman nakalimutan kong ibigay sa asa
“SHAINA POINT OF VIEW”NAGING maginhawa na ang pakiramdam ko dahil naoperahan na si Mama. At kasalukuyan siyang nagre-recover at dahil sa magandang balita na iyon ay gumaan ang pasanin ko. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ni Mama dahil wala na siyang dinaramdam na sakit sa puso. Ang kailangan ko ng lang gawin ngayon ay sumunod sa nais ni Matteo. Naging madalas ang pagpunta ni Carmela dito sa bahay ng boyfriend niya. Na asawa ko naman sa papel dahil sa kontrata na pinirmahan ko. Naging madalas din ang pamamasyal namin ni Carmela sa tuwing nasa kumpanya si Matteo. Pero ngayon hindi natuloy ang lakad namin ni Carmela dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa US. Hindi naman niya nabanggit kung ano ang aasikasuhin niya kaya hinayaan ko na lamang ito. Wala si Matteo dahil may inaasikaso sa kumpanya niya. Nabanggit lamang sa akin ni Matteo na pupunta ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ng mga kaibigan niya dito pero alam k
“THIRD PERSON POINT OF VIEW” Nagising ang dalaga nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang ibabaw. Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang liwanag ng buwan na nanggaling sa labas ng bintana. Ang kamay ng binata ay kung saan- saan na umaabot sa katawan ng dalaga.“Anong ginagawa mo?” Hindi nagsalita si Matteo bagkus siya ay abala sa paggawang paghalik sa leeg ng dalaga. Hindi niya magawang maitulak si Matteo na nasa kaniyang ibabaw sapagkat mas malakas sa kaniya ang binata. Dinagdag pa dito ay hinang- hina siya dahil sa matinding kalasingan. Sa bilis ng mga pangyayari at suot- suot niyang bistida ay wala na sa kaniyang katawan. Tanging alinghing lamang ang naririnig sa buong silid nito dulot ng matinding kiliti na ginagawa ni Matteo sa kaniyang katawan. “Matteo—” bigkas ng dalaga nang maramdaman niyang nasa kaniyang hita na ang kamay ni Matteo. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa mg
“SHAINA POINT OF VIEW”“Matteo, buntis ako.” Nakayukong sabi ko, kararating lamang niya galing sa trabaho. Pero hindi ko alam kung nagkita ba silang dalawa ni Carmela. Ang plano ko sana ay kay Carmela ko na lamang sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko pero may nagtulak sa akin na kay Matteo ko na lamang unang sabihin. Napatigil siya sa pagtatanggal ng kaniyang necktie dahil sa biglaan kong pagsasalita.“Say it again,” utos niya sa akin sa mahinang boses. “Buntis ako, magiging tatay ka na.” Paglilinaw ko, ano kaya ang pakiramdam kung ang lalaking mahal mo ang sasabihan mo nang ganoong bagay? Na magiging tatay na siya at nabuo ang sanggol sa sinapupunan ko dahil sa pagmamahalan namin. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay malabong mangyari, magiging nanay na ako at sa lalaking kaharap ko ngayon. “It’s true? You’re not joking, right?” “Bakit ako magbibiro Matteo? Isa itong seryosong usapin at ngayong buntis na ako nabibilang na ang mga araw ko dito. Sa puder mo,” pagkasabi ko no’n ay n
“THIRD PERSON POINT OF VIEW”Masayang nagsi- celebrate ang pamilyang David sa isang beach resort sa Tagaytay. Matapos ipaalam ni Matteo ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina ay nagpasiyang umuwi ng Pilipinas ang magulang ni Matteo upang i-celebrate ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina. Alagang- alaga ni Matteo si Shaina kahit na tatlong buwan pa lamang ang tiyan nito ay hindi hinahayaan ni Matteo na mapagod ito. Halata na ang umbok ng tiyan ng babae ngunit kahit na siya’y nagdadalagang tao kapansin-pansin pa rin ang hubog ng katawan nito. Habang masayang kumakain ang buong pamilyang David ay pinagsasandok pa ni Matteo ng pagkain si Shaina. Paniwalang-paniwala ang magulang ni Matteo dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ni Shaina. Sobrang sweet kasi ng dalawa na animo’y totoo silang nagmamahalan. “Kumain ka na rin, Matteo. Tignan mo, hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo,” sambit ni Shaina sa katabi. Hindi pa kasi kumakain ito dahil sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya. Nahi
“SHAINA POINT OF VIEW”“Best?” gulat na Ani ni Leti ng makita niya akong nakatayo sa labas ng pintuan niya. Nagpaalam kasi ako kay Matteo na pupunta ako sa apartment ni Leti para kamustahin ito. Hindi kasi ako matatahimik kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapaalam sa kaniya ang tungkol sa pinasok ko. Kaya ngayon gulat na gulat siya at hindi niya inaasahan na pupunta ako dito. Ngumiti ako ng pilit natatakot ako na magalit sa akin ang kaibigan ko dahil hindi ako tumawag sa kaniya ilang buwan na rin ang lumipas. “Ako nga ito—” naputol ang sasabihin ko ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Niyakap ko naman ito pabalik, ramdam ko ang pagka- miss niya sa ‘kin. Pigil ang luha ko ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Best! Saan ka bang lupalop nagsusuot ha? At teka bakit ang blooming mo ngayon?” bumaba ang tingin niya sa umbok kong tiyan. Nahihiya naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya.“At iyang tiyan mo? Lumunok ka ba ng dalawang pakwan?” taka nitong tanong. Hiyang- h
“SHAINA POINT OF VIEW”“Mukhang naka-istorbo ako sa inyo?” napatayo ako mula sa pagkakaupo nang biglang magsalita si Carmela mula sa likuran ko, hinarap ko ito. Maski si Matteo ay tumayo at tinungo niya ang puwesto ni Carmela. Nahihiya naman akong napayuko ng maghalikan sila sa harap ko. “ Jealous?” tanong niya kay Carmela ng matapos silang maghalikan. Tinignan ako ni Carmela at nginitian ako nito, parang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Matteo. Dahil siguro normal lang iyon para sa kanila. Marahan siyang tumango, mahina naman natawa si Matteo. Nagseselos siya sa akin? Bakit naman siya magseselos sa isang katulad ko?Bumalik ako sa pagkakaupo at muling kumain. Inasikaso ni Matteo ang girlfriend niya, nakaupo si Carmela sa katapat kong upuan. Samantalang katabi naman niya si Matteo na pinaglilingkuran siya. Nagpatuloy ako sa pagkain, upang makabalik na ako sa kuwarto. Ng hindi sinasadya na mabulunan ako. Akma kong aabutin ang isang basong tubig mula sa lamesa, n