Share

Chapter 5

Chapter 5.

Everything happens for a reason yan ang laging sinasabi sa akin ni Mamit, mula nang malaman niya ang tungkol sa amin ni Luke ay hindi niya na kami tinantanan.

"You should pack more things in your bag Luke and Natasha wag ninyong sabihin na ilang araw lang kayo magbabakasyon? Dapat gawin ninyong buwan or taon pa nga! Mga batang ito,ang tagal nyo namang bigyan ako ng apo" natatarantang sabi ni Mamita sa aming dalawa ni Luke.

Daig pa nya ang magbabakasyon sa dami nang plano na gusto niyang gawin naming dalawa. Ang naka ngising si Luke ang bumungad sa harap ko habang malayong tinatanaw si Mamita na nakikipag usap sa mga maid doon.

"She likes you so much love, look at her she looks more excited than us" Naka ngiting saad ni Luke habang sabay naming tinitingnan si Mamita.

"Sana si Tito Liam ganyang din ang reaksyon para sa ating dalawa" wala sa sariling sabi ko. Agad ko namang napansin ang pag pawi nang mga ngiti sa labi ni Luke, tila ba ang pangalang binangit ko ay kinamumuhian nya.

" Don't mention his name again, I don't care even if he likes the idea of us or not. His opinion doesn't matter to us." pinal na sabi niya.

Alam kong malayo ang loob ni Luke sa Daddy niya pero hindi ko alam na ganito pala kalalim, minsan ng bumisita sa bahay nila si Tito Liam subalit ni anino ni Luke ay hindi ko nakita habang naroon siya. Ang alam ko lang ay inatake sa puso ang momy niya dahil na din sa pambabae ng Daddy niya. Mas pinili ko nalang manahimik pa nang mapansing ayaw niyang pagusapan iyon.

Habang nasa byahe kami ni Luke, napansin kong sobrang tahimik niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napansin niya siguro na sumusulyap ako sa kanya nagulat na lang ako ng bigla niyang i preno ang sasakyan niya sa tabi ng kalsada.

"My life is worst than you can even imagine Natasha." Seryosong sabi niya habang nakatanaw nang malayo sa harap ng sasakyan. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya ng maramdaman ko ang bigat nang paghinga niya.

"My Dad ruined my life, He is a beast inside love and i hate it because he's my father. Ayoko sa kanya, He killed my mom. My mom saw him cheating with our maid and it caused her to have a heart attack.I thought he would change love but he didn't.”

"Habang lumalaki ako i saw how ashole he was and i hate the fact that he is my father." I saw his hands trembling, para bang doon niya ibinubunton ang galit nya. Naintindihan ko na ngayon, kung bakit ganun nalang ang galit niya sa papa nya.

Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating narin kami sa probinsya ng Quezon, it's really far from Manila. Halos walong oras din ang byahe papunta sa probinsya nila Luke, Pero umabot yun nang halos siyam na oras dahil na din sa paghinto hinto namin sa mga magagandang tanawin.

Habang malaya kong pinagmamasdan ang napakagandang tanawin na nasa harap ko, naramdaman kong pumulupot ang mga kamay ni Luke sa bewang ko, hindi ko mapigilang mapaiyak sa senaryo naming dalawa. Siya na nasa likod ko yakap ako habang tahimik na pinagmamasdan ang bahay na nasa harap naming dalawa. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin mula sa likuran ang pagsubsob ng mukha nya sa leeg ko ang nakapag papikit sa akin.

Ramdam ko ang bawat paghinga nya at ang lakas ng tibok ng puso nya.

" Mahal na mahal kita Natasha, higit pa sa buhay ko at sa kung anong meron ako." ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Luke. Bigla naman akong nag alala ng maramdaman ang mainit na likidong unti unting pumapatak sa bandang leeg ko.

"Are you crying? What happend love" natataranta na tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kundi mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa aking at mas isinubsob pa niya ang mukha sa leeg ko.

Nang tangkain kong alisin ang pagkakapulupot ng mga kamay nya sa bewang ko ay mas lalo pa itong humigpit.

" Please let's stay like this for a while. Love, I never felt safe and genuinely happy unlike now. You are my life Natasha, Please stay with me forever." nang marinig ang mga iyon mula sa mismo sa mga labi ni Luke, hindi kona napigilan pang mapaiyak.

" Dito na lang tayo Love, magpakasal tayo at bubuo ng pamilya sa lugar nato." Dagdag pa nya.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pang mapahagikhik dala na din ng kilig sa mga pinagsasabi nya.

"Gusto mo bang atakihin si Mamita kapag hindi na tayo bumalik ? Saka hindi ka sanay sa probinsya Luke,baka hindi mo kayanin ang buhay dito ibang iba ito sa buhay mo." Isang mahinang tawa ang narinig ko sa kanya.

