Share

Chapter 3

CHAPTER 3.

Ang pag alon nang kurtina papunta malapit sa aking kama ang nag pa gising sa akin, agad kong kinusot ang mga mata ko dahil pilit parin itong pumipikit dala nang sobrang kaantukan, ang bukas na babasaging pinto papunta sa balkonahe ang nakapukaw sa atensyon ko, kaya pala ang lakas at lamig nang hangin kanina.

Sa haba nang panahong nanatili ako dito sa silid na ito, ngayon lang ako pumunta sa balkonahe nang kwarto ko hindi ko alam pero may kung ano sa balkonahe ang nagpapasakit nang dibdib ko. Ang hirap dahil nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Napag desisyonan kong tumayo at pumunta sa balkonahe sa unang pagkakataon,hindi ko alam pero may kung ano sa isip ko ang nagtutulak na gawin iyon.

Mula dito sa kinatatayuan ko, natanaw ko ang napaka gandang tanawin sa labas nang bahay na pag mamay-ari nang pamilya Bautista. Isa ang pamilya ni Luke sa pinaka mayaman at kilala dito sa bansa.

Nang ilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan nang likurang parte nang bahay nila agad kong napansin ang ganda nang mga puno na nakahanay sa paligid nila,halatang plinano ito base sa itsura at pantay-pantay na sukat nito.

Para bang nasa parke ka kung pag mamasdan mo ito dahil na din sa maraming ibat-ibang makukulay na bulaklak ang nakapaligid sa bawat puno roon naging mas maganda itong pag masdan.

Sabi ni mamita, mahilig daw sa mga bulaklak ang momy ni Luke at ito daw ang nangangalaga sa mga tanim nila sa paligid nang bahay, kaya lang maaga itong pumanaw dahil sa sakit sa puso.

Nang muli kong ilibot ang paningin ko Isang magarang hagdan ang natanaw ko na tila ba ginawa ito nang planado dahil sa ganda nang pagkaka gawa at disenyo nito.

Ang apakan nito ay gawa sa mga makikinis na bato na pinagdikit dikit, agad kong sinundan nang tanaw ang bawat baitang ng hagdan doon pababa patungo sa dagat na pag mamay ari din nila.

Tanaw ko ang ganda nang kulay nang buhangin na taglay nito, napa ngiti ako nang malungkot nang mapagtantong kailan man ay hindi pa ako nakakapunta doon, tanging loob lang nang bahay na ito ang nakikita at nalilibot ko sa loob nang dalawang taon.

Kilala ang pamilya ni Luke bilang isa sa pinaka mayaman dito sa Pilipinas, sa dami nang pag mamay ari nilang negosyo at lupain dito hanggang sa ibang bansa, hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang dami ang kalaban nila.

Ramdam ko ang bawat dampi nang hangin sa balat ko,masaya kong pinikit ang mga mata ko habang patuloy na dinadama ang malakas na hangin sa balkonahe, isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang muling makaramdam nang pangungulila.

Hindi ko alam kung para saan pero alam kong mayroong kulang sa pag katao ko at yun ay ang mga alaala na naiwala ko dahil sa aksidente. Ni hindi ko nga alam kung sino o paano ako naaksidente, basta nagising nalang ako na katulong ni Luke.

Kahit isa sa ay wala akong matandaan, hindi ko nga alam kung talaga bang dito ako lumaki sa Pilipinas, marami kasing nag sasabi na hindi daw ako purong pinoy,naalala ko pa noon na dahil sa kagustuhan kong malaman ang sagot ay hindi na ako muling nakalabas sa mansyon na ito, maliban nalang kung isasama nya ako sa pupuntahan nya.

“ Yes, I know my responsibility and i don't forget our plan. Everything is already settled, Just leave it all to me.“ seryosong boses ni Luke ang narinig ko habang may kausap sa telepono.

Nasa kabilang balkonahe lang sya kaya malinaw kong naririnig ang pag uusap nila. Siguradong hindi niya ako napansin dahil nakatalikod sya sa banda ko.

“ I already playing with -“ hindi nya natapos ang sasabihin nya nang bigla syang humarap sa gawi ko.

Agad kong nakitaan nang gulat ang mga mata nya habang nag mamadaling binaba at pinatay ang telepono.

“ Natasha? What are you doing here?“ ani Luke sa isang seryosong boses. Agad namang napakunot ang noon ko sa inasta niya, tila ba natatakot na nagagalit ang aura nang mukha niya.

“Pati ba naman sa balkonahe bawal na din ako lumabas? Ito na nga lang yung makikita ko,pati ba naman dito ipapagbawal mo?“ malungkot na tanong ko sa kanya habang nakatingin nang deretso sa mga mata nya.

Nakitaan ko nang awa at pagsisisi ang mga mata ni Luke, hindi ko alam kung para saan iyon dahil sa tagal naming mag kasama ngayon ko lang sya nakitang ganito.

“Let's have dinner baby.“ ani niya sa isang mahinahon at malambing na tono, hindi ko alam pero sa bawat pag bigkas nya nang mga matatamis na salita para sa akin ay nakakaramdam ako nang takot at kaba?

Sobrang hirap kasi paniwalaan na sa isang gabi nag bago sya. matagal ko syang tinitigan , agad kong napansin ang pag kunot nang noo nya.

“I wanna go in park Luke, papayag ka?“ pag-amin ko sa kanya, noon paman hindi ko alam kung bakit Park ang pinaka gusto kong puntahan, para bang kahit noon ay hindi ko pa nagawang makapunta dito.

Siguro dahil mahirap lang ang pamilya namin, kaya hindi man lang ako nakapunta sa park.

“Kahit saan mo gusto basta kasama ako, pupunta tayo.“ naka ngiting tugon nya, nang marinig iyon agad akong napangiti at hindi na napigilan pang ipakita ang tuwa sa kanya.

Para akong bata, agad akong nag madaling pumasok sa loob nang kwarto ko at dali-daling pumili nang susuotin. Nang makita ko ang binigay ni mamita sa akin na black jumpsuit na fitted agad ko itong kinuha at inilagay sa kama ko.

Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo, sa sobrang saya ko ay hindi ko namalayang naka tatlong ulit na pala ako sa pag shampoo!

Nang matapos ako agad akong pumunta sa harap nang malaking salamin dito sa kwarto ko para ayusin ang buhok ko, hindi ko alam kung bakit alam na alam kong gamitin ang mga gamit na ito, para bang sanay na sanay akong gumamit nang mga ganitong bagay.

Napag desisyonan kong ikulot nang malalaki ang buhok ko, nag muka itong paalon dahil sa ginawa kong pag kulot nang matapos ako agad akong napa ngiti sa kinalabasan nang itsura ko!

Bumagay ang kulay nang buhok ko na caramel brown sa ayos nito,hanggang bewang kona din ang haba nito kaya ang ganda pag masdan.

Nang masuot kona ang jumpsuit,agad akong napangiti sa itsura ko. Bumagay ang suot ko sa buhok ko, kitang kita din ang hubog nang katawan ko maging sa mag balakang ko.

Tunog nang cellphone ang nakaagaw nang pansin ko, isang message ang natangap ko mula kay Luke.

“ Where are you? I'm already here outside.“ mahinang basa ko sa message nya.

Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sa mga labi ko nang may naisip akong plano, nag mamadali kong kihuna ang maliit kong bag na channel, galing din ito kay mamita.

Kung tutuusin, muka akong mayaman sa itsura ko, madami ang nag sasabi na baka itinatago lang nila ako bilang katulong pero ako daw talaga ang fiance ni Luke.

Sa pag bukas ko nang pinto palabas sa bahay nila, si Luke na nakatalikod ang bumungad sa akin. Nakatuon ang isang kamay nya sa uluhan nang sasakyan habang ang isang kamay naman nya ay may hawak na telepono at nakalagay ito sa kaliwang tenga nya.

Agad kong inayos ang hawi nang buhok ko habang nakatalikod sya, nang matapos sya sa kausap nya, nakita kong may pinindot sya sa cellphone nya agad napataas ang kilay ko nang makita kong may tinawagan na naman sya.

Napatalon ako sa gulat nang biglang mag ring ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Agad namamg napatingin si Luke sa gawi ko habang nakalagay padin ang cellphone nya sa tapat ng tenga nya.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang hiya sa paraan nang pag titig nya, para bang hindi sya makapaniwala na ako ang nasa harap nya. Ang pag hagod nya nang tingin sa katawan ko ay nag dulot nang kakaibang reaksyon sa akin. Ang sunod-sunod nyang pag lunok ay hindi din nakaligtas sa paningin ko.

“Wow you look so good love, you look stunning and hot.“ ani nya sa isang namamaos na boses.

Agad naman akong nahiya dahil sa sinabi nya. Nag mamadaling lumakad ako palapit sa kanya habang naka tungo at naka tingin ako sa bawat inaapakan ko, nang malapit na ako sa pwesto nya, agad nyang hinapit ang bewang ko palapit pa lalo sa kanya.

Naramdaman ko ang isang kamay nya na humawak sa ilalim nang baba ko at iniangat ito para mag pantay ang mukha naming dalawa. Hindi ko man gustong titigan sya nang ganito kalapit hindi ko na nagawa pang umiwas nang makita ang lamlam at adorasyon sa mga mata nya.

“We will go in park right? Tara na Luke its almost afternoon -“

“ You're so beautiful Natasha, You're so beautiful for the beast like me. How can i have you baby, I can't let you go.“ Ani Luke sa isang seryosong boses, ang mga mata nya ay nag papakita nang sinseridad.

Naramdaman ko ang sobrang bilis nang tibok nang puso ko, naramdaman ko din ang bilis nang tibok nang puso nya dahil nakahawak ang kamay ko sa dibdib nya dahil sa biglang pag hapit nya sa akin kanina.

“ I like you, Natasha. Gustong gusto kita matagal na.“ pag amin nya habang nasa ganong pwesto parin kami.

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ko, He likes me? But I'm InLove with him. How i can be happy? Ang laki nang pag kakaiba naming dalawa, baka nagustuhan nya lang ako kasi sya ang naka una sa akin.

“Mahal kita at gusto mo lang ako, we're different Luke.“ malungkot na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag dikit nang noo nya sa noo ko, pinag kuskus nya ang dulo nang mga ilong naming dalawa.

“ We're same love, sino bang nag sabi sayo na gusto lang kita? Hindi ba pwedeng gusto kita habang minamahal ka? I love you Natasha, please gave me chance.“ nakapikit ang mata nya habang sinasabi iyon, ramdam ko ang sobrang bilis nang tibok nang puso nya.

“ Paanong mahal mo ako pero kung i trato mo ako ay parang isang taong kinamumuhian mo? Paano mo nasabing mahal mo ako kung nagawa mong makipag halikan sa ibang babae habang kaharap ako? Bakit ang sakit mong mag maha Luke?“ hindi ko na napigilan pang itanong sa kanya ang lahat nang gumugulo sa akin,dahil alam kong konting konti nalang bibigay na ako sa kanya.

Natahimik sya sa mga tanong ko, napansin ko din na mas humigpit ang hawak nya sa likod ko, nagulat ako nang hapitin nya ako at tuluyang yakapin nang sobrang higpit, ang ulo nya ay naka subsob sa leeg ko kaya ramdam ko ang pag hinga nya.

Buong akala ko ay hindi sya mag sasalita at hindi na sasagutin pa ang mga tanong ko. Ramdam ko ang paraan nang pag hinga nya nang malalim na para bang doon sya humuhugot nang lakas nang loob para mag salita.

“Hindi ko alam kung maniniwala ka, pero gusto na kita matagal na. You are different, you are too showy about how you feel towards me, You are so strong na kahit pa ipagtabuyan kita nanatili ka. Ayokong tanggapin na mahal kita dahil ayokong mahalin ka habang magulo pa, thats why i choose to hurt you by my words and actions i tried many girls to divert my attention towards them, pero wala eh kahit ilang labi ang halikan ko ikaw ang nakikita ko. Kahit ilang babae pa ang kasama ko, ikaw padin ang gusto ko. Mahal kita i hope you believe that my feelings was real.“ ani Luke habang nakasubsob padin ang mukha sa leeg ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot, dahil mag kasalungat ang sinasabi nang isip at puso ko.Pero nang ang mga kamay ko na mismo ang yumakap pabalik sa kanya alam ko, na ang puso ko ang nanalo. Wala namang masama kung susugal ako diba?

“Mahal kita Luke, wag mo sanang baliin ang lahat nang sinabi mo. Ikaw nalang ang alam kong meron ako. “ agad kong naramdaman ang pag higpit nang yakap nya at ang paglakas pa lalo nang tibok nang puso nya.

At sa pagkakataong ito, alam kong hindi ko na magagawa ng umahon pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status