Share

Chapter 1

CHAPTER 1

NATASHA POV

Tunog nang cellphone ang gumising sa akin mula sa pag kakatulog, halos hindi ko ma-imulat ang mga mata ko dahil mahapdi pa ito,dahil sa mag damag kong pag iyak. Hmmp! Napaka iyakin ko talaga kapag mag isa lang ako at walang nakakakita.

Sa mantalang hindi man lang ako umiyak nang mahulog ako sa hagdan dahil sa sobrang kahihiyan! Letse kasing lalaking yan! Akala mo hindi ako tao kung makapag utos. Tapos pag balik ko madadatnan ko syang nakikipag palitan nang laway sa haliparot nyang babae!

“Ano ba! Ang aga-aga mo para mam bulabog dito! Natutulog pa yung tao-“ isang tikhim mula sa kabilang linya ang nag patigil sa akin.

Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay agad akong nakaramdam nang hiya, ramdam ko ang pag init nang dalawa kong pisngi dahil sa pag-kapahiya nang maalala ko kung ano ang ginawa ko kahapon at kung bakit ako nahulog sa hagdan.

“ Go to my room , within 5minutes you should be here or else-“ bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay agad ko syang binabaan nang telepono.

Naramdaman ko ang pag vibrate nito mula sa aking kamay pero hindi ko iyon pinansin, Hmmp! Akala nya ba porket maid nya ako ay kaya nya akong api-apihin!

At hindi dahil gusto ko sya eh magiging marupok na ako sa kanya!

Sa aking pag tayo mula sa aking kama agad kong naramdaman ang sakit nang aking balakang mula sa pag kakahulog sa hagdan, Nang makita ko kasi na nakikipag halikan sya sa babae nya ay agad kong binato sa kanila ang dala kong libro na pinakuha nya sakin sa ibaba.

Sa galit ko hindi ko alam na napalakas pala ang bato ko at tumama ito sa ulo nya, kaso sa ibaba nga lang!

Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang pamimilipit nya, ang mukha nya ay sobrang pula na tila bubuga nang apoy sa sobrang pagka-pula nito, maging ang dalawang mata nya ay halos maluha-luha na din dahil sa sakit.

Ramdam ko ang panginginig nang kalamnan ko,hindi dahil sa takot sa kanya, Pero dahil alam kong pwedeng mag karoon nang ibang epekto iyon, paano kung hindi na yun hmmm tumayo diba?

Ang pag angat nang tingin nya sa akin at dahan dahang pag hakbang papunta sa kina-tatayuan ko ang siyang naging dahilan para kumaripas ako nang takbo at mahulog pa nga sa hagdan.

Kung wala lang siguro akong kasalanan ay mananatili akong nakahiga roon at uutusan siyang buhatin ako. Pero dahil alam kong sapul ang kanyang pinaka iniingatan ay talagang ni isang sakit nang katawan mula sa pag kakahulog ko sa hagdan ay hindi ko naramdaman!

Agad akong bumalik sa realidad nang makarinig ako nang isang katok mula sa labas nang pinto ko, Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang ako sa pag lakad papunta sa banyo dito sa loob nang kwarto ko.

Agad akong napangisi habang tinitingnan ang kabuuan nang banyo, kung baguhan ka dito iisipin mong ako ang may ari nang mansyon na ito dahil na din sa ganda nang kwartong kinaroroonan ko.

Kompleto ang mga gamit sa banyo, may shower at bathtub din ito, may lababo at malaking salamin na kita ang kabuuan ko, bukod pa doon may aircon at heater pa ito. Kung anong makikita ko sa banyo ng boss ko, lahat ng iyon ay mayroon din ako.

“ Natasha! Can you please listen to me this time! Ako ang boss dito, bakit parang ako pa ang kailangan magmakaawa sayo para sundin ang mga utos ko?“ si Luke sa galit na boses, sa halip na matakot sa kanya dahil sya ang amo ko isang halakhak ang pinakawalan ko, sobrang saya ko at hindi ko mapigilang mag tatalon dahil sa tuwa!

“Yesss! Yess! Omggg Thank you so much God! You're the best! Thank you so much po dahil hindi nyo hinayaang hindi na makatayo ang flappy bird ni Luke, Salamat po at nakakalakad na sya. Utang na loob ko po sa inyo ang pag tayo nang kanyang-“ bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang kalabog mula sa binuksang pinto ang narinig ko, isang namumula at galit na si Luke ang bumungad sa akin, Ang pag igting nang kanyang panga ay mas lalong nag pa gwapo sa kanya! Suot ang isang itim na t-shirt and boxer shorts ay aakalain mong isa siyang bigating modelo.

“Tapos kana?“ tanong nya.