"Kung ito lang ang paraan para makasama ka, aanhin ko ang buhay sa Manila kung wala ka?" banat nya pa.

"Aba-aba marunong ka palang mambola eh no?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya, naramdaman ko ang pag ngiti nya dahil sa tanong ko.

"Hindi ko alam pero pagdating sayo nag iiba ako, yung Luke na nakikita mo ngayon ko palang din nakikilala. I never thought that i have this side. Akala ko laging may kapalit kapag magmamahal ka,but you prove me wrong." aniya, dahil sa mga sinabi ni Luke mas lalo ko pa siyang minahal. I feel like he needs someone to love him more.

He looks like he have a steel personality, yung tipong hindi sya nasasaktan. Akala ko din noon sobrang sama ng ugali nya, halos isumpa ko na sana may taong manakit sa kanya para makaramdam sya ng sakit at matuto sya. Alam kong konti palang ang nalalaman ko kay Luke, pero sapat na yung mga nalaman ko para maintindihan na mali ako na may dahilan pala kung bakit ganyan sya, kung bakit halos wala kang makitang emosyon sa mga mata nya kundi puro galit at poot.

" You deserve to be loved without any condition, without any law and substitute. I'll show you and I'll prove to you that you deserve love without any condition. Minahal kita noon at mas minahal pa kita ngayon Luke." agad pumatak ang mga luha sa mata ko pag katapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Naramdaman ko din ang pag alog ng balikat ni Luke at ang mga luha na pumapatak sa mga mata nya ay patuloy na bumabasa sa balikat ko.

" If i can only turn back time."mahinang bulong nya subalit narinig ko din iyon.

Tunog ng cellphone ang nakapagpa hinto sa aming dalawa. Dahil doon ay lumuwag ang pagka kayakap sa akin ni Luke at naging dahilan iyon para makaharap ako sa kanya.

Hindi ko alam pero biglang nag iba ang aura ni Luke nang makita kung sino ang tumawag sa telepono. Ang pag kunot ng noo nya at pag igting ng panga nya ay sapat na para malaman ko na hindi niya gusto ang tumawag.

"Okay kalang Love?" Malambing na tanong ko sa kanya.

"Iloveyou, please always believe and remember that" naka ngiting sabi nya bago sinagot ang telepono at lumayo sa lugar na kinatatayuan naming dalawa.

Hindi ko nalang pinansin ang paglayo nya subalit hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot,pagsisisi at takot sa mga mata nya. Mga emosyon na ngayon ko lang nakita , inisip ko nalang na si Tito Liam ang tumawag sa kanya.

Naisip kong maglakad lakad habang hinihintay na matapos si Luke, dahil sa pag lakad lakad, nakarating ako sa may likod na bahagi ng bahay nila. Nakita ko doon ang isang malaking puno ng narra napakalaki nito kumpara sa ibang mga puno nila sa bakuran, tila ba ito ang pinaka iniingatan nila. Habang papalapit ako napansin ko ang malaking puso na nakaukit sa puno. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, ng tuluyan na akong makalapit dito napansin ko ang dalawang letra na nakaukit sa malaking puno.

"A and L Forever" basa ko sa nakasulat dito, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sa hindi malamang dahilan para bang lalabas na ang puso ko mula rito.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko, at buong lakas na tumalikod mula sa puno, agad akong lumakad pabalik sa kinatatayuan namin gustong gusto ko tanungin kay Luke ang ibig sabihin ng nakaukit sa puno, kung sino si A at L.

Nang makitang wala pa din doon si Luke nag desisyon na ako na hanapin sya.

Nakita kong nakatalikod sya sa gawi ko habang may kausap padin sa telepono. Handa na sana akong tawagin siya nang bigla sya magsalita.

"I said leave it to me! Ako na ang bahala. Hindi ako tanga para mahalin sya,It's just a show. Nothing else involve on it. I promise." pansin kong halos bumakat ang mga kuko ni Luke dahil sa pagkuyom ng mga kamay nya, tila ba doon nya inilalabas ang galit nya.

Agad akong nakaramdam ng lungkot at kaba dahil sa mga narinig. Mahal mo naman ako Luke diba? Kung sino man ang kausap mo at kung ano man ang pinag uusapan nyo sana mali ang nasa isip ko.

Ikaw nalang ang meron ako Luke, at lahat isinugal ko na sayo. Please don't hurt and abandon me like my own family.

Ang biglang pagpihit ni Luke paharap sa direksyon ko ang siyang nagpatigil sa kanya. Napansin ko ang gulat sa mga mata niya at ang sakit ay mababakas mo din doon. Bago pa man sya makagawa ng kahit ano agad akong ngumiti sa kanya.

" I love you so much, I trust you." mahinang sabi ko bago tuluyang tumalikod sa kanya at bumalik sa sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status