Share

KABANATA 46

HARRY’S P O V

Nung tumawag si Wendy at sinabi sa akin na nakunan si Tam, pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari iyon. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakunan. Kay tagal kong hinintay na magkaanak kaming dalawa. Kay tagal naming sumubok, ngunit mawawala lamang ito sa isang iglap dahil sa mga panlolokong ginawa ko.

Naalala kong napag-usapan pa namin ito ni Wendy noong una kaming nagkita sa isang coffee shop. Hindi ko malaman kung paano napunta doon ang usapan namin pero bigla na lamang itong binanggit ni Wendy. Hindi ko rin alam na nasabi ito ni Tamara sa kanya.

“Sabi ni Tam, tinatry niyo daw magkaroon ng anak? Totoo ba?” tanong nito, at sinagot ko ito ng marahang tango sabay ngiti, pero tinignan niya lang ako nang may awa sa kanyang mga mata na ikinakunot ng aking noo. “Hindi mo nga siya masatisfy, paano mo pa siya mabubuntis?” she sighed, and I secretly rolled my eyes. “Huwag kang mag-alala, ituturo ko ang lahat sa’
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status