“ Tapos saan?“Lutang kong sagot habang patuloy padin sa pag titig sa kabuuan nya.

“Pag nasaan ako.. tapos kana? Busog kana?“ ani nya sa nakaka insulto ngunit may bahid padin nang galit ang boses nito. Sa halip na mahiya , taas noo ko siyang hinarap at tinitigan sa mata. “Hindi pa! Bakit may angal ka? Pasalamat ka nga jan at pinag pray ko yang flappy bird mo eh! Edi san hindi na yan nakatayo-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko na talagang nanlilisik na ang mga mata nya.

“NATASHA CLEMENTINE -“ nang marinig ko ang galit na boses niya habang sinasabi ang buong pangalan ko ay agad akong napalunok nang ilang beses at dahan dahang umatras para muling makatakas sa lalaking bubuga na ata nang apoy sa sobrang pula. “ Kelan kaba matututo Natasha! Katulong kalang, Katulong lang kita dito. Hindi kita girlfriend o asawa para umasta nang ganyan-“ hindi ko hinayaan na tapusin nya ang kasunod na sasabihin nya .

Nakaramdam ako nang kirot mula sa aking dibdib dahil doon, pero hindi ko iyon pinahalata. Hindi pwedeng maging mahina ako sa harap nya! Hindi pwedeng malaman nya na sa bawat pag bigkas nya nang salitang “katulong“ ay nasasaktan ako nang sobra.

“ Edi wow flappy bird Luke “ putol ko sa sasabihin nya sabay labas nang dila, tila ba para akong batang nang aasar sa harap nya.

Sa sobrang galit tinalikuran nya ako habang pabagsak na sinarado ang pinto nang kwarto ko. Kasabay nang pag sarado nito ay sya ding pag patak nang luha galing sa mata ko. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang to, pero alam ko na sa tuwing ipapamuka nya sa akin na hangang katulong lang ako ay talagang masakit marinig.

Hindi dahil sa mababa ang trabahong ito kundi dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko sya! Gustong gusto ko sya. Kahit pa parang tila napaka laki nang galit nya sa mundo kapag malapit ako ay kabaligtaran naman iyon nang nararamdaman ko, dahil kapag malapit sya ay talagang nawawala ang galit ko sa mundo.

Habang pinag mamasdan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin na naka kabit sa malaking aparador, Parang hindi ko kilaka kung sino ang nakikita ko na para bang sa tuwing makikita ko ang sarili ko puro katanungan ang nakikita ko sa mga mata ko .

Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung sino ba talaga ako? Kung sinong mga magulang ko? Kung ito ba talaga ang totoong pangalan ko. Dahil ni isa ay wala akong matandaan. Naalala ko pa nung nagising ako sa hospital at si Luke ang unang bumungad sa mukha ko.

Hindi ko alam pero sobrang bilis nang tibok nang puso ko habang pinag mamasdan sya para bang gustong kumawala nang puso ko sa dibdib ko, pero bigla ding gumuho ang mundo ko nang tanungin ko sya kung mag kaano-ano ba kami o kung boyfriend ko sya, Nagulat ako nang sabihin niyang katulong nya ako at niligtas nya ako dahil sa katangahan ko!

*************

Suot ang isang puting bistida na hanggang tuhod ang haba, Dahan dahan akong kumapit sa hawakan nito sa gilid ko. Isang hakbang palang ang nagagawa ko ay parang gusto ko nang kumaripas nang takbo pa-baba nang makita ko kung sino ang naroon.

“Mamitaaaaaa, Omggg I missss youuuu.“ agad na napa lingon sa akin ang dalawang tao na nag uusap sa may dulo nang hagdan, Agad na lumawak ang ngiti nang matandang babae nang makita ako subalit kabaligtaran naman nito ang reaksyon ni Luke na naka busangot at masama ang tingin sa akin.

“ Natasha Apo ko ang ganda ganda mo talagang bata ka!“ ani mamita, ang lola ni Luke na itinuring na akong sariling pamilya o tamang sabihin na ako ang gusto nya para sa nag iisang Apo nya!

“Pshh.. Saan banda - ?“ pabulong na sabi ni Luke pero narinig naming dalawa nang lola nya, kaya bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay isang palo gamit ang pamaypay ang natanggap nya kay Mamita, agad namang nanlaki ang mata ni Luke dahil medyo may kalakasan din ang pag palo nito sa kanya.

Hindi ko mapigilang tumawa nang malakas kaya ganun nalang ang pag igting nang panga nya! Kawawa kasi si Luke pag dating sakin at kay Mamita dahil kahit hindi naman talaga nila ako kaano-ano ay itinuring na nila akong pamilya maliban sa lalaking gusto na ata akong patayin gamit ang nanlilisik niyang mata.

