Share

KABANATA 5

TAMARA’S P O V

Kakatapos ko lang magluto ng breakfast—fried rice, bacon and eggs, and I hurried upstairs to find Lily dressed and ready in her blue nursery school uniform.

“Wow! You can change on your own now!” I commented, crouching down to help her pull up her socks.

“I’m a big girl, mommy!”

Pagkatapos kong maisuot ang mga medyas sa mga maliliit niyang mga paa ay tumayo na ako upang ipusod ang kanyang mahaba, itim na itim at makintab na buhok.

She pouted, shaking her head when I pulled the flower hair clips from the drawer. “No! I want the peppa pig hair clip!”

Hinila ko ulit pabukas ang drawer at hinanap ang peppa pig na sinasabi niya. Nakita ko ang pink na peppa pig, ngunit umiling ulit siya, a look of disgust on her face, and then she sighed.

“Yung red na peppa pig!”

Napakamot ako sa ulo. Akala ko pink lang na peppa pig ang meron. “This one?” kulay blue ang nadampot ko at lalong nagmarakulyo ang aking prinsesa.

“Ako na lang ang hahanap. Here!” She passed me the red one. “Clip on this spot, mommy!” she pointed on the right side of her head, and I clipped it on that spot, but she didn’t seem very pleased. “Kailan ba kasi babalik si Ate Myca?”

“Bukas pa anak…’’ I said patiently, putting the other clip on the left side of her hair.

“Let’s eat breakfast, mommy. I don’t want to be late…’’ hinila niya na ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdanan.

Pagkaupo niya sa pwesto niya sa mesa ay ininom kaagad niya ang gatas na tinimpla ko para sa kanya.

I was putting some fried rice on her plate when Harry rushed in. “Harry, barado yung lababo…’’ noong nakaraang linggo ko pa napansin na barado ito, at naalala ko lang ulit sabihin ito sa kanya ngayon dahil naghugas ako ng mga ginamit ko sa pagluluto. “Pwede mo bang gawin saglit?”

“Wala na akong oras.” Aniya, bago hinigop ang kanyang mainit na kape. Isang linggo na siyang walang oras para gawin ito. “Hindi ka naman papasok ngayon, di ba? Tumawag ka na lang ng tubero.”

“Kahit andito ako sa bahay magtatrabaho pa rin ako.” Merong properties na pinapabenta sa akin si Sir James at kung maibenta ko ito sa loob lamang ng isang linggo ay malaki ang makukuha kong komisyon. Sayang naman kung hindi ko ito pagtutuunan ng pansin. Kailangan magdouble effort ako para hindi na gaanong nag oovertime si Harry. “Ihahatid ko si Lily, pagkatapos ay maggogrocery ako. Mamaya mayroon akong---’’

“Oo na, oo na. Busy ka din sa trabaho mo.” He said it in a sarcastic way and I didn’t like the sound of it.

“Ano ang gusto mong palabasin, Harry?” I said in a dangerously hushed tone. Kapag galit ako, alam niyang wala siyang emosyon na makikita sa akin.

“Kailangan ko ng umalis.” At tumayo na mula sa kanyang kinauupuan ng hindi man lang nag-aalmusal.

“Eh di umalis ka.”

Ni hindi man lang siya lumingon. Umalis siya ng bahay ng hindi man lang binigyan ng goodbye kiss ang kanyang anak. Ngayon lang niya ginawa ito. Hindi ko alam kung nakalimutan niya dahil sa inis niya sa akin, o dahil sinadya niya ito para lalo akong magalit sa kanya.

“Daddy’s angry…’’ Lily whispered after we heard the front door slam shut.

Gustong tumulo ng luha ko hindi dahil naaawa ako sa sarili ko. Naiiyak ako dahil hindi sanay si Lily na ganito ang daddy niya sa kanya.

“Busy lang si daddy, anak.” I forced a smile. “Nagmamadali lang yun kaya naibagsak niya ang pinto. You don’t have to worry about it, okay?”

Tumingin siya sa akin, at tumitig ng ilang segundo. Nagulat ako ng bigla na lang siyang bumaba sa upuan at naglakad papunta sa akin na nakabukas ang kanyang munting mga braso at niyakap ako ng sobrang higpit. Ayokong umiyak sa harap ng anak ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Dahil alam kong masasaktan din siya.

“Mommy…’’ bulong niya sa akin habang dahan-dahang humahaplos ang maliliit niyang kamay sa likod ko. “Mahal kita…’’ two words that meant so much to me. Ikinurap kurap ko ang mga mata ko para pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

“Mahal din kita anak…’’ hinalikan ko ang ibabaw ng kanyang buhok at saka ko siya niyakap ng mas mahigpit. Ano na kaya ang mangyayari sa akin kung wala ang anak ko sa tabi ko?

Nung gabing iyon bago matulog ay tumabi ako kay Lily sa kanyang kama. “Mommy, sabi ni teddy bear sa akin, bakit hindi na daw naggu-goodnight kiss si daddy?”

“Anong hindi?” dinampian ko siya ng halik sa noo. “Nagkikiss kaya sayo si daddy, hindi mo lang nakikita, kasi tulog ka na.” ayokong magsinungaling pero kailangan. Ayokong masaktan ang anak ko.

Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung kailan niya huling hinalikan si Lily bago ito matulog. Siguro noong mga gabi na hindi pa siya nag-uumpisa sa bago niyang trabaho. Ganun siya maggood night kay Lily. Hinahalikan niya sa pisngi at binabasahan ng fairy tale stories. Pero ngayon? Wala na. Kapag bago na lang siya matulog ay tinatanong niya lang. “Kumusta si Lily?”

Na sinasagot ko ng, “Maayos siya. Palagi kang hinahanap.” Ngunit parang balewala lahat ng iyon kay Harry, at hindi ko alam kung bakit.

……………

THREE MONTHS AGO

Nagising ako sa tunog ng dahan-dahang pagbukas at pagsara ng pintuan sa ibaba. Dali-dali akong bumaba at nakita ko si Harry na nagtatanggal ng sapatos. It was almost eleven in the evening, according to the clock hanging in the wall. Pagabi na ng pagabi ang uwi niya.

“Iinitin ko lang ang ulam.” Nilagpasan ko siya at dumiretso na ako sa kusina ngunit napahinto ako sa sinabi niya.

“Huwag na. Kumain na ako.”

“Saan? Sa canteen?”

Tumango ito.

Napahalukipkip ako, ang mga mata ko ay napatuon sa paper bag ng Calvin Klein na nasa ibabaw ng sofa sa tabi niya. Gabi-gabi na lang siyang may dala. Pero para lamang sa sarili niya.

“Akala ko ba busy ka sa trabaho. Sabi mo wala kang oras at madami kang ginagawa sa office. Buti nakakapag-shopping ka pa para sa sarili mo.” Alam ko iba na ang tono ng boses ko. Pero hindi ko maiwasang hindi maghihinanakit. “Sabihin mo nga sa akin, Harry. Nag-iinom ka ba?” Tanong ko nung maamoy ko ang alcohol sa bibig niya.

“Ano na naman to, Tamara?” pasinghal nitong sagot. “May nagbirthday sa office. Nagpakain. Nagpainom ng kaunti. Masama ba uminom paminsan-minsan?”

“Teka lang. Teka lang ha.” Itinaas ko ang kanang palad ko at pinatigil ko siya sa pagsasalita. “Sabi mo kanina sa canteen ka kumain.”

“Wala akong sinabing kumain ako sa canteen. Ikaw lang nag assume nun!”

“Tumango ka Harry! Ibig sabihin umoo ka! Ibig sabihin kumain ka sa canteen ng office nyo! Tapos ngayon sasabihin mo na nagpakain yung kawork mate mo dahil birthday? Ano ba talaga ang totoo, ha Harry!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status