Isang tunog ng telepono ang nakapag pa hinto sa titigan naming dalawa ni Luke, Agad kong nilingon si Mamita na palayo na pala sa amin habang may kausap sa telepono. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa postura ni Mamita dahil kahit na matanda na sya ay hindi maiikailang talagang alagang alaga nya ang katawan at kutis nya. Kaya hindi na ako mag tataka kung saan nakuha ni Tito Lim-Papa ni Luke ang ka-gwapuhang taglay nya.

Bago pa man ako maka lingon, isang matigas na kamay ang naramdaman kong pumulupot sa aking baywang , habang idinidiin nito ang aking likuran patungo sa kanya. Agad akong napalunok nang makaramdam ako nang kakaibang kuryente na parang dumadaloy sa dugo ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang gumalaw, ni hindi ko nga magawang alisin ang kamay ni Luke na naka pulupot sa bewang ko.

Naramdaman ko ang hininga nya sa may batok ko, tila ba parang inaamoy nito ang parteng iyon. “L-luke a-ano ba-.“ bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko isang halik sa batok ang natangap ko mula sa kanya na tuluyang nag patigil sa akin. Dahil sa gulat at kaba ay pilit kong inaalis ang kamay nya na parang bakal sa tigas.

“ Are you scared now Natasha? Diba ito naman ang gusto mo? Diba gustong gusto mo to.“ ani Luke habang patuloy niyang idinidiin sa akin ang kanyang ari na mala bakal sa tigas. Agad na nakaramdam ako nang pang iinsulto dahil sa gunawa at sinabi nya!

Buong pwersa kong inalis ang kamay nya, dahil sa hindi niya yun inaasahan ay nag tagumpay ako na makawala sa yakap nya, o tamang sabihin na pambabastos nya! Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko nang humarap ako sa kanya, Ang naka ngisi niyang mukha kanina ay biglang nawala nang makita niyang umiiyak ako. Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya, tila ba inaasahan niya na talagang sasampalin ko sya.

Ang pag sinok ko tanda nang sobrang sama nang loob at pag pigil sa iyak ang nag palunok nang sunod-sunod sa kanya. Hindi ko alam pero sobrang nasaktan talaga ako sa sinabi niya. Alam ko naman na lantaran kong sinasabi at pinapakita na gusto ko talaga sya pero hindi sa paraang iniisip niya.

“ N-napaka g-gago m-mo, w-wag na wag mo akong itutulad sa mga babaeng kinakama mo! Oo katulong lang ako at mababa ako kumpara sa mga babae mo! Oo may gusto ako sayo pero kahit kailan hindi ko binaba ang sarili ko para sayo! Katulong man ako para sayo pero sana wag mo naman akong bastusin dahil sa estado ko at dahil nadin sa alam mong gusto kita!“

Hindi kona nakita ang reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil nanlalabo nadin ang mga mata ko sa mga luhang sunod sunod ang patak, pero alam kong nakatingin siya sa akin habang umiiyak ako.

Galit akong tumalikod sa kanya, dahil na din sa sobrang sama nang loob ay hindi ko na nagawang tingnan ang daan na nilalakaran ko dahil sa pag mamadali at panlalabo nang mga mata ay hindi ko na napansin ang isang baitang nang hagdan, hinahanda ko na sana ang mukha ko na tumama sa ikalawang baitang subalit may dalawang kamay ang humawak sa mag kabila kong baiwang. Sa amoy palang ay alam kong si Luke ang nasa likod ko at ang may ari nang kamay na nakahawak sa bewang ko.

Agad niya akong itinayo dahil para akong nakatuwad sa posisyon ko wala akong balak na mag pasalamat dahil masama talaga ang loob ko sa kanya pero bago pa man ako tuluyang maka akyat sa hagdan ay bigla akong napatigil sa sinabi niya.

“ Nasaktan kita, pero hindi ko hahayaan na masaktan ka nang iba o nang kahit anong bagay. Ako lang.“ ani Luke sa seryoso ngunit mababang boses, tila ba sa sarili niya lang dapat sasabihin iyon at hindi talaga para sa akin agad siyang tumalikod paalis sa harapan ko, nakita ko ang naka kuyom niyang kamay na tila ba gustong sumuntok sa isang matigas na bagay.

Ako yung nasaktan diba? Bakit siya pa ang galit kung umakto? Dahil ba hindi niya matanggap na isang katulong ang sumampal sa kanya?

Agad akong napa ngiti nang mapait dahil dito, dala ang sama nang loob dahil sa nangyari at dahil na din sa naiisip ko ay tuluyan ko nang nilisan ang lugar na iyon at pumunta sa aking kwarto